Game of Love 2: Still in Love...

By JeraldineTanL

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... More

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 7 ] The Other Sides of the Story
[ 8 ] The Reunion
Game of Love Softcopy :)
[ 9 ] Change
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 20 ] Caught in the Act
[ 21 ] The Result
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 26.2 ] So In Love
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 31 ] Remember
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 40 ] Hello and Goodbye
[ 41 ] Trap
[ 42 ] A Big Problem
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 46 ] Minor Accident
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 53 ] Past
[ 54 ] Forgive
[ 55 ] Unexpected
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 3 ] A New Friend

62.6K 757 55
By JeraldineTanL

Chapter 3: A New Friend

Nang mainip si KL sa kwarto ay naisipan niya na lumabas at samahan ang mga kaibigan sa ginagawa nila. Paglabas niya sa kwarto ay nandoon ang mga kaibigan niya na masayang nagkukwentuhan at nag-iinuman.

"KL, shot!" pagyayaya ni Steven.

"S-sige lang."

Kumuha si KL ng isang bote at saka naglakad palayo doon. Gusto niya kasi na mapag-isa.

"Saan ka pupunta? Ayaw mo ba kaming samahan dito?" tanong ni Aine.

"Babalik ako mamaya. Tatawagan ko lang si Kuya Axel."

Lumabas siya ng bahay at pumunta sa beach na hindi kalayuan doon. Umupo siya sa sand at tinawagan si Axel.

"Oh Kylie, napatawag ka yata?" 

"Kuya, miss na kita! Hindi ba kita naistorbo?"

"Miss na din kita. I'm not busy so it's okay. How are you?"

"I feel a bit lonely, kuya. I'm here in the Philippines. Namimiss ko na si Jin."

"We all do, KL. I also want to go there but my schedule doesn't allow me."

"Sayang naman. Siguro sobrang busy niyo dyan. I hope to see you soon. Ikaw kuya? Kamusta ka dyan sa China? How are you and Jessica?"

"Jessica and I are doing well. Dito na din siya nagtatrabaho sa amin and dito na din siya tumira sa China."

"Sigurado ka ba na hindi ako nakakaistorbo sa’yo?"

"Of course, KL. It's been a long time since you last called me and it’s good talking to you. Graduate ka na?"

"Yes, kuya! Sorry po ah? I've been busy with school so I was only able to call you now."

"It's okay, I understand."

Nagulat si KL nang may nagpatong ng sombrero sa ulo niya at nakita niya si Dwayne. Nginitian lang siya nito at umupo sa pwesto na hindi kalayuan sa kanya.

"Kuya, I'll call you again next time. Bye!"

"Take care of yourself, okay?"

"Okay, you too."

Tinapos na ni KL ang tawag.

‘Sigurado ako na mas namimiss ni kuya si Jin dahil matagal na silang tumira sa ibang bansa at hindi na siya nakakabisita dito sa Pilipinas dahil busy siya.’

Nakatingin lang si Dwayne sa kanya. Napapansin ni Dwayne na palaging malalim ang iniisip ni KL.

"Do you mind if I sit right next to you?" tanong ni Dwayne.

"No. Go on."

Tumayo si Dwayne at umupo sa tabi niya. Parehas sila na nakatingin sa dagat. Kahit na summer ay malamig ang hangin doon.

"Your brother?" tanong ni Dwayne.

"No. He's my best friend's brother."

"Nasaan ba ‘yung best friend mo?"

"She's already dead."

"Sorry."

"No, it’s okay. Limang taon na din siyang patay, e."

"Gwenchana-yo?" (Are you okay?)

"Gwenchana." (I'm okay.) "Wait a minute! Did you just speak--?"

"Wag ka ng magtaka kung nakakaintindi at nakakapagsalita ako ng ganun. I used to work there before. Nagbabakasyon lang din ako pero mukhang matatagalan ako dito."

"Ano bang trabaho mo doon?"

"I’m a photographer. I usually go to different places just to take pictures so I do a lot of traveling."

"That's cool!" nakangiting sinabi ni KL.

"I know. Ikaw? What do you do?"

"Fresh graduate lang ako. Pagbalik ko sa Korea, tutulong ako sa business ng pamilya namin."

"I see."

Tumahimik na muna si KL para uminom. May dala din na bote ng alak si Dwayne kaya ‘yun din ang ginawa niya.

"Do you want to visit her?" out of nowhere na tanong ni Dwayne.

"Visit who?"

"Your best friend."

"Yes, of course. I'll visit her when I go back to Manila."

"Do you want me to accompany you?"

"You don’t have to but if you want, you can come with me."

"Bumalik na tayo sa loob. Mahamog dito at delikado dahil gabi na."

Tumayo si Dwayne at tinulungan si KL na makatayo. Sabay sila na naglakad pabalik doon at hindi nila naiwasan na maasar ng mga kaibigan. Pagdating nila doon ay nakita ni KL na nakaakbay si Spencer kay Jichelle na agad din nitong inalis nang makita niya si KL habang si Jichelle, nakakapit sa braso ni Spencer at nilalambing siya.

‘Nagseselos ako. Hindi ko maiwasan na hindi magselos kahit na pilitin ko.’

Umupo sa tabi nina Steven si KL at uminom ng uminom. Gusto niya ng magpakalasing.

"KL, tama na ‘yan! Madami ka ng nainom. Magpapahinga na kami kaya magpahinga ka na din," sabi ni Aine. 

"Gwenchana. Ka!" (I’m okay. Leave!)

"Anong sabi niya? Bakit alien na siya ngayon?" pabirong tanong ni Steven.

"Sabi niya, okay lang siya. Umalis na daw tayo," pagpapaliwanag ni Dwayne.

"Are you sure, KL?" paninigurado ni Aine.

"I’m okay, alright? Iinom pa ako ng kaunti tapos matutulog na din ako," sagot ni KL.

"Sige, maiwan na namin kayo," pagpapaalam ni Steven.

Umalis na sila doon at si Dwayne na lang ang naiwan para samahan siya.

"Do you want to drink with me?" pag-aalok ni KL.

"Sigurado ka ba na kaya mo pa?"

"Do you think I'm drunk? Look at me, Dwayne. I'm perfectly fine! Let’s have another bottle and we’ll stop. You can leave me here if you don’t want to. Susunod na lang ako sa kwarto."

"Sasamahan na lang kita."

Inabutan siya ni Dwayne ng isa pang bote ng alak.

"May problema ka ba?" 

"Mukha ba akong may problema, Dwayne?"

"Hindi ka iinom ng ganyan kadami kung wala."

"I’m a hard drinker. Bihira lang naman ako uminom kaya hayaan mo na ako."

Uminom silang dalawa hanggang maubos iyon. Si Dwayne na din ang naglipit ng kalat doon bago sila magpahinga. Agad na nag-ayos ng sarili si KL at humiga na siya. Inabot na siya ng isang oras sa kama pero hindi pa din siya makatulog kaya naisipan niya na lumabas ng kwarto. Dumeretso siya sa kusina para uminom ng tubig.

"Lariza," tawag sa kanya ng isang pamilyar na boses.

Lumingon siya at nakita si Spencer na nakatayo sa hindi kalayuan sa kanya.

"Gising ka pa pala, Spence."

"Mag-usap tayo," seryosong sinabi nito.

"About what? We don’t have anything to talk about. Inaantok na ako at gusto ko ng matulog. Kung gusto mo, bukas na lang tayo mag-usap," pag-iwas ni KL.

Dinaanan lang siya ni KL pero nahawakan siya ni Spencer sa kamay. Hinila siya nito kaya napayakap si KL sa kanya dahil na din sa hilo at hindi niya mabalance ang sarili. Agad din siyang niyakap ni Spencer. Ilang minuto din silang ganun bago siya tinulak ni KL palayo.

"May gusto ka bang sabihin sa’kin?" tanong ni Spencer.

Tumalikod si KL para umiwas ulit pero agad siyang pinaharap ni Spencer sa kanya.

"Bakit ka ba nagkakaganyan, KL? Sigurado ako na may problema ka. Ano ba kasi ang nangyayari sayo? Bakit--" 

"Oo, Spencer! May problema ako! Bakit ako nagkakaganito?! Nagseselos ako! Nasasaktan ako sa mga nakikita ko na ginagawa mo! Miss na miss na kita pero hindi ko magawang kausapin ka! Bakit?! Kasi palaging nakadikit sayo yung nililigawan mo!" sigaw ni KL.

Hindi na napigilan ni KL na mapaiyak. Hinila siya ulit ni Spencer at niyakap. Mas lalong nasasaktan si KL na hindi man lang nagsasalita si Spencer.

"Ssh. Tahan na."

"I want you back, Spencer. I need you," pabulong na sinabi ni KL.

"I--"

"Spencer? KL?" tawag sa kanila ng isang boses ng babae.

Napahiwalay sila sa isa’t isa. Agad na pinunasan ni KL ang luha niya. Nakita nila doon sina Dwayne at Jichelle. Nagising sila dahil sa sigaw ni KL kaya naman pumunta sila sa kung saan nila narinig ang ingay.

"What is going on?" nagtatakang tanong ni Jichelle.

"Jichelle, sa kwarto na lang tayo mag-usap," pagyayaya ni Spencer.

"No! I want to know what’s going on between the two of you. May hindi ba kami alam tungkol sa inyo?"

"Mali ka ng iniisip, Jichelle. What you saw just a while ago is nothing," depensa ni KL.

"Sana nga wala lang ‘yun!" naiinis na sinabi ni Jichelle.

"Let me explain. I have a family problem and Spencer saw me crying so he comforted me," pagpapaliwanag ni KL.

"Totoo ‘yung sinasabi niya, Jichelle. Nakwento na kanina sa’kin ni KL ang nangyari. Wala kang dapat ikaselos sa nakita mo. Normal lang naman ‘yan sa magkakaibigan, hindi ba?" dagdag ni Dwayne.

Kahit na nagaalinlangan ay naniwala na lang si Jichelle sa paliwanag ni KL.

"If that's the case, I’m sorry. I over reacted about what I saw. Napag-isipan ko pa kayo ng masama. Spencer, magpahinga na tayo," nahihiyang sinabi ni Jichelle.

Bumalik na sina Jichelle at Spencer sa kwarto. Hinila naman ni Dwayne si KL papunta sa labas ng bahay at umupo sila sa gilid kung saan may mauupuan.

"Thanks, Dwayne. Kahit na hindi mo alam ang nangyari, dinepensahan mo pa din ako."

"Siya ba?"

Nagtataka si KL sa tanong ni Dwayne.

"Ha?"

"Siya ba ang dahilan kung bakit ka problemado at kaya ka naglalasing?"

"No, it’s really because of--"

"I can see it in your eyes, KL. You’re lying. Napansin ko na kanina pa na may kakaiba sa inyo ni Spencer."

"Is it that obvious?"

"Hindi. Pero kung titignan mo ng mabubuti, mapapansin mo. Kaano-ano mo ba talaga siya?"

"Should I trust you?"

"It's up to you."

Nagkwento si KL kay Dwayne tungkol sa kanilang dalawa ni Spencer at pati na din sa nararamdaman niya.

‘Mukhang mapagkakatiwalaan ko naman si Dwayne. Kumpara kay Steven, mukhang matino si Dwayne.’

Nakinig ng mabuti si Dwayne sa kwento ni KL at nanahimik lang ito hanggang sa matapos siya sa pagkekwento.

"You can cry," bulong ni Dwayne.

"Baliw! Hindi na ako iiyak. I feel a lot better now, Dwayne. Thank you for listening."

"I'm always here to listen to you. I'll try to make you happy."

"Thank you."

"Let’s go inside. Magpahinga na tayo."

Bumalik sila sa kwarto at nagpahinga. Gumaan ang loob ni KL dahil may napagsasabihan na siya ng problema niya. Masaya siya dahil alam niya na magiging mabuting kaibigan si Dwayne sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

375K 8.3K 31
Ano kayang mangyayari kay Denise pagkatapos sa nangyari sakanila ni Xylan? Habang buhay ba siyang magluluksa dahil sa pagkamatay ni Xylan? Matututo k...
527 387 85
[C O M P L E T E D] Sabi nila, sa RPW daw ay walang totoo. Lahat daw ay peke. Lahat ay roleplay lang. Noong una, iyon din ang paniniwala ko. Pero 'di...
191K 5.5K 36
Minsan may mga bagay talaga na nasa iyo na mawawala pa. Kahit anong pilit nating pagaalaga kung hindi talaga para sa atin wag ng pilitin, masasaktan...
2.6M 60.6K 47
Book 3 of Falcon University Series (Josh & Red's story)