A Wedding Planner

By paindrops

39.1K 749 20

Kinasal ang ex niya sa bestfriend niya at sino ang nag-organize ng kasal? Edi siya. Pero ang akala niyang hea... More

Authors Note
PROLOGUE
The End Yet The Beginning
Start Of Longest Night
Changes
Deal And Date
Penalty
Moments
The Ancestral House
Last Day
Almost
Wait
Cheated
The Truth
Behind The Scenes
Meeting The Santillians And The De Veras
Demon Art
The Battle Started
The Battle Continues
Relax
Civil
Jastin
Possessiveness
Settled
Plans And Prints
Reunion
Drunk And Prank
JAMES THE GREATEST
Prince Charming
General
Preparation
Flashback
Stay Or Leave
Last Time
Part 1
PART 2
Epilogue
Special Chapter 1
Special Chapter 2
Special Chapter 3
Authors Note

Label

805 20 1
By paindrops

Chapter 10:

Artemis POV:

Kanina pa ko di makapagluto ng maayos dahil kay Dave. Nga pala mga ilang minuto after ko siyang iwan ay sumunod ito at ayan. Umupo sa stoll tapos pinapanood ako sa bawat kilos ko.  Nang hihintayin ko nalang ang pagkulo ay lumapit ako sa kanya at nilamutak ko yung mukha niya.

"bakit ba titig na titig ka sakin ha!" sabi ko

Hinawakan niya yung kamay ko at hinalikan ito. Anooo ba!

"ang ganda ganda kasi ng love ko." sabi niya

"ngayon mo lang narealize. Hayyy." sabi ko at pumunta sa kanya. Hawak niya lang yung kamay ko tas siya nakaupo at ako nakatayo sa harap niya.

"love.." tawag nito sa akin

"bakit?" tanong ko

"ilan gusto mong anak?" tanong nito.

Natigilan ang kamay kong gumalaw ng itanong niya iyon.. Nakakabigla.. Pero ilan nga ba?

"isang basketball team! Hahaha" pabiro kong sabi sa kanya.

Masama niya kong tiningnan at hinala ang braso ko rason para lumapit ako sa kanya. At mayakap niya ko.

"ilan nga." tanong niya ulit

"dalawa or tatlo ganun. Bat ikaw?" tanong ko sa kanya

"dalawa or tatlo din." sabi niya habang nakangiti at hinalikan ako sa noo.

"gaya gaya. Bakit hanggang tatlo?" tanong ko

"eh yun kasi yung gusto ng magiging asawa ko." sabi niya at mas lalong humigpit ang yakap niya sa akin.

Mga ilang minuto din kaming nasa ganun nang marealize kong may niluluto pala ako. Agad akong bumitaw sa kanay at kumawala tapos tumakbo sa niluluto ko, mabuti nalang at di gaanong malakas ang apoy at hindi ito nasunog. Tinulungan ako ni Dave na magprepare ng lamesa at mga kakainin after gawin yon ay kumain kaming dalawa habang nagkukwentuhan ng biglang tumunog ang cellphone niya. Ipinakita niya ang pangalan ng boss niya at lumayo sa hapag kainan at tsaka sinagot ang tawag.

"Yes po.... Talaga po??? Hanggang kailan po??? Ahh okay sir... Sige po.... Good evening sir... Thank you po...."

Yan ang mga narinig ko mula kay Dave paminsan itong lumingon sa akin na tila nag-aalala ngunit ngumiti din agad.

Pagtapos ng pag-uusap nila ay bumalik na din si Dave sa dining at nag-umpisang kumain.

"anong pinag-usapan niyo?" tanong ko kasi mukhang wala siyang balak sabihin sa akin

"grabe, Art ang sarap mo talagang magluto." pag-iiba niya ng topic.

"sinasabi ko sayo Dave. Ayoko ng may lihim lihim na yan." sabi ko sa kanya.

Natrauma na ko sa lihim lihim na yan nako.

Tumigil sa pagkain so Dave at tumingin sa akin. Ngumiti ito at inabot at kamay ko.

"pwede mamay na natin pag-usapan. Kumain muna tayo oh. Sayang yung niluto mo oh. Ang sarap pa naman." sabi niya

"sige" sabi ko at nagpatuloy sa pagkain wala ni isa sa amin ang nagsalita matapos yung tawag na iyon galing sa boss niya. After kumain at magligpit ng pinagkainan ay umakyat na kami sa masters bedroom at doon nahiga. Ginawa kong unan ang braso ni Dave habang yakap ko sya. Samantala siya naman ay yakap din ako at itinanday ang kanyang paa sa akin. Halos rinig na rinig ang mga kuliglig sa labas dahil sa sobrang tahimik namin ni Dave.. Magtatanong na sana ako nang bigla itong magsalita.

"love.." tawag nito sa akin

"hmmm." sagot ko

"diba tumawag yung boss ko kanina.. Sabi niya kasi may kailangan daw kaming attendan na convention at dahil isa daw ako sa top engineer ng company kailangan ko daw pumunta doon." pagpapaliwanag niya

"gaano ka katagal doon?" tanong ko

"isang linggo lang po love.." sabi niya

Medyo lumayo ako sa kanya at tiningnan siya sa mata.

"saang lugar daw yung convention?" tanong ko

"sa Cebu po love." sabi niya

Hinawakan yung mukha niya at ngumiti.

"sorry kung ang OA ko kanina. Simpleng details lang nagalit na ako. Pwede ka namang umalis basta babalik ka. Kung hindi papasabugin ko yung buong Cebu. Hahaha" sabi ko sa kanya

Tumawa ito bago nagsalita.

"hindi ko alam na terorista kana pala love." sabi nito at muling humalik sa noo ko

"para sayo handa akong maging terorista. Joke. Tulog na tayo maaga pa ko bukas." sabi ko

"eh? 10 pm palang oh. Mamaya na." pangungulit sa akin ni Dave

"sige na, matulog na tayo. Remember 12 am na tayo nakatulog kagabi." sabi kp sa kanya

"eh. Kahit na dali na love." pangungulit ni Dave

"fine pero 10:30 matutulog na tayo." sabi ko

"yes love." sabi niya

"ano ba kasing gusto mong gawin natin?" tanong ko

"love.. May tanong ako.." panimula nito

"oh ano yon?" balik kong tanong sa kanya

"okay ba sayo tong bahay ko.kun sakaling dito ka titira okay lang sayo?" tanong niya

"oo okay naman rong bahay mo eh. Ang astig nga eh. Ang ganda." komento ko

"talaga ba... Kapag di mo ko kasama anong pakiramdam mo?" tanong niyang muli.

"huh? Eh? Bat mo natanong?" tanong ko

"wala lang sagutin mo nalang love." sabi niya

"di ko alam. Basta kapag nakikita kita nawawala yung pagod ko." sabi ko

"alam mo ba kung anong pakiramdam kapag wala ka sa tabi ko?" tanong niya sa akin

Malamang di ko alam di naman ako ikaw eh. Pero...
"ano?" tanong ko

"ang sakit sa puso kasi alam ko na hangga't hindi ka pa akin, pwede kang pagmamay-ari ng iba." sabi niya tapos muling humalik sa noo ko.

"ang corny mo. Tsaka OA asa ka namang may lalapit sakin eh nakakaintimidate nga daw ako. Buti nga daw at may naging boyfriends pa ko eh. Tsaka lagi mo kong sundo pano magkakaroon ng ibang lalaki sa buhay ko?" tanong ko sa kanya

"wala lang. Malay mo. Pero totoo, walang ibang lalaki na nanliligaw sayo bukod sa akin?" paniniguradong tanong niya

"sasampalin na kita. Bestfriend ba talaga kita? Edi sana kung may manliligaw ako pinakilatis ko na sayo jusko!" saad ko sa kanya

"so malaki pala ang chance ko sayo.." panunukso niya sa akin

"ewan ko sayo bahala ka sa buhay mo. Matulog na tayo. 10:30 na." sabi ko kahit hindi pa talaga.

"weee. 10:15 palang eh.  Lvoe may gusto kang itanong sa akin?" tanong niya

Hmmmm. Ano nga baaa?

"sinong first love mo!" saad ko

"ikaw" agad na sagot niya

"eh one true love?" tanong ko ulit

"ikaw padin" sagot niyang muli

"First heartbreak?" tanong ko

"ikaw talaga" sabi niya

"sinungaling ka. Si Cess kaya yung first love mo siya yung una mong niligawan hindi naman ako" sabi ko sa kanya

"Gusto ko lang siya. Noon pa man alam kong iba na talaga yung pagtingin ko sayo. Hindi ko lang initertain yung feelings ko sayo kasi nga bestfriend kita. Baka layuan mo ko eh. Kaya naghanap ako ng pagbabalingan ng atensyon. At si Cess nga yon." sabi niya

"Eh yung true love, paano si Trinity? Ha? Wag mo sabihing rebound mo lang din siya ganon?" sabi ko

"minahal ko si trinity. Hindi nga lang kasing bigat ng pagmamahal ko sayo."muling paliwanag niya

"eh? Paano naman yung heartbreak eh ni hindi mo nga ako niligawan noon or even naging tayo pano mo naranasan ang unang heartbreak sa akin?" tanong ko

"dahil nga sa bestfriend kita labis labis ang pagpipigil ko sa sarili ko, pero isang araw kinausap ako Joseph, yung first boyfriend mo tinanong niya kung anong meron tayo pero sinabi ko na bestfriend lang kita kinaila ko na may nararamdaman ako para sayo. In ahort sinigurado niyang wala kang boyfriend, hanggang sa naging kayo at di kalaunan ay nauwi sa hiwalayan. Grabe yung galit ko kay Joseph nung mga panahong yon. Kasi pina-iyak ka niya. Your heart breaks because of Joseph, while mine was break because you are broken." pagpapaliwanag niya

"waaaaaah. Bestfriend talaga kita kahit na may hidden agenda ka pala sa friendship natin." sabi ko at niyakap siya ng sobrang higpit.

"siguro naman pwede na tayong matulog diba diba! Good night." muli kong sabi sa kanya

"opo goodnight. Sweetdreams." sabi niya at hinalikan ako sandali sa aking labi at niyakap din ako ng mahigpit...

4 days later...

Sa halos isang linggo ay sobrang sweet namin ni Dave halos tumira na ako sa bahay niya or kapag trip namin sa condo kami natutulog. Hatid sundo na niya ko. At kung ano ano pa. I must say na this week is the most perfect week in my whole life. So ngayon ay Friday at nandito ako sa opisina ko kasama si Bea hindi para sa trabaho ngunit sa chika. Sya lang kasi yung napapagkwentuhan ko madalas.

"so ano na ma'am kayo na ba?" tanong niya

Kami na nga ba?

"ewan, baka, siguro" sagot ko sa kanya habang nagtitiklop ng mga wedding invitations.

"anong ewan? Ma'am ano yan wala kayong label? Nako ma'am mahirap yan. Wala kayong karapatan. Tsaka ano kayo ma'am PBB teens para sumali sali sa MU MU na yan?" tanong ni Bea.

"alam mo, di pa kasi siya nagtatanong ulit kaya pano ko sasagutin tsaka paalis yon ngayon pupunta syang CEBU sa monday hanggang sunday daw sya dun. Kaya medyo busy siya ngayon sa pagreready. Buti nga nahahatid at nasusundo niya pa ko eh." sabi ko

"eh. Obligasyon niya yon ma'am manliligaw mo yun eh." sabi ni bea

"alam mo isa pang pagkontra mo sasaksakin kita ng ballpen. Matuto kang iaplreciate yung effort ng iba. Palibhasa, broken hearted ka lang eh." sabi ko sa kanya.

"wow ma'am parang hindi ka din nagdaan sa stage na to. Tsaka ma'am iisa lang daloy ng dugo ng mga lalaki kapag may palay for sure para silang manok na magkukumahog na tukain yung mga palay." sabi ni Bea

"I'm telling you hindi lahat." sabi ko

Oo tama. Hindi lahat dahil hindi tulad ng mga walang hiya kong ex si Dave.

"nako ma'am nagpadala nanaman kayo sa hangin ng pag-ibig. Bahala po kayo dyan haha." sabi niya at lumabas na ng opisina ko.

Natatawa nalang akong makita si Bea na nagkakaganoon dahil ganun na ganun ang mga kilos noong broke na broken pa ko.. Pero tingnan mo ngayon, masaya na ko sa relasyon I mean sa kung anong meron kami ni Dave.

Sinalayan ko ang pinto ng may kumatok dito. Si Dave. Ibig sabihin gabi na. Hayyy. Tumayo ako at inayos ang mga gamit ko habang siya ay pumasok naman sa opisina ko at yumakap patalikod.

"namiss kita" sabi niya

tumingin ako sa side niya at nagsalita

"namiss din po kita" tapos hinalikan ko sya sa cheeks.

"ang sarap naman nun. Isa pa." sabi niya

"di na pwede. Lika na uwi na tayo." pag-aaya ko

Umalis ito sa pagkakayakap at hinawakan ang kamay ko. Nung nakaraan ay plinano namin na para ngayong friday night ay aalis kami para kumain sa labas.

"saan mo gustong kumain?" tanong niya sa akin

"sa food park tayo para madami tayong pagpipilian." sabi ko

"sige po. Ang takaw mo na ah." sabi niya at ginulo ang buhok ko.

Tiningnan ko siya ng masama pero tumawa lang siya. Halos 30 minutes lang ay nakarating kami sa isang food park. Agad kami omorder at umupo sa vacant seats.

"dalawang araw nalang. Aalis kana." sabi ko sa kanya.

"sandali lang naman ako dun love eh." sabi niya

"eh kahit na edi magcocommute ako pauwi." sabi ko

"ah, oo nga pala nasaan na yung sasakyan mo?" sabi niya sa akin

"ahh... Yon ba... Ahmm.. Ano kasi eh..."

"ano nga? Nasa vulcanizing shop nanaman?" tanong niya

"wow. Ang galing mong manghula! Grabe may powers ka ba!" sabi ko sa kanya

"knowing you Art, kaskaserang driver ka." sabi niya sa akin.

"di ako kaskasera. Mabilis lang akong magpatakbo." sabi ko sa kanya

"really? Kaya pala lagi tayong nasa LTO para lang kunin yang lisensya mo. Huwag kang magdadrive mas mabuting magcommute ka nalang." sabi niya sa akin

"oo na. Kain nalang tayo." sabi ko

After 1 hour,

"Done?" tanong sa akin ni Dave

Tumango ako bilang sagot. Kaya after nun ay umalis na kami sa food park at dumeretso sa bahay niya. Pagdating namin doon ay nagshower agad ako pagtapos ay sumunod siya. Almost 11 narin nung makahiga kami sa kama niya at nagpaantok.

"anong gagawin natin bukas?" tanong niya

"maglinis tayo ng bahay mo bukas. Aalis ka diba so mga one week din di malilinis tong bahay mo kaya maglinis tayo." sabi ko

"sige. Eh sa sunday?" tanong niya

"mag-enjoy tayo kasi mamiss kita." sabi ko sa kanya

"mamiss din naman po kita. Mas nag-aalala nga ko sayo kasi baka habulin ka ng mga aso dahil sa buto buto mong katawan. Hahaha." sabi niya at tumawa pa

Nahawakan ko ang tenga nya at piningot iyon.

"araaaaay!" sabi niya

"seryoso ako dito eh. Bala ka dyan! Lilipat na ko guess room iiwan na kita dito." sabi ko

"hala. Love naman eh joke lang. Pero seryoso ako, nag-aalala ako sayo kasi ikaw lang mag-isa dito." sabi niya sa akin.

"oo na. Tulog na tayo." sabi ko

humigpit ang yakap ni Dave sa akin at muling nagsalita..

"I love you. Good night. Sweetdreams" sabi niya at humalik sa noo ko.

Lalo akong sumiksik sa kanya at yinakap siya.

Good night Love, I love you.

Continue Reading

You'll Also Like

71.4K 3.5K 33
Unexpected Love between Boss and Maid
85.7K 1.4K 11
Magiging Bayarang Impostora si Hazel dahil sa matinding pangangailangan ng pera para sa kanyang naghihingalo na kapatid. Ano Kaya ang kanyang magigin...
2.1K 158 35
Naging kaibigan ni Jane ang dalawang seminarista ngunit sa di inaasahang nahulog pala si Jane sa isa sa mga seminarista. Date started: Jan. 6, 2019...
372M 8.9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...