My Guardian Devil

By iamsograce

11.4K 183 39

He is the man who has good looks, oozing with sex appeal, came from upper class... almost perfect, but with d... More

Prologue
Chapter 1 -- I See Fire
Chapter 2 -- Eye Of The Tiger
Chapter 3 -- A piece of cake
Chapter 4 -- Pretty Boy
Chapter 5 -- Punishment
Chapter 6 -- Saved By The Angel
Chapter 7 -- The Date Wrecker
Chapter 8 -- Fearless
Chapter 9 -- The Devil's Hug
Chapter 10 -- Sleeping On A Lion's Den
Chapter 11 -- The Devil And The Angel
Chapter 12 -- Runaway
Chapter 13 -- Brannigan
Chapter 14 -- Truculent attitude
Chapter 15 -- The Menace
Chapter 16 -- A Song For The Brokenhearted
Chapter 17 -- The Call
Chapter 18 -- The Preparation
Chapter 19 -- A Dark Masquerade Ball Part I
Chapter 20 -- A Dark Masquerade Ball Part II
Chapter 21 - Enticement
Chapter 22 - The Game Between Love And Death
Chapter 23 -- Music Box
Chapter 24 -- Start Of Something New
Chapter 25 -- Status: Its Complicated
Chapter 26 -- Confessions Of A Broken Heart
Chapter 27 -- The Cry Of A Pleading Heart
Chapter 28 -- Stealing Kisses
Chapter 29 -- Reality Is Better Than Dream
Chapter 30 -- Green-Eyed Monster
Chapter 31 -- Love And Hate
Chapter 32 -- When Fire Meet Gasoline
Chapter 33 -- Everyone's Anguish
Chapter 34 -- Whisphering Stained Heart
Chapter 35 -- Harmonizing Relationships
Chapter 36 -- Let The Flames Begin
Chapter 37 -- The Dagger In You
Chapter 38 -- An Acrimonious Tiff
Chapter 39 -- Breaking Fences
Chapter 40 -- Burning Lights
Chapter 42 -- New Horizon
Chapter 43 -- Moments Between Intensities
Chapter 44 -- Still Into You
Chapter 45 - The Intoxicated Truth
Chapter 46 -- Cold Blood, Warm Heart
Chapter 47 -- A Mealymouthed Felicity

Chapter 41 -- Days Of Melancholy

80 2 0
By iamsograce



Chapter 41 — Days Of Melancholy

"Helaena... Helaena, bumalik ka dito." Sigaw ni Cahli sa kaibigan nang nag tatakbo ito palayo pagkalabas nila ng yate. Ngunit hindi na niya ito nahabol pa at nawala na ito sa kanyang paningin.


Tinanggal ni Helaena ang kanyang heels at tumakbo siya ng naka paa nalang. Hindi niya alam ang patutunguhan, basta ang gusto niya ay makalayo lang sa lugar na 'yon. Kasabay ng pag takbo niya, ang mabilis na pag agos ng kanyang mga luha.


Nang nakaramdam siya ng pagod ay napaupo siya sa gilid ng daan na umiiyak parin. Pilit na sumasagi sa isip niya ang mga pangyayari kanina. Ang pag po-propose ni Brylle kay Liv. Ang paghahalikan ng dalawa. Pati na din ang mga masasayang alaala nila ni Brylle na sa isang iglap ay bigla na lang mawawala lahat.


"Helaena." Tawag ng hinihingal na si Brylle dahil tumakbo din siya kakahanap dito.


Napatingin si Helaena sa tumawag sa kanyang pangalan at ng makita niya si Brylle ay tumayo siya at akmang aalis na naman.


"Helaena, I'm sorry." Sigaw ni Brylle ng paalis na si Helaena. "A-Alam ko ang sama sama ko dahil sa ginawa ko sa'yo."


Binalingan ng umiiyak na si Helaena si Brylle at patakbo niya itong linapitan at bigla nalang pinag hahampas.


"Sira ulo ka! Gago ka!" Sabay hampas sa dibdib ni Brylle na tumatangis parin.


Hindi pinigilan ni Brylle si Helaena sa pananakit sa kanya. Hinayaan niya lang ito dahil alam niyang masakit ang nararamdaman ngayon ng kaharap at kulang pa itong ginagawa niya sa pananakit dito.


"Manloloko ka! Pinagkatiwalaan kita, minahal kita ng higit pa sa'kin tapos heto lang ang igaganti mo? Gago!" Sige, at patuloy parin siya sa paghampas kay Brylle.


Nang napagod na siya ay tumigil din siya at tinitigan niya ng mabuti si Brylle habang lumuluha. "Bakit, Brylle? Bakit?" Puno ng sakit at emosyon na tanong ni Helaena. "Hindi ba'ko sapat sa'yo? May ginawa ba'kong mali? O may mali ba sa'kin? Nagsawa kana ba? Na realized mo ba na hindi naman pala tayo bagay? Nahihiya kaba sa mga tao? Bakit? Bakit?"


"Balang araw maiintindihan mo rin kung bakit ko 'to nagawa sa'yo. Baka magpasalamat kapa nga kung bakit nangyari 'to."


"Eh pucha naman pala!" Halos pasigaw na mura ni Helaena. "Sinong taong magpapasalamat dahil sinaktan sila at pinagpalit sila sa iba? Ha? Sino?"


"Alam kong hindi mo'ko maiintindihan ngayon kahit ano'ng sabihin ko. Pero—"


"Talagang hindi. Ano? Gano'n lang ba yon? Salamat dahil niloko mo'ko? Salamat dahil pinagpalit mo'ko? Salamat dahil sinaktan mo'ko? Salamat dahil hindi ko alam kung pa'no bubuuin ulit ang puso ko na dinurog mo? Gago ka pala eh! Gago!" Pa ulit  ulit na mura ni Helaena habang walang humpay ang pag agos ng mga luha niya.


"Helaena—"


"Pinaglaban kita, Brylle. Pinaglaban kita. Pero ikaw, bigla nalang bumitaw at sumuko ng gano'n gano'n nalang? Sabihin mo nga sa'kin, mahal mo ba siya?"


Hindi sumagot si Brylle sa tanong ni Helaena.


"Tignan mo'ko at sagutin mo ang tanong ko." Pasigaw na utos ni Helaena. "Mahal mo ba siya kaya papakasalan mo siya? Sagutin mo'ko, Brylle. Mahal mo b—"


"Si Liv ang karapat dapat para sa'kin at hindi ikaw."


Parang nahulog muli ang puso ni Helaena ng marinig ang mga sinabi ni Brylle. Lalo tuloy siyang napaiyak.


"Si Liv na matagal ko ng kilala kesa sa'yo. Tama nga sila, Helaena, hindi tayo bagay at kahit kailan hindi tayo pwedeng magka tuluyan. Iba ka, iba ako, kaya hindi tayo magakaka sundo kahit ano'ng gawin natin. Kaya mas mabuti na 'tong nangyari."


Napanganga si Helaena sa mga pahayag ni Brylle. "So, all this time nag lolokohan lang pala tayo? Walang totoo sa mga pinakita mo? Na sa simula pa lang laro lang talaga ang lahat ng ito para sa'yo?"


"Ga-gano'n na nga. Tama ka. Ako si Brylle Lauren Samaniego, hindi ako pwedeng mag seryoso sa isang babae lang. Hindi ikaw ang babaeng seseryosohin ko. Tanging si Liv lang ang nagpa bago ng lahat. I'm-I'm sorry. But that's the truth."


Isang malakas na sampal ang pinakawalan ni Helaena sa kaliwang pisngi ni Brylle. "Simula ng magka gusto ako sa'yo, binalewala ko lahat ng mga masasakit na salita na binabato nila sa'kin, tiniis ko lahat ng hirap, ng pasakit, handa pa nga akong mamatay para sa'yo, diba? Tapos ikaw, wala lang ang lahat ng 'yon para sa'yo? Na wala kang pakialam kung ano ang nararamdaman ko?" Sabay punas ng mga luha niyang walang tigil sa pagpatak sa kanyang pisngi. "May isang pakiusap lang ako sa'yo. Huwag na huwag kana ulit babalik sa buhay ko."



Tinanggap ni Brylle ang malutong na sampal ni Helaena pati na din ang huling sinabi nito. "Huwag kang mag alala, wala na din naman akong balak na maging bahagi pa ulit ng buhay mo. Tulad ng gusto mo, hindi na'ko babalik sa'yo."


Tila napako si Helaena sa kanyang kinatatayuan habang pinapakinggan ang mga masasakit na pahayag ng kaharap at habang nakatitig siya dito. Hindi siya makapinawala sa mga sinabi nito. Para siyang nawala sandali sa kanyang katawan at tanging masakit lang ngayon ang kanyang nararamdaman.


Yumuko muna si Brylle bago siya tuluyang umalis at lisanin ang umiiyak na si Helaena sa kalsada.


Hindi na pinigilan pa ni Helaena na umalis at iwanan siya ni Brylle. Pinaka titigan niya lang ito habang ito'y unti-unting lumalayo sa kanya, umaasang lilingunin siya nito, hanggang sa mawala na siya sa kanyang paningin.


Hindi alam ni Helaena kung ilang minuto siyang nakatayo sa harapan ng kanilang bahay at umiiyak. Inayos muna niya ang kanyang sarili, pinunasan ang mga luha at sinuot muli ang kanyang heels at pilit na kinalma ang sarili bago niya napag pasyahang pumasok na sa loob ng kanilang bahay. Ayaw niya munang sabihin sa kanyang Pamilya ang mga nangyari at gusto niya ay masaya sila ngayong Pasko.



Pumasok siya sa loob ng bahay na parang walang nangyari kahit na halatang namumula at namumugto ang kanyang mga mata sa walang humpay na kakaiyak. Agad na nagyakapan ang buong Pamilya pagkatapos mag batian ng Merry Christmas. Kaya lalong napaiyak si Helaena habang yakap yakap ang kanyang Pamilya.



"Anak, bakit ka umiiyak?" Tanong ng Tatay nito.


"Wa-wala po, Pa. Masaya lang ako kasi magkakasama tayo ngayon."



"Ate ang O.A mo. Tuwing Pasko naman magkakasama tayong lahat eh."


"Basta masaya lang ako. Alam niyo naman na mahal na mahal ko kayong lahat." Ngumiti siya at lumuluha parin.


"Mahal din namin kayong magkapatid." Sabi ng Nanay nila at muli silang nagyakapang lahat. Hindi nila alam sa likod ng mga luha ni Helaena ang sakit na nararamdaman niya dahil sa mga nangyari sa kanila ni Brylle.


"Brylle, I don't even know what's going on." Sabi ni Liv kay Brylle ng mapag isa sila sa loob ng event room ng yate. "I thought you're in a relationship with Helaena? Then suddenly you proposed to me? Now, what the hell?"


"I'll explain, Liv. Sorry, I had to do that in front of everyone. I just had no choice."



"Even though I don't understand, I still said yes, because you know I like you from the start. No. I love you." Paglalahad ni Liv sa kanyang nararamdaman. "I said yes in marrying you because I want to, because I love you, not knowing what Helaena will feel. Yes, you'll explain everything to me now."


Bago pa man magsalitang muli si Brylle ay dumating si Mr. Samaniego sa loob. "Congratulations on your engagement. I'm so happy for the both of you." Masayang pahayag nito. Habang si Brylle ay walang ekspresyon ang mukha at hindi nagsalita.


"Since from the start I know you'll end up with each other."


"T-thanks, Tito." Pilit na ngumiti si Liv.


Bigla na lang umalis si Brylle sa loob nang makasalubong niya ang kanyang Ina sa paglabas.


"Brylle, you owe me an explanation. I don't understand why you did that to Helaena."


"Sorry, Mom. Magpapaliwanag nalang ako mamaya sa bahay. Right now, I need some air." Umalis na siya ng tuluyan bago pa makapag salita muli ang kanyang Ina.


"Hey, Brylle, congrats." Bati naman ni Venice kay Brylle ng makasalubong din nila ito ni Bryant.



"Brylle, pwede ba tayong mag usap?" Seryosong tanong ni Bryant sa kapatid.



"Wala tayong dapat pag usapan."


"Si Helaena—"


"Wala na kami kaya huwag na natin siyang pag usapan."


"You suddenly dumped her in front of everyone. Ano sa tingin mo ang naramdaman niya kanina?"


"You stay out of this, Bryant. Its my life, my decision. Kaya huwag na natin ulit pag usapan ang tungkol kay Helaena. Simula ngayon, ayoko na ulit marinig ang pangalan niya." At tuluyan na ngang umalis sa Party si Brylle.


Pag uwi sa mansion ng Pamilya Samaniego saka ipinaliwanag ni Brylle kay Liv ang lahat. Kung bakit ito nag proposed sa kanya. Kinausap din ni Mrs. Cindy ang kanyang asawa tungkol sa mga nangyari.


Agad na niyakap ni Mrs. Cindy ang anak na si Brylle paglabas nito sa office ni Mr. Lorenzo sa loob ng mansion.


"Mom?" Takang sabi ni Brylle nang salubungin siya ng yakap ng kanyang Ina.


"I'm sorry, Brylle na kailangan mong gawin ang lahat ng ito. Your Dad explained to me everything."


"Its okay, Mom. Its for everybody's sake. Its for Helaena's Family."


"Pero ikaw ang iniisip ko. If only I can do anything. But I can't stop your Dad, you know him."


"We all know him, that's why I was forced to do that. Huwag kang mag alala sa'kin, Mom, magiging okay din ako."


"Oh! Son. You're already grown up and more mature now. Mas iniisip mo ang ibang tao kesa sa sarili mo. I want to say I'm so proud of you, but I'm not proud of what's happening, forsaking your happiness."


Bumuntong hininga muna si Brylle bago nagsalita ulit. "I have to." Malungkot na sabi nito.


Lumabas din ng kanyang office si Mr. Lorenzo at nadatnan niya ang mag Ina na magkayakap pa din.


"What's with the drama?" May hawak pa siyang isang baso ng wine.


Kumalas sa pagkakayakap si Mrs. Cindy at tinignan niya ng masama ang kanyang asawa. "This is all your fault. My God! Lorenzo. What's with you?" Galit na sabi nito.


"Don't start with me, Cindy. You know I did that for us. Its for Brylle's future and for our Family as well."


"Ginawa ko na ang gusto mo, Dad. Hiniwalayan ko na si Helaena. Nag proposed na'ko kay Liv just like what you want. Siguro naman ngayon tutuparin mo na din ang usapan natin." Seryosong sabi ni Brylle nang sumabat siya sa usapan ng kanyang mga magulang. "Babawiin mo ang expulsion ni Helaena. Ibabalik mo sa trabaho ang kanyang Tatay at higit sa lahat, huwag na huwag mo na ulit silang guguluhin kahit kailan." May galit na sabi nito.


"As you wish. Alam mo namang meron akong isang salita." Pagmamayabang pa na sabi ni Mr. Lorenzo.


Hindi na nag salita pa si Mrs. Cindy at alam niyang mag aaway lang ulit sila ng kanyang asawa kapag pinatulan niya pa ito.


"Oh! Merry Christmas." Pang iinis pa lalo ni Mr. Lorenzo at pumanhik na siya sa kanilang grand staircase.


Pagpasok sa loob ng kwarto ni Helaena ay ang mga standee agad ni Brylle ang bumungad sa kanya. Tinitigan niya muna ang mga ito bago pinaghahampas at itinumba sa sahig. Sabay hagis din sa pader ang hawak niyang maliit na regalo na ibingay sa kanya ni Brylle para sa Pasko. "Kung yan ang gusto mo, sige. Hindi kita kailangan."


Hindi lumipas ang mga araw na hindi umiiyak si Helaena sa kanyang kwarto. Araw-araw niyang tinatanong sa kanyang sarili kung bakit kailangang mangyari ang lahat ng ito sa kanya. Pagkatapos niyang ma expel sa School ay pinagpalit naman siya ni Brylle sa iba and worse engaged na agad. Ano pabang kamalasan ang pwedeng mangyari sa kanya?


Alam naman ni Helaena na malalaman at malalaman din ng Pamilya niya ang nangyari sa kanya kahit hindi niya ito sabihin. Pero hindi pa siya handa na ipaliwanag ngayon sa kanyang Pamilya ang mga nangyari.


Dumating din ang Bagong Taon na nagpanggap si Helaena na masaya siya kahit na hindi. Gumawa na lang siya ng dahilan ng magtanong ang kanyang Pamilya kung bakit hindi dumadalaw sa kanila si Brylle.


"I have to do this. Baka kung ano pang gawin mo sa sarili mo kapag nagkulong ka lang sa kwarto mo." Ani Cahli kay Helaena habang nasa loob sila ng salon at nagpapagupit at nagpapa ganda at nagpapa pedicure din.


"No, Cahli. Hindi ako mag su-suicide nang dahil lang sa kanya kung yan ang iniisip mo." Sagot naman ni Helaena.


"Good. I guess you're still on your right mind."


"I am. Hindi ko lang alam kung kailan ako magiging okay at magiging masaya ulit."


"Basta ako nandito lang ako, hindi kita iiwan tulad ng ginawa sa'yo ng gagong Brylle na 'yon."


Nalungkot muli ang mukha ni Helaena ng marinig ang pangalan ni Brylle.


"Oops! Sorry." Sabay peace sign sa kaibigan. "Simula ngayon, who you na siya sa'tin."


Hindi nalang sumagot si Helaena.


"Ma'am, how short?" Tanong ng nanggugupit kay Helaena.


Tinitigan muna ni Helaena ang kanyang repleksyon sa salamin bago sumagot. "The shorter, the better."


"Sigurado ka?" Alalang tanong ni Cahli.


"As they say, new hair, new life, new beginning. So, yeah, sure na'ko." Sabay buntong hininga. Pinagupit nga niya ang kanyang buhok ng bob cut.


Pagkatapos mapagod ang mag kaibigan sa kakalakad sa loob ng mall ay napag pasyahan nilang mag kape muna sa isang sikat na coffee shop. Nag order sila ng dalawang kape na venti ang size, isang blueberry cheesecake at isang mango cheesecake.


"Alam mo, mas masarap talaga ang blueberry cheesecake nila dito kesa sa ibang coffee shop." Sabay subo ni Cahli ng cake sa kanyang kutsara.


Habang si Helaena ay nilalaro lang niya ang tinidor at pinapa ikot sa cake.


"Tikman mo kaya, mas masarap siya." Utos ni Cahli sa kaibigan.


"Akala ko ba nag da-diet ka? Bakit puro matatamis itong mga inorder mo?" Tanong naman ni Helaena.



"There's always an exemption. And today is that day." Masayang pahayag ni Cahli at sumubo ulit siya ng cake. "Grabe, hindi ko talaga ipag papalit itong cake na 'to sa iba."


"Sana ganyan din ang sinabi sa'kin ni Brylle, na hindi niya 'ko ipagpapalit kahit kanino." Mahina at malungkot na sabi ni Helaena.


"Nag paliwanag ba siya sa'yo kung bakit niya nagawa 'yon?"


Bumuntong hininga muna si Helaena bago nag salita at sinagot si Cahli. "Simple lang, Cahli, kahit kailan hindi naman talaga niya'ko minahal. Laro lang para sa kanya ang lahat ng nangyari sa'min." Sabay ngiti ni Helaena na halata namang peke. "Ang tanga ko no? Ang tanga ko para maniwala sa isang Brylle Lauren Samaniego. Sino nga ba naman ako para mahalin niya, diba?"



"He's a total jerk and an asshole." Naiinis na pahayag ni Cahli.


"The president of our fans club turns to be Brylle's number 1 basher."


"I'm not your President's fans club anymore. After what he did to you? Hmp! Masasampal ko talaga ang Brylle na 'yon, kasama ang Tatay niya."


Hindi nagsalita si Helaena sa mga sinabi ng naiinis na kaibigan.


"Oh my God!" Biglang bulalas ni Cahli. May bigla siyang naisip. "What if, binlack mail siya ng Tatay niya kaya niya nagawa lahat ng 'yon.?" Ani Cahli. "I knew it. Ang Tatay talaga niya ang masama dito."


"What now, Cahli? Galit kaba talaga kay Brylle o kakampi mo siya? Why the sudden shifting?"


"Come on, Helaena. Come to think of it. Ayaw sa'yo ng Tatay niya diba? He even threatened your life kapag hindi mo siya hiniwalayan o kapag hindi kayo nag hiwalay na dalawa. Brylle sacrificed his happiness, and that is you." Sabay turo dito. "Para hindi kana guluhin pa ng Tatay niya. Oh my God! Helaena, I'm so bright. That's the reason why all of a sudden he dumped you."


"And now your on his side. Cahli, whatever his reasons are. Sabihin na natin na natin na tama lahat ng hinala mo, the thing is, sumunod siya sa Tatay niya. Meaning, sumuko siya sa relasyon namin na pwede naman niyang ipaglaban. Diba?"


Sandaling napa isip si Cahli. "Or mas pinili niyang mas masaktan kayo pareho para hindi kana guluhin ng Tatay niya. Hindi ba?" Sabay titig sa kaibigan.


Umiling si Helaena. "Hindi. Kung talagang mahal mo ang isang tao, hinding hindi mo siya susukuan kahit ano'ng mangyari. Hindi mo siya iiwan kahit ano pang dahilan. Can you see my point here?" Tanong niya sa kaibigan. "Kung mahal mo, hindi mo sasaktan. Pero pinili niya'kong saktan sa harapan ng maraming tao. Iniwan niya'ko sa ere."


Hindi nalang nagsalita si Cahli at alam naman niyang sarado pa ang utak ni Helaena sa ngayon dahil sobrang itong nasaktan sa mga nangyari.


"Alam naba ng Pamilya mo ang mga nangyari sa'yo? Ang expulsion mo? Ang paghihiwalay niyo ni Brylle?"


Umiling si Helaena. "Hindi pa'ko handang sabihin sa kanila ang lahat. Alam kong masasaktan sila para sa'kin."


"Hindi paba nila napapnood sa TV ang engagement ni Brylle?"


"May magandang naidulot din pala ang pagkasira ng TV namin. Hanggang ngayon kasi hindi pa napapagawa kaya wala pa silang napapanood."



"Pero alam mong kailangan mo din sabihin sa kanila ang lahat. Kailangan nilang malaman ang lahat."


"Hindi muna sa ngayon, Cahli." Sabay inom sa kape niya.


"Hey, girls." Bati ng dumating na si Thunder kasama si Beebop kaya napatingin sa kanila sina Cahli at Helaena.


"Hey, Beebop, Thunder." At biglang napangiti si Cahli pagkakita kay Beebop at umaliwalas bigla ang mukha nito. "Dito na kayo umupo." Alok pa nito.


"Hey, Helaena." Tawag ni Beebop habang umuupo sila. Napansin kasi niyang walang ekspresyon ang mukha nito pagkakita sa kanila. "Nice hair. Mas bumagay sa'yo. You look more fiercer."



"Thanks, Beebop."


"And don't worry, Helaena, kami lang dalawa naman ni Beebop. Hindi namin kasama si Brylle, kung yan ang iniisip mo."


Hindi nalang nagsalita si Helaena sa mga sinabi ni Thunder.


"Buti hindi niyo siya kasama?" Itong si Cahli na ang nag tanong.


"We haven't heard from him since the night of the party." Sagot ni Beebop. "No text, no call."


"No replies, no callback." Dagdag pa ni Thunder.


"I guess, masaya na sila ni Liv kaya pati kayo kinalimutan na ng kaibigan niyo." May pagka inis na sabi ni Helaena.


"Hindi kami naniniwalang mahal niya si Liv. Ikaw lang ang ma—"


Tinaas ni Helaena ang kamay niya para patigilin si Beebop sa mga sinasabi nito. "Pupunta lang ako ng Ladies Room." Sabay tayo at nagtungo sa direksyon ng Ladies Room.


"She's definitely not okay." Sabi ni Thunder pag alis ni Helaena.


"Ikaw kaya ang pagpalit sa iba ng biglaan, magiging okay kaba?" Pang iinis na tanong ni Beebop. "Syempre nasasaktan pa din siya. Gago lang kasi talaga ang kabigiban natin na 'yon. In love na in love siya kay Helaena tapos bigla nalang niyang aalukin ng kasal si Liv? Tss!"



"Kaya ako, hindi talaga ako naniniwala sa True Love na yan. True Love don't exist. Kathang isip lang 'yon." Sabi ni Thunder.


"Yes for you. Because you're a womanizer. True lust does exist for you and not true love." Pang iinis ni Cahli.


"Oh! Cahli, Cahli. You know me better." Natatawang sabi ni Thunder.


"Jerk!" Dagdag na pang iinis ni Cahli.


Hindi maiwasang maluha ni Helaena habang nasa loob siya ng cubicle sa Ladies Room. Mabanggit lang ata ang pangalan ni Brylle ay kusa ng tutulo ang kanyang mga luha.


"That girl's a bitch." Malakas na sabi ng isang babae sa labas ng cubicle na dinig na dinig ni Helaena. "Naniwala talaga siya na seseryosohin siya ni Brylle? Gosh!" Sabay tawa nito.


Bigla tuloy umatras ang mga luha ni Helaena ng marinig ang mga sinasabi ng babae at parang alam na niya kung kanino boses ito, kung sino itong babaeng parang may kausap sa kabilang linya.


"She really deserved it. She was dumped and all of us are witnesses. No, the whole country witnessed it, its on the news. Poor little Helaena. Napahiya na nga siya, nakawawa pa." At isang malutong na halakhak muli ang pinakawalan niya.


Hindi na makatiis si Helaena kaya pabagsak niyang binuksan ang pintuan ng cubicle at lumabas.


"There you are, you wicked witch." Inis na sabi ni Helaena kay Venice na siya palang may kausap sa cellphone at nakaharap pa siya sa salamin. Linapitan niya ito ng husto. "What's with the insult? Akala ko ba okay na tayo?"


Muling natawa si Venice at pinag krus niya ang kanyang mga braso. "You really thought so? Are you insane? I would never be friends with you. Never. I only did that for Bryant's sake. But hell! No, we will never be okay. Hell no!" Matigas na sabi nito. "Nagtitiis nga lang ako sa'yo. But now that you and Brylle are officially over, and I'm already engaged with Bryant, then I'm also over pretending that we're fine. This is all a facade. Kasi sa totoo lang, nasusuka ako kapag nagiging mabait ako sa'yo. Ikaw yung klase ng tao na kahit kailan hinding hindi ko magugustuhang maging kaibigan. You get that?" Sabay taas ng kilay nito.


"Sayang! Naniwala pa naman ako na nagbago kana talaga. Kung ganyan pa din pala ang ugali mo, sa tingin ko hindi ka talaga bagay para kay Bryant. He's an angel and you're evil. No, you're an evil witch. I just hope matauhan si Bryant sa pagpili niya sa'yo, kung hindi habang buhay na magiging miserable ang buhay niya. Habang buhay siyang magsisisi dahil ikaw ang pinili niya."


"You wish. Kahit ano pang sabihin mo, Bryant and I will get married soon and we'll live forever. And you? You're pathetic. Dahil ang kaisa-isang lalakeng gusto mo, eh bigla kanalang iniwan at pinag palit sa iba. Si Brylle ang natauhan at hindi si Bryant. Now, that's even worser. Ikaw ang habang buhay na magiging miserable. And I like that. I like you suffering." She smirk.


"Venice, bakit mo ba ginagawa 'to? Bakit ba ayaw mo sa'kin?"


"Simply because you're not one of us. You're low class, you're cheap, you're pathetic and now, you're hopeless and miserable. How lovely."


"Masaya kaba kapag may ibang taong nasasaktan? Masaya kaba kapag nagiging miserable ang buhay ng ibang tao?"


"Uhm.. yes. Lalo na kung ang tao na 'yon ay ikaw." Sabay duro kay Helaena at nakangisi pa. "You know what? Don't even ask. Kasi kahit ano'ng gawin at sabihin mo, ayoko sa'yo." Tinalikuran na niya si Helaena at akma ng aalis. Ngunit muli niya itong nilingon. "By the way, since you're already out of our lives, I guess you need to know the truth."


"A-Ano'ng katotohanang pinagsasasabi mo?" Naka kunot noong tanong ni Helaena.


"I am the one behind your expulsion from Duncanville. Ofcourse with the little help of Tito Lorenzo." Mayabang pa niyang pahayag.


Napamaang si Helaena sa narinig. "A-Ano? Bakit?"


"Oh! Poor Helaena, I already told you not to ask anymore. Alam mo na din naman ang sagot."


"Dahil lang sa ayaw niyo sa isang tao, kaya kaya niyong sirain ang buhay niya? Ano'ng klaseng tao kayo? Hindi ko lubos akalain na gano'n kayo kasama."


"Edi ngayon alam mo na. You already know what I can do just to make you suffer. I don't want you near me kaya gumawa kami ng paraan ni Tito Lorenzo na mapaalis ka ng Duncanville, besides ayaw din naman ni Tito Lorenzo sa relasyon niyo ni Brylle. Kaya nakahanap ako ng kakampi sa kanya. My God, Helaena! Hindi mo parin ba gets 'yon?"


Gusto na namang tumulo ng mga luha ni Helaena sa mga naging pahayag ni Helaena. Hindi niya lubos maisip na may mga taong katulad ni Helaena at Mr. Samaniego na gano'n kasama. Akala niya sa mga palabas lang niya 'yon napapanood.


"I hope this will be the last time that we will see each other again. But if it will happen so, I'll just pretend that I don't know you. I'm glad, you're already out of our lives. Goodbye, Miss who ever you are." Sabay bagsak ng pintuan ng Ladies room pagkalabas niya.



Hindi alam ni Helaena ang mararamdaman. Kung maiiyak ba siya o maiinis sa mga nalaman. Gustong gusto niyang sampalin kanina si Venice, hindi lang niya magawa. Tama nga si Venice sa sinabi niya kanina, pakiramdam niya ay magiging miserable na nga ang buhay niya ngayong wala na sa kanya si Brylle. Nalulungkot din siya dahil may mga taong katulad ni Venice at ni Mr. Lorenzo na gagawin ang lahat huwag lang siyang masaya.



"Helaena, bakit ang taga—-"


"I'm sorry, guys. Kailangan ko ng umuwi." Putol ni Helaena sa sinasabi ni Cahli at nag tuloy tuloy na siyang lumabas ng coffee shop.


"Helaena, wait." Tumayo siya at susundan sana ang nag walk out na kaibigan.


"Cahli, hayaan mo na muna siya." Pigil ni Beebop. "She needs to time to heal."


Kaya muling napa upo si Cahli at hindi na nga sinundan pa ang kaibigan.


"Sa tingin mo ba umiyak siya sa Ladies Room?" Tanong ni Thunder.


"Duh! Bakit kaya hindi mo sagutin yang tanong mo?" Inis na sabi ni Cahli.


"Hay.. girls are really so emotional." Dagdag pa ni Thunder.


"Gulpihin kaya kita diyan, tignan natin kung hindi ka magiging emotional din."


"Chill, Cahli. Lagi nalang mainit yang ulo mo. Kay Brylle kayo galit, diba? O bakit, napunta sa'kin yang galit mo?"


"Because I hate guys like you. Bakit kaya hindi mo gayahin itong si Beebop? He's so gentleman kaya."


Natawa si Thunder. "Beebop is like a Saint, I know. He's so fragile and sensitive and so emotional also." Natatawang sabi niya.


"Atleast I'm not like you, asshole." Pabirong inis na sabi ni Beebop.


"I like that when you're insulting me. You're so sweet." Ani Thunder.


"You're very much welcome." Ngising sabi ni Beebop.


Hawak hawak ni Brylle ang larawan nilang dalawa ni Helaena na nakalagay sa loob ng glitter globe na iniregalo sa kanya nito nung Pasko, habang tumutunog ang Music Box na binigay din sa kanya ni Helaena nung nasa Hospital siya. Hindi niya mawari kung ilang minuto na siyang nakatitig dito. Tila sinusuri ang bawat anggulo ng larawan pati na din ang masayang mga ngiti nila ni Helaena dito.


"Can I come in?" Biglang sabi ni Bryant na nakasilip sa pintuan ng kwarto ni Brylle.


Biglang itinabi ni Brylle sa kanyang likuran ang hawak na regalo sa kanya ni Helaena at sinarado ang music box at sinenyasan na ang kapatid na tumuloy sa loob.


Nang makalapit si Bryant kay Brylle ay dinampot niya ang glitter globe sa likuran nito at pinag masdan din ang larawan sa loob.


"You guys really love each other. I can see it in your eyes." Ani Bryant.


Biglang inagaw ni Brylle ang glitter globe kay Bryant. "What now? What do you want?" Masungit na tanong nito. Sabay tago ng glitter globe sa may drawer niya.


"Bakit hindi mo siya magawang ipaglaban kay Dad? Bakit mas pinili mo siyang saktan? You should've fight for her, no matter the circumstances are."


"Pinili kong masaktan kami pareho para sa ikatatahimik ng lahat. Nag desisyon na'ko, Bryant. Magpapakasal ako kay Liv. Hindi na magbabago 'yon."


"Pero, Brylle—"


"Tama na, Bryant. Mas okay na 'tong mga nangyari para wala ng ibang tao pang madamay. Ayokong masira ang Pamilya ni Helaena dahil sa'kin. Kaya huwag mo na ulit akong kakausapin kung pipilitin mo lang naman ako sa mga bagay na mas makakasama sa sitwasyon. Okay na. Unti unti ko ng tinatanggap na hindi kami ni Helaena ang para sa isa't isa. And besides, you and Mom wants me to be more mature, heto na, I am more mature now. I made decisions for the sake of others." Sabay buntong hininga na ramdam mo ang sakit sa mga binitiwan niyang mga salita. "Kay Venice kana lang mag focus at huwag sa'min ni Helaena."


"I just hope hindi ka magsisi sa ginawa mong desisyon." Bago siya tuluyang lumabas ng kwarto ni Brylle ay may inaabot siyang isang maliit na redbox sa kapatid na kanina pa pala niya hawak.


"Ano 'yan?" Sabay kuha sa redbox at tila alam na niya kung ano yon at kung anong laman no'n. Pero binuksan niya parin ito.

"Nakasalubong ko nung isang araw si Helaena sa isang mall. Binigay niya sa'kin yan at isoli ko daw sa'yo."

Laman ng redbox ay isang silver necklace na susi ang pendant nito. 'Yon ang iniregalo ni Brylle kay Helaena nung Pasko.

Ng walang ka ano-ano'y bigla nalang binalibag ni Brylle ang redbox sa pader at makikita mo sa mukha nito ang inis at galit. Nabigla tuloy si Bryant sa ginawa ng kapatid.


"Grabe! Nagsasaya na agad siya pagkatapos naming mag hiwalay. Ibang klase."


"Hindi mo alam kung ano'ng pinagdadaanan niya, kaya huwag mong sabihin yan."


"Sige na, Bryant. Lumabas kana. Gusto ko ng magpahinga." Sabay higa na sa kanyang kama atsaka na nga lumabas si Bryant sa loob ng kanyang kwarto.



"Good morning, everyone." Maligayang bati ni Cahli pagpasok niya sa loob ng bahay nina Helaena. Nadatnan niya do'n ang Mama at kapatid ni Helaena na nanonood ng tv.


"Hi, Ate Cahli." Bati ni Haven.


"Pasok ka, hija." Ani Mama ni Helaena.


"Nagdala po ako ng pizza para sa lahat atsaka milktea na din na favorite ni Helaena." Masayang sabi pa ni Cahli at pumasok na siya sa loob ng bahay sabay lapag ng box ng pizza at ng venti size frappucino sa mesa.


"Sakto, di pa'ko nag aalmusal." Bubuksan na sana ni Haven ang pizza ng tapikin siya sa kamay ng kanyang Mama.


"Huwag kang atat. Paunahin mo na muna ang kapatid mo."


"Hindi. Okay lang, Tita. Madami naman yan." Pagtatanggol ni Cahli kay Haven. "Wala yata si Tito?"

"Ay! Nasa trabaho na siya. Natanggap din siya sa wakas sa isa sa mga marami niyang inapplyan na trabaho."


"Good news po yon, Tita." Pahayag ng nakangiting si Cahli. "Nasa'n nga po pala si Helaena?"


Biglang nalungkot ang mukha ng Mama ni Helaena. "Hindi pa lumalabas ng kwarto eh. Cahli, sana lagi mo siyang dinadalaw dito o kaya naman yayain mo siya lagi sa labas at mamasyal kayo, nang hindi siya nag mumukmok dito sa loob ng bahay at iniisip ang paghihiwalay nila ni Brylle."


"So, alam niyo na po ang lahat?"


"Kung hindi lang nagawa ang tv namin at napanood namin sa balita ang engagement ni Brylle ay hindi sasabihin sa'min ni Helaena ang lahat." Sabi ng nagmamaktol na Ina ni Helaena.


"Mabubugbog ko talaga ang Brylle na 'yon pag nakita ko siya." Inis na sabi ni Haven.


"Cahli, ang aga mong bumisita ah." Biglang sulpot na sabi ni Helaena.


"Hi, Helaena. Good morning. Nainip kasi ako sa bahay. And I want some pizza. Ayoko namang kumain ng mag isa kaya dinala ko na dito. Bumili na din ako ng favorite frappucino mo. Red Velvet Cream." Sabay taas ng inumin.


Ilang sandali pa at sa terrace na napagpasyahang kumain nina Helaena at Cahli at para makapag usap na din sila ng solo.


"Ayun, si Papa at si Haven gustong gustong sugurin si Brylle at pagsusuntukin nang malaman ang totoo. Kahit naman gawin nila 'yon, hindi din naman babalik sa'kin si Brylle." Malungkot na sabi ni Helaena. "Si Mama naman, naki iyak na din habang umiiyak ako, niyakap niya lang ako at hindi nagsalita ng masama tungkol kay Brylle, dahil may pinagsamahan naman daw kami kahit gano'n ang ginawa niya sa'kin."


"May point din naman ang Mama mo do'n. Atleast ngayon, wala ka ng tinatago sa kanila. Alam na nila ang katotohanan." Kumuha siya ng pizza sabay kagat dito. "Pati yung sa expulsion, alam nila?"


Tumango si Helaena. "Nakatanggap ako ng sulat mula sa Duncanville nung isang araw. Bibigyan daw nila ako ng isa pang chance at pinapabalik ako."


"Talaga? And you said?"


Umiling si Helaena. "Kapag bumalik ako sa Duncanville, para ko na ring sinaksak ang sarili ko, makikita ko lang ulit do'n si Brylle at ako nalang ang pag uusapan nila. Hindi ako makakapag aral ng mabuti kung lagi nalang may mga mata at bibig na nakatutok sa'kin. Tsaka kapag nakita ko si Venice do'n, baka ma expel ulit ako sa maaari kong gawin sa kanya. Kaya huwag nalang."


"I told you not to trust that evil witch Venice. She's nothing but a hell of a bitch." Inis na sabi ni Venice sabay sipsip sa kanyang milktea. "Anyways, ilang months nalang graduation na, sa'n ka hahanap ng University na malilipatan?"


"Nakahanap na'ko. Nakapag enrol na din ako, buti nalang at tinanggap nila ako sa St. Claire University, sa Makati."


"That's good. But I will be forever your bestfriend kahit makahanap kana ng new friends do'n ah?"


Natawa si Helaena. "Ang OA mo. Talagang hindi kita ipagpapalit no. Quality not quantity, tandaan mo yan." Kumagat na din siya sa kanyang pizza.


"Uhm... Helaena, may bad news pala akong sasabihin sa'yo. I guess, you still need to know this."


"Ano 'yon? Pinapakaba mo naman ako, Cahli."



"Si Brylle..."


"Kung tungkol lang kay Brylle, huwag mo nalang sabihin. Off limits na ang mga Samaniego dito, lalo na ang pangalan ni Brylle. Ayaw na din marinig ng Pamilya ko ang tungkol sa kanila."


"But you need to know this."


"Cahli." Biglang tumayo si Helaena. "Kukuha lang ako ng tubig. Masyadong matamis 'tong Res Velvet Cream eh." At naglakad na siya papasok sa loob ng bahay.


"Pupunta na ng Amerika si Brylle kasama si Liv." Mabilis na sabi ni Cahli bago pa man makapasok sa loob ng bahay ang kaibigan.


Napatigil sa paglalakad si Helaena nang marinig ang dalang balita ng kaibigan.


"Sa makalawa na ang alis nila. Do'n nalang daw tatapusin ni Brylle ang kanyang pag aaral. And after graduation, magpapakasal na sila ni Liv. Beebop told me so."


Hindi makuhang humarap ni Helaena sa kaibigan, dahil kapag hinarap niya ito ay tiyak na aagos na naman ang madami niyang luha. "Ma-mabuti 'yon, ng hindi ko na sila kailangang iwasan. Atleast sila na ang gumawa ng paraan para lumayo."


"Helaena, ok—"


"Ku-kukuha lang ako ng tubig sa loob." Mabilis na putol ni Helaena sa sinasabi pa ng kaibigan. Pagpasok sa loob ng bahay ay hindi na napigilan pa ni Helaena na maglaglagan ang kanyang mga luha.



———-

Continue Reading

You'll Also Like

16.5M 718K 41
Isabelle Dizon was perfect. A straight A business course student, a sensible lady, a responsible daughter any parent would wished for. But she felt s...
2.7M 52.8K 31
Si crush ang gusto ko pero girlfriend niya ang nakuha ko. She's a monster. A beautiful monster, my own Monteclaro. NOTE: THIS STORY IS ALREADY COMPLE...
52.6M 2.2M 172
Ever since Sari's sister married the seemingly perfect man, she had dreamt of her own happily ever after. Gusto niya rin ng gwapo, mayaman, at gwapo...
1.2M 28.1K 57
Jethro Ephraim Silvano is one of the dangerous person you will encounter. He's also a smart and talented person. Everyone likes him because he's almo...