The Destroyer

By littlemissselle

6.6M 81K 23.1K

Black Series II: I'm Casimir Ramirez. Three words, I DON'T CARE. Shut the hell up or I'll destroy you. More

The Destroyer
TD - 1
TD - 2
TD - 3
TD - 4
TD - 5
TD - 6
TD - 7
TD - 8
TD - 9
TD - 10
TD - 11
TD - 12
TD - 13
TD - 14
TD - 15
TD - 16
TD - 17
TD - 18
TD - 19
TD - 20
TD - 21
TD - 22
TD - 23
TD - 24
TD - 25
TD - 26
TD - 27
TD - 28
TD - 29
TD - 30
TD - 31
TD - 32
TD - 33
TD - 34
TD - 35
TD - 36
TD - 37
TD - 38
TD - 39
TD - 40
TD - 41
TD - 42
TD - 43
TD - 44
TD - 45
TD - 46
TD - 47
TD - 48
TD - 49
TD - 50
TD - 51
TD - 52
TD - 53
Epilogue
Black Note
Special Chapter 1: Geoff & Belle
Special Chapter 2: Henry & Desiree
Special Chapter 3: Jeremy
Special Chapter 4: Jericho
Special Chapter 5: Jhaztine

Last Special Chapter: Casimir & Alex

62.1K 1.5K 279
By littlemissselle

What can I do? I was just in love.

After ng vacation trip namin ay agad kaming nakahanap ng trabaho, hindi naman mahirap dahil maraming connection sina Papa. Ayokong mapalayo siya sa akin kaya sinabi kong gusto ko na sa iisang company lang kami, ang maliit na bagay na 'yon, pinag-awayan pa namin.

"Casimir, 'di ko feel environment diyan, feeling ko masiyado kayong magagaling diyan." Depensa niya.

"Magaling ka rin naman ah!"

"Oh c'mon," she rolled her eyes. "Kumpara sa'yo, kalahati lang o wala pa nga siguro ako sa kalahati ng kagalingan mo eh."

Napapalo ako sa working table niya. "Why do you have to compare yourself? Magta-trabaho lang tayo do'n hindi makikipag-kumpitensiya."

Lumapit siya sa kama niya at binagsak ang sarili doon. "A-yo-ko. Bahala ka nga diyan." Hinila niya ang isa niya pang unan para yakapin at umastang matutulog na.

I can't believe her. Bakit ba ayaw niya do'n? Maganda at malaking architectural firm na 'yon, ayaw pa niya? Naghihintay pa siya na tawagan ng mga in-apply-an niya eh ito na nga oh, magpapasa lang kami ng resume tatanggapin na kami. Damn it.

Pabagsak akong nahiga sa kama niya at inakap siya nang mahigpit. “Please? Be with me.”

Umikot siya para humarap sa akin. “Bakit ba kasi? Ayoko nga do’n eh.”

“Ayaw mo ba ‘ko kasama sa trabaho ha?”

She pouted. “Puro kayo magagaling do’n and I am just an average architect.”

Kumalas ako sa yakap at lumayo sa kaniya. “Well, you just offended me babe.”

She’s not an average architect. Damn it. She’s more than that. I felt like I failed in making her feel that I love her. Ang gusto ko kasi maramdaman niyang she’s unique, maramdaman niyang magaling siya, maramdaman niya ang suporta ko sa kahit na anong gawin niya pero mukhang hindi ko naman ata nabu-boost ang confidence niya.

“Sige, uwi na ‘ko,” paalam ko. Bago ako lumabas ng kwarto ay may pahabol pa ako sa kaniya dahil kahit naman may ‘di kami mapagkasunduan ay hindi pwedeng matatapos ang araw na hindi ko nasasabi sa kaniyang mahal ko siya. “Sweetdreams, Architect Laxamana.”

Months passed at sinusundo ko siya palagi sa bahay nila para sabay kaming papasok sa trabaho. Ako pa rin naman ang nanalo dahil magkasama kami sa trabaho! Kaya ko lang naman siya pinipilit kasi gusto ko siya kadikit ko lang siya, takot akong baka may makilala siyang iba sa papasukan niya, ayaw ko mangyari ‘yon. Ayaw kong may makilala siyang iba, ayaw kong makita siyang masaya kasama ang iba, ayaw ko… ayaw ko!

Hindi rin naman niya natiis ang pagtatampo ko kaya napapayag ko siya. Lagi na nga akong magtatampo para napagbibigyan ako.

So far masaya ako sa trabaho ko dahil ito naman ang gusto ko eh, kaya nga I took Architecture at masaya ako dahil kasama ko ang girlfriend ko. Madalas din kaming tanungin ng workmates namin kung kailan kami magpapakasal.

“Ewan ko diyan kay Casimir, ayaw ata akong pakasalan eh.” ‘Yan ang madalas niyang sagot sa kanila which I find irritating. Alam kong mayaman kami at may pera kami pang-kasal pero siyempre kailangan pa rin namin pag-ipunan ‘yon, we must be ready. One should not just be emotionally wise in making a choice but should also consider the smartest choice.

At gusto ko rin na bago kami magpakasal ay mayroon na akong napatunayan, yeah male ego’s still in the middle of everything. Naghihintay na lang naman ako na may dumating na life changing event para masabi kong pwede na, na ready na kami para sa bagay na ‘yon.

Hinatid ko muna sa table niya si Alex which is four-office cubicle away from me. I kissed her cheek.

Hindi pa nag-i-init ang pwet ko sa pagkakaupo ko nang ipatawag ako ng boss namin, which is a family friend. Tamad na tumayo ako at pumasok sa opisina niya.

“Casimir, the cream of the crop,” he always use that idiom to me. The hell I care. “Maupo ka muna at mayroon tayong pag-uusapan.”

Sumunod naman ako dahil siya ang boss ko at pinapa-sweldo niya ako. “Ano po ba ‘yon?”

“Still, remember ‘yung na-closed kong deal sa Middle East?” I nodded kahit na hindi ko matandaan, para lang ba sabihin na niya dahil ayokong makipag-usap ng matagal. “They have a new project and they have chosen you to be the architect sa ipapagawa nilang bagong building.”

Oh shit. Tinitigan ko nang maigi ang boss, hindi naman siguro siya nagbibiro, ano? “Are you serious?”

He laughed, like those adults in movies who won something. “Yes, I am! Makita ko pa lang ang resume alam kong maganda ang future mo in this industry.”

Napangiti na lang ako at tumayo para kamayan si boss. I need to tell this to Alex. “Thank you, Sir.”

“No, thank you.” He shook my hand. “Good luck to your big project, Mr. Ramirez. Makakarating ‘to agad sa magulang mo.”

Agad kong pinuntahan si Alex sa table niya. Hinila ko siya patayo at inakap. I just can’t hide my happiness right now. Pakiramdam ko ang swerte-swerte ko.

“Oh, bakit?” Napa-hawak siya sa dibdib niya. Gulat na gulat naman, ang prinsesa ko.

Nginitian ko siya. “I got a big project.”

“Oh my gosh!” she gasped. “Saan?”

“Middle East, babe.” I emphasized. “Middle East!”

Inakap niya rin ako pabalik, and again I heard one of the most beautiful things she always says to me. “I am proud of you. You never failed to make me proud.” She kissed me on my cheek.

I always work hard for her to be proud of me. Gusto ko kasi ‘yung hindi siya mapapagod na ipagmalaki ako sa iba. Naalala ko pa nga isang beses pumunta ako sa restaurant nila Jericho na dati niyang pinagta-trabahuhan para sunduin siya, dinalaw niya kasi ang mga kaibigan niya.

Pumasok ako pero hindi ko siya nakita na kumakain. I thought umalis na siya pero imposible namang iwan ako no’n. Pumunta ako sa counter to look for her at sinabihan ako nung isang babae na nasa locker room kayo ng mga kaibigan mo at itinuro niya ang daan papunta ro’n.

I heard chuckles and squeaks. Nang mabuksan ko ng kaunti ang pinto ay rinig na rinig ko lalo ang pinag-uusapan nila.

“’Di ba, ‘di ba, ang galing ng boyfriend ko ‘no?” I smiled.

“Grabe, ang gwapo talaga ni Fafabelles!” Ramdam kong sinaktan siya ni Alex. “Aray naman!”

“Pansinin mo ‘yung plaque at hindi ang mukha ng boyfriend ko! Bwiset.”

Weng laughed. “Ang swerte mo naman at may ganiyan kang boyfriend.”

“Nakaka-proud talaga siya. Alam niyo ‘yung feeling na hindi ikaw ‘yung naka-achieve pero ‘yung puso mo parang gustong ma-iyak kasi natutuwa ka. Grabe, mahal na mahal ko talaga ‘yang lalaki na ‘yan.”

That moment encouraged me to strive hard on whatever I do. Minsan talaga may mga bagay na nagagawa siyang nagpapasaya at nagpapataba sa puso ko nang hindi niya namamalayan. She just made me fall for her even more.

Maaga kaming nag-out at inaya ko muna siya sa simbahan para makapagpasalamat sa Kaniya sa lahat ng ito.

Lord, thank You for this wonderful lady beside me and thank you for all the blessings. ‘Wag ka sana magsawa na bigyan ako ng blessing. You’re the best.

Weeks passed at pansin kong sa tuwing mababanggit ko ang tungkol sa big project ko ay lumulungkot siya. I wonder why? Kasi parang sa lahat ng achievements ko parang ngayon lang siya hindi naging sobrang saya. Kasing-saya niya kasi si Mama sa tuwing may nakukuha o nagagawa ako eh.

This is my last week here dahil kailangan ko ng pumuntang Middle East para doon gawin ang project. Kaya naman susulitin ko ang mga araw na kasama ko siya, inagbigyan naman ako ng boss ko na um-absent eh at siyempre pinakiusapan ko na rin na payagan niya si Alex, may favoritism ‘yon eh, at ako ang favorite niya.

Na-miss ko ang pagmo-motor kaya ito ang dinala ko sa pupuntahan namin ni Alex ngayon. Dinala ko siya sa isang lugar kung saan alam kong mag-e-enjoy siya. Dito kasi pakalat-kalat ang masasarap na kainan, hindi pang-sosyal kundi mga tipikal na pagkaing pinoy.

Nag-lunch kami at kitang-kita ko ang pagkatuwa niya sa pagkain namin ng Beef Tapa. Tapos naglakad-lakad kami at nakakita ng streetfoods. Nilantakan namin ang isaw, kwek-kwek, fishball, at kung ano-ano pa.

Nagpababa kami ng kinain. Habang naglalakad kami ay napansin niya ang isang masayang pamilya na magkakasamang nagdya-jogging. Minsan talaga hindi ko maintindihan kung bakit sa hapon naiispang mag-jogging ng ibang tao eh.

“Ang cute naman nila,” she dreamily said.

I held her hand. “Next time tayo na ‘yung ganiyan.”

She gave me a look at pinisil ang kanang pisngi ko. “Promise? So, kailan mo ‘ko papakasalan?”

“At the right time, Alex.”

She pouted and I find her really cute so I kissed her. “I love you, Architect Laxamana.”

“I love you, too, Architect Ramirez.”

Nang may madaanan kaming nagtitinda ng dirty ice cream ay agad niya itong nilapitan. Ito talaga ‘yung nagpapasaya kay Alex eh, pagkain, minsan nagseselos na ako sa katakawan niya. De biro lang.

“Have you already tried this?” tanong niya na tinutukoy ang ice cream na pinapalaman sa tinapay. How weird. Lagi kong nakikita ‘yan sa mga ganito pero hindi ko sinusubukan.

“Nope.”

“Ah, kawawa ka naman.” Um-order siya ng dalawa no’n at inabot sa akin ang isa. Maka-order naman ‘to biglaan akala mo siya magbabayad. Pagkakuha ko ay inabot ko na rin kay Mamang Sorbetero. “Dapat makatikim ka niyan bago ka umalis.”

I laughed. “So anong benefit ko do’n?”

Kumagat muna siya at ngumuya bago sumagot. Naghanap kami nang mauupuan namin. “Para may unique kang masasabi sa mga makakasalamuha mo do’n. Duh.”

Pinagpagan ko muna ang uupuan naming bench. “Ipagyayabang ko ‘to, gano’n?”

“Tikman mo na! Baka matunaw, nakakaloka!” Pinanlikahan pa niya ako ng mata. “Yeah, ‘di ba uso naman ‘yon, kahit simpleng bagay pinagyayabang, uso ‘yon sa Social Media Sites.”

I rolled my eyes. “I really don’t understand why do some people have to take advantage of their bragging rights? That’s a crap.”

She nodded then tapped my shoulder. “Because it is a bragging right.”

“Ah, bullcrap talaga.”

Natapos kaming kumain at dumilim na lahat-lahat pero nakaupo lang kami dito at nagke-kwentuhan. Hindi ko na namalayan ang oras. Ito ‘yung mga bagay na gusto ko ‘pag kasama ko siya, ‘yung nag-uusap kami tungkol sa mga bagay-bagay at nagbibigay ng opinyon.

“Will you miss me, Alex?”

“Of course, mawawalan ako ng kaaway eh.” Minsan kasi ‘pag nagbigayan kami ng opinyon para na kaming nagde-debate.

“You wait for me.” She made a face and pinched my left arm. “That’s an imperative.”

Ilang buwan na ako dito sa Middle East at ginagawa ko ng maayos ang trabaho ko. Malaki ang kikitain ko rito kaya kailangan pagbutihin. I have a lot of ideas presented to the company and they loved all of it. Natagalan pa bago sila makapili kaya ito ako subsob sa trabaho para matapos na ito at para makasama ko na si Alex.

Madalas ko siyang tawagan at kung paminsan pa nga ay hindi niya nasasagot ang tawag ko pero iniintindi ko dahil pareho kaming nagta-trabaho.

Tanghali noon kaya lumabas ako sa hotel na sagot ng company. Sumasakit na ang likod ko sa ginagawa ko eh. I need to rest too kasi kung hindi, mas lalong hindi ko magagawa. Namasyal ako at lalo ko lang na-miss si Alex. Sana kasama ko na lang siya, sana sabay kaming naglalakad at nagpapahangin, gustong-gusto pa naman no’n na mag-travel.

Sinubukan ko siyang tawagan and luckily sumagot siya. Ngarag pa ang boses niya kaya hindi ko na papatagalin ang tawag na ito para naman makapagpahinga rin siya kahit na gustong-gusto kong makausap siya ng matagal dahil miss na miss ko na siya.

“I wish you were here.”

“I love you, Casimir. Galingan mo diyan ha, ‘wag mo naman akong masiyadong ma-miss alam mo bang ilang araw na akong hirap sa pagtulog. Masiyado mo naman kasi akong iniisip eh.”

Kung nasa tabi ko lang siya nakutusan ko na siya. “Bahala ka nga sa buhay mo. Bye.”

“Wala man lang, I love you too?” I heard her groaned. “May babae ka ‘no! May iba kang kasama kaya nahihiya kang sabihan ako ng I love you!”

Nahilamos ko ang mukha ko. “Grabe, naisip mo talaga ‘yan?”

“Aba, bakit hindi? Sa England nga may nakilala ka eh!”

“That was ages go, Alex.”

“Kung nagawa mo noon kaya mo ulit ngayon!”

Pinagmamasdan ko ang dagat ngayon at kahit maraming tao ay ginawa ko na. Sinigaw ko ang gusto niyang marinig. “I LOVE YOU, MY ARCHITECT ALEXANDRA LAXAMANA.” Napa-mura na lang ako nang pinagtinginan ako ng mga tao. Damn it.

I used to call her with that professional name because I don’t want her to feel like average again. Dapat maramdaman niyang magaling siyang Architect. She should believe in herself just like the way I do to her.

“Oh, bakit ka sumisigaw, wala ka sa opisina?”

“I’m outside at mas maraming nakarinig.” I saw a boy who’s giving me a strange look. “What? What are you looking at?” He raised his both hands as if surrendering and went away.

“Bakit ka nakikipag-away?”

“Putangna, Alex, miss na miss na kita.”

She sighed. “Akala ko may kasama kang iba eh.” I heard her laughed. I miss hearing and seeing her laugh. “I love you too and I miss you.”

Matapos kaming mag-usap ay sunod kong tinawagan ang pamilya ko. Nakausap ko ang kambal at wala naman silang ibang sinabi kundi pasalubong. At kailangan ko rin paghandaan ang mga bagay-bagay kaya kinausap ko si Papa para tulungan akong asikasuhin iyon.

Hindi lang trabaho ang inaayos ko rito kundi pati na rin ang araw na hinihintay ni Alex. When I had my free time, may kinausap akong jewelry designer para magpagawa ng singsing para sa pinakamamahal ko.

Umaayon ang lahat sa akin dahil nang matapos ko ang lahat ay nagustuhan naman nila iyon at makakauwi na rin ako. Hindi biro ang ginawa ko. Mabuti na nga lang at nagkakasundo kami ng Engineer dahil kundi baka mas magtatagal pa ako rito. Tss.

Nagsinungaling ako kay Alex nang sabihin kong 7:00PM ang dating ko sa Pilipinas, dahil 4:30 talaga ang dating ko just so I can have spare time to fix everything. It’s a white lie, come on. Sinabihan ko pa siyang magsuot ng white dress sa pagsundo sa akin. Pinakiusapan ko na lang si Desiree at Belle na sunduin siya sa airport ng ganoong oras.

Sinigurado kong maayos ito. Lahat ng gusto at paborito ni Alex ang ginamit dito. Nakiusap ako sa mga dapat kausapin at pinagbigyan naman ako na mamaya na lang kami pipirma ng marriage contract at diretso na agad sa ceremony.

I am in my tux and leather shoes, waiting for my clueless bride outside the venue. I continued rubbing my hands as if it would lessen my nervousness.

I heard my father’s laugh beside me. “Oh come on, don’t make fun of me.”

“Sorry, first time ko kasing makita kang ganiyan.”

“Pa, thanks for the help.”

“Anything for you.” He smiled brought his arms around my shoulders. “Just take care of her and love her, okay?” I nodded.

Once again, I took a glance at my wristwatch to check the time. Alex, konting-konti na lang.

Paglingon ko ay nakita ko ang paghinto ng sasakyan ni Belle at nakita ko ang galit at nagmamadaling maglakad na si Alex. Mukhang mahaba-habang sermon muna ito ah?

Sa paglapit niya sa akin ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko. I always imagine the future with her. And there’s no way I shouldn’t be eager for it. Ako 'yung taong pinipilit lahat ng bagay, pinipilit ko ang lahat na umayon sa gusto ko. I maybe not be a good person for being an arse but well sorry, I ain't perfect.

Lumapit siya at tinuro pa ako na galit na galit. “Hoy ikaw, Ramirez.” Ngayon ko na lang siya ulit nakitang ganiyan ka-galit. “Akala mo nakakatuwa ‘tong ginagawa mo? Matapos kong maghintay sa’yo ng matagal, lolokohin mo ‘ko? Kamusta naman ‘yung alas-siyete mong uwi ha?”

Sa bawat sermon at galit niya ay nakatakip lang ako sa tenga ko. Pinapanuod ko lang siya na magalit. At mukhang mas nainis siya kaya tinanggal niya ang magkabila kong kamay na nakatakip sa tenga ko at hinawakan niya ito ng mahigpit kaya naman nakakuha ako ng pagkakataon na halikan siya.

No’ng bata pa ako, tinanong ako ng tatay ko kung paano ba siya magpo-propose kay Mama and I answered, simple but sweet. And now that I am in that moment, I decided to do it, short but sweet.

“Nauna pa ang kiss.” Napa-iling na lang ako.

“What?”

I smiled and went down on my one knee. She gasped and I can see her tears forming to breakdown.

“Are you willing to spend your future with me?” I bit my lip to fight back the tears. “‘Cause if you were to ask me, I am willing to build my entire life with you.”

“Casimir naman eh,” pinunasan niya ang tumulong luha niya, “‘di ako prepared, bwisit ka.”

I chuckled. This girl never failed to amaze me. “Three words, Alex.” I breathed. Kinuha ko sa bulsa ko ang velvet box at binuksan ito. “Marry me,”

Mas lalo siyang umiyak at pinitik ang noo ko. “Two words lang ‘yon eh.”

“Now.” Her forehead creased. “Marry me now, Alex.” And as if on cue, I heard the door behind me open.

Napatakip siya sa bibig niya. Tumingin siya sa akin na para bang pinapakita niyang mahal na mahal niya ako. Tingin pa lang nagkakaintindihan na kami.

“Three words, Casimir.”

“What?” It should be three letters, right?

Pinatayo niya ako. “Let’s get married.”

All because of those three words, I became the happiest man in the whole world because I am just going to spend my entire life with the woman I love the most.

I am Casimir, the destroyer, and she’s Alexandra, my wife.

***

Yay! I'm done with TD. I hope you guys enjoyed my story. Sana rin po suportahan niyo ako sa ALL ha? Love you guys! Thank you so much for spending time to read it.

I'll post A Levelheaded Lass anytime soon so paki-abangan na lang po. Hehe. Ipo-post ko 'yon 'pag tuluyan ng tumino ang internet namin.

Love you all! ♥ Thank you and God bless!

Continue Reading

You'll Also Like

525K 14.2K 45
Cassette 381 Series #1 For Serenity Hiraya Añasco, being an honor student has always been a piece of cake. She would never understand the word "failu...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.
17.9K 640 26
He's too naïve. Too innocent to know what exactly is happening. Para syang robot na tanggap lang ng tanggap sa mga itinuturo at sinasabi sa kanya. To...
224K 14.5K 73
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...