in Another Lifetime

By imPaulsterz

1.8K 34 8

"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 11

69 0 0
By imPaulsterz

Parehong hindi mawala sa mukha namin ni Liza ang saya na na experience namin ngayong linggo. Hindi rin matapos sa pagkukwento si Liza tungkol sa mga masasayang nangyari sa kanya ngayong araw. Kahit sino naman siguro. Basta 1st time mong naranasan ang isang bagay, hinding hindi ka matatapos sa pagkukwento. habang papauwi kami, biglang nag ring ang cellphone ko. Si inay tumatawag.

"Hello Nay. Kumusta po kayo?" Sabi ko

"Oh Paulo. Akala ko ba uuwi ka tuwing weekend? Bat di ka umuwi kahapon? Sabi ko magtetext ka o kaya tumawag man lang." Sabi ni inay.

"Ay nay pasensya na po. Eh kasi busy lang po talaga ako ngayon. Ang dami na pong gawain sa school. Malapit na rin po kasi ang Finals namin kaya bugbog na rin po ako sa pag aaral pati sa thesis namin. Di bale inay next sunday po try ko makauwi dyan sa atin. Miss ko na po kayo." Sabi ko.

"Miss na rin kita anak. Talagang nagma mature ka na. Natututunan mo nang maging independent. Wag ka lang agad mag aasawa ah. Magtrabaho ka muna." Sabi ni inay.

"Ay hindi po. Hehe opo mag aaral muna ako. Tsaka wala naman po akong pwedeng maging inspirasyon sa ngayon kaya pag aaral lang muna talaga tsaka trabaho agad pagka graduate ko nay." Sabi ko.

"Naku. Eh yung babaeng dinala mo rito noong nakaraang linggo. Yung si Liza ba yun? Hindi mo pa ba sya inspirasyon o girlfriend? Ok naman sya ah. Basta wag lang agad kayo magpaplano ng kung anu ano ha!" Sabi ni inay.

"Ha!? Kayo talaga kung anu ano mga pinag iiisip nyo. Hindi ko naman girlfriend si Liza eh. Kaibigan ko lang yun. Sige na nga po. Babye na. Hehe goodnight po." Sabi ko.

"Deny deny pa. Hehe sige anak. Goodnight. Ingat ah. Godbless. Bye." Sabi ni inay.

Ang kulit lang ng nanay ko. Sinabi ba namang girlfriend ko si Liza. Hay naku. Gagawa pa ng issue eh.

"Sino yung kausap mo Paulo? Bat parang narinig ko ata yung pangalan ko kanina?" Sabi ni Liza.

"Ha? Ah eh si inay. Nangumusta lang. Kinumusta ka lang din. Namiss ka ata." sabi ko.

"Talaga? Hehe namimiss ko na rin ang pamilya mo. Sana makapunta pa ko ulit dun sa inyo. Pwede pa ba?" Sabi ni Liza.

"Eh...hindi ko alam. Depende. Hehe sana." Sabi ko.

Hindi ko masabi kung pwede ba o hindi ko na sya pwedeng dalhin samin. Baka kasi kung ano na isipin ng pamilya ko pag dinala ko pa sya dun. Pag uwi namin sa bahay, sumaglit lang ako sandali sa labas para bumili ng makakain namin pag manonood na kami. Pagbalik ko, sinimulan ko nang isalang yung palabas. Natutuwa lang ako rito sa bahay na inupahan namin, sulit na sulit ang bayad dahil ultimo mga appliances eh libre naming magamit. Buti may DVD player at TV na rin. Swerte rin kami sa naupahan namin. Kahit pasimula pa lang ang palabas, ngiting ngiti na si Liza habang nanonood. Halatang halata ang pagka excite. Natutuwa ako dahil para syang bata na nakayakap pa sa unan habang nanonood.

"Huy. Para kang bata dyan ah. Hehe." Sabi ko.

"Hehe nasasabik lang kasi ako eh. Sa wakas mapapanood ko na rin ang palabas na ito." Sabi ni Liza.

"Trust me. You will love this movie. Uulit ulitin mo to. Hehe" sabi ko.

Masaya naming sinimulan ang pelikulang "THE SOUND OF MUSIC". May mga bagay talaga na kahit pinaglumaan na ng panahon, makikita mo pa rin sa kanila yung kahalagahan nila at kasiyahan na naidulot nila sa lahat. Gaya ng palabas na to. Halos 50 years na ang nakalipas pero hanggang ngayon, kahit sino ay sumasaya pag napapanood ang palabas na to. Bigla ko tuloy naisip na siguro kung hindi lang nawala si Liza sa panahon nya, siguro kahit hanggang ngayon ay mas binibigyang puri pa sya ng marami. Kung natuloy lang sana sya sa broadway eh siguro isa sya sa mga pinagmamalaki ngayon ng mga philippine artist. Sayang lang at hindi nangyari ang lahat. Nung dumating na sa part ng pelikula yung eksena na yung panganay na anak na babae ni Capt. Von Trapp ay lumabas ng bahay at nakipagkita sa kasintahan nya, hindi ko naiwasang kiligin dun sa babae.

"Oh my..ang ganda talaga nya." Sabi ko.

"Hehe natitipuhan mo na ba? Sayang matanda na yan ngayon eh." Sabi ni Liza.

"Oo crush na crush ko yan. Si Charmian Carr. Tsk oo nga eh. Sayang matanda na sya. Sana mangyari rin sakin yung nangyari sayo no. Kaso ako naman ang mapupunta sa past. Para naman makita ko sya. Posible naman mangyari diba!? Hehe" Sabi ko.

"Hahaha eh kahit naman siguro mapunta ka sa panahon ko, eh hindi parin naman kayo magkikita. Sa Austria yan. Ikaw sa Pilipinas lang. Haha." Sabi ni Liza.

"Alam mo napaka kill joy mo. Nangangarap lang naman eh. Teka pareho kayo ng hairstyle oh. Mukang magka hawig na kayo. Trending siguro yung ganyang hairstyle sa panahon nyo." Sabi ko.

"Oo nga no. Pero sa tingin ko mas maganda ako." Sabi ni Liza.

"Oo maganda ka. Hindi ko kinakaila yan. Pero sa tingin ko mas maganda sya. Wala kang panama. Hahaha." sabi ko.

"Sinasabi mo lang yan kasi natitipuhan mo sya." Sabi ni Liza.

"Hindi ah. Mas maganda talaga sya. Iba ang ganda ng mga taga ibang bansa. Wala ka talagang panama. Wag ka na pumalag. Haha." Sabi ko.

"May halong banyaga rin naman ang dugo ko ah. Ang nanay ko ay amerikano." Sabi ni Liza.

"Half half ka lang. Iba pag puro. Mas maganda. Wag ka na pumalag. Mas maganda talaga si Charmian Carr kesa sayo. Hahaha peace Liz." Sabi ko.

"Ah ganun ah. Sige tignan natin." Sabi ni Liza.

Dahil ata sa pang aasar ko, Walang pag aatubili na biglang pumunta sa harapan ko si Liza. Nakipag face to face sakin at Inayos ang buhok sabay sabi kung sino daw ang mas maganda ngayon. Bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko talaga maitatanggi na sobrang ganda ni Liza. Huminga ako ng malalim at napalunok dahil sa sobrang lapit ng mukha nya sa mukha ko. At bago pa man mauwi sa kakaiba ang nararamdaman ko, ay tinulak ko sya papalayo sakin. Hindi ko alam kung bat ko ginawa yun.

"Oo na. Ikaw na panalo. Ikaw na maganda." Sabi ko habang humihinga ng malalim.

"Aray ko naman. Pwede mo naman yun sabihin ng hindi ka nanunulak eh. Tsaka bat ka namumula? Natitipuhan mo na ko noh. Hahaha." Sabi ni Liza.

"Alam mo mukang tama ako nung una palang. Abnormal ka nga talaga. Kahit Maganda ka pa eh hindi ako magkaka crush sayo noh. Hindi ako pumapatol sa gurang." Sabi ko.

"Sus. Pero yung artistang babae sa palabas eh natitipuhan mo. Eh matanda na rin yan kaya ngayon. Tsaka biro lang naman eh. Ito masyadong seryoso." Sabi ni Liza.

"Exempted sya sa rason ko. Eh kasi ang kulit mo eh. Alam mo manood na nga lang tayo." Sabi ko.

"Haha sige na nga ho. Tatahimik na ho ako." Sabi ni Liza.

Buti napakalma ko ang ambiance sa paligid. Bumilis talaga ang tibok ng puso ko. Makipagtitigan ba naman ng malapitan. At ang ganda pa nya. Buti di ako manyak. Minsan may magandang naidudulot din ang pagiging torpe eh. Nakaka iwas ako sa mga malisyosong bagay. Masaya kaming nanood ni Liza. Natutuwa ako dahil pareho naming kabisado ang mga kanta. Partida pa dahil unang beses nya pa lang napapanood ang palabas na to. Sabagay kaya siguro alam nya yung mga kanta, eh dahil nga tinatanghal na rin ito noon sa theatro. Nung dumating na kami sa eksena nung nagkagustuhan na si Maria at Capt. Von Trapp, hindi naiwasang kiligin bigla ni Liza.

"Ang ganda naman nung mga katagang kinanta ni Maria." Sabi ni Liza.

"Hehe. Na inspired ka?" Sabi ko.

"For here you are, standing there, loving me. Whether or not, you should. So somewhere in my youth or childhood, I must have done something good. Ang ganda lang nung mga katagang yun. dahil siguro sa pagsisikap nya sa buhay, pinagpala sya ng pagmamahal na karapat dapat nyang matamo. Nakakatuwa at nakakakilig." Sabi ni Liza.

"Wow. Lalim ng hugot sa pag oobserba ah. Matanda ka na nga talaga. Hahaha joke lang. Pero tama ka. Kahit sino naman siguro eh. Pag maganda at may saysay ang ginagawa mo sa buhay mo, deserving ka sa mga swerte sa buhay." Sabi ko.

"Eh bakit ako? Masipag naman ako. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ako gumagawa ng masama. Pero bat ganun? Hindi ko man lang naranasang maging swerte kahit sa pag ibig." Sabi ni Liza.

"Napaka literal talaga ng mga punto mo. Lawaklawakan mo kasi ang pag iisip mo. halos lahat nga ata eh nasa sayo na. Mayaman kayo at Sikat na artista ka pa. Ayan na yung swerte na pinagkaloob sayo dahil nga sa masipag at mabait ka. Kung ang hinahanap mo naman ay yung pagmamahal, ang daming nagmamahal sayo. Yung mga fans mo diba. Yun na yun." Sabi ko.

"Pero yung talagang iibig sakin at iibigin ko rin. Gaya ni Maria at Capt. Von Trapp. Gusto ko maranasan yun." Sabi ni Liza.

"Hmmmm. Alam mo hindi naman mahirap mangyari sayo yan. Una sa lahat, maganda ka at tsaka mabait pa. Siguro oras lang ang iintayin mo at balang araw dadating din yung lalakeng magmamahal sayo." Sabi ko.

"Talaga? Sa tingin mo dadating pa sya?" Sabi ni Liza.

"Oo naman. Habang may buhay, may pag asa. Think positive. Kung hindi man sya nagpakita sayo noon sa panahon mo, malay mo dito sa future eh makilala mo na sya. Wag mo na isipin ang age gap. Age doesn't matter na ngayon ang kalakaran. Wag ka na mag demand. Hahaha joke." Sabi ko.

"Hehe palabiro ka talaga. Pero tama ka. Hangga't may buhay, may pag asa. Eh teka nga maiba ako. Ikaw? Umibig ka na ba?" Sabi ni Liza.

"Oh teka..bat biglang napunta sakin ang usapan." Sabi ko.

"Wala lang. Gusto ko lang malaman. Hehe." Sabi ni Liza.

"Chismosa ka rin eh noh. Syempre naman." Sabi ko.

"Talaga? Sino? Paano nangyari?" Sabi ni Liza.

"Alam mo hindi ko trip mag kwento ngayon eh. Nanonood tayo diba." Sabi ko.

"Sige na. Dali na. Kwento mo naman oh. Interesado lang ako." Sabi ni Liza.

"Kung ang pakay mo ay para kiligin, hindi maganda ang love story ko para pakinggan mo. Epic fail ang love story ko." Sabi ko.

"Ha? Bakit naman? Diba nga pag mabait at matiyaga sa buhay eh pinagpapala. Eh bakit sa pag ibig hindi ka pinagpala?" Sabi ni Liza.

"May ibang bagay siguro na dun ako pinagpala pero sa pag ibig na gaya ng sa pinapanood natin, hindi ako counted." Sabi ko.

"Bakit? Kwento mo naman." Sabi ni Liza.

"Ang kulit mo talaga. Gusto mo talaga malaman?" Sabi ko.

"Oo hehe. Binigyan mo ko ng interes eh." Sabi ni Liza.

Napasubo na naman ako sa isang sitwasyon. Hindi naman kasi ako yung tipo na makwento tungkol sa buhay ko eh. Ang mahilig ko lang ikwento eh yung mga bagay na may interes. Pero dahil nga sa kakulitan nito ni Liza, at dahil sa nagka interes sya sa buhay pag ibig ko, pinagbigyan ko na sya sa gusto nya.

"Kung tungkol sa buhay pag ibig ko, na inlove ako dalawang beses pa lang sa tala ng buhay ko. Una dun sa matalik kong kaibigan. Eversince nung High School pa lang kami ay gusto ko na sya. Hindi naman mahirap magkagusto sa kanya dahil napaka bait nya. Magaan ang loob namin sa isa't isa. Para ngang magkapatid na ang turingan namin eh. Kaya lang naging hangal ako at nagkagusto ako sa kanya. Pero kahit nangyari yun, hindi ko magawang maamin sa kanya dahil nga sa wala akong lakas ng loob. Hindi ako confident sa sarili ko. Laging negative ako mag isip. Na ang iniisip ko eh hindi nya ko magugustuhan dahil hindi naman ako gwapo. Huli ko na rin ma realize na mali pala ako. Dapat nung una pa lang naging confident na ako at nag try man lang na umamin sa kanya. Pero kung kailan ready na ko, dun ko na nalaman na may boyfriend na sya. Ang tanga ko diba. Even now, kahit sabihin ko sa sarili ko na naka move on na ko, nanghihinayang pa rin ako sa pagkakataon na sinayang ko. Pero ganun pa man, masaya pa rin ako dahil hindi nagbago ang turingan namin sa isat isa kahit nagka nobyo na sya. Mag bestfriend pa rin kami. Hindi ko na inamin sa kanya na gusto ko sya para hindi magbago ang tingin nya sakin. Safe moves na rin kumbaga." Sabi ko.

"Ang sakit naman pala ng dinanas mo. Anung pangalan nung babae?" Sabi ni Liza.

"Maan ang pangalan nya." Sabi ko.

"Maan. Sya ba yung nagbigay ng relo na suot mo?" Sabi ni Liza.

"Huh? Paano mo nalaman?" Sabi ko.

"Hehe narinig ko lang kanina nung nag aasaran kayo ni Arianna. Pinagkamalan din kasi nya ko kanina na ako raw yung Maan na nagbigay nung relo na yan sayo. Pero ang saklap talaga ng dinanas mo. Buti kinaya mo." Sabi ni Liza

"Ang daldal talaga nung batang yun. Yan ang tinatawag na Friendzone. Ang sitwasyon na kung saan ay nainlove ka sa kaibigan mo pero hanggang kaibigan pa rin ang turing nya sayo. Hehe oo masakit nung una pero hindi naman natatapos ang buhay pag nasaktan ka eh. Parang bagyo lang yan. Mamiminsala sa una at magdudulot ng lungkot. Pero lilipas din at babalik din ang araw para magdulot ng saya. Ganyan ako ka optimistic. Hehe" sabi ko.

"Hehe hanga na talaga ako sayo. Eh teka, sino naman yung pangalawang inibig mo?" Sabi ni Liza.

"Yung pangalawa? Hehe sawi rin ako dun eh. Pero tanggap ko naman yun. Sinubok ko kung san ako dadalhin ng kahangalan ko. Ayun palya. Hahaha." Sabi ko.

"Ha? Sawi na naman? Bakit?" Sabi ni Liza.

"Eh kasi yung pangalawa kong nagustuhan eh yung English teacher ko ngayong 4th year college ako." Sabi ko.

"Ha? Nagkagusto ka sa guro mo? Tama ka nga. Iba na talaga panahon ngayon. Mapupusok na mga kabataan. Kahit sa guro nagkakagusto na." Sabi ni Liza.

"Hindi naman kasi naiiwasan ang pag ibig noh. Once na maramdaman mo yan. Yari ka na. Tsaka di mo pa alam yung storya eh hinuhusgahan mo na." Sabi ko.

"Hehe pasensya na ah. Eh ano ba kasi ang nangyari?" Sabi ni Liza.

"Kasi ganito yun eh. 1st semester ko sya naging teacher sa pagiging 4th year college ko. Maganda sya at simple pero Nung una natatakot kaming magkaka klase sa kanya kasi kahit maganda sya, eh napaka strikto. Pero habang tumatagal naman eh nakikilala namin sya at gumaan din ang loob nya samin. Mabait din pala sya at masayahin. Habang tumatagal din eh nahuhulog na rin ang loob ko sa kanya. Palagi akong present sa mga klase nya. Matataas grades ko sa subjects nya. Nagpapa impress talaga ako para mapansin lang nya kasi nga crush na crush ko na sya. Madali talaga akong magka gusto sa simple, maganda at mabait na babae." Sabi ko.

"Talaga? Edi ibig sabihin magkakagusto ka rin sakin? Haha biro lang." Sabi ni Liza.

"Labas ka sa option na yun. Makulit ka eh." Sabi ko.

"Hahaha o sige na ituloy mo na kwento mo. Bakit ka nasawi?" Sabi ni Liza.

"Finals na namin nun. Ibig sabihin nun ilang araw na lang bago matapos ang 1st semester. Nabalitaan ko pa na magreresign na rin sya pagkatapos ng finals. Sabi ko sa sarili ko na hinding hindi ko na gagawin ang pagkakamali na ginawa ko kay Maan. This time. Aaminin ko na ang nararamdaman ko para sa taong gusto ko. Wala na kong pakealam kung bawal. Basta maamin ko lang na gusto ko sya. At yun nga. Nung Final exam namin eh may dinagdag akong extra na papel sa testpaper ko. Napagkamalan pa nga nya na nangongodigo ako eh. Nung una nagalit pero nung nakita nya yung papel, napatahimik na lang sya bigla. Nakalagay kasi dun sa papel na yun eh yung drawing ko na ibibigay ko para sa kanya. Sa drawing ko in express yung nararamdaman ko para sa crush kong teacher. Syempre yung mga tropa kong kaklase eh nang asar na. Medyo kinikilig na nga rin ako nung mga oras na yun dahil sa panganganchaw ng mga kaklase ko dahil sa pag amin ko. Nung mga oras na yun, parang lutang ako. Then dumating yung time na diniretso ko nay ung teacher ko. Sinabi ko sa kanya kung gaano ko sya ka gusto at tutal naman magreresign naman sya, sinabi ko kung pwede ako magbaka sakali sa kanya." Sabi ko.

"Talaga? Ginawa mo yun? Akala ko ba hindi ka magkakagusto sa mga matatanda?" Sabi ni Liza.

"Si Charmian Carr lang ang exempted na matanda na crush ko. Tsaka yung teacher ko naman eh hindi naman gurang yun. Magkalapit lang din kami ng edad kahit mas matanda sya sakin." Sabi ko.

"ah....o sige. Oh tapos ano nangyari?" Sabi ni Liza.

"Ngumiti lang sya. Nag thank you dahil na appreciate nya daw lahat lahat ang mga ginawa ko. Pero hindi sya pumayag dahil nga sa estado ng buhay namin. Guro sya, estudyante lang ako. Sabi rin nya, someday eh makakahanap din daw ako ng babaeng tunay kong mamahalin talaga. Nag sorry sya sakin tapos nun umalis na sya. After nun wala na kong naging balita tungkol kay maam. Hindi ko na rin alam kung nasaan sya. Medyo mas masakit yun kasi naamin ko sa kanya yung nararamdaman ko pero wala pa rin nangyari. Sawi pa rin. Talo pa rin ako." Sabi ko.

"Anung pangalan ng Guro mo?" Sabi ni Liza.

"Maam Marie." Sabi ko.

"Papaiyakin mo na naman ba ko?" Sabi ni Liza.

"Oh bakit?" Sabi ko.

"Eh kasi nakakalungkot pala ang mga dinanas mo eh. Napakabait mo para danasin mo ang ganyang kasawian." Sabi ni Liza.

"Haha chill ka lang. Wag ka iiyak. Sabi ko sayo epic fail love story ko eh. Ayaw mo makinig. Pero wag ka mag alala. Hindi naman ako yung tipo na pag nasaktan, pessimist na pagdating sa love. nandun pa rin naman ako sa paniniwala na someday, makikilala ko rin talaga yung babaeng mamahalin ko habang buhay. Hindi pa rin siguro sa ngayon dahil siguro alam ng Diyos na wala pa kong sapat na panahon para doon. Siguro gusto nya pag alam nyang pwedeng pwede na ko, dun na nya ipapasok yung babae na yun sa buhay ko. Pareho lang tayo ng estado Liza. Patience is a Virtue. True love waits. Kaya wag ka malungkot. Habang wala pa yung pag ibig na pinapangarap mo. Maging masaya ka muna sa paligid mo." Sabi ko.

"Malaki na talaga respeto ko sayo Paulo. Napakaganda ng mga adhikain mo sa buhay eh. Kahit na napakalungkot ng dinanas mo, hindi ka naging negatibo sa pag ibig. Hindi mo nagagawang magtampo sa Diyos." Sabi ni Liza.

"Hehe anu ka ba. Hindi naman rason yon para magtampo ako sa Diyos noh. Tsaka wala tayong karapatan magtampo sa kanya." Sabi ko.

"Tama ka. Kaya nga natutuwa ako sayo. Kung ako pagbibigyan, sana may makilala akong tulad mo balang araw." Sabi ni Liza.

"Hahaha wala akong katulad. Unique ako. Pero wag ka mag alala. Someday makikilala rin natin ang mga taong para satin. Be positive lang Liza." Sabi ko.

"Hehe tama ka. Maganda ang maidudulot ng positibong pag iisip." Sabi ni Liza.

Dahil sa biglaang pagkukwentuhan namin, hindi na kami nakanood. Inulit namin yung mga parte sa pelikula na hindi namin napanuod ng maayos at tinapos namin. pagkatapos nung palabas. bakas na bakas sa mukha ni Liza ang tuwa.

"Ang ganda pala talaga nung palabas noh." sabi ni Liza.

"Sabi ko naman sayo eh. Maganda talaga yan." Sabi ko.

"Hehe bukas papanoorin ko ulit habang nagtatahi ako. Ayos lang ba?" Sabi ni Liza.

"Oo naman. Para naman hindi ka na ma boring pag wala ako rito. hehe." Sabi ko.

"Hehe sige sige. Salamat nga pala uli Paulo sa araw na ito ah. Hindi mo alam kung gaano mo ko napasaya." Sabi ni Liza.

"Wala yun. Sa mga oras na to, mas kailangan mong maging masaya eh. Sige na pahinga ka na. Wag kalimutang magdasal ah." Sabi ko.

"Napakabait mo talaga. hehe oo naman. hindi ko makakalimutan yun. Sige matutulog na ko. Goodnight Paulo." Sabi ni Liza.

Pagkasabi nya ng goodnight sakin, bigla nya kong hinalikan sa pisngi sabay umakyat na sya papunta sa kwarto nya. Medyo na stun ako sandali at napangiti. Kiss sa pisngi, ok na rin bayad nya sakin sa lahat ng effort ko for today. hehe

Continue Reading

You'll Also Like

104K 4.5K 37
What if the one courting the girl you like turns out to be the one you will also fall into? Yolo, a basketball athlete and architecture student didn'...
234K 3.5K 21
Warning: 🔞 (This is not suitable for young readers.) BETHANY CAGLIOSTRO is a confident and brave woman. However, due to a mission assigned by her ow...
503K 5.9K 44
When Royse's parents died, all the responsibilities of his siblings and their business were left to him. He never had a chance to mourn his parents'...
351M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...