Carrying The Billionaire's Ba...

Od journialisqui

2.2M 41.7K 8.4K

Amanda agreed with Lucian's agreement. Iyon ay ang dalhin ang magiging anak nito. Hindi niya alam while she'... Více

Carrying The Billionaire's Baby (Book Two)
Maikling Info <3
Maikling Paalala Ni Owtor
Prologue
Paalala Saiyo Ni Owtor
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Special Chapter (Lucian's POV)
Special Chapter (Part Two)
Special Chapter (Part Three)
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Special Chapter (Lucila's POV)
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
PAGBATI💕💕💕
Importanteng Mahalagang Note T_T
Chapter Twenty Five (Part One)
Chapter Twenty Five (Part Two)
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Twenty Nine (Part Two)
Happy Valentine's Day💕💕
Chapter Twenty Nine (Part Three)
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five (Part One)
Chapter Thirty Five (Part Two)
Chapter Thirty Six (Part One)
Chapter Thirty Six (Part Two)
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
PLEASE READ! NOTE FOR THE LAST 12 CHAPTERS! PLEASE READ✌💕
Chapter Thirty Eight (Part Two)
Chapter Thirty Nine
Chapter Forty
Chapter Forty One
Chapter Forty Two
Chapter Forty Three
Chapter Forty Three
Chapter Forty Four
Chapter Forty Five
Chapter Forty Six (Part One)
Chapter Forty Six (Part Two)
Mahalaga Mensahe (Paumanhin)
Chapter Forty Six (Part Three)
Chapter Forty Six (Part Four)
Chapter Forty Seven (Part One)
Chapter Forty Seven (Part Three)
Chapter Forty Seven (Part Three)
C
Chapter Forty Seven
Special Chapter (Tiffany❤Phoenix)
Chapter Forty Eight
Chapter Forty Eight (Part Two)
Chapter Forty Nine
Chapter Fifty (Last Chapter Part One)
Chapter Fifty (Last Chapter Part Two)
Epilogue (9/24/18)
Special Chapter (Caiden's POV)
ANNOUNCEMENT 💕 (Please Take Time to Read 😊)
TEASER ONE💕
TEASER TWO 💕💕
BOOK THREE IS UP 💕
Merry Christmas 💕
Self Published Book for CTBB (Announcement 😍)

Chater Fifty (Last Chapter Part Three)

14.3K 373 287
Od journialisqui

Chater Fifty (Last Chapter Part Three)

Last Time













[A/N: Hello guyseu :) Thank you so much sa lahat nang nagbabasa ng kwentong ito :) I am happy na nanatili pa rin kayo sa sobrang tagal na ng story na ito lalo na ang update ni Owtor. Kahit na ang drama drama binabasa niyo pa rin siya :) Thank you :) Sorry nga pala mga bb sa last update na sobrang drama pero may continuation pa kaya sorry ulit hehe. Thank you pa rin dahil kahit gaano kadrama ito o gaano kabitin o kung ano pa, patuloy niyo pa ring sinusuportahan ang kwento nina Amanda at Lucian :) Thank you <3 Salamat sa walang sawang pagmamahal at pagsubaybay sa kwentong ito <3 This will be the last chapter mga babes. Thank you dahil nakaabot kayo rito :) Thank you dahil matatapos na naman tayo :) Hindi ko ito magagawa kung hindi dahil sa tulong niyo kaya maraming salamat po <3 Mahal na mahal ko po kayo <3 Enjoy reading po kahit madrama hehehe :) God bless everyone <3]










***

Biniyan ako ni Juana ng tubig pagkaraan ng ilang minuto. Nakaupo kami ngayon sa sofa. Hindi ko alam kung ilang minuto na simula nang umalis ang mama ni Lucian. Ni hindi man lang kami nagpalitan ng pangalan at pagpapakilala. She never asks about the baby. She goes straight to her point.







Pointing out what is Lucian’s revenge to my family by using me. 







At gaano ba kasakit ang bagay na iyon na hanggang ngayon ay pakiramdam ko may mga maliliit na karayom pa rin ang tumutusok sa puso ko na para bang dinadaganan ng ilang semento ang dibdib ko sa sobrang sakit nito.







“Anong nangyari, Amanda? Sino iyong babae?” tanong ni Juana. Hinahagod niya ang likod ko at naroon ang matinding pag-aalala.







Umiling ako sa kanya. I’m sorry Juana. I cannot tell you dahil paniguradong sasabihin mo kay Luciana ang tungkol sa bagay na ito.







I need to talk to my brother first before talking to Lucian for the confrontation. Kailangan ko munang malaman sa kanya ang totoo bago ako magdesisyon. Ayoko na basta na lang ulit magdedesisyon.








“Ayos lang ako, Juana.” sabi ko at tumayo na. Inalalayan niya ko sa pagtayo. Pinasalamatan ko siya. Kailangan na kailangan ko talaga ang makakaalalay dahil pakiramdam ko nanlambot ang buo kong katawan dahil sa nangyari at sa mga nalaman.







“Gusto ko sanang magpahinga, Juana.” sabi ko. Tumango siya kahit alam kong binabagabag siya nito. “Ihahatid na kita,” sabi niyang ikinatango ko. Kailangan ko nang masasandalan kahit sa pag-akyat ko lang. Pakiramdam ko kasi natunaw na ang buong lakas ko.







“Amanda, you can tell me if there’s really a problem.” sabi niya. Nasa tono ang sinseridad at pag-aalala. She's really is concerned. 







Ngumiti ako sa kanya. “Salamat Juana. Gusto ko lang munang magpahinga sa ngayon.” sabi ko.







Kahit hindi ko alam kung talaga nga bang makakapagpahinga ako.







Tumango siya. Naroon pa rin ang matinding pag-aalala niya. Hinatid niya ko hanggang sa kwarto. Inalalayan din niya kong mahiga. “Sige na, Juana. Salamat. Iwan mo na muna ko. Kaya ko na.” sabi ko sa kanya. “Ayos lang ako.” sabi ko pa at ngumiti.







Tumango siya and kissed me on my forehead. “Kaya mo iyan, Amanda. Nandito lang kami.” sabi niyang ikinangiti ko. Nangilid ang luha ko sa pagiging concern niya. She’s really a friend.







Pagkalabas ni Juana ay natulala ako. Iniisip ang mga nangyari. Totoo ba talagang nangyari iyon? Akala ko pa naman, magiging perpekto na talaga ang buhay at pagsasama naming dalawa ni Lucian. Hindi pala dahil simula pa lang ay mali na na nagsama kaming dalawa. Maling-mali ang dahilan kung bakit kami magkasama ngayon.







At hindi sinasadya, kusang tumulo ang mga luha ko. Akala ko naubos na sila kanina pero hindi pa pala. Akala ko nawasak na nang husto ang puso ko, pero hindi pa rin pala dahil muli, nawawasak ito.








Paulit-ulit na bumabalik sa alaala at puso ko ang mga napag-usapan namin ng mama ni Lucian.







“Ginagamit ka lang ni Lucian para maipaghiganti ang kapatid niyang pinatay ng kapatid mo!”







Napailing ako. Panibagong alaala ang nagugunita. Ang mga nangyari samin ni Lucian sa nakalipas na buwan.
Bumalik ang mga alaala nang mga panahon na inaalok pa lang niya ko ng kontrata niya. Ang mga panahong dinurog niya nang husto ang pagkatao ko.







Kaya pala, kaya pala, napakadali sa kanya na saktan ako. Na pahirapan ako dahil umpisa pa lang iyon na ang plano niya.







Naalala ko iyong nangyari sa pagitan namin noon sa bar…








Hinaplos niya ang pisngi kong hilam sa luha gamit ang kamay niyang kaninang humahaplos saking braso. "Shh. It's okay..." he whispered. Umiling ako at hinawi ang kamay niya. "It's not! Hindi okay dahil kapag nakikita ko silang nag-aaway ay nasasaktan ako. Kapag nakita ko silang nahihirapan ay gusto ko lang akuin lahat ng iyon. Kung may magagawa lang ako para tulungan sila... Ginawa ko na." hikbi ko as another batch of tears fell on my eyes. Napamura siya at pinunasan ang aking mga pisngi dahil sa luha. 








"Nagkaroon ng problema sa bahay. Hindi ko alam kung paano ko sila tutulungan..." iyak ko. "Unti-unti ng nalulugi ang kumpanyang inaalagaan nila." sabi ko sa kanya. Pinunasan niya ang pisngi ko at hinalikan ako roon.







"Hindi mo dapat hinahayaan ang sarili mong magkaganito..." malambing na sabi niya at hinalikan ako mabilis lang. He just taste my lips. Ngumiti ako ng mapait. Sana ganoon kadali.








"Sana kaya kong balewalain lahat. Pero hindi ganoon. I am a Lozano. As long am carrying that name... Di ko sila iiwan." sabi ko sa kanya. Kitang-kita ko ang pagkakatigil niya nang sabihin ko iyon. Huminto siya sa paghaplos sa uluhan ko. Ang kaninang mapupungay niyang mga mata ay napalitan ng malalamig na tingin. O akala ko lang? Baka naman kanina pa niya ko tinitignan na ganyan?








"You are a princess then hmm?" he asked. Coldness is evident in his voice. "No..." sagot ko.







"But you said you are a Lozano? Is Alfonso Lozano the famous owner of the Lozano Hotel and Companies your father?" tanong niya. Nagulat ako dahil kilala niya ang Papa ko. Napangiti ako ng malungkot. Oo nga pala...  Who wouldn't? Our company and business is one of the top hotel in the Asia. Kaya di malabong kilala niya si Papa.









"It doesn't change anything. Unti-unti ng nawawala samin lahat. I am not princess even I live with a wealthy family. My family is facing a big crisis now. Malapit ng mawala ang kumpanya samin dahil sa pagkalugi nito." sabi ko sa kanya. "So how I can be a princess when everything is about to lost?"









"I don't know what to do. Hindi ko makayanan na nahihirapan sila at laging nag-aaway. Ako na lang ang mayroon sila at gagawin ko lahat para sa kanila." I cried to him. "Nasasaktan ako. Nasasaktan kasi ako iyong anak pero wala akong magawa. Napakawala kong kwenta!" iyak ko sa kanya. Umiling siya at hinalikan akong muli.







"You are not..." he said as he gives me shallow kisses. Nakalimutan ko na naman lahat. Ano nga bang problema ko? Fuxk!







"Let me help you to fix it," sabi niya at bago pa ko makapagreact sa sinabi niya ay mas pinalalim niya ang halik sakin.







What did he mean about that?










Kaya pala nang nalaman niyang anak ako ni Alfonso Lozano ay biglang nagbago ang ekspresyon niya sakin noon. Kaya pala dahil galit siya sa pamilya ko. Dahil kami ang sinisisi niya sa pagkamatay ng kapatid. At tutulungan daw niya ko. Oo. Tinulungan niya ko pero ang kapalit ay ang wasakin ang buhay ko at ng pamilya ko.







Bigla ring bumalik sa isipan ko iyong pinag-usapan namin tungkol sa kapatid niya. Iyong araw na pinagtapat niya sakin na may kapatid siya at kung paano ito namatay.







Napahagulgol na ko dahil hindi makayanan ng puso ko ang matinding sakit. Na unti-unti akong pinapatay nito.






Lahat nang nangyari sa pamilya niya ay pinaranas niya sa pamilya namin. Lahat ng sakit ay pinaparanas niya ng mas mahigit pa. Mas sobra pa.







Nanginginig ang mga kamay na kinuha ko ang cellphone ko. Unang tinawagan ko si Timothy. Si Timothy ang unang taong naisip ko na alam kong matutulungan ako na hindi malalaman ni Lucian. Hindi ako pwedeng humingi ng tulong kina Cassandra o kina Mira dahil paniguradong sasabihin ng mga ito kung saan ako. At iyon ang huling bagay na gusto kong mangyari. Hindi ako makakalayo kung malalaman ni Lucian.







At si Timothy na lang ang pag-asa ko. Kailangan ko ng tulong niya. Kailangan ko nang umalis sa lugar na ito. Sa muling pagkakataon. Pero sisiguraduhin ko na ito na ang huli at hinding-hindi na ko babalik sa bahay na ito lalo na sa buhay ni Lucian.







Tama na ang pagpapakagaga ko sa kanya. Tama na ang pagpapakatanga ko sa kanya. Sobra na ang ginawa niya sa pamilya ko. Yes. I love him. And I know mahal niya rin ako pero hindi pala kaya ng pag-ibig na iyon ang matanggap lahat ng nangyari.







Ilang ring bago nagawang sagutin ni Timothy ang tawag ko. Malamang ay busy si Tim ngayon. I’m sorry, Tim. Pero kailangan na kailangan talaga kita ngayon.







Hindi ko na kakayanin kapag nagtagal pa ko rito. At maya-maya ay uuwi na rin si Lucian. Ayoko na magpang-abot pa kami. Hindi ko alam kung anong mangyayari kapag nangyari iyon. I am torn and angry ayokong may magawa o masabi ako sa kanya na pagsisihan ko lang.







“Hi, Miss. How are you? Miss me?” bahagya siyang tumawa. “Because I do.” malambing na sabi niya.







Hindi ko na napigilan pa ang hikbi ko kaya naman alam kong napansin niya iyon dahil sa pag-aalala niya nang tanungin ako. “Anong nangyari, Amanda? Ayos ka lang?” tanong niyang mababakasan ng matinding pag-aalala.








Sa pagitan ng mga hikbi ay sinagot ko siya. “Pwede mo ba kong sunduin dito? Please, sunduin mo na ko.” sabi ko sa kanyang hindi na itinago ang pag-iyak. Hindi ko na kayang magkunwari na ayos lang ako. Hindi ko na kaya pang pahabain ang pag-uusap namin. I need to talk to him straight so that I can say what I need to tell him. I need his help at alam kong hindi niya ko bibiguin.







“What? Bakit? Anong nangyari, Amanda?” punong-puno ng pag-aalala na tanong niya.






“Sunduin mo na lang ako please? Do not tell Mira about it. Gusto ko na lang makalayo…” sabi ko sa kanya. I cannot tell him yet about what happened. Mahihirapan lang ako.







Napamura siya. “That fucking bastard! Ano na namang ginawa niya saiyo?”







Umiling ako kahit hindi naman niya nakikita. “Hindi, Tim.” sabi ko.
“Anong hindi? You won’t cry like that kung hindi dahil sa kanya.” sabi niya.







Nanikip ang dibdib ko. Tama. Lagi naman siya ang dahilan kung bakit ako nasasaktan at umiiyak ng ganito.







“Makakapunta ka ba, Tim? I’m sorry. Pero hihintayin kita, Tim. Please, puntahan mo ko…” pakikiusap ko sa kanya. Wala na kong kilala na mahihingian ng tulong. Muli siyang nagpakawala ng isang mahinang mura.







“Yes, I will. I will baby. Pupuntahan kita. Hintayin mo ko. Papunta na ko.”






“Thank you, Tim. Thank you.”






Narinig ko pa ang isang taong tinawag siya. “Saan ka pupunta, Mr. Servantes? We are in a meeting.”






“Meeting adjourned,” sabi ni Tim.






Nagulat ako sa sinabi niya. “Oh my gosh! You are in a meeting? Tim, wag ka na pumunta…” sabi ko. Mukhang naistorbo ko pa ata si Timothy sa trabaho niya.







“Wait me. Within 3 hours, nandiyan na ko.” sabi niya.







Mas lalo akong napaiyak dahil alam kong ako ang uunahin ni Timothy sa lahat ng bagay. Na kahit ang selfish ko dahil sa kanya na naman ako lumapit kahit nagmo-move on na siya, ay heto na naman ako, siya na naman ang ginugulo.







“Maraming maraming salamat, Tim. Mag-iingat ka.”







“Baby, huwag ka na umiyak. Baka ano pang mangyari sa inyo ni baby. I will be there.”







Tumango ako at mas lalo lang napaiyak kaysa tumahan kaya naman nagmura siya. “Baby please. Calm down. You’re killing me.”







“Ayos lang ako, Tim. I am thankful because you’re going here.”






“Alam mong handa akong gawin lahat para saiyo kaya naman hindi mo na kailangang magpasalamat. Mas gusto ko na tumahan ka dahil ayokong may mangyari sa inyong masama ni baby.” sabi niyang mababakasan ng matinding concern at pag-aalala. May paglalambing din sa boses niya na para bang inaalo ako ng mga ito.






“Salamat, Tim. Please be safe.”






Naputol ang tawag sa sinabi niyang, “Darating ako. Hintayin niyo ko ni baby. Magiging maayos din ang lahat babe,” sabi niyang ikinatango ko at nagpasalamat pero mas lalo akong naiyak.







Magiging maayos pa ba talaga ang lahat? Magiging maayos pa ba ang lahat kung sa simula pa lang ay magulo na?







Inayos ko ang sarili. Nagpunas ako ng mga luha. Kinalma ko ang sarili at may isa pang taong gustong makausap. Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago ako huminga nang malalim. Sa pangalawang pagkakataon ay tumawag ako. This time… si Kuya Knight na.






I want to know from him… about the truth. About Luciana. Siya lang ang makakapagsabi sakin sa totoong nangyari sa kanila ni Luciana. Na alam kong hindi naman talaga alam ng pamilya ni Lucian o maging si Lucian. Hindi ako naniniwala na basta na lang gagawin ni Kuya Knight iyon. Kung totoo man ang sinasabi nila alam kong may mali.







Kung tama ang pagkakaalala ko… may isang babaeng sinabi noon si Kuya na pinakamamahal niya pero nawala sa kanya. Kaya gusto ko malaman… bakit? Bakit niya iniwan si Luciana? Ano ba talaga ang dahilan? Alam kong mahal na mahal niya si Luciana na hindi na niya kaya pang magmahal muli. Kung tama ako na si Luciana nga ang tinutukoy ni Kuyang babaeng  mahal niya nang magkasagutan sila ni Papa.







“Shobe… How are you? I miss you. Sorry hindi nakatawag si Kuya agad.”







Pinigilan ko ang sarili na maiyak nang marinig ang boses ni Kuya. Kung nasa malapit lang siya ay niyakap ko na siya at umiyak na sa kanya. Magsabi nang nararamdaman para aluin niya tulad ng dati niyang ginagawa.







Muli kong narinig ang paulit-ulit na sinabi ng mama ni Lucian. “Your brother killed my daughter! He killed my daughter!”







Napailing ako. Huminga ako nang malalim dahil kailangan ko munang kalmahin ang sarili. I can’t cry hard because Kuya will be worried at baka hindi na niya sabihin sakin ang tungkol sa bagay na gusto kong malaman.






“Kuya… iyong tungkol sa babaeng unang minahal mo, almost 3 years ago… ano ba talagang nangyari sa kanya?”







Alam kong nagulat siya sa tinanong ko dahil natigilan siya ng ilang sandali. “May problema ba Shobe?” tanong niya.







Napakagat ako sa mga labi para mas lalong pigilan ang sakit na kumawala. Kilang-kilala ako ni Kuya kaya kahit sa boses ko lang ay alam niyang may problema ako kahit hindi ko sabihin. I want to hug him right now and cried all the pain in my heart.







“Kuya please… I just want to know. Ano po bang nangyari 3 years ago?”






Napamura si Kuya. Alam kong nagtataka siya kung bakit bigla-bigla ay tinatanong ko ang mga bagay na ito. “Matagal na ang bagay na iyon, Amanda. Huwag na nating pag-usapan.”







At kilang-kilala ko rin si Kuya para marinig ang sakit sa mga boses niya kahit pinapalabas niya na balewala lang sa kanya ang sinabi. Mas nasaktan ang puso ko. Alam ko, na kahit napakatagal ng panahong iyon… masakit pa rin sa kanya iyon. Kaya paano nila sasabihin na si Kuya ang pumatay kay Luciana?







“Bakit ayaw niyo pong sabihin sakin? Kuya why are you keeping secrets from me now?”







Hindi ko maiwasang makaramdam ng pagtatampo. Matagal saking itinago ni Kuya ang bagay na ito. Nawala lang ako noon ng dalawang taon, marami na pala akong hindi alam kay Kuya sa taon na iyon na nagdaan. Kuya never keep secrets from me... itong tungkol lang talaga rito ang nagawa niyang itago sakin.







Muli siyang nagpakawala ng isang mura. “I am not. Ayoko lang na madamay ka pa.”







“I am Kuya.” nasasaktang sabi ko. Damay na talaga ako sa bagay na ito kaya kahit hindi sabihin sakin ni Kuya, matagal na kong damay.







Natigilan siyang muli. “What do you mean, Amanda?” naguguluhang tanong niya.







“Please Kuya. I want to know about it.” sabi ko sa kanya. Gusto ko sa kanya mismo manggaling ang tungkol doon. I want to know about it. 







“Alright. And after I’ll tell you, tell me why do you want to know it.” sabi niya. Alam kong ipinagtataka niya ng husto kung bakit ay bigla bigla na lang na gusto ko nang malaman ang tungkol sa nangyaring iyon.







“I will Kuya.” sagot ko. Talagang sasabihin ko po sa inyo, Kuya. Pero hindi muna ngayon.






Bumuntong hininga siya. Pigil ko ang matinding sakit na kumawala sa bibig ko bilang mga hikbi kaya naman napatakip ako sa bibig nang magsimula na siyang magkwento.







“Four years ago, I met a girl.” simula ni Kuya. “Nagkakilala kami nang magbakasyon ako sa probinsya natin.” sabi niya. “Bagong salta siya sa lugar. She was actually a partime waitress in a café. She took my order… corny, but I fell in love wih her the first time I laid my eyes on her.”







Narinig ko pa ang mahina niyang tawa pero ang matinding lungkot ay naroon. Hindi ko rin mapigilan ang mapangiti sa kabila ng sakit dahil ngayon ko lang narinig si Kuya na nagsabi na nagmahal siya sa unang pagkikita pa lang nila nung babae. Hindi ko akalain na ang playboy kong Kuya noon na love at first pala. At masakit na isipin na nauwi lang sa trahedya ang lahat. Bakit? Bakit napakalupit naman ng tadhana? Bakit kailangan lagi na lang naghihirap ang isang taong nagmamahal? Bakit?







My brother really do love her… pero bakit nila sinasabi na pinatay siya ni Kuya when he was so in love with her?







“Minahal ko siya, Amanda pero may mga bagay na hindi kaya nang pagmamahal lang.” malungkot na sabi niyang sinang-ayunan ng puso ko. Tama ka Kuya. May mga bagay na hindi kaya ng pag-ibig lang.







“Pinaglayo kami ng tadhana at wala akong nagawa para ipaglaban siya. Pinakawalan ko siya. Isinuko ang pagmamahal ko sa kanya kahit alam kong masasaktan ko siya. Ginawa ko para sa pamilya. Para kay Papa. Sobrang sakit para sakin nun, Amanda. Sobra na hiniling ko na lang na sana, hindi na lang tutol si Papa samin.”







Dinig na dinig ko ang matinding sakit sa boses niya. Ang matinding pagkabigo, ang matinding pagsisisi at ang matinding pangungulila. Bakit nagawa ni Papa na hadlangan si Kuya sa babaeng mahal niya? I’ve known my father for being so kind and considerate. Hindi siya matapobreng tao dahil lagi niyang sinasabi na alam niya ang pakiramdam dahil minsan na siyang naging mahirap. Kaya bakit? Bakit nagawa ni Papa iyon? Anong dahilan niya?







“Hindi ko alam na sa mga panahong iyon, iyon na pala ang huling beses na magkikita kami.” sabi niya.







Napahawak ako sa bibig para pigilan ang sakit na kumawala sa boses lalo dahil hindi ko na napigilan pa ang mga luhang nag-uunahan sa pagbagsak. Dahil alam ko na ang susunod na nangyari sa kwento niya at iyon ang pinakamasakit na parte.







“Hindi ko sinasasadya. Tang ina, hindi ko sinasadya. Hindi ko ginusto na mangyari sa kanya iyon. Hindi ko gustong masaktan si Luciana. Mahal na mahal ko si Iana…”






Tuluyan nang nadurog ang puso ko.
Luciana. Iana.






Siya nga. Siya nga ang babaeng minahal ni Kuya noon. Ang babaeng kapatid ni Lucian… ang babaeng gustong ipaghiganti ng pinakamamahal kong si Lucian.






Shit! Why is it so damn painful?







“Pero tang ina, Shobe, hindi man lang kami hinayaan na maging masaya. Kasalanan ko. Kasalanan ko kung bakit wala na siya. Kasalanan ko kung bakit siya namatay.”







Kasabay ng hikbi ko ang pagkakatigil ni Kuya kasunod nang singhot na narinig ko mula sa kanya. Is he crying tulad ko? Umiiyak ka ba Kuya? Oh, Ahia. I’m so sorry. I’m so sorry.







Damn! Shit! It’s hurt. It’s really hurt dahil kay Kuya na mismo nanggaling. Napailing ako. No! he didn’t kill her. Hindi niya rin gustong masaktan si Luciana.







“Namatay siya nang hindi ko man lang nasabi sa kanya na mahal ko siya. Hindi ko man lang siya naipaglaban. Nawala si Luciana dahil sakin. She died because of me, Amanda. Kasalanan ko.”







Napaiyak na ko nang tuluyan dahil kinumpirma ni Kuya ang katotohanan.







Siya ang lalaking minahal ni Luciana noon bago ito namatay. Ang dahilan ng pakabigo nito.







Ang mali lang sa kwento… Kuya never wanted to hurt her or leave her. That he really do love her. At hindi iyon alam ng pamilya ni Lucian kaya nagagawa nilang sisihin si Kuya. So fucking unfair!







“Hindi mo iyon kasalanan Kuya. Hindi mo siya pinatay. Please huwag mong isipin ang ganoon.” sabi ko sa kanya. Dahil nasasaktan ako na naririnig siyang nagsisisi sa isang bagay na hinding hindi niya magagawa.







Ayokong isipin ni Kuya na kasalanan nga niya. Na siya ang may kasalanan when in fact ay hindi. Wala siyang kasalanan. Sadyang pinaglayo lang sila ng tadhana at hindi nabigyan ng pagkakataon para maging masaya.







“Shh, baby, hindi mo kailangang umiyak.” pagpapatahan ni Kuya sakin nang marinig ang sobrang pag-iyak ko.







“Kaya ba hanggang ngayon Kuya siya pa rin ang mahal mo? Na hanggang ngayon ay nasasaktan ka pa rin?”







“Hindi siya nawala sakin, Amanda. Hindi siya kahit kailan nabura sa puso’t isipan ko. Siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. Nakatatak na siya sa pagkatao ko. Pero hindi ko siya nagawang ipaglaban. If only I did… she will never die.”






Nagpunas ako ng mga luha at pinigilan pa ang sarili na mapahagulol pa lalo.







“Kuya hindi mo kasalanan…”







“Hindi mo kailangan kaawaan si Kuya. Hindi mo kailangan umiyak para kay Kuya dahil kasalanan ko,”







Umiling ako kahit hindi naman niya ko nakikita. Ayoko na isipin niya ang ganoong bagay. “Hindi mo siya pinatay, Kuya. Hindi.”






“I did, Shobe. I did.”






Masakit para sakin na marinig ito mula kay Kuya. Masakit marinig na sa tagal ng panahon, sinisisi niya ang sarili sa isang pangayaring hindi niya ginusto.






“Hindi mo iyon kasalanan, Kuya. Walang may gusto nang nangyari, Kuya. Wala.”






If only I could hug my brother, tell him everything. Tell him that he never killed her. He never killed her! He never did!






Please… believe me. Believe me when I say that he didn’t kill her. Nasasaktan ako na hindi lang si Lucian at ang pamilya niya ang sinisisi si Kuya dahil maging ang sarili niya ay sinisisi rin niya. And it's killing me more about it.






Nag-iyakan kaming dalawa ni Kuya roon habang sinasabi niya sakin ang tungkol sa babaeng pinakamamahal. Ang babaeng una at huling mamahalin na sana sa susunod na buhay daw nila ay maging sila na. Hindi ko alam kung may isasakit pa ba ang puso ko dahil sa bawat paghinga niya ng malalim para kontrolin ang mga luha ay ang mga sakit ng pagkabigo ng pag-iibigin nila ng babaeng pinakamamahal.







Hindi ko alam na ang kanila ang isa sa pinakamasakit na kwentong narinig ko sa buong buhay ko.






Naikwento na ni Kuya ang dapat kong malaman. At sa huling pagkakataon sinabi ko kay Kuya na hindi niya pinatay si Luciana pero alam ko na kahit ilang beses kong sabihin sa kanya iyon… matagal na niyang itinatak sa kanyang pagkatao na siya ang pumatay sa babaeng pinakamamahal dahil hindi niya nagawang ipaglaban ito.






I’m so sorry, Kuya. I’m so sorry.





Nang matapos ang tawag. Huminga ako nang malalim. Pinunasan ko ang mga luha. Muli akong sumagap ng hangin para punuin ang baga kong nagbabara na dahil sa matinding pag-iyak dahil sa matinding sakit na unti-unting pumapatay sakin.







Unti-unting bumangon ang galit sa puso ko nang maalala kung paano umiyak si Kuya telling me how much he loves her… pero ang mga taong nasaktan sa pagkawala ng pinakamamahal nilang si Luciana, ay si Kuya ang sinisisi sa pagkamatay nito, thinking that my brother only hurt her.






Why is it so unfair? Why are they so unfair?






Bakit napakadaya nila?! Bakit kailangan isisi nila kay Kuya ang nangyari? Bakit? Hindi iyon ginusto ni Kuya. Hindi niya iyon ginusto. Walang may gusto nang nangyari. At nasasaktan ako ng sobra sobra dahil alam ko na kahit hindi nila isisi kay Kuya… sinisi na niya ang sarili sa nangyari sa babaeng pinakamamahal.







“Baby, how are you?” malambing na tanong ni Lucian nang sagutin niya ang tawag ko.






Kamusta nga ba ko? Kamusta na ba ang isang taong pinagtaksilan? Ang babaeng ginamit para makasakit ng mga taong mahahalaga sa kanya? Kamusta na ba ko matapos ang mga nalaman?






“I missed you… I’m sorry kung hindi ako nakatawag---”






Bago pa ko tuluyang lamunin ng pagmamahal ko sa kanya, bago pa ko unahan ng puso kong minamahal pa rin siya at matunaw na lang bigla. Pinutol ko ang sinasabi niya. Dahil gusto ko na ring putulin ang pagmamahal ko sa kanya kahit alam kong mahihirapan akong gawin iyon.







“Totoo bang ginagamit mo lang ako at ang anak ko para saktan ang pamilya ko? Para makapaghiganti ka sa kanila? Totoo ba Lucian?” dire-diretsong sabi ko.







Alam kong nagulat siya na alam ko ang tungkol sa bagay na iyon dahil natigilan din siya. Napamura siya nang makabawi.






“Paano mong---”






Hindi ko na napigilan ang matinding sakit na kumawala. Hindi ko na itinago ang hikbi ng sakit ng damdamin. Ang galit para sa ginawa niya hindi lang sakin, hindi lang sa pamilya ko kung hindi para sa anak ko.







“Amanda… magpapaliwanag ako---”







“Masaya ka na ba? Masaya ka na ba na masaktan ako? Masaya ka na ba na nasaktan mo na ang pamilya ko? O kulang pa?”







Muli siyang napamura. “Baby, please calm down. Mali ka ng iniisip. Wait me… magpapaliwanag ako babe.”






Anong mali sa iniisip ko? Anong mali sa katotohanang iyon nga ang pinaplano niya? Ano?






“Gusto kong malaman, Lucian ang totoo. Did you use me?” may hinanakit at galit na tanong ko. Hindi ko maiwasang makaramdam ng galit dahil sa mga nalaman.






“Amanda hindi---”






“Huwag ka ng magsinungaling!” putol ko sa sinasabi niya. “Ginamit mo lang ba ko? Minahal mo ba talaga ako? O lahat ng ito ay para lang pasakitin ako at ang pamilya ko?”







Napamura siya. Narinig ko sa background ang boses nina Phoenix at ng mga pinsan niya. Pati ba sila alam nilang lahat ang tungkol dito? Pati ba sila kasama sa plano? Kasi kung oo, para na nila kong pinatay.








“Amanda. Mahal kita. Iyon ang totoo. Natutunan kitang mahalin sa unang beses pa lang na makita kita. Mas minahal kita nang makasama kita. Please believe me…”







“Pero sa kabila nun… talagang ginamit mo ko hindi ba?” tanong kong gusto kong iwaksi sa sistema ang pagmamahal niya. Yes. Alam kong minahal ako ni Lucian. Alam ko at naramdaman ko iyon, pero malaking bagay para sakin ang paggamit niya.






Muli siyang napamura. Narinig ko ang isang tao na inabot na sa kanya ay susi ng kotse niya.






“Pauwi na ko. Mag-uusap tayo. Pease, Amanda. Mag-usap tayo.” may pakikiusap na sabi niya. Naroon ang pagkataranta at ang pag-aalala.






“Mahal na mahal kita, Lucian. Ipinagbubuntis ko na ang anak natin. Pumayag na kong pakasal saiyo. Kailan mo ba balak na iwan ako sa altar at sabihin sa buong mundo na ako ang kapatid ng lalaking iniisip niyong lahat na pumatay sa kapatid mo?”






Dinig na dinig ko ang pagmumura niya. “Baby… hindi.” hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Dinig na dinig ko ang sakit sa boses niya. Ang pagkabigo at ang pagsisisi. Bakit siya nagsisisi ngayon? Dahil totoo. Dahil totoong ginamit niya ko.






“Minahal kita, Lucian. Tinanggap ko lahat ng pagpapakasakit mo sakin. Lahat ng sakit binalewala ko. Dahil mahal kita eh. Mahal kita.”






“At mahal na mahal din kita. Yes. Ginawa ko ngang gamitin ka para sa plano---”






“You did…” putol ko sa sinasabi niya at bahagyang tumawa kahit wala namang nakakatawa sa sitwasyon namin ngayon. Tuluyan nang nawasak nang pino ang puso ko. “Ginawa mo nga.”






At ang sakit dahil sa kanya na mismo nanggaling. Ginawa nga niya.






Narinig ko ang mura niya at ang ingay sa kotse niya na para bang may hinampas siya roon.






Hindi ko maiwasang mag-alala dahil nagmamaneho na siya. Nakakatawa na kahit may galit akong nararamdaman sa kanya at nasaktan niya ko ay nagagawa ko pa ring mag-alala sa kanya. Mahal ko eh. Ganoon talaga.






“I did that because of my anger but damn it, Amanda, noon iyon. Agad kong pinagsisihan iyon nang tuluyan na kitang makasama. Binago mo ang buhay ko. Nagsisisi na ko sa lahat nang nagawa ko saiyo. I shouldn’t have done that. Hindi dapat kita ginamit. Baby please. Mag-usap tayong dalawa nang maayos. Please. Do not leave. Baby, please. Please.”






Napahagulgol na ko sa sakit dala na rin nang pagsusumamo sa kanyang boses. Naiisip ko pa lang ang mga mata niyang punong-puno ng sakit, pagsusumamo ay hindi ko na kaya. Bumibigay ang puso ko agad. Ang mga mata niyang kayang tumibag ng kahit anong galit o sakit sa puso at pagkatao ko. At bago pa ko tuluyang bumigay nagpaalam na ko sa kanya.






“Salamat sa lahat, Lucian pero ito na ang huli.”






“No, please. Baby please. Hear me out. Babe. I love you. Mahal na mahal kita… Amanda…”






Patuloy siya sa pakikiusap sakin.
Mas pinapangibabaw ko ang sakit at ang unti-unting pagbangon ng galit ko para lang mapagtakpan ko ang pagmamahal na handang tumanggap ulit. Pero hindi iyon tama. Oras na para pamilya ko naman ang isipin ko at hindi puros na lang ang nararamdaman ko.






“Siguro naman tama na iyong mga sakit na naibigay mo…”







“Amanda please baby I'm sorry. Please let's talk babe...”








“Sapat na sigurong kabayaran na sinira mo na ang buhay at pagkatao ko para makabayad kami. Siguro sapat na ang pagwasak mo sa puso ko para patas na tayo. I’m sorry sa nangyari kay Luciana, Lucian pero pinatay mo na rin ako sa ginawa mong ito kaya nakaganti ka na. You already killed my heart. You already killed my hope. You already killed me by dreaming that one time we will be having a happy family. You already killed me by making me hope for something that will never really happen. You already killed my life by hurting my family. Pinatay mo na rin ako Lucian kaya masaya ko na naipaghiganti mo na siya. At sorry kung hindi mo nagawang patayin ako physically.” huminto ako para sumagap ng hangin dahil hindi na ko makahinga ng maayos.







“Sana ginawa mo na lang kaysa pinapatay mo ko unti-unti sa sakit… Mas masakit kasi na iyong taong minahal mo ng sobra sobra siya pa ang mananakit saiyo ng doble pa sa pagmamahal na iyon.”








Dinig na dinig ko ang pagkakabasag ng boses niya nang magsalita siya. Nagpakawala siya ng maraming mura na punong-puno ng sakit, pagkataranta at pagkabigo. “Amanda babe, I’m so sorry. Hindi ko sinasadya. Hindi ko sinasadyang masaktan ka. Please hayaan mo kong pagbayaran lahat ng iyon. Please baby. Mag-usap tayo pagdating ko. Amanda please. Hindi ganoon.”







Kahit ano pang paliwanag ang sabihin niya o pagsusumamo, masyado nang masakit para maintindihan ko. Kaya mas mabuti pang tapusin na ang lahat bago pa ko malunod ng husto.







“Paalam, Lucian…”






“No! no! please!” nagmura siya kasabay nang pagmamakaawa at sakit na kumakawala sa boses niyang pumapatay sa buong pagkatao ko.








Mahal na mahal kita, Lucian. Ang masaktan ka ay doble ang balik sakin. Pero ako ba... kapag nasaktan mo ng husto, nasasaktan ka rin ba o masaya ka na kasi nakaganti ka na rin sa wakas para kay Luciana. Para kay Luciana.






“Amanda please wag mo kong iiwan. Mahal na mahal kita…”






“Mahal na mahal din kita. Alam kong alam mo iyon. Pero masyado nang maraming nangyari, Lucian. Masyado nang masakit. Sinaktan mo ang pamilya ko at iyon ang huling bagay na gusto kong mangyari. Alam kong alam mo iyon. Sila ang dahilan kung bakit tayo magkasama. Sila ang lahat sakin bago ka dumating sa buhay ko at binigyan mo ng panibagong saya at kulay ang buhay ko. Sila ang unang naging mayroon ako kaya masakit na sinasaktan sila ng lalaking naging buhay ko na rin. Lalaking minahal ko ng higit sa kanila. Lalaking pinaglaanan ko na ng lahat pero kahit kailan hindi naging sapat.”








“Fuck. Hindi iyan totoo, Amanda. Amanda patawarin mo ko. Baby hindi ko sinasadya. Alam kong nasaktan kita lalo na ang pamilya mo. I was only blinded by my anger back then but believe me mahal kita at natutunan ko nang mahalin ang pamilya mo---”






Napailing ako. “You never did Lucian.”






“Baby I did! I did!” dinig na dinig ko ang pagkakabasag ng boses niya, ang pagmamakaawa na pakinggan ko siya at alam ko sa mga sandaling ito ay umiiyak na rin siya kaya naman wasak na wasak na ang puso ko. At ayoko na ng ganito.






“Sana ito na ang huling beses na mag-uusap tayong dalawa dahil baka sa susunod, tuluyan nang namatay ang puso ko kasabay ng pagmamahal ko para saiyo. At tanging galit na lang ang natitira.”






“Baby, I’m so sorry. Wag mong sabihin iyan please…”






“Good bye, Lucian. And this is the last time I’ll tell you that I love you. Good bye, babe. Good bye Mr. Griffin. And I’m sorry for breaking your plan. I'm sorry for what happened to Luciana and to your family. I’m sorry, Lucian. I'm sorry.” hindi ko na napigilan ang mapahagulgol kaya naman nagdesisyon na kong itigil na.






“Amanda---”







Tuluyan ko nang pinatay ang cellphone ko. Tumawag siya pero pinatay ko na ang cellphone ko para hindi na niya ko ulit matawagan. Hindi ko na kaya pang kausapin si Lucian ulit. Hindi ko na kaya pang kausapin ang lalaking sumira sa buhay ko at ng pamilya ko.






Ang lalaking walang pinagkaiba sa iniisip nila kay Kuya. He killed me too.
Maybe not physically but mentally and emotionally.





At buo na ang pasya ko.






Iiwan ko na si Lucian nang tuluyan. I won’t turn back. Not this time.
Masyado nang masakit at masyado nang malalim ang iniwan niyang sugat sa pagkatao ko. At higit sa pamilya ko.






Oras na para isipin ko naman sila at ang magiging anak ko. Oras na para magsimula ulit na hindi siya kasama sa simulang iyon.






Inayos ko na ang kunting gamit na dadalhin ko. Ang bag na pinaglalagyan ng gagamitin ni baby sa panganganak ko. Ready na ready na kami ni Lucian sa panganganak ko. Nakakalungkot na hindi kami magkasama ni Lucian na masisilayan ang aming anak. Bakit ngayon pa nangyari ito kung kailan akala ko perpekto na ang lahat?






Napahawak ako saking tiyan. “Baby. Tayong dalawa na lang ni Mommy. Patawarin mo si Mama kung iiwan na naman niya si Papa. Pero alam ko kapag laki mo, maiintindihan mo rin si Mama kung bakit niya ito ginawa. Para saiyo rin ito anak. Para saiyo ito.”






Because I know now the main reason why I am carrying the billionare’s baby.






Hindi dahil kailangan niya ng anak at kailangan ko ng pera kaya ako pumayag. Kung hindi dahil kailangan kong dalhin ang anak niya at kunin sakin ito para iparamdam sakin at sa pamilya ko ang sakit na mawalan. Ang sakit na mawalan ng minamahal.
In that way… nakaganti na siya.







If I am carrying his child… if I am carrying the billonaire’s baby… I am already carrying the reason for his damn plan to succeed… and that is to have his revenge for my family… including me.







***

Waaahhh! Ayan po! Ang last chapter :) I know marahil lahat kayo ay mapapansin na ang nangyari sa ending ng book one ay halos same ng nangyari sa book two :) There are  reasons behind it. Tulad po ng lagi kong sinasabi, planado na po ang kwentong ito from book one to the last book :) So ayun po :) See you next update at Epilogue na po :) Ano nga kayang mangyayari sa epilogue?

So ayun :) THANK YOU SO MUCH GUYSEU <3 THANK YOU SO MUCH MGA BABE SA LAHAT <3 6:54 MGA BB <3 Saranghae <3 God bless po <3

See you next update :) Ngayon pa lang nalulungkot na ko. Haha. Pagbigyan niyo na po ako sa note ko next time hahaha :) Lol. Natutuwa ako na nagbibigay kayo ng saloobin sa mga update :) Sa votes thank you :) May iba na alam na agad na aalis si Amanda at may iba na alam na agad na si Timothy ang lalapitan ni Amanda haha. Sorry po sa mga napaiyak ng update nung nakaraan hindi po iyon sinasadya ni Owtor. Pasensya na po.

So ayun po ulit. Salamat po sa pagbabahagi ng inyong naiisip sa mangyayari sa kwento :) Maraming maraming salamat po :) See you po sa Epilogue :) Baka po note muna bago epilogue hehe :) Saranghaeyo <3 Good night <3 Byeeeeee ~ God bless <3

Pokračovat ve čtení

Mohlo by se ti líbit

157K 2.9K 50
WARNING: This story have grammatical errors, scenes that isn't accurate, and confusing parts. Bare with it since I'm too lazy to edit my stories. Cla...
28.9K 417 27
Pano kung maging maid ka ng isang aroganteng lalaki? Sabihin na nating Mayabang? Lahat sa kanya kinaiinisan mo pero pano kung lahat ay magbago? 50 Da...
7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
1.8M 33.2K 39
Alex was just a simple girl. Isang babaeng ang gusto lang ay ma-enjoy ang buhay. She was hired to be the secretary of the CEO from one of the multi-b...