Pagkamulat na Pagkamulat ko, isang tulog na anghel ang agad na bumulaga sakin. Wala akong masyadong naalala sa nangyari kagabi, tsaka ayoko ring i-share sa inyo yung nangyari noh. >////< Nakakahiya kaya. "Good Morning, Wife" Shet, bed voice! Ang harap halayin over and over again-- Okay, na-corrupt na ng tuluyan ang imagination ko.
"G-Goodmorning..." Nauutal ako kapag nagf-flashback yung mga nangyari kagabi. Eh kasi naman! Ang hot ng abs niya *Q* Okay, Okay, Too much information about my husband's sexiness. "Magluluto muna ako ng breakfast." Humiwalay ako sa yakap niya at hinila yung kumot na mas manipis. Diba dalawa yung kumot sa mga hotel? Yung isa comforter tapos yung isa yung manipis? Ano ba tawag dun? Basta yun.
Binalot ko sa katawan ko at naglakad papunta sa CR. "Tss, naglagay pa ng kumot. Nakita ko na yan kagabi" Napa-blush nanaman tuloy ako kaya napatakbo ako sa CR. Buti nalang at hindi ko natapakan yung kumot, sayang ang maganda kong peys noh!
Naligo ako at nag-bihis. Pagka-labas ko ng CR, nakabihis na rin si Chiro. Dalawa naman kasi ang CR dito sa hotel dahil hindi naman dapat kami matutulog sa isang kama. Shet, yung memory nagre-replay nanaman sa mind ko. Suko na me!
Dumeretcho na ako sa kusina at nagluto ng bacon at itlog. Actually, may buffet naman sa baba kaso hindi na kami pinag-avail ni Mommy ng Buffet kasi plus bonding moments daw ang pagluluto kaya ayan, naging muchacha pa ako ng so-called, HUSBAND ko. "Chiro, luto na yung food" Tawag ko sa kanya. Nanonood kasi sa TV ng Spongebob.
Favorite niya kasi. Noong na-discover ko nga yun, pwede na siyang mag-camouflage sa isang truck ng kamatis. Ang pula ng cheeks eh. Haha! Yun yung namimili kami ng wedding ring tapos pinapunta ako ni Mommy sa bahay nila Chiro. At dahil nga sa makapal ang mukha ko, dere-deretcho akong pumasok sa kwarto niya. Bumulaga sakin ang sangkatutak niyang spongebob stufftoys tapos sinasabayan pa niya sa pagkanta yung Intro Song ng Spongebob.
Nakakatakot nga yung titig niya sakin noong tumawa ako eh. Kung nakamamatay ang titig, nailibing na niya ako. Pero ang cute niyang mag-blush. Haha! "Tama na kaka-flashback -.- Kumain na tayo" Ay, mind reader ang napangasawa ko?
"Anung oras ang flight natin?" Excited na talaga akong umuwi. Hindi kasi ako makahiwalay kay Chiro dito kasi hindi ko ganun ka-kabisado yung lugar eh kung sa Pinas, Feel Free to gala.
"11pm." Ang tipid talagang sumagot. Ang sarap putulan ng dila. Tumango nalang ako at tinuloy ang pagkain ko. "Aalis tayo ngayon, maghanda ka."
"Ha? Saan tayo pupunta? o.O May ime-meet ba tayong client dito sa Paris?"
"Alam ko namang kating-kati ka ng i-explore ang Paris. Just to remind you, You owe me two. Last night and today" Nag-smirk siya. Shet, kinikilabutan ako sa kagwapuhan niya.
"Magbibihis na ako" Tumayo na ako at tumakbo papunta sa CR at napalit ng damit na pang-alis.
***
Nandito kami ngayon sa Notre Dame Cathedral. "Chiro, Dali! Picturan mo ako!" Todo pose naman ako sa camera. Si Chiro, halatang bored na bored sa pagpi-picture. Haha!
"Isa pa!"
"Kyaah, Ang cute ko! One more!"
"Wahihihi, Dito naman!"
"Aish, Ang dami mo ng picture isa palang ang napupuntahan natin. Tara na." -Chiro
So Sungit talaga.
***
Sadyang minamadali ata ni Chiro ang pags-sightseeing ko eh. Pa'no ba naman, hinila niya ako pasakay nung Boat Tour around Paris. Hindi tuloy ako makapag-picture masyado. "Chiro, ikaw muna ang mag-picture. Nilalamig kamay ko"
Ine-expect ko na susungitan niya ako pero kinuha niya yung camera. O.O
Hindi lang yun, hinawakan niya yung yung kamay ko. Awkward.
"Ano k-kase Chiro, Di mo naman kailang--"
"Shh, don't ruin the mood. I-enjoy mo nalang yung tour." Mood? Yung awkward mood? Mas lalo ata akong nilamig sa pangyayari eh.
***
Pagkababa namin ng boat, naglakad-lakad kami sa parang Market thingy dito sa France. Pero hindi na kami naka-hawak kamay. Kapal nalang ng mukha ko noh. Biglang may mga babaeng humara kay Chiro. Ugh, hanggang dito ba naman may mga haliparot?
"Kuya, Ang gwapo mo naman! Pwede bang makuha number at address mo para mahanap ka namin sa Pilipinas?" Mga Pinay pala yun. Akalain mo nga naman.
Bigla nalang akong sumulpot sa tabi ni Chiro at hinawakan yung kamay niya. Pinakita ko sa kanila yung wedding ring at buti naman at nakuha nila yung point kasi bigla nalang silang nagsilayuan. "I didn't know you're that possessive" Bulong sakin ni Chiro. Bakit ba hanggang sa mall eh Bed Voice parin?
"Shut it, bilisan na nga natin. Pakiramdam ko magkaka-stampede dito dahil sayo e" Hinila ko siya papunta sa Bilisan ng Jewelry. Bibili ako ng Charm para sa Bracelet ko. Every time na pumupunta ako sa ibang bansa, nadadagdagan ito. Right now, ang meron palang ako is USA Statue of Liberty Charm, South Korean Chopsticks Charm, Japan Samurai Sword Charm, Hong Kong Flower Charm at ang newest, Paris Eiffel Tower Charm.
"Hey Miss, you're the girl from last night, right? The one dancing in the club?" Oh Em, Poreynjer alert! Gwapo alert! Nosebleed Alert! Lahat na Alert! Haha!
"Yeah, Haha. How'd you even recognize me?" Ningitian ko siya.
"How can I even forget such a beauty? I was supposed to talk to you last night but some guy pulled you away. Let me guess, one of your flings?"
Bago pa ako sumagot, sumulpot naman sa tabi ko si Chiro at hinawakan yung kamay ko. "I'm not one of her flings, I'm her husband. Let's go Hon."
"Ako pa yung possessive huh?" Naka-smirk ako. Haha, Ang cute niya pala kapag nagseselos. Ang sarap kurutin ng cheeks kaso baka mag-transform into Devil Jin este Chiro.
Pagdating sa hotel, Bored nanaman ako kaya pinag-tripan ko nalang yung Phone ni Chiro. May nakita akong picture niya na ang cute! Kyaaah! Inedit ko agad at nilagyan ko ng whiskers. Ginawa ko pang Gif, Bwahehehe! Sinend ko sa Phone ko at Ginawang Wallpaper. Nakakagigil, mukhang pusa! *O*
Sa Mga nagtataka kung paano gawing GIF ang wallpaper, Sikretong malupit. Bleh :P
***
"Ladies and gentlemen, we have just been cleared to land at the Ninoy Aquino International Airport. Please make sure one last time your seat belt is securely fastened. The flight attendants are currently passing around the cabin to make a final compliance check and pick up any remaining cups and glasses. Thank you." It's currently 5am in the morning. Jetlag, shet.
Nagpasundo nalang kami ni Chiro mula sa airport dahil hindi siya makaka-drive. Kinuha ko mula sa bulsa ko yung iPhone ko tapos inalis ko yung Airplane mode. Agad namang nagdagsaan ang messages.
From: Yanna-BFFL
Beeeeeeeeeeeeeeeeest! Anyare sa honeymoon niyo ng papable mong hubby? Masarap ba? Hahaha! Alam kong gusto mo akong batukan sa text ko kaya puntahan mo agad ako pag-uwi mo! Pa'no na nga pala si... Alam mo na... Ay basta, puntahan mo 'ko agad!
I know. *Sigh* Sa totoo lang hindi ko rin alam Yanna.
From: Ate Chami
Kapatid kong Bruhilda, Kamusta ang Honeymoon sa Paris? Ilan yung abs? :D Deretcho ka agad sa bahay ha. Miss na kita >:))
Gravity, Lahat nalang sila naka-focus sa Honeymoon? Pinsan ko yan, hindi kapatid. :)
From: K.N.
Paano na tayo? :|
Pinatay ko agad yung Telepono ko. Hindi ako pwedeng maiyak ngayon. Let me explain. May boyfriend kasi ako, si Kiel Natividad. Hindi kami legal kasi hindi alam ng parents ko. Actually, 2 and a half years na kami tapos eto nga, nalaman ko na ikakasal ako kay Chiro...
Hindi ko na alam kung anung gagawin ko. :| Mahal ko si Kiel pero Mahal ko din ang pamilya ko.
***
"Ayumi, Chiro! Welcome home!" Bati sa amin ni Mommy at ni Tita. Geez, mas gusto ko pa ngang sa Paris nalang ako for life. I can't accept the fact na pumayag si Mommy sa kasal na 'to.
"I'm going to bed" Umiwas ako sa yakap ni Mommy. Dere-deretcho akong umakyat sa kwarto ko. Pinadlock ko yung pinto ko. Hindi lang yung sa doorknob kasi alam kong may susi sila sa room ko. Lima ang padlock sa room ko dahil ayokong may makapasok.
Nilabas ko agad yung Phone ko at tinawagan si Yanna. "BEST! OH EM, YOU'RE HOME NA! MAKE KWENTO DALI! KAMUSTA HONEYMOON? MASARAP BA? MALAKI BA?" Oh God, This girl.
"Best naman! M-Magkita nalang tayo sa Pasukan. Dalawang Araw nalang naman. Ikekwento ko sayo doon lahat. I have to go... Bye Best" Hindi ko na siya hinintay makapag-reply, binaba ko na agad yung telepono.
Nilabas ko yung private laptop ko at binuksan. Nandito lahat ng pictures namin ni Kiel together. Pinlay ko siya as slideshow. Sh*t. Ano na ang gagawin ko? Maga-affair? Puteks! I hate my life.
(A/N: Palit tayo ng life! I want your hubbeeeh!)
Sige lang Miss Otor, kunin mo na. Parang-awa mo na :x I want to be with Kiel and not with Chiro. He's a bi-polar, cold, annoying, PMS-ing dude.
Nilabas ko yung diary ko at gumawa ng dalawang columns. Isa para kay Kiel at isa para kay Chiro.
KIEL:
Mabait
Mapagmahal
Laging nakangiti
Makulit
Madaldal
Gwapo
Cute
Mahal ko
CHIRO:
Masungit
Cold
Harsh
Annoying
Tahimik
May pagka-caring kahit papano
Gwapo
HOT
Laging pokerface
Kinaiinisan ko
Mas matimbang yung lovable traits ni Kiel pero mas Matimbang yung Mysterious traits ni Chiro. Sandali, bakit ko ba sila kinukumpara? It's not like I have feelings for Chiro -.- Well, I do have A feeling for him. Anger. Nothing else but Anger.
I have to make a decision, ASAP at kailangan sa desisyon na yun, hindi ako makakasakit at hindi maaapektuhan ang reputation ng company.
---------------------------------------------------------------------
Dedicated nga pala 'to sa Pinsan kong nag-expose sa akin sa Magical, Colorful world of Wattpad. :D HAHAHAHAHAHAHAHA! Yung mga stories niya yung unang kinaadikan ko dito eh XD