Grieving Soul [#Wattys2019 Wi...

By nininininaaa

3.3M 78.7K 8.2K

[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexp... More

Grieving Soul
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 47

52.6K 1.4K 94
By nininininaaa

#GrievingSoulWP

Chapter 47
Invite

"Are you sure about this, Iarra?" paninigurado ni Kuya Diego sa akin at naninigkit ang kanyang mga mata. "This is gonna be a big responsibility. Maisasabay mo ba 'to sa pamamahala ng plantation?"

I video called my brother to tell him about my plans. He was inside their room, and I could see Ate Rain sleeping on the bed at the background. Every time my eyes would drift and see the bump on her tummy, it's making me smile even when my brother's completely serious while talking to me.

"Hindi naman matrabaho ang plantation kapag hindi harvest and planting season, Kuya," paliwanag ko. "Gio's busy with his own company. I want to be busy too while doing what I like doing."

"Does Gio know anything about your plan?" he asked me.

I pouted a bit. "Well, I haven't told him about it yet. I want to have a concrete plan first because I know that he would involve himself with the planning if I already tell him about it," I reasoned out. "Kung wala siya masyadong ginagawa, ayos lang sana pero alam kong tambak ang gawain sa kompanya niya ngayon. Ayokong makihati pa ang naiisip kong business sa oras niya gayong alam kong kaya ko naman."

Makahulugan akong tiningnan ni Kuya Diego na para bang hindi siya naniniwala sa akin. His judgemental stare was enough to make me conclude that it was what he's really thinking about me at the moment.

"I swear, Kuya! Sasabihin ko sa kanya kapag naayos ko na ang lahat ng plano ko. Don't you give me that judgemental stare," bahagyang naiinis kong sabi sa kanya.

He slightly chuckled because of my sudden outrage. "Okay, little sister," he said. "I believe you now."

Humalukipkip ako at saka tumingin ng diretso sa kanya. "Now, please help me with my plans, Kuya."

Kuya didn't literally help me planning out. He just gave me advices on what I should prioritize with starting the business that I'm planning.

Gusto kong magtayo ng sarili kong restaurant. I like adding twists in a normal dish and experimenting foods that all turned out to be delicious. Naisip kong iyon na muna ang aking pagkakaabalahan lalo na't wala masyadong kailangang tutukan sa plantation dahil nandoon din si Mommy na hindi pa rin mailayo ang sarili sa pamamahala sa plantation.

Well, I understand that she's bored just lurking around the mansion, but I hope she would just travel more and relax. I know how cruel my mom can be, but I couldn't help thinking and caring about her. Mabuti na nga lang at nandoon ngayon sa mansyon sila Kuya Diego upang makasama niya. Kapag nanganak na si Ate Rain at makakabalik na sila ng Manila, siya na lang ang mag-isa roon. She would be alone in that big mansion with only the security guards, driver and maids left that's why she needs to learn how to enjoy her life more other than working.

Keeping in mind my brother's advices, I went out on stroll around the city and searched for a good looking where I could build my restaurant. Kailangan ay sa mataong lugar ko siya itatayo. Sa pag-aadvertise naman nito, I know my sister could help me with it. Pati si Ate Rain ay magaling din pagdating sa advertisements pero ayaw ko muna siyang mag-isip patungkol sa trabaho lalo na't buntis siya. It might only stress her, and that would lead to my brother probably disowning me as his little sister for stressing his beautiful pregnant wife.

Saktong pagkalabas ko sa basement ng tower ay tumawag ang aking asawa. I connected my phone to my car's speakers before answering his call.

"Hello..." malambing kong pagsagot.

"Are you out?" he casually asked.

Napakunot naman ang aking noo at saka mabilis na nilingon ang paligid ngunit agad ding itinutok ang atensyon sa pagmamaneho.

"Pinapabantayan mo ba ako?" pabiro kong tanong sa kanya.

"What?" He sounded so lost and confused.

I lightly laughed at his reaction. "I'm just joking, but yes, I went out," I told him. "Kakaalis ko lang sa condo."

He sighed. "Where are you going?"

"Just gonna drive around. Nabobored ako sa condo. I might go to the grocery later before going home. May susubukan akong lutuin mamaya for dinner," sabi ko sa kanya.

I felt kinda proud because I was able to flawlessly and effortlessly make a valid reason that wouldn't make him suspicious of my activities. Actually, hindi naman talaga mahirap dahil may pawang katotohanan naman ang aking sinabi. I'm really gonna drive around to find a good locale for my future restaurant.

"Okay... Please drive safely, okay? Text me when you're home already," paalala niya sa akin.

"Okay po," sabi ko naman at nangingiti habang naiisip ang hitsura ng aking asawa.

"Good... I just really want to hear your voice that's why I called. See you tonight when I get home..." he said with his husky voice.

Mas lalo lamang lumawak ang aking ngiti na suot-suot. Bago pa ako nakasagot ay narinig ko na ang boses ng kanyang sekretarya sa kabilang linya kaya napalabi na lamang ako. His secretary's telling him that he still has a meeting with one of their clients.

"I guess you need to drop the call now?" sabi ko sa kanya nang matapos na ang pagsasalita ng kanyang sekretarya.

"Yes, I'm sorry. I need to go. I'll see you later. I love you," sunod-sunod niyang sabi at agad na pinatay ang tawag dahil sa pagmamadali.

The smile was etched on my lips after his call. I was focused driving around the city while trying to scan the places I was passing by when the next stoplight I was about to cross turned red. I put the car into break and decided to look around the establishments when a familiar figure, walking along the sidewalk, caught my attention.

Fragments of the scarred memories I left in Bela Isla suddenly came rushing back to me. Sinundan ko ito ng tingin at para bang ayaw nang pakawalan ng aking mga mata lalo na't hindi ko sigurado kung tama ba ang aking nakita. Kung hindi lamang bumusina ang sasakyan sa aking likuran dahil nasa berde na ang stoplight ay hindi mawawala sa kanya ang aking atensyon. I watched him went inside a drugstore before I decided to drive and pull my car into a free parking area.

With a nervous beating heart, I went outside my car and started taking the same steps he did on the way to the drugstore. I stopped from going inside the drugstore when I confirmed that it was really him up close. It's been seven months since I last saw him in Bela Isla. I never thought I'd ever come across him here in Manila.

Papasok na sana ako sa loob nang biglang lumitaw sa aking isipan ang imahe ng aking mabuting asawa. Pakiramdam ko ay isang kasalanan sa kanya ang aking gagawin kung papasok ako rito ngayon upang kumustahin ang lalaking naging malapit sa aking buhay. I took a step back in thoughts of him, but I was too late when he turned to go out and see me outside.

Ang pagkabigla sa kanyang ekspresyon ay aking kitang-kita. Kahit alam ko nang siya 'yon ay hindi pa rin ako makapaniwala. I forced a smile at him, and I saw him relaxed a bit before going out of the establishment.

"Iarra..." Dinig na dinig ko ang pagkamangha sa kanyang boses nang sambitin ang aking pangalan.

Lumapit naman ako sa kanya at kinuha ang kamay upang makapagmano bago muling nag-angat ng tingin sa kanya ng maayos.

"Kumusta na po kayo, Tito Ben?" marahan kong pagkukumusta sa kanya.

"Ah, eh, maayos naman ako, hija," sabi niya habang may suot na hilaw na ngisi. "Aba'y ang tagal na mula noong huli tayong nagkita. Nakikita ko ngayon na mukhang mabuti na ang kalagayan mo."

Hindi ko alam kung bakit natuwa ako sa kanyang komento na mabuti na ang aking kalagayan. I felt like I really did a good job healing my heart and fixing my life.

"Oo nga po. Ilang buwan na rin po ang nakalipas," nahihiya kong sabi.

"Ano pala ang ginagawa mo rito sa Maynila, anak?" tanong niya sa akin. "Binibisita mo ba ang mga kamag-anak mo?"

Umiling ako bilang sagot at mas lalo siyang naging kuryoso sa aking buhay ngayon.

"I'm here for good. Lumipat na po kami rito sa Maynila ni Gio dahil sa kompanya na itinayo niya," sagot ko naman. "Naaalala ninyo po ba si Gio?"

"Oo naman, hija!" natatawa niyang sabi. "Nakakatuwa naman at talagang sinusuportahan mo ang iyong matalik na kaibigan."

Bahagyang napaawang ang aking bibig at nagsimula ang pag-iinit ng aking pisngi dahil wala pa nga pala silang alam na kasal na ako kay Gio. Ang sabihin ito sa ama ng lalaking dati kong minahal ay nakakahiya para sa akin. May kaunting pakiramdam din sa akin na para bang pinagtaksilan ko ang kanilang anak kahit na wala na ito.

"Uh... Ang totoo po niyan ay kasal na po ako," sabi ko at agad na nanlaki ang kanyang mga mata. "Kasal na po kami ni Gio. Pasensya na po kung hindi ko po kayo nasabihan at naimbitahan sa naging kasal namin. Hindi rin po kasi naging maganda ang simula naming mag-asawa."

Maagap naman siyang umiling-iling at bakas pa rin sa kanyang mukha ang pagkabigla. "Ayos lang iyon! Baka hindi rin naman namin mapaunlakan ang iyong imbitasyon kung sakali. Ngayon ay masaya ako para sa'yo. Totoong nagagalak ako para sa buhay na mayroon ka ngayon."

"Ikakasal po pala ulit ako rito sa Manila ni Gio. It's gonna be our second wedding. Kapag nagawa na po ang invitation ay bibigyan ko po kayong dalawa ni Tita Gold," sabi ko naman. "Kakasimula pa lang po kasi naming magplano. Iyon pa rin po ba ang number ninyo?"

Nakangiting tumango sa akin si Tito Ben. "Iyon pa rin ang numero ko," pagkumpirma niya. "Huwag kang mahiyang itext ako o tawagan, ha? Alam mo namang parang anak na ang turing ko sa'yo."

My heart warmed even more because of his words. Tunay na mabuti ang puso ng mga Melendrez. Hindi nakapagtataka na sa kanila nagmana si Silver. I remember how they treated me like a part of their family even when I wasn't their son's girl yet, and even until now that I was already married to someone else after their son died, they still treat me the same.

Pagkatapos naming magkausap ni Tito Ben ay itinuloy ko na ang aking mga planong gawin ngayong araw. I visited commercial buildings with a good location and empty spot. Mayroon din akong nakitang lote na aking pinakanagustuhan. Sa tingin ko'y mas maayos na kung sariling lupa ko na ang pagtatayuan ng aking restaurant kaysa magrenta pa dahil dagdag gastos lamang iyon. If I will buy a lot, even if I will need a huge amount for it, at least it will only be a one time payment.

I immediately contacted the person who owns the lot and asked for a schedule to meet her in person before continuing with my other plan for this day.

"Thank you," I thanked the staff of the grocery store that helped me put the groceries I bought at the back seat of my car.

Sakto namang pagkapasok ko sa loob ng sasakyan ay tumunog ang aking cellphone para sa tawag ni Gio. It's about time that he'll call. He must be at home already. Medyo natagalan ako sa pag-g-grocery kaya ginabi ako.

"Where are you?" bungad niyang tanong sa akin nang masagot ko ang tawag.

"Kakatapos ko lang mag-grocery. Pauwi na ako. Nasa condo ka na ba?" balik kong tanong sa kanya pagkatapos masagot ang kanyang tanong.

"Okay..." He sounded indifferent that made me pouted.

He must be so tired from work. I should probably cook his favorite dish for our dinner tonight.

"Marami ka bang pinamili?" sunod niyang tanong. "I'll wait for you at the basement."

"Huwag na!" Pakiramdam ko'y pagod talaga siya galing sa trabaho at ayoko na siyang mapagod pa lalo. "Kaya ko namang dalhin ang mga pinamili―"

"I'll wait for you," he cut me off. "Please, drive home safely."

Hindi na ako nakaangal pa dahil agad na niyang pinatay ang tawag. Nagmadali na ako sa pagmamaneho pauwi upang hindi na niya kailangan pang maghintay sa akin ng matagal.

Naabutan kong nakasandal si Gio sa kanyang SUV sa basement na nakaparada sa tabi ng parking slot ng aking sasakyan. When my car's headlights caught his attention, he immediately turned to me. Bahagya siyang tumabi upang maiparada ko nang maayos ang aking sasakyan.

"Hindi mo na dapat ako hinintay," sabi ko sa kanya nang bumungad sa akin ang namumungay niyang mga mata pagkalabas ko ng aking sasakyan.

He just smiled at me that made his weary eyes more visible. "You know I don't mind waiting for you," he said before opening the back seat's door.

Nagawa niyang bitbitin ang limang bags ng groceries na aking pinamili nang walang kahirap-hirap. I tried stealing two bags of grocery from him, but he just shoved it away from me.

"Ako na," sabi niya. "Mauna ka nang maglakad. I'll be just right behind you."

Pinaningkitan ko siya ng tingin ngunit natawa na lamang siya sa aking reaksyon at marahan akong tinulak upang mauna na sa paglalakad. Hindi ko naman na napigilan ang sarili ko na mapangiti na lang dahil sa kanyang tawa na nagpawala kahit papaano ng pag-aalala na nararamdaman para sa kanya.

Ilang paghakbang ko ay nauuna ako sa kanya pero nang malapit na kami sa lobby ay huminto ako at hinintay siya upang magsabay na kaming dalawa bawat paghakbang. I couldn't help but smile while staring at our feet simultaneously taking steps. Nagawa ko pang videohan ito ng iilang segundo dahil masyado akong natutuwa.

I was in a very good mood today because I made some progress with the business that I was planning and I met Tito Ben whom I haven't seen for a long time. I wish I was able to see Tita Gold earlier too, but I'm already contented with it.

"You look so happy today," pagpuna ni Gio nang makapasok kami sa loob ng aming unit at hindi pa rin nawawala ang ngiti sa aking labi.

My smile got wider as I nodded at him. "Nakita ko si Tito Ben kanina," sabi ko sa kanya dahil sa tingin ko'y kailangan ko iyong sabihin sa kanya.

I didn't want to be unfair to him and hide things that he should know.

Ilang segundo rin siyang napahinto bago bumaling sa akin at may suot na ngiti.

"You did?"

Muli akong tumango at saka naglakad papalapit sa kanya. "Nagd-drive ako nang makita ko siyang naglalakad sa sidewalk. I stopped by to greet him," kuwento ko. "I told him I got married to you already. Ang sabi ko rin ay iimbitahan ko sila sa magiging kasal natin dito sa Manila para maka-attend sila ni Tita Gold. I'm so glad that he's happy for me, Gio. Masaya rin ako na nakita kong maayos siya at sa tingin ko'y maayos din ang lagay nila ni Tita rito."

Bahagya akong napatigil sa pagku-kuwento nang mapansin ko ang ekspresyon ni Gio. My heart slightly felt a pinch of pain when I dove deeper into his soulful eyes.

"Uhm... I hope it's okay with you if I invite them, Gio..." nag-aalala kong sabi. "They're important to me."

He smiled at me but I could feel that he was just forcing it. "It's okay..." he said. "Kung importante sila para sa'yo ay ganoon na rin sila para sa akin. I have no problem about it. You can invite them."

"Sigurado ka ba?" punong-puno pa rin ako ng pag-aalala. "You don't seem like it."

"I'm sorry..." He smiled and massaged his temple. "I'm just really tired because of work. Ang dami kong kliyente na kinausap kanina. I'm mentally drained."

Napanguso naman ako at saka lumapit sa kanya. Gaya ng aking madalas na ginagawa ay niyakap ko siya at nagulat ako dahil mabilis niyang sinuklian ang aking yakap nang mas mahigpit pa sa aking ibinigay.

"Ang sarap talaga ng yakap ng asawa ko," malambing niyang bulong niya sa akin. "I feel so re-energized already!"

I chuckled and lightly tapped his arm.

"I can't wait to date you on Saturday. You're mine all day," he whispered more.

Continue Reading

You'll Also Like

21.1K 1.1K 11
Weeks before her wedding day, Sydney found out the ultimate horror any bride to be would be afraid to face. Seeing her fiancé Jack in bed with someon...
11M 227K 57
Si Adrianna Grace Montgomery, isang modernong Maria Clara. A no boyfriend since birth, no first kiss and first love. Having a jaw dropping surname, s...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
4.7M 105K 60
Si Tulip Montomery, ang nag iisang bulaklak sa mga anak ni Ivor at Jade Montgomery. Bilang nag iisang babae sakanilang magkakapatid ay madali niyang...