Trigger and Bullets

By seveinnah

218K 4.9K 1.3K

Mine isn't your kind of tale. I am not to kiss and expect a happily-ever-after. But certainly, I am destined... More

Trigger and Bullets
bullet 1 - hellhole
bullet 2 - losing grip
bullet 3 - two orbs
bullet 4 - flame and frost
bullet 5 - in the shadows
bullet 6 - caught
bullet 7 - resurface
bullet 8 - lied
bullet 9 - the calm before the storm
bullet 10 - before the worst
bullet 11 - in for the kill
bullet 12 - desensitized
bullet 13 - darker path
bullet 14 - dusk to dawn
bullet 15 - touch move
bullet 16 - bloodstained (part 1)
bullet 17 - bloodstained (part 2)
bullet 18 - memories
bullet 19 - poison sip
bullet 20 - after the masquerade
bullet 21 - the lost chapter
bullet 22 - underneath
bullet 23 - death-kissed
bullet 24 - sunlight shadows
bullet 25 - skull and bones
bullet 27 - unanswered
bullet 28 - harrowing touches (part 1)
bullet 29 - harrowing touches (part 2)
bullet 30 - enigma
bullet 31 - hide and seek
bullet 32 - dungeon and dragon
bullet 33 - sicilian defense
I wish I could tell you how much I want to bleed but I can't write right now.
Untitled

bullet 26 - an epilogue

3.8K 107 24
By seveinnah

You want answers,so here are the answers. Salamat nang marami!

-sev 

+++

Bullet twenty six

Masasabi kong si Luisa na ang pinaka eksakto at kalkuladong nilalang na nakilala ko. Tila lahat ng kanyang kilos ay pinag-isipan nang mabuti bago pa niya isagawa. Napaka-kalmado niyang naglalakad at naka-tingin lang sa unahan. I might just be paranoid enough to notice these as we briskly walked the empty corridors of Brent University. Hindi pa tapos ang klase kaya wala pang mga estudyante. Paglabas namin sa gusali ay bumungad sa akin ang Ferrari ko, bumukas ang mga pinto nito bago pa kami makalapit. See? She’s so exact and she’s got a lot of explaining to do how the hell she can override my bloody car.

Ako ang umupo sa harapan ng manibela kahit na nagpakita siya ng pag-angal. It was just right that I take the wheels because I cannot afford to just sit on the shotgun and jitter. And I was the resident speed demon. I drove our way back to FDI compound with seconds to spare. As I steer the wheels Luisa itemized the steps we had to do the moment we reached the place.

“Ms. Venice Lizabeth Fronda, do you remember which FDI Gate you crashed your tank about a month ago? Take that gate. Its security checker hadn't been installed properly so it’s going to ease the escape route I am planning. Do not worry, gusto ko lang paigtingin ang seguridad ng mga Fronda, walang malalim na dahilan sa mga paraan ko. Also, keep the key in the ignition and do not lock the car’s doors. Someone in my network will help us cover-up, she will take over your car, Ms. Fronda. Take the nearest elevator from the lobby’s entrance, I will take the stairs. Once you get inside start packing the… the things I have told you a while back. Your mom needs those things. I might take some time getting into your room so if anything appears suspicious lock yourself in your bathroom,” she said in unvaried tone. I nodded, muting my agitation and keeping my eyes focused on the road.

“Naninigas ang mga tuhod mo, nanginginig ang mga hinliliit mo, at hindi normal na tahimik ka sa mga ganitong pagkakataon. Base sa pagsasalaysay sa iyo ni Dana, maingay ka sa iyong mga kuro-kuro. Mukhang kinakabahan ka base sa iyong postura at kakaibang asta,” aniya sa mabilis at walang kabuhay-buhay na tono pagkalipas ng ilang minutong katahimikan sa pagitan naming dalawa. I almost hit the brake para mauntog siya.

Sinong hindi kakabahan sa ganitong pangyayari at sa animoy scripted niyang pananalita? And of course I have not forgotten she was L. “Tss. Do you want me to point out the fact that I still haven’t forgiven you for sending me those bloody clues and letters that had endangered my life and sanity?” Clearly, Luisa was more than just a secretary of my Mom, who knows if she was an assassin too, like Dana? Pati si Cole ay naniniwala ring tagapaslang ang kasama ko ngayon. Maybe everyone I knew was somebody else behind my back. Hindi ko na yata ikakagulat kung isang araw ay malaman kong may ibang pagkatao rin si Ella, or whoever…

Naramdaman ko ang kanyang pagtitig habang sa windshield ako nakatuon. “Everything we did was for your FDI, Miss Venice Lizabeth,” maikli niyang paliwanag at napanatili niya ang blankong ekspresyon na hindi na yata maaalis sa kanyang mukha.

“Yeah, yeah! Fine. Everything is for FDI. You and Dana signed me up to be the superhero that will save the medicine compound and maybe the whole world,” I spat.

“Hmmm. Mukhang mali ka ng pagkakaintindi. O nasobrahan ka sa pagintindi. Hindi nakasalalay sa iyo ang lahat. Totoo nga ang mga datos na nakuha ko, totoong sobra ang kumpiyansa mo sa iyong sarili.” Natahimik ako sa kanyang sinabi. Tila isang insulto ang kanyang binitawang mga salita ngunit hindi ako tumutol.

“Tell me my mom is alright,” I whispered while I passed into the FDI gate she wanted me to take. Ang dapat kong isinatinig ay ang katanungan kung ayos ba si Mommy subalit hindi iyon ang lumabas sa bibig ko. I feared a direct negative answer. Wala akong nakuhang assurance sa kanya dahil hindi na siya muling umimik pa hanggang sa maiparada ko ang kotse sa harap ng lobby ng gitnang gusali ng FDI. No, she’s alright, bulong ko sa isip.

Pinilit kong maging panatag habang tinutungo ko ang unit ko. Tiniis ko rin ang nakakasakal na kaba habang hinahanap ang sinabing mga bagay ni Luisa. My mom’s alright, bulong ko ulit sa isip ko. Hindi nagtagal ay dumating Luisa. She stood mutely at my room’s doorway as I dashed around yanking my drawers open, searching for a key and a box. I had no idea why I needed to bring those things, ang tanging sinabi lang ni Luisa ay pinapakuha sa akin ang mga iyon ni Mommy.

“Found it,” anunsyo ko sa kanya nang hindi siya tinitingnan nang mahanap ko ang mga pinapahanap niya. Ito ang susing nakuha ko sa ilalim ng fridge noon. ‘Under the fridge there is an old key. You have to find the room as soon as possible. Dungeons or Towers. Do this now.’ Naalala ko ang saktong utos mula sa natanggap kong liham ni Luisa noon. And the box? Ito ang sinasabi ni Dana na tunay na regalo mula sa aking ina---ito ang nakita kong nakatago sa ilalim ng driver’s seat ng Ferrari. Hindi ko pa alam kung ano ang laman nito dahil hindi ko pa ito binubuksan. Nagmature na siguro ako kaya hindi na importante sa akin ang mga ito. Uh. Really, no presents could have pacified me. Alam kong materyal na bagay ulit ang laman nito kaya wala na akong ganang tingnan pa. I had everything, what new could they give me, huh?

“Very good, Miss Venice Lizabeth,” wika niya. Bigla na lang akong kinilabutan nang maramdaman ko ang presensya niya sa likuran ko. I was about to pivot and look at her ngunit hindi ko na nagawa. Napaka hindi ko inaasahan ang nangyari. Bigla na lamang umikot ang aking mga nakikita at hindi ko namalayang bumabagsak na ako sa sahig. Nawalan ng tinig ang buong paligid at tuluyan nang naging itim ang lahat.

***

I knew I was having a bad dream… how? Because I had an awesome memory and I can remember exactly every dream I had the misfortune of dreaming. And what I was having now was just a replay. I was staring at my own reflection through a shiny black tomb stone with my name elegantly engraved on it, my skull was staring back at me.

I felt the painful throbbing in my head before I could open my eyes from slumber. Awtomatikong napunta sa aking ulo ang dalawang kamay ko---nagbabaka sakaling maibsan ang kirot na gumising sa akin. Pinilit kong ibukas ang talukap ng mga mata ko  sabay ng mahina kong pagdaing. Holy crap! Hindi ko mapagsaan kung nasaan ako! Ito na ang pangalawang beses na nagising ako sa hindi pamilyar na kwarto at ang naunang pagkakataon ay hindi maganda ang nangyari sa akin.

I tried to sit up as I roamed my eyes around. Mataas ang patusok na kisame, ang kalamangan ng haligi ay mga libro---I would have thought na nasa isang library ako kung hindi lang sa malaking kama, na kung saan ako nakaupo, sa gitna ng silid. Ang kalahati ng dingding ay puno ng mga paintings ng mga---well, abstract siguro dahil hindi ko maintindihan. Nakuha ng isang painting na nasa gitnang bahagi ang atensyon ko… it looked like a black apple na kaunting kurba na lang sa gitna ay hugis puso na. Napakunot-noo ako. 

Humangin nang malakas kaya napalingon ako sa bukas na veranda sa harapan. Maging ang pakiramdam ng hangin ay ibang-iba. Pati ang liwanang na nagmumula sa bintana ay hindi pamilyar. I instantly deducted that I was in another country---or continent. Sh*t. Where was I? Na-kidnap yata ako at itinapon na sa ibang mundo.

Adrenalin rush kicked in. Kinuha ko ang pahabang lampshade mula sa bedside table at hinawakan iyon na tila doon nakadepende ang buhay ko. Kung si Luisa ang kidnapper ko, woah, wala na yata talagang mapagkakatiwalaan sa FDI. But she was L---somehow it didn't make sense to me.

Tumayo ako mula sa kama at doon ko lang napansin na nakasuot ako ng pink na---what the bloody hell. Why was I wearing a fairy dress? Okay, it didn’t have wings. Mukha lang itong damit ng fairy. Gusto ko tuloy bitawan ang lampshade na hawak ko dahil nagmumukha itong wand. I forced to write-off the silly things and started to move cautiously to the door.

Pinihit ko ang doorknob at nakahinga ako nang maluwag nang bumukas ito nang walang tunog. Isang mahabang pasilyo ang nasa labas ng pinto, I didn’t have much time to think kung saan ako susuot, kung sa kaliwa ba o sa kanan. I went to the right side. Maingat kong nilakad ang bakanteng pasilyo hanggang sa nakarinig ako ng bulungan  na nagmumula sa isang pinto. There was a small gap between the door and the wall---it was open. I stopped walking at isinandal ko ang aking likuran sa dingding katabi ng pinto upang pakinggan at mapagsino ko ang mga dumukot sa akin.

I gasped when I recognized the soft voice. “No, no, no. Hindi ko hahayaan na bumalik si Venice sa FDI. Masyado nang deli--” hindi na natapos ni Mommy ang kanyang sasabihin.

Agad-agad kong pinasok ang kwarto. “Mom!” Tinakbo ko ang maliit na distansya papunta sa kanya. Sandaling naghari ang katahimikan sa loob ng silid habang mahigpit kong niyayakap si mommy. I tried hard not to cry. I tried damn hard stifling the child in me.

"Brave sweetie," bulong niya pagkalipas ng ilang segundo. Gumaan nang todo ang aking pakiramdam nang nakita ko siya. She looked well. Ang inasahan ko ay hindi maganda ang kondisyon ni Mommy kaya niya ako gustong makita. I had prepared myself for that. I was so thankful I prepared for nothing. Siguro ay nalunasan na ang kanyang sakit.

***

Hindi ko mapigilan ang sarili ko sa pagtapon ng masamang tingin kay Luisa na naka-upo sa pagitan ni Zeus at Dana sa sofa na nasa harap ng inuupuan ni Mommy. "Ginawa lang niya ang nararapat, huwag mo siyang kagalitan. Iniwasan niyang magkaroon ng bakas ang pag-alis mo patungo rito. Marahas ngunit nararapat," mahinang sabi ni Mommy, nakita niya yata ang mga kutsilyong ibinabato ko kay Luisa sa loob ng isip ko.

Inayos ko ang upo ko at mas lalo pa siyang tiningnan nang masama. "She could have told me. Ganito ba ang role ko dito? Absorber ako ng mga lihim na plano? Bakit ba parati---"

"Venice, wala tayong oras para umangal pa sa mga nangyari na. Nandito tayo para pagusapan ang mga pwedeng mangyari. You have a role larger than what you think you have, eh eh. Hindi ka lang 'absorber'."

Hinawakan ni Mommy ang kamay ko. "Tell her everything, Zeus. Naiintindihan ko ang nararamdaman niya." Yeah, right! I needed to know everything. Unti na lang susuko na ang isip ko sa pagiisip ng kung ano ba talaga ang nangyayari at kung sino ang kakampi.

Tumingin si Zeus at Luisa sa direksyon ni Dana, pati ako ay napasunod ng tingin sa kanya. And crap. I had never seen Dana as serious as how she looked right now. Nakahalukipkip siya at nakatitig sa kawalan. Sumulyap siya nang lampasan sa akin at humarap siya kay Mommy. "Madam Fronda, magpapahangin muna ako saglit," seryoso ngunit mahinang wika niya bago umalis sa silid.

"What's wrong with her?" Agad kong tanong sa kanila nang makaalis na siya.

"Everything," sagot ni Luisa.

Tumawa si Zeus ng ilang sandali. "Nag-iisip siya, Venice. Nag-iisip si Dana. Our game maker is thinking so we better get ready. Because the game will be on soon."

Wala akong naintindihan. Zeus was always giving riddles to answer questions. "I don't think I lack the brain to comprehend your statement.” That was my other way around to say I didn’t get it. Zeus sneered like he was having fun. "Sige na Zeus, I know you have a big mouth." Ooops. Nakalimutan kong naririnig pala ako ni Mommy.

"Venice," suway ni Mommy. I mouthed 'sorry' at her.

"Nakilala mo na si Socrates, hindi ba?" tanong niya. Tumango ako, I met Socrates not long ago to forget.

"Alam mo rin na pumanaw ang pinuno ng mga tagapaslang kamakailan lamang, eh eh?" I nodded. Hindi ko maarok kung bakit si Socrates ang kanyang binabanggit kung ang FDI ang dapat naming pinag-uusapan.

"Alam mo rin na kamaganak ni Dana ang naturang pinuno?" Tumango ulit ako. Kaya umalis si Dana ay upang makiramay sa kanyang pamilya, nalaman ko iyon dahil kay Cole.

He breathed in like the next words that will come from him were as important as his life. "Dana is the last eligible heiress of the throne."

Ilang saglit ang lumipas bago ko naintindihan ang sinabi niya. I thought I needed more time bago ituloy ang usapan namin... kagigising ko lang, kanina lang ay akala ko na-kidnap ako. Hindi ko pa napoproseso sa isip ko na totoong magkasama kami ni Mommy ngayon. I was hungry, too. Can I have a break?! This was terribly exhausting! Now Zeus was telling me Dana---Oh, he should be just joking around. Dana can't be the leader of those doomed souls. 

Biglang may bumikig sa lalamunan ko. “What?” tanong ko, ngunit alam nilang narining kong mabuti iyon. Hindi ko naitago ang gulat at bigla-bigla akong pinagpawisan nang malamig. Hindi siya maaaring maging lider ng mga tagapaslang. She deserved better life than being a murderer. Umalis na siya sa pagiging tagapaslang. Nang nag-usap kami sa Gringor East ay naramdaman kong ayaw na niyang bumalik muli sa trabahong iyon. Even Zeus didn’t want a life like that. And Cole---you wouldn’t save someone from a life you think is right, right?

"All right, Venice... we will skip some parts of the story, babalikan ko ito kapag nasabi ko na sa iyo ang ibang bahagi. Kung hindi ko puputol-putulin ang kwento, ikababaliw mo ito. Let's talk about why Dexter's team killed FDI members," lumingon si Zeus kay Mommy like he was asking permission. Tumango si Mommy.

"Sino-sino ang mga nakita mo sa listahan sa kuta nila Devin? I know you remember them perfectly," sabi niya. I enumerated the names I remembered. Pagkatapos kong sabihin lahat ng pangalan, "ano ang common denominator ng mga nabanggit mo? Come'on Venice," dugtong-tanong niya. He snapped his finger. Tila ikinasisiya niya ang confusion ko, nagtitimpi na akong kunin ang lampshade na inilapag ko sa lamesa sa gitna at ibato sa kanya. Pinagsalikop ko ang mga kamay ko para hindi ko magawa ang iniisip ko.

“Common denominator?” Well, lahat sila ay wala na... at lahat sila ay miyembro ng FDI. Mga scientists, financial advisers... mga may matataas na posisyon sa kumpanya... "Board Members silang lahat," bulong ko. Napabulong lang ako dahil nagumpisa na akong bumuo ng sarili kong teorya. Jeez. Tama, board members silang lahat. Oh my God. "Pinakikitil ng kliyente nila Dexter ang mga board members... why? This freakin client wants FDI?"

"Eh eh! Exactly! Ang mga pinaslang nila ay ang mga board members na tapat sa mga Fronda!"

Tinitigan ko siya. "So?" It was not that I didn't care. Uh! I was confused.

"Sigurado akong nalilito ka na dahil nasabi sa iyo ni Dana na ang ugat ng lahat ng ito ay ang gamot na itinago ng FDI sa publiko. Kaya gustong ipakitil ng kliyente nila Dexter---lets call him ‘Jack’, ay dahil nakasalalay sa mga board members ang pagsasapubliko ng gamot na iyon. Ang mga pinaslang nila Dexter ay mga miyembro na hindi payag sa gamot. Kung idadaan sa boto ng mga members ang desisyon kung ilalabas ang gamot, walang dudang magwawagi na si 'Jack' dahil inubos na niya ang mga hadlang dito." He stopped, maybe giving me time to think about what he explained. I was getting clearer to me now. Inulit ko sa utak ko ang sinabi ni Zeus.

"I get that part now. What is vague to me is why does this freak 'Jack' want that drug? Mom, you told Dana that drug is not effective." Lumingon ako kay Mommy.

"That drug, or rather Treatment has not been completed. Lahat ng hindi kompleto, sa mata ng isang chemist, ay delikado. 'Jack' wants this Treatment to be completed," mahinang sagot ni Mommy.

"Woah. He's a freak, really! This 'jack' is a big freak. Pumatay siya ng mga tao para lang sa dahilan na iyon? Dahil lang sa gusto niyang kompletuhin?" rhetorical kong tanong, napasipa ako sa carpet sa sobrang inis. Hindi ba nila pwedeng pag-usapan? Bakit kailangan pang pumaslang para makuha ang pesteng gamot na iyon?

"Naiintindihan ko siya," ani ng aking ina. WHAT? Naiintindihan niya si 'Jack'? Masyado yatang mabait ang isang tao na maiintindihan ang isang kasingsama ni 'Jack'. Nagtatakang tiningnan ko siya. "Wala siyang ibang paraan kundi ang pumaslang para makuha ang gamot. Venice, kung may bagay akong iingatan at handa ipagpalit ang buhay ko para sa bagay na iyon, ito ay ang formula ng Treatment. Hindi ko hahayaang mapasakamay ng kung sinoman iyon."

"Bakit ba napakahalaga ng Treatment na sinasabi niyo?" 'Na pati ako halos naisugal niyo na para dito.'

Tumigil sa pagkalikot sa tablet si Luisa at umayos ng upo si Zeus. So, hindi lang ako ang interesadong malaman kung ano ba talaga ang nasa gamot na iyon.

"That Treatment is the second phase of Chemotherapy. Intindihin niyo itong mabuti dahil dito nag-ugat ang lahat ng gulo sa FDI. But pardon me, I couldn't explain this without being technical," pagsisimula ng aking ina.  Finally, here it was.  I prepared my brain for another brain whacking fact. "May dalawang phase ang buong Chemotherapy, ang una ay ang kilala ng lahat na Theraphy at ang pangalawang phase ay ang Treatment.  Sa unang yugto ng Chemo, pinapatay ng gamot ang cancer cells. Sa pangalawang yugto ng Chemo binubuhay at inaayos ng gamot ang mga namatay nang cells." Saglit napapikit si Mommy. "I am sorry for giving this monster to the world. I am sorry, Venice. "

I didn't get it. Bakit sila nag-so-sorry? It hurts to see noble people asking for remorse. Wala akong makitang dahilan na dapat niyang ihingi ng tawad. She invented a life saving drug.

“Shit.” Narinig kong nagbitaw ng mura si Luisa. Napasulyap ako sa kanya at nagtaka ako kung bakit mukha siyang takot. This was the first time I see some human emotion from her face.

“I am sorry,” puno ng sinseridad na isinatinig ng aking ina habang nakatingin kay Luisa. Sa tingin ko ay nakita na ni Luisa ang kung anoman. Crap, bakit hindi ko makita iyon? Wala namang masama sa pangalawang gamot.

"Noon ay nanakaw ng isang Pharmaceutical company ang mga datos sa paggawa ng Treatment. Ito ang dahilan kung bakit agad kong binili ang Pharmaceutical Company na iyon at agad itinago ang formula," dugtong ni Mommy.

"Eh eh? Bukod sa nailahad niyo na Madam Fronda, ano pa ang kayang gawin ng pangalawang gamot? Bakit Kailangan itong itago kung pangalawang yugto pala ito ng Chemo? Bakit hindi pwedeng isapubliko para makalunas nang tuluyan sa kanser?" Naitanong ni Zeus ang mga tanong na naiisip ko.

"Can't you see?" may halong piyok na sa boses ni Mommy.

Umiling si Zeus.

"Ang pangalawang gamot, ang Treatment, ay nakasandal sa teoryang sa kawalan ng Oxygen maaaring mabuhay ang cell ng mahabang panahon. Aayusin ng gamot ang mga namatay na cells at aalisin ang pangangailangan nito ng oxygen. Magiging imortal ang cells. Magiging imortal."

Natahimik kaming lahat. Letting the last part she said sink in. Pati yata puso ko ay hindi tumibok sa sandaling naintindihan ko kung ano ang kaya ng gamot na iyon at kung bakit gusto ito makuha ni 'Jack'. Natatandaan ko ang sinabi ng Science teacher ko noon na kung hindi kailangan ng tao ang huminga, imortal tayo. Noon ay hindi ko iyon pinapansin dahil alam kong kailangan ng katawan ang hangin. Gadd, my brain needed to find some vacant brain neurons or... it will explode.

"Bakit ko kinailangang iligtas si Margareth?" tanong ko. I changed the topic. Maybe Margareth's case is easier to handle than a drug that can make you immortal or whatever.

Si Zeus ang sumagot. Ngunit sandali munang natigilan siya bago nakapagsalita, siguro ay kinolekta muna niya ang isip niya, nahalata ko iyon sa ekspresyon ng kanyang mukha. Hindi lang pala ako ang nagulat sa kayang gawin ng pangalawang gamot. I didn’t want to dwell on that too long. Parang kung nagpalunod ako sa pag-iisip tungkol sa kayang gawin ng ikalawang yugto ng Chemo ay mawawala na ang mga pinanghahawakan kong prinsipyo tungkol sa buhay. That thing can make an immortal cell, for Christ’ sake.

"Si Margareth... Wala siya sa listahan, napansin mo iyon, eh eh? Kinuha nila Devin si Margareth para may mapagkunan sila ng impormasyon kung sino sa mga Board Members ang malapit sa mga Fronda."

Napataas ako ng kilay. "Iyon lang ang dahilan? bakit kailangan pa siyang iligtas kung nabihag na siya noon at kung sa mga panahong iyon ay nasabi na niya kina Dexter ang mga dapat paslangin?"

I knew my mom heard my bitterness towards Margareth. But my point was crystal clear. There must be deeper reason why she was protecting the mistress of my father.

She explained, "noong nakuha muli ng FDI sa maliit na kumpanya ang datos tungkol sa paggawa ng pangalawang lunas, binura ko na lahat ng datos. Ngunit... Inilipat ko kay Margareth. Margareth has the same photographic memory as mine. Hawak ko..." saglit niyang itinuro ang kanyang sentido "ang datos ng unang gamot. At hawak ni Margareth ang datos ng pangalawang gamot."

"Oh!" I didn't and wouldn't see that coming! I bit the inside of my cheeks. Napailing din ako. This was too much for my brain. Isinuklay ko ang dalawang kamay ko sa magulo kong buhok. Pagkatapos ay inipit ng dalawang kamay ko ang magkabilang sentido ko. So she was protecting Margareth because Margareth was her human hard disk---brain storage. I didn't even know Margareth had photographic memory. Damn. It was getting clearer but I couldn't help but be lost by its complexity.

Wala man lang nagbigay ng abiso sa akin na sabay-sabay kong malalaman ang mga ito.

“The key that I asked you to bring is the key of the hidden laboratory inside FDI. Iyon lang ang laboratory na may pasilidad na buuin o pagsamahin ang dalawang gamot.” Mabagal niyang sabi na wari ko ay ipinaiintindi niyang mabuti sa akin.

“The FDI Dungeon,” sabi ko.

“Yes, we call it Dungeon because it needs to be hidden.”

"So what's the reason you started introducing Socrates to this, huh?" matamlay ko nang tanong kay Zeus. I changed the topic again. Parang hindi na kaya ng utak ko.

"Kliyente na nila Socrates si ‘Jack’ ngayon. Eh eh, ngunit may personal na motibo si Socrates kaya niya tinanggap ang misyon. Si Socrates ang illegitimate na anak ng nasirang pinuno ng mga tagapaslang. He wants Dana's throne at mapapasakanya lamang ito kung wala na si Dana. Bawal pumatay ng kapwa tagapaslang, isang sagradong batas iyon ng mga assassin. But all rules have exception, eh eh? Kung kailangang pumaslang ng kasama para sa misyon, maaari nilang gawin---Mission over Soul. At ang malinaw na daan para makitil niya si Dana ay ang FDI. Sa tingin ko ay alam na ni Socrates ang matibay na relasyon ni Dana sa mga Fronda, iyon ang gagamitin niya."

“Then Dana should just give him the throne! Tapos na ang problema natin kung ganoon!” Hindi ko na napigilan at napatayo na ako. I breathed in. “What the hell is happening?” Hindi ko alam ang uunahin kong isipin. “Akala ko tapos na noong natapos na sina Dexter sa FDI. Dana told me, tapos na! Bakit may nagbabanta pa rin sa FDI at bakit pati si Dana ay… ay. Oh I don’t want this! I don’t want any of these… these bulls!”

Akala ko ay sisitahin ako ni Mommy for using a bad word ngunit nakatingin lang siya sa akin na may pagintindi. I heard Luisa say something about temper. Temper my asz. There were guns pointing on the heads of the people I care the most. And the second phase of Chemo, it was an evil drug. Temper my asz!

“Eh? Hindi niya maaaring ipamigay ang kanyang kapangyarihan. Kamatayan rin ang kapalit niyon. Hindi ba’t alam mo naman na pinapanatili ng mga tagapaslang ang lihim ang kanilang samahan? Death is the price for freedom.”

“Then why are you---“ I stopped myself dahil pumasok si Dana sa silid. Nais ko sana itanong kung bakit pa buhay si Zeus kung kamatayan ang kapalit ng kalayaan. Ilang sandali akong tinitigan ni Dana at alam kong alam na niya na alam ko na ang lahat. Hindi ko rin alam kung paano magumpisa ng konbersasyon sa kanya. She had the weight of the whole world on her shoulders. How could I talk to her?

“You know the use of epilogue, don’t you?” Tanong niya sa akin. I gave one stiff nod. Epilogue details the fate of the characters. I looked at her intensely. What did she want to point out?

“Well,” she paused and tried to smile a little. "Do you want this to be your epilogue?”

Lumamig bigla ang hangin. Parang may kung ano sa sinabi ni Dana na nagpabago sa atmospera ng buong kwarto. Hindi niya tinanggal ang seryosong titig sa akin so I put a brave face in return.

This world had already witnessed enough tragic epilogues. Mine will not join the list. “Hell, no.”

+++

Songs: Use Somebody (Paramore Cover), All I Need (Within Temptation)

Continue Reading

You'll Also Like

2M 80.9K 70
An extraordinary girl who's not afraid of facing all kinds of monsters, Hurricane Thurston is set on an adventure that would shake the world of the T...
1.5M 101K 33
When an unlikely group comprising of a photographer, writer, musician, artist, and poet band together for a documentary film project, anything can ha...
457K 20.3K 78
She's heartless person, She can kill you without blinking her eyes. Beg for your life she didn't care, and surely she make ur life living hell..... ...
392K 31K 82
[A VIRTUAL REALITY MMORPG STORY] An unsuspecting, online-game-hater finds herself inside the newly-launched Arth Online because of her brother's tric...