bullet 27 - unanswered

3.3K 110 39
                                    

The thought of your lips on her lips

and the vine of promises cut by death

Are enough to tear myself away.

+++

Bullet twenty seven

Noon pa man, mataas at may paggalang na ang tingin ko sa FDI. Mula sa istraktura ng Compound, mga miyembrong dalubhasa sa medisina at komersyo, hanggang sa mga gamot na natuklasan nito. Maging ang pangalang Fronda Drugs Incorporated ay sumisigaw ng lakas at kapangyarihan. Ni minsan ay hindi sumagi sa isip ko na ang kompanya ay may anino ng madilim na sikreto.

Siguro sa mata ng ibang tao ay masama ang FDI dahil sa pagkakatuklas nito ng Treatment. Ako? mas lalo pang tumaas ang tingin ko sa FDI---lalo na sa aking ina, dahil sa pilit nilang nililigtas ang kompanya sa mga taong nais gamitin ito ayon lang sa pansariling interes. Ang tunay na bumubuo ng FDI ay ang mga taong hindi inatim subukan ang kayang gawin ng pangalawang gamot. The Treatment was one hell of a tempting evil offer only kind people had the will to refuse.

Ngayong malinaw na sa akin ang lahat, kung iniisip ko ang mga magkakakonektang nangyari ay para akong tumititig sa isang napaka-komplikado at malawak na laberynth. This maze of dark problems and darker possibilities clearly leads to one single decision... protect my Mom, Dana and yeah, even Margareth. 

Well, that's mine. Dana and I shared different views though.

"I don't think Socrates has an idea that Margareth has the formula of the Treatment. His first instinct will be... the formula is somewhere inside FDI. Matagal pa bago nila maiisip na walang pisikal na anyo ang kanilang dapat hanapin. So it all ends to this. No one should ever know that Margareth has the fomula. It was a genius idea---ang paggamit kay Margareth bilang receptacle. Blimey! Who would have thought? Margareth is the last person Madam Fronda will trust! Genius!" ani Dana. Nakinig lang ako sa diskusyon nila ni Zeus na umaabot na sa ilang minuto.

"Eh eh, kung ganun kay Margareth ibibigay ang pinaka mataas na proteksyon? Wala akong duda sa kakayahan ni Canary but this is Socrates we are dealing with. He has a venom of thousand snakes." Ang inatasan ni Dana na magprotekta kay Margareth ay si Canary. Kaya pala hindi ko na siya nakikita sa Compound.

"No. Kay Madam Fronda ang pinaka mataas na proteksyon. I hate it when I have to devide just because we are out of people," sagot naman ni Dana.

Saglit nag-isip si Zeus. His forehead was creased.

"We have to protect Madam Fronda AND Margareth," dugtong ni Dana.

"And you?" seryoso kong tanong. "And you, Dana Easton?"

"I can handle myself. Don't think of the unnecessary chess pieces," agad niyang sagot.

Nagprotesta ako sa isip ko. Kinagat ko ang mga labi ko para hindi maka-angal. Hindi ko pa nais sirain ang plano ni Dana ngunit sa sulok ng isip ko nakaplano nang kontrahin siya kung wala siyang balak na isalba ang sariling niyang buhay. If this was war then I won't let anybody be a bullet vest of someone else.

Trigger and BulletsWhere stories live. Discover now