Memories Of You

By AddictedInGalaxy

32.1K 1.1K 168

Eric De la Garza, isang anak mayaman. Ang pamilya nila ang may ari ng isang Hospital sa Pilipinas. Palagi siy... More

Disclaimer
Prologue
Chapter 1 - BUS
Chapter 2 - CONDOMINIUM
Chapter 3 - RESTAURANT
Chapter 4 - EX
Chapter 5 - BESTFRIEND
Chapter 6 - GULO
Chapter 7 - SOMEONE CAME!
Chapter 8 - OFFER
Chapter 9 - SUPERMARKET
Chapter 10 - CRY
Chapter 11 - GOING TO MACAU
Chapter 12 - MACAU
Chapter 13 - MACAU
Chapter 14 - MACAU
Chapter 15 - MACAU
Chapter 16 - GOING BACK TO PHILIPPINES
Chapter 17 - I'M SORRY
Chapter 18 - THEIR HOUSE
Chapter 19 - DOCUMENT
Chapter 20 - LUCAS
Chapter 21 - BESTFRIEND
Chapter 22
Chapter 23 - HEART DISEASE
Chapter 24 - I FORGIVE YOU
Chapter 25 - ANNIVERSARY
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29 - MEET MY...
Chapter 30 - I WONT FORGIVE YOU
Chapter 31 - BAR
Chapter 32 - U.S
Chapter 33 - FIREWORKS
Chapter 34 - SNOW
Chapter 35 - EX
Chapter 36 - RESTRICTED CHAPTER
Chapter 37 - CHANGES
Chapter 38 - WIERD
Chapter 39 - MOVE ON
Chapter 40 - PICTURE
Chapter 41 - SECRET
Chapter 42 - I'LL TREASURE THIS
Chapter 43 - DINNER
Chapter 44 - GETTING WORSE
FINAL CHAPTER
EPILOGUE
AUTHOR'S MESSAGE

Chapter 45

544 13 1
By AddictedInGalaxy

Eric POV

"Kayanin mo, Eric." Rinig kong sabi ni Kassy. Kinapa ko ang bulsa ko ng mag vibrate 'yon. Binuksan ko ang cellphone ko at nakitang may isang text message galing sa secretary ko.

["Sir. I already have the orignal copy of the document. Iniwan ko na ho sa bahay niyo."]

Napatayo ako ng wala sa oras ng mabasa 'yon. "Bakit, Pare??" Takang tanong ni Clark.

"Mauuna na muna ako. May pupuntahan lang ako." Paalam ko sa kanila at mabilis na tumungo sa may parking lot saka sumakay sa kotse ko.

Pinaharurot ko ang kotse para makarating sa bahay. Mahigpit akong napahawak sa manibela.


Wala kang takas, Ricardo!


Biglang tumigil ang kotse sa harap ko kaya, napa busina ako. Muntikan ko na siyang mabangga. Inis na bumaba ang lalaking driver nung kotse sa harap ko. Tumungo siya sa labas ng bintana at kinatok 'to.

"Hoy! Bwiset ka ha!" Hindi ko siya pinansin. Patuloy lang siya sa pag katok ng bintana.

"POTA! ANO BA?! BUMABA KA DIYAN!!" Inis na sigaw niya pa. Dahil sa nabwisit ako, lumabas ako ng kotse.

Napabuntong hininga ako at nilingon siya.

"Bakit??" Walang ganang tanong ko sa kanya. Bahagya siyang natawa at mabilis na sinuntok ako.

Aba'y gago 'to ah!!

Inis ko siyang sinuntok sa mukha at sinipa. Pa bagsak siyang napa upo sa semento. "Tinanong kita ng bakit, tapos bigla mo 'kong sinuntok. Iba din!" Sabi ko at bumaba sa lebel niya. Hinawakan ko ang panga niya. "Alam mo, wala ako sa mood ngayon. Kaya kung gusto mong mag hanap ng away, wag ako." Inis na sabi ko at pabato siyang binitawan.

Alam kong may mga taong nakatingin sa 'min, ngunit, hindi ko 'yon pinansin at pumasok sa loob ng kotse.

Mabilis akong umalis sa lugar na 'yon. Tumungo ako sa bahay namin ni Kallie at agad ipinark ang kotse ko. Binuksan ko ang gate at pumasok sa loob. Isang napaka dilim na silid ang sumalubong sa 'kin. Kinapa ko ang switch ng ilaw sa tabi at binuksan 'yon. Marahan akong naglakad sa may sala at pansin kong naroon sa coffee table ang isang brown envelope. Dali dali ko 'yon kinuha ng mag ring sa cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa 'yon at bumungad ang pangalan ni Lucas.

Ano na namang kailangan nito?!

Pinatay ko ang phone at hindi 'yon sinagot. Wala pang dalawang minuto ng mag ring ulit 'yon. Inis na sinagot ko ang tawag.

"Bakit?!"

["Umalis ka na diyan!! Ma aabutan ka nila Kuya!!"] Sabi niya at mukhang hapung hapo.

"What do you mean?!" Kumabog ang dibdib ko.

["Shit! Nandyan sila para kunin yung dokumento! Kaya kung gusto mo pang mabuhay at makita pa si Kallie umalis ka na diyan!!!"] Sigaw niya.

"T-tek---------" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng may marinig akong pag langitngit. Napalingon ako sa katabi kong bintana at bahagya akong sumilip doon. Nanlaki ang mga mata ko ng makita sila Ricardo na nakapalibot sa entrance door. Kinuha ko sa isang drawer na malapit sa may bintana ang baril at nilagyan 'yon ng bala. Isiniksik ko 'yon sa pantalon ko.

Shit!!!

Unti unti kong naririnig ang mga yapak ng kasamahan ni Ricardo papasok sa loob. Marahan akong pumunta sa may backdoor namin. Nag palinga linga muna ako upang masiguradong walang tao.

Agad rin akong napasandal sa pader ng marinig ko ang yapak ng dalawang lalaking papalapit sa gawi ko. Nahagip ng paningin ko ang isang kahoy. Isiniksik ko sa pantalon ko sa likuran ang brown envelope at kinuha yung kahoy.

Mabilis kong inihampas sa mukha ng isang lalaki yung kahoy ng makalapit sila sa pwesto ko. Hinawakan ko ang braso ng isang lalaki at pinaikot 'yon saka marahan na hinampas ang batok niya dahilan para pareho silang sumubsob sa lupa. Kinuha ko muli ang envelope sa likuran ko at
mabilis akong tumungo sa may gate. Ngunit, kaka madali ko ay nasagi ko 'yon dahilan para mapalingon sa gawi ko ang ibang kasamahan ni Ricardo.

Damn!!!

"SI ERIC!! HABULIN NIYO!!" Rinig kong sigaw ng isang lalaking naka mask.

Agad akong pumasok sa loob ng kotse ko at pinaharurot 'yon. Napa buntong hininga ako ng makitang hindi sila naka sunod.


Thank God.

Napatingin ako sa may rear view mirror at agad nanlaki ang mga mata ko dali dali kong itinigil ang sasakyan ng maramdaman kong itinutok niya sa leeg ko ang kutsilyong hawak niya.

"Hindi nga ako nag kakamali, ang galing mo rin pala makipag suntukan. Kaya siguro nagustuhan ka ni Kallie." Nakatingin lang ako sa rear view mirror. Nag hahanap ako ng tiyempo para maka alis ako dito.

Marahan kong tinapakan ang accelerator pedal dahilan para ma out of balance siya. Nabitawan niya ang kutsilyo at kinuha ko 'yon saka ibinaba ang bintana at itinapon 'yon sa labas.

"GAGO KA ERIC!!!" Sigaw ni Ricardo.

Tumingin ako muli sa rearview mirror at bahagyang ngumisi. Mas lalo kong binilisan ang takbo ng kotse.

"Sisiguraduhin kong mananagot ka sa batas, Ricardo." Seryosong sabi ko.

Dahan dahan kong tinapakan ang brake ng maramdaman kong itinutok niya sa tagiliran ko ang baril.

"Ang talino mo rin, Eric. Hindi moko maiisahan!!" Sabi niya at malakas na tumawa. "Itabi mo diyan." Dagdag niya pa.

Sinunod ko siya. Itinabi ko sa gilid ng kalsada ang kotse ko at lumabas kami. Nakatutok pa rin sa 'kin ang baril na hawak niya. "Yung dokumento?? Akin na!" Utos niya. Ngunit hindi ko 'yon binigay at isiniksik sa pantalon ko.

Sumeryoso siya at tiningnan ako. "Sinabi nang akin na!!!" Pasigaw niyang sabi.

Bahagya akong natawa. Hinawakan ko baril na nakatutok sa 'kin at itinaas 'yon saka siya sinipa dahilan para mapalayo siya sa 'kin. Mabilis kong kinuha ang baril ko at itinutok 'yon sa kanya.

"Ngayon patas na tayo." Seryosong sabi ko. Kinasa ko ang baril. Naka tutok sa isa't isa ang baril namin.

"Tsk. Tsk. Eric, ibigay mo na lang para tapos na." Umi iling na sabi niya.

"Paano kung ayoko?? Alam mo, dahil sa katangahan mo, namatay ang Nanay ng girlfriend ko." Bahagya akong ngumisi. "'Yan napala ng pag mamayabang mo. Sana, ibinigay mo na lang sa ibang MAS NAKAKATAAS sayo." Makuha ka sa asar.

"Tangina mo! Hindi mo talaga ibibigay??!" Sigaw niyang may bahid ng galit. Umiling iling ako. "Ayoko." Sagot ko.

Umalingawngaw ang tunog ng isang baril. Naramdaman kong may tumama malapit sa dibdib ko. Napahawak ako doon ng at nakitang nag dudugo 'to.


FUCK!!!


Napa dura ako ng dugo. Narinig ko ang malakas niyang tawa. Pabagsak akong napaluhod sa semento. Bumaba siya sa lebel ko at hinawakan ang panga ko. "Akala mo hindi ko magagawa 'yon??" Natatawang sabi niya.

"Sinabi ko na kasi ibigay mo, pero nag matigas ka. Kaya ayan napala mo." Sabi niya pa.

"Kahit kailan hinding hindi ka makakatakas. Makukulong ka rin!" Asik ko. Natawa siya at kinuha sa ang envelope na naka siksik sa pantalon ko.

Umalingawngaw muli ang isang putok ng baril.

"AHHHHHHH!" Sigaw ko ng maramdamang sumagi ang tama ng bala sa kaliwang binti ko.

"Sige sigaw lang Eric!!" Sigaw niya pa. Unti unting nanlabo ang paningin ko. Buong lakas kong hinawakan ang baril ko at itinutok 'yon sa kanya saka pinutok ang baril. Napaluhod siya sa semento.

"TARANTADO KA ERIC!!!" Sigaw niya at muli akong nakaramdam ng tama ng bala sa kanang kamay ko. Napangiwi ako.



Unti unti akong nakaramdam ng hirap sa paghinga at nanlalabo na rin ang akin paningin saka ako tuluyan na nawalan ng malay.


Continue Reading

You'll Also Like

4.8M 47.1K 49
Guys, bare with my grammatical errors. Di ko pa kase 'to na eedit. I started writing it when I was 15 - semi editing chapter 12
91K 1.4K 13
"Akala ko hindi na 'ko magmamahal pa. 'Yon pala, ikaw lang ang hinihintay nitong puso ko." Nahaharap sa isang financial problem ang pamilya ni Bridge...
5.4K 207 36
Ang kwento ay tungkol kay Connor Delavigne na nagbabakasyon lang sa Pilipinas. Dahil taga ibang bansa siya'y gabi siya kung gumala. Isang gabi nang...
28.2K 1.6K 64
In a not peaceful life, Linx Leinel wants to get revenge to the Main Villain because of what he is doing to ruin his and his brother's existence. Hin...