Ang Pagbubunyag

By MichaelEdwardSumanti

8.2K 17 24

http://lahingtapat.blogspot.com/2014/03/ang-pagtalikod-ng-iglesia-ni-cristo Sa inyo pong mga katanungan maaar... More

Ang Pagtalikod Ng Iglesia ni Cristo Noong Unang Siglo
Katoliko ba ang itinatag ni Cristo, at hindi naitalikod?
Ang PMCC(4th watch) ba ang tunay na Iglesia?
Si Apostol Pedro ba ang Unang Santo papa?
Ibong Mandaragit, si Ciro ba?
TUNGKOL SA KAMATAYAN
Huwebes, Hulyo 3, 2014 Ang Pangalan Ng Iglesia na Itinatag Ni Cristo
Isaias 41:8, Jacob o Israel ba ang tinutukoy?
May Babala Bago Igawad Ang Hatol
"Ako ang Dios" Sino at Ilan ang nagsasalita?
Juan 1:3, Diyos ba Si Cristo at Siya ba ang Manlalalang?

PANAHON NG PAGTALIKOD

398 2 0
By MichaelEdwardSumanti

PANAHUN NG PAGTALIKOD

Kaylan magaganap ang pagpasok ng mga maling Aral na dala ng mga bulaang propeta?

Ganito ang pahayag ni Apostol Pablo :

"Aking talastas na pagalis ko ay magsisipasok sa inyo ang mga ganid na lobo, na hindi mangagpapatawad sa kawan." (Gawa 20:29)

Atin munang suriin, ano itong "PAG ALIS" ?

"At ngayon, narito, nalalaman ko na kayong lahat, na aking nilibot na pinangaralan ng kaharian, ay hindi na ninyo muling makikita pa ang aking mukha. " (Gawa20:25)

Ang di na makikita ang mukha ni Apostol Pablo, Anu itong mangyayari? 

"At silang lahat ay nagsipanangis nang di kawasa, at nangasiyakap sa leeg ni Pablo at siya'y hinagkan nila, "Na ikinahahapis ng lalo sa lahat ang salitang sinabi niya, na hindi na nila makikitang muli pa ang kaniyang mukha. At kanilang inihatid siya sa kaniyang paglalakbay hanggang sa daong."

(Gawa 20:37-38)

Nanangis ang mga kapatid na marinig ang pangungusap ni Apostol Pablo ukol sa kaniyang pag-alis na hindi na muling makikita pa ang kaniyang mukha. Anu pala ang mangyayari ?bakit di na makikita ?

"Sapagka't ako'y iniaalay na, at ang panahon ng aking pagpanaw ay dumating na .

"Nakipagbaka ako ng mabuting pakikipagbaka, natapos ko na ang aking takbo,iningatan ko ang pananampalataya: "Buhat ngayon ay natataan sa akin ang putong na katuwiran, na ibibigay sa akin ng Panginoon na tapat na hukom sa araw na yaon; at hindi lamang sa akin, kundi sa lahat din namang ng mga naghahangad sa kaniyang pagpapakita."

(II Tim. 4:6-8

Ito po ay ang pagkamatay na ni Apostol Pablo o ang kanyang pagpanaw na. .

Ngayun Balikan natin ang unang talata nang (gawa 20:29) na sa pagkamatay ng mga apostol ay hindi sila magpapatawad sa KAWAN? Anu Pala ang gagawin ng mga pumasok na mga bulaang propeta? 

"Kung magkagayo'y ibibigay kayo sa kapighatian , at kayo'y papatayin: at kayo'y kapopootan ng lahat ng mga bansa dahil sa aking pangalan." 

(Mat. 24:9)

Mayroon pong patayan na naganap,kaya ang tumangging sumunud sa kanilang Aral ay PAPATAYIN ito. Kaya ang ang ilan na hindi nanindigan ay HUMIWALAY.Katunayan hinulaan nang una ni Cristo na may manindigan parin ating basahing mula sa Mateo 24:11,9ay ganito ang

nakasulat:

“At magsisibangon ang maraming bulaang propeta, at kanilang ililigaw ang marami.

“Kung magkagayo’y ibibigay kayo sa kapighatian, at kayo’y

papatayin:…”

Ayon sa hulang ito ng Panginoong Jesucristo, hindi lamang maililigaw ang marami Niyang mga alagad kundi ang iba ay papatayin. Hindi nakapagtataka kung pagkamatay ng mga Apostol ay ibang Iglesia na ang masumpungan natin sa mga tala ng kasaysayan sapagkat kung mayroon mang nanindigan sa tunay na pananampalataya ay pinatay naman ng bagsik ng pag- uusig. Sino ang mga naging kasangkapan sa pagpatay at pagsila sa mga tunay na kaanib sa glesia?

 Sa Gawa 20:29 ay tiniyak ni Pablo ang ganito:

“Alam kong pagkaalis ko’y magsisipasok ang mababangis na asong-gubat at walang patawad na sisilain ang kawan.”MB

Ang tinutukoy na mga asong gubat na magiging kasangkapan sa lubusang pagtalikod ng Iglesia ay

mga pinuno:

“Ang mga pinuno nila’y parang hayok na asong-gubat kung lumapa ng kanilang biktima…” (Ezek. 22:27, Ibid.)

Ang isa sa tinutukoy ng Biblia na mga asong-gubat ay ang masasamang pinuno na gaya ng mga hari at emperador“ na lumalapa ng kanilang biktima.” Tangi sa mga pinuno ng bansa na umusig sa Iglesia,

Malinaw po at naganap ang HULA ni Propeta Zacarias sa talata ng Zac. 13:8-9na ang unang dalawang pulutong ay may mangyayaring:

"MAMAMATAY" AT "HUMIHIWALAY"

KASAYSAYAN NG PAGPATALIKOD

Natupad ba ang ibinabala ng mga Apostol na ang Iglesia ay papasukin ng mga maling aral? 

Sa isang aklat na pangkasaysayan na pinamagatang'

 World’s Great Events, Vol II. Pp. 163-164, ay ganito ang mababasa:

“Noong una, ang kasaysayan ng Iglesia Romana ay katulad ng kasaysayan ng katotohanan ng Cristianismo. Datapuwat nakalulungkot na dumating ang panahon nang magsimulang dumaloy ang mga batis ng lason mula doon sa nang una’y dalisay na bukal.” (salin sa Pilipino)

Pinatutunayan ng kasaysayan ang pagdaloy sa Iglesia ng mga lasong aral na ikinamatay ng pananampalataya ng mga kaanib nito. Ang pangyayaring ito ay naganap alinsunod sa panahong ibinabala ng mga Apostol –

pagkamatay nila o pagkatapos ng panahon nila magaganap ang pagtalikod ng Iglesia. Kung ang larawan ng Iglesiang ipinakikita ng mga tala ng kasaysayan pagkatapos ng panahon ng mga Apostol ay katulad din ng larawan nito sa kanilang kapanahunan, masasabi nating hindi natupad ang pagtalikod na kanilang ibinabala. Subalit ayon na rin sa patotoo ng kasaysayan, ano kayang uring Iglesia ang masusumpungan pagkatapos ng

mga Apostol? 

Sangguniin natin ang isa pang akat na tumatalakay sa kasaysayan ng Iglesia,

  Story of the Christian Church, p. 41:

“Sa loob ng limampung taon pagkamatay ni Apostol Pablo ay isang lambong ang nakatabing sa buong Iglesia, na sa loob nito ay sinisikap nating may kabiguan ang makaaninaw, at sa wakas pagkahawi ng tabing na ito, 120 A.D., sa pamamagitan ng sulat ng tinatawag na mga unang ‘Ama ng Iglesia’ ay matatagpuan natin ang isang Iglesia na sa lahat ng bahagi ay ibang iba na sa Iglesia sa kapanahunan nina Apostol Pedro at Pablo.” (salin sa Pilipino)

Hindi pa nalalaunan ang pagkawala ng mga Apostol, ang Iglesia ay wala na sa dati nitong uri. Pinatutunayan ng kasaysayan na may limampung taon pa lamang ang nakalipas pagkamatay ng mga Apostol, ay ibang iba na ang Iglesia sa lahat ng bahagi.

PAGPAPATAY SA MGA CRISTIANO

totoo ang nagpapatay ang katoliko?Sa isang aklat na 'The Modern World', p.344 Ganito ang patotoo :

"..ang Iglesia ay nagtatag ng isang tanging hukuman, ang Ingkisisyon Papa o Pangsanlibutang Ingkisisyon.

" Ang mahahalagang bahagi ng pamamaraan nito ay itinakda ng isang kalipunan ng mga batas na kapuwa pinagpatibay ni Papa Lucio III at Emperador Barbossa noong 1184. Ang mga maliliit na detalye ay idinagdag noong 1230.

Ang gayong mga hukuman ng katarungang pang-espiritu ay itinatag sa mga dakong lubos na hinawahan ng mga maling aral... Itinuturing din ng bansa ang

erehiya bilang isang kasalanan, sapagkat pinapaghihina nito ang mga saligan ng pangmadlang kagalingan. Ang parusa na itinakda ng mga batas panlupa ukol sa erehiya ay kamatayan sa apoy . Ang mga ito ay hindi kailanman ipinataw ng pansimbahang hukom. ('The Modern World', p.344)

Walang alinlangan na nagpapatay ng mga di nila kapanampalataya ang Iglesia Katolika. Pinatutunayan ito ng kasay-sayan. Inamin ba ng mga paring Katoliko ang sinasabi ng kasaysayan na ang Iglesia Katolika ay nagpapatay?

Inaamin ito ng Iglesia Katolika at  kanilang kinilala ang pananagutan na pagpapatay sa mga hindi sumang-ayon sa kanilang paniniwala. Ganito naman ang ating mababasa :

'' Ang unang batas ng kasaysayan, pahayag ni Papa Leo XII, tulad ng aming binanggit nang nakaraan, ay upang magpahayag nang walang kasinungalingan at upang huwag magkaroon ng takot sa pagsasabi ng katotohanan. Bilang pagsang-ayon sa matalinong simulaing iyan , tahasan naming kinikilala ang pananagutan ng mga papa sa paggamit ng pagpapahirap at sa pagsunog

sa libulibong mga erehe sa tulos. Ang pag papahintulot nila sa ganyang malupit at makahayop na mga pamamaraan ay hindi maitatatuwang isa sa

pinakamaitim na mga batik sa talaan ng Banal na Tanggapan at mananatili hanggang wakas na isang dahilan ng pagkutya at kahihiyan sa kapapahan. Kahit tapatang aminin, na siya namang nararapat, na ang kanilang mga layunin ay mabuti at ang kanilang pagsusumakit ay para sa kapakanan ng Kaluluwa ng biktima, hayaang manatiling pananinindiganan na ang malupit at di makataong pamamaraan na ginamit ay hindi mapasusubalian.

(p.49)

'ANG PANANAGUTAN NG KATOLIKO

Ang Iglesia(Katolika)ay hindi makaiiwas sa pananagutan ukol sa paggamit ng pagpapahirap ni sa pagsunog ng mga biktima sa tulos. Ang Iglesia sa katauhan ng kaniyang mga pontipise ang nananagot sa paggamit ng pagpapahirap; ang malupit na gawaing ito ay pinasimulan ni Inocencio IV noong 1252 ...

Pinasisikapan ng pontipise na ipagtanggol ang paggamit ng pagpapahirap sa pamamagitan ng pagtuturing sa mga erehe bilang mga magnanakaw at mamama- tay-tao, paghahalintulad lamang ang kanyang tanging batayan.Ang batas na ito ni Inocencio IV ay muling pinairal at pinatibay ni Alejandro IV noong ika-30 ng Nobyembre,1259, at Clemente IV noong ika-3 ng Nobyembre,1265. Ni hindi makaiiwas ang Iglesia (katolika)sa pananagutan ukol sa pagpapasunog ng mga erehe sa tulos hanggang sa mamatay . Ang pagkukunwari lamang na ibigay ang biktima sa kapangyarihang sekular ay hindi makapaglilingid sa katotohanang ang mga papa ay paulit-ulit na nagpilit sa ilalim ng pagbabantang pagtitiwalag at pagbabawal sa mga pinuno, na igawad ang kaparusahang kamatayan sa mga erehe. (Ibid.,p.47)

Malinaw po. .at hayag na hayag na sa kanila nga natupad ang buong pangyayari kung bakit ang unang IGLESIA NI CRISTO ay nawala at natalikod.Ang katuparan nito ay hindi nawaglit sa mga tala ng kasaysayan gaya ng isinasaad sa :

Halley’s Bible Handbook, sinulat ni Henry H. Halley sa mga pahina 761-762, sa pagkakasalin sa Pilipino:

“Domitan (96 A.D.). Itinatag ni Domitian ang pag-uusig sa mga Cristiano. Maikli ngunit lubhang malupit.

“Trajan (98-117 A.D). Ang Cristianismo ay ipinalagay na isang ilegal na relihiyon, … Ang mga Cristiano ay hindi ipinaghahanap, ngunit kapag napagbintangan ay pinarurusahan.

“Marcus Aurelius (161-180).

Pinasigla niya ang pag-uusig sa mga Cristiano. Ito ay malupit at mabangis ang pinakamabagsik simula kay Nero. Libu-libo ang pinugutan ng ulo o kaya’y itinapon sa mababangis na hayop…

“Septimus Severus (193-211).

Ang pag-uusig na ito ay totoong napakalupit,…

“Decius (249-251). Buong tatag na pinasiyahang lipulin ang Cristianismo.

“Valerian (253-260). Mas mabangis kay Decius; tinangka niya ang lubos na pagwasak sa

Cristianismo. Maraming lider ang pinatay…

“Diocletian (284-305). Ang huling pag-uusig ng Imperyo, at siyang pinakamalupit; …ang mga Cristiano ay pinaghahanap sa mga kuweba at gubat; sila ay sinunog, itinapon sa mga mababangis na

hayop, pinagpapatay sa pamamagitan ng mga pagpapahirap bunga ng kalupitan.”

Mapapansin natin na halos kaalinsabay ng pagpasok ng mga maling doktrina sa Iglesia ay dinanas ng mga alagad ang bagsik ng pag-uusig na ginawa ng mga emperador Romano – pag-uusig na hindi lamang naging sanhi upang matakot ang mahina sa pananampalataya at tanggapin ang maling aral, kundi pumatay sa

nanindigan sa dalisay na ebanghelyo. Sa madilim na bahaging ito ng kasaysayan ng Iglesia ay dapat nating mabatid na hindi lamang ang lumupig sa Iglesia ay ang masasamang pinuno ng pamahalaan kundi ang

mismong kapapahan:

“Leo I (A.D 440-461)…, tinawag ng ilang mananalaysay na Unang Papa…Ipinahayag ang kanyang sarili na Panginoon ng Buong Iglesia; itinaguyod ang Natatanging Pangkalahatang Kapapahan; sinabi na ang pagtutol sa kaniyang kapangyarihan ay Tiyak na Pagtungo sa Impiyerno; itinaguyod ang Parusang Kamatayan ukol sa erehiya.” (Ibid., p. 770)

Hindi kataka-taka na tawagin din ng mga Apostol na mga “asong- gubat” ang mga bulaang propeta

hindi lamang dahil sa naging daan sila ng pagpasok ng mga maling doktrina sa Iglesia kundi sila

mismo ang sumalakay at hindi nagpatawad sa KAWAN, NA ANG IGLESIA NI CRISTO

SANAY NAGING BUKAS ITO SA MGA NAGSUSURI. . . .

Continue Reading

You'll Also Like

15.9K 751 38
Well, I am not the first person to do this but I want to tell you guys everything I know about this great epic, the Mahabharata. Mahabharata's origi...
92.9K 206 30
"Hindi naman mahalaga kung mahina o malakas ka, ang importante ay ang kaya mong harapin ang iyong mga kahinaan, ang kaya mo itong baguhin upang sa ma...
52.1K 2.8K 32
A story of a man after God's heart
47.7K 4.3K 22
Sequel of Kekasih Until Jannah. Kamu adalah kepingan puzzle yang akan kulengkapi.