The Unmarried Billionaire (Da...

By CovertSolace

652K 28.5K 6K

We met when we were a child. His dad is my dad's friend. I like him because he is too stubborn, but cool. Yet... More

T.U.B
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
chapter 10 snippet
Chapter 10
chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
teaser for the succeeding chapters
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Thank you!
Epilogue
Special Chapter

Chapter 23

7K 372 84
By CovertSolace

Auster's pov

"Oh, what are you doing here bakla?" Nagmamatang tanong nito sa akin. Pansin ko din ang pagkabigla sa mga mata nya.

"Natatandaan kong inutusan ko si Thrace not to let anybody in, specially if hindi naman importanteng tao. Now i'll be asking you one last time. What are you doing here?" Mataray nitong saad habang di ko mawari kung inaayos ba nya ang buhok nya or lalo lang nyang ginugulo.

Mariin ko syang tinitigan at ang kabuohan nya.

"Look wala akong oras sa mga gaya mong basura." Saad nito nang mapansin ang titig ko sa kanya.

Nagtagisan kami ng titig. Ang sabi ni Uji sa akin ay walang karapatan ang babaeng ito na pumasok muli sa buhay nya, sa buhay namin.

"Look kung wal.." hindi ko na pinatapos pa ang kanyang sasabihin.

"Andito ako para sunduin ang boyfriend ko." Walang habas kong sagot dito.

"Hindi sya nakauwi kagabi kaya sinusundo ko sya." pilit kong tinatatagan ang sarili ko upang ipakitang malakas ako kahit na nadudurog na ako sa kaloob looban ko sa moment na ito.

Nag-iba ang bakas ng inis sa kanyang mukha at tila ba nang-aasar na tinitigan ako mula ulo hanggang paa.

"Napaka-ambisyosong bakla. Kailanman ay hinding hindi ka papatulan ni Ryuuji. Katuwaan ka lang nilang magbabarkada at sa kasamaang palad sayo ay kumagat ka naman. Marupok na basurang bakla, wala kang puwang sa mundo ni Ryuuji. Sa mundo namin." pangiinsulto nito sa akin.

Napakuyom ako ng aking kamay sa tindi ng galit at emosyon na gustong kumawala sa aking dibdib. Napakasakit ng mga narinig ko mula sa kanya. Pero hinding hindi ako maniniwala hanggat hindi ko nakakausap si Uji. Si Uji lang ang paniniwalaan ko.

"And look at you. A lowly and filthy gay. Tingin mo ba makukuha mo ang atensyon ng isang kagaya ni Ryuuji na halos perpekto na? Saan mo ba hinuhugot yang kakapalan ng mukha mo?" dagdag pa nito.

"Eh yang kakapalan ng pagmumukha mo kaya ang kilatisin mo? Matapos mo syang iwanan sa ere para maging aso ng ibang lalake sa harap nya mismo, tingin mo ba nababagay na ngayon ang tao sa isang asal aso? Ang kapal din ng apog mong mang-insulto na akala mo ang linis-linis mo eh isa ka lang din namang parausan." Ang naibulalas ko nalang dahil sa sobrang inis sa pangiinsulto nito sakin. Alam ko ang lahat ng nangyari sa kanila dahil ikinuwento lahat sakin ni Uji ang nakaraan nila ng babaeng ito.

Isa yun sa dahilan kung bakit may tiwala parin ako kay Uji dahil alam ko ang pinagdaanan nyang hirap para tuluyang makalimutan si Tiarra.

Isang napakalutong na sampal ang dumapo sa pisngi ko. Halos mahilo ako sa lakas ng sampal nya.

"How dare you!" Mariin nyang sigaw sabay duro at tulak sakin.

"Wala kang alam sa lahat ng pinagdaanan namin ni Ryu. Wala kang karapatang pagsalitaan ako. Ikaw na isang pobre at salot sa mundong ito. You're a dumb bitch!" Sigaw nito sabay akmang mananpal muli na agad ko namang napigilan.

"Mas lalong wala kang karapatang pagsabihan ako ng kung ano ano." Saad ko sabay tulak sa kanya ng mahina ngunit tila ba umaakting itong natumba kahit di naman ganun kalakas ang tulak ko sa kanya.

"Omae nanisama!?" Isang malaking boses mula sa aking likuran ang syang nagpabigla sa akin.

"Salot na bakla!" Saad ng boses sabay sampal naman sa akin ng aking lingunin.

Napatumba ako sa lakas ng sampal nya.

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? At sino ka sa akala mo para pagbuhatan ng kamay ang magiging manugang ko?" Galit na saad nito.

Kitang kita ko ang pagpupuyos ng galit sa mukha nya.

"Hi-hindi ko po sinasadya yun. Hindi naman ho ka.." ang utal ko sanang paliwanag ngunit pinutol nito ang aking pagsasalita.

"Wag kanang magpaliwanag pa. Kitang kita ko ang ginawa mong pananakit kay Tiarra. Ikaw na isa lamang dukha at nakikinabang lang sa perang pinapamudmod ng suwail kong anak. Sino ang nagbigay sayo ng karapatan na tumungtong dito at manakit?" Pangmamata nito sakin habang dinuduro ako nito.

"Manang mana ka sa tatay mong walang silbi kaya ka naghihirap ngayon." Halos madurog ang puso ko sa masasamang salitang sinasabi nito tungkol sa aking tatay.

"Kung wala akong karapatan dito, wala ka ring karapatang insultuhin ang tatay ko." Umiiyak kong saad sa kanya.

"Anong nangyayari dito?" Bungad ng boses ni Uji na tila ba naguguluhan at bagong gising pa't nakaboxers lang.

"Bau? Anong ginagawa mo dito?" Dali dali nitong lumapit sa akin at tinulungan akong tumayo.

"That bastard is hurting your fiance. Paalisin mo yan ngayon dito!" Sagot ng tatay ni Uji.

"Dad please just go, this is my apartment kaya ako ang magdidikta kung sino ang aalis at mananatili. Now i'm asking you to go." Mahinahong saad nito.

"Are you out of your mind Ryuuji!?" Pasigaw na saad nito.

Biglang open ng elevator na pinagmulan din ng tatay ni Uji at iniluwa nito si manong Thrace.

"Master please let me escort you out." Saad nito sa matandang kazuma.

Tinignan sya ng masama nito at ibinaling ang tingin sa amin ni Uji.

"Tiarra, go fix yourself and wear some decent clothes ihahatid kita sa bahay nyo. Mukhang nawalan na talaga ng bayag ang sarili kong anak." Saad nito.

Naiinis na sinunod nang babae ang utos ng matanda.

Akma na silang aalis ng muling lumingon ang tatay ni Uji.

"This will be the last time that you will insult me Ryuuji. Ama mo ako and you know that i will always have the final say in everything that has to do with you and your company." Seryosong sabi nito bago sila tuluyang pumasok ng elevator.

"Come inside." Seryoso ang boses ni Uji na tila ba nagpanginig sa mga tuhod ko.

"Anong ginagawa mo dito? I specifically told Vladimir not bring you here. I gave him all the instructions to give you everything that you need." Seryoso nyang turan habang pinagmamasdan ang mga ulap sa labas ng glass wall ng condo.

Namiss ko ang lugar na to. Parang kailan lang ang daming masasayang ala-ala ang nabuo sa condong ito.

Tinitigan ko ang likod ni Uji. Napakalapit lang nya. Gustong gusto ko syang yakapin ngayon kasi namimiss ko sya ng sobra. Ang lapit lapit lang nya pero tila ba di ko na sya abot.

"Do you need any.." hindi ko pinatapos ang sasabihin nya.

"Ikaw ang kailangan ko Uji." Naluluha kong saad sa kanya.

Nakita kong napahinga ito ng malalim.

"Au my Dad's company is on the rocks right now. We are both doing our best to win over the trust and approval of Tiarra's dad.
They are trying to get in between all of our transactions kaya naaapektohan ang negosyo ng daddy ko at ng sakin din. I hope you understand this." Paliwanag nya.

"Kaya ba sya ang kapiling mo sa araw ng monthsarry natin?" Paos kong tanong sa kanya habang patuloy parin ang pagluha.

"Bau please understand, things are getting out of hand. This problems we are facing now is bigger than just you and me." Malungkot na boses nitong sabi habang nakahawak ang isang kamay sa kanyang noo.

Nakikita kong nahihirapan sya. Gusto ko syang yakapin kaya pinilit kong lumapit dito.

Ngunit bago pa man ako makalapit ay kinuha na nito ang kanyang cellphone.

"Vlad, take Auster home now."

"Nagsasawa kana ba agad sakin Uji?" Umiiyak na ako. Para kasing napakabilis ng pagbabago nya sakin

"May ginawa ba akong ayaw mo? Sabihin mo Uji, wag mo lang ako ipagtabuyan ngayon." Lumapit ako at niyakap sya ng mahigpit.

Bakit ganito ang nangyayari sa amin? Hindi ganito ang inaasahan ko. Ayokong magsawa sya sakin, hindi ko kayang mawala sya sakin.

"Let's talk later. Uuwi ako sa bahay mo mamaya. I need to go now malelate na ako." Mahinahon at halos pabulong nyang sabi.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kanya.

"Bahay natin Ryuu. Hihintayin kita." Ngumiti ako kahit ang hirap hirap sa kaloob looban ko ngayon.

Pinahiran ko ang aking luha at tumalikod na upang makalabas na ng condo nya.

Nakatunganga lang ako dito sa may lobby ng condo habang hinihintay si manong Vlad. Naguguluhan kasi ako kung bakit ang bilis ng mga pangyayari.

Parang nung isang araw lang ang sweet sweet ni Ryuuji sakin. Parang kahapon lang sabi nya ayaw nya akong mawala sa kanya pero bakit tila ganun kabilis nyang nakalimutan ang mga na sinabi nya.

Tinawagan ko si manong Vlad upang ipaalam na hindi muna ako magpapasundo. Gusto kong mawala tong gumugulo sa isip ko kaya napagpasyahan kong libangin ang sarili ko.

Nagtaxi na lamang ako papunta sa pinakamalpit na mall upang maglibot libot lang muna at hayaang tangayin ako ng paglipas ng oras.

Bumili ako ng bucket size na milk tea at nag ikot ikot sa loob ng mall.

Manghang mangha padin ako sa mga nasa loob ng mall. Dahil dati ay kapos ako at si tita kaya hindi ako pumapasok sa kahit na anong mall upang maiwasan naring mainggit sa mga bagay na gusto kong magkaron.

Kung iisipin ang swerte swerte ko kay Uji dahil kung hindi dahil sa kanya hindi ko maeexperience ang karangyaan ng buhay.

Kung tutuusin wala talagang napapala si Uji sakin. Ang tangi ko lang silbi siguro ay ang tugunan ang pangangailangang sexual ni Uji na kahit din naman yun ay kayang kaya nyang makuha kahit kanino.

Wala pala talaga akong silbi sa buhay ng taong minahal ko. Tama nga siguro ang tatay ni Uji. Isa lang akong mapagsamantalang tao. Sinasamantala ko ang yaman na binibigay sakin ni Uji mga bagay na wala ako dati.

Di ko namalayang tumutulo na ang mga luha ko habang naglalakad.

"Ang hirap makita ang ganyan kagandang mukha na nababasa ng mga luha." Isang kamay na may hawak na panyo ang nagpahid ng mga luha ko.

Nang umayos ang paningin ko ay naging klaro na ang mukha ng lalakeng kaharap ko.

"Chryo!" Humahagulhol kong iyak at sandal sa kanyang dibdib. Hinayaan nya lang akong umiyak sa kanya at hinayaan ko rin ang sarili kong ibuhos ang natitirang sakit sa puso ko sa pagiyak sa tanging taong dumadamay sakin sa oras na ito.

"Blue berry waffle try mo masarap." Nakangiti nitong sabi habang inilalapit ang waffle sa bibig ko. Nakaupo kami ngayon sa isang bench sa may park sa labas lang din ng mall. Mejo tumahan na ako mula sa pag iyak ko kanina.

Isang malaking kagat naman ang ginawa ko sa waffle na inooffer niya na syang nagpangiti sa kanya. Lumabas tuloy ang magkabilang biloy nito sa pisngi.

Sa totoo lang ang gwapo talaga nitong si Chryo ehh at matalino pa. Kahit sino kayang kaya nitong paibigin.

Kaya nagtataka ako kung bakit sa dinami dami ng taong nahuhumaling sa kanya, bakit ako pa ang nagustuhan nya kase wala talaga akong nararamdamang espesyal sa kanya kahit pa anong pilit ko sa sarili ko.

Tanging si Uji parin talaga ang nagpapatibok ng puso ko.

Bigla itong pumikit at tinaas ang dalawang kamay at nag cross finger na pinagtatakahan ko.

"Anong ginagawa mo?" Nalilito kong tanong dito.

"Humihilong ako wag ka istorbo." Sagot nito na nakapikit padin at nakangiti. Ang cute lang ny halimaw na to.

"Umayos ka nga Chry." Natatawa kong suway dito.

Dumilat na ito at ngumiti paharap sakin.

"Hinihiling ko lang na sana yung pagtitig mo sakin ngayon ay isang senyales na nahuhhulog kana sakin." Saad nya.

Natawa naman ako ng marinig ko ito.

"Baliw, asa ka pa!" Natatawa kong sabi.

"Pero at least ngumingiti kana. Ayaw ko kasing nakikitang malungkot ang taong nagpapasaya sakin eh." Napatigil ako sa sinabi nya.

Hindi ko alam kung paano magrereact sa sinabi nya kaya tinuloy ko nalang pagsipsip sa straw ng milktea ko.

"Ano ba ginawa ng unggoy na yun sayo at kung makaiyak ka jan parang wala nang bukas." Tanong nito na ang attensyon ay nasa waffle na kinakain na.

"Wag mo ng alamin. Mabuti nang kami nalang nakakaalam ng sarili naming problema." Sagot ko dito habang patuloy ang inom sa milk tea.

"Sus kahit kailan talaga ikaw wala kang tiwala sakin." Tila nagmumukmok nitong saad pero nasa waffle padin ang tingin.

"Personal kasing problema toh Chry. Problema sa relasyon namin kaya kami dapat ang umayos nito. Masyado lang talaga akong maarte kanina." Saad ko naman sa kanya.

"Alam kong hindi lang yun basta basta. Di ka naman ganun klaseng tao. Alam kong sobra kang nasasaktan. Hindi na kita pipilitin kung ayaw mo namang sabihin. Pero gusto kong malaman mo na kahit di mo man ako kayang mahalin, ayoko paring nakikita kang nasasaktan. Kasi ang taong nagmamahal ay nagiging masaya lang pag nakita nyang masaya ang taong minamahal nya." Mahabang turan nya sakin.

Napangiti ako sa sinabi nya. Napaisip tuloy ako kung ganito din ba mag-isip si Uji? Kasi sabi nya mahal nya ako eh, nasasaktan din ba si Uji kanina nung nakita nyang umiiyak ako?

"Salamat Chry, maaasahan ka talaga sa mga ganitong sitwasyon." Sinsero kong sabi sa kanya.

"Sus, ako pa ba? Eh ikaw lang jan eh sinasayang mo oportunidad na may isang tulad kong gwapo na matalino pa ang nababaliw sayo." Pakindat nyang sabi sakin na kinailing ko nalang.

"Baliw ka na talaga." Natatawa kong sabi.

"Baliw na baliw sayo beybe." Natatawa rin nyang turan.

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Uji mamaya at hindi ko rin alam kung ano mangyayari sakaling sabihin nyang ayaw nya na sa akin. Baka ikamatay ko.

Pero sa ngayon, masaya akong kasama ang taong ito. Masaya ako ngayon pero hindi.

"Mauna na ako Chry, anjan na si manong Vlad eh at saka maghahanda pako ng hapunan namin." Pagpapaalm ko dito matapos ang mahaba haba naming usapan at kulitan.

Akmang paalis na ako nang hawakan nito ang aking braso.

"Hindi ko alam kung anong ginawa nya para umiyak ka ng ganun kanina, pero eto sinasabi ko sayo Au, sa susunod na iiyak ka, tawagan moko at ilalayo kita sa kanya. Ilalayo kita sa mga taong mananakit sayo." Seryoso nyang sabi saka nya ako binitiwan.

Ngumiti ako sa mga sinabi nya. Nakaramdam ako ng kapanatagan sa kalooban ko na sa sandaling maranasan kong muli ang pighati, may isang tao na akong matatakbuhan ano mang oras.

"Sige." Nakangiti kong tugon sabay paalam at talikod sa kanya.






Itutuloy...
_________

Weeeeeeee!

Oh ayan na update wag na mambash bad yun! Hahahaha

Next update pag natapos na ang next chapter lols.

Kaway kaway kung may readers pa hahaha

I love you josh!

Continue Reading

You'll Also Like

18.3K 1.1K 37
Arious Jay Vlandeo and the man named Acxell Herson Labreo... Ms. A:This is my first ever story that i published in my page on facebook and because...
35.2K 892 10
WARNING! Mature content inside. A BxB story. _________ An androgynous gay is abducted and sold to a lunatic maniac. _________ Originally written by L...
248K 13.7K 56
COMPLETED Ano nga ba ang basehan kapag ikaw ay umiibig sa isang tao? Katanyagan? Estado sa buhay? Pisikal na katangian? Pag-uugali? Edad? Kasarian? P...
3.4K 134 52
Valkrie Boys First Series : Jeydee Valkrie COMPLETED ✔ [AVAILABLE AT BOOKLAT] Sabi nila ang pagmamahal daw walang pinipili. Kapag ito ay naramdaman m...