Wait

750 17 0
                                    

Chapter 11:

Artemis POV:

Sumilay na ang araw sa labas at natapos nadin ako sa pagluluto ng breakfast namin ni Dave. 7 am na nang umaga pero hindi paein nagigising si Dave. Kaya matapos kong itabi yung apron ay umakyat ako sa kwarto niya para gisingin siya. Pagpasok ko sa loob ay tulog na tulog padin siya. Lumapit ako sa kanya at tinapik siya sa braso.

"Dave.. Oy dave.. Gising na. Kain na tayo." matapos kong sabihin yon ay dahan dahan niyang iminulat ang kanyang mata at ngumiti nang makita ako. Agad siyang umupo mula sa pagkakahiga at niyakap ako.

"nagluto kana?" taning niya

"yes. Kaya lika na bangon na dyan." sabi ko at kumawala sa yakap niya

Tumayo ito at nagpunta sa CR habang ako naman ay bumaba na at naghintay nalang sa sala. Binuksan ko yung tv niya at nanood ng morning news. Puro patayan at mga problema nalang ang laman ng balita haay. Nang mabored ako ay inilipat ko ito sa ibang channel at tumigil sa pagpindot ang kamay ko nang makita ang isang cute na cute na pomeranian dog. Waaaaaaah. Ang cute!

Habang nagniningning ang mata ko sa nakita king aso ay biglang may humalik sa pisngi ko. Sino pa nga ba? Edi si Dave.

"okay kana?" tanong ko

"yeah. Kain na tayo?" sabi niya

Tumango ako at dumeretso sa dining. Nakahanda na lahat ng pagkain namin kaya kumain din kami agad..

"ano nga palang gagawin natin ngayon?" tanong ni Dave

"ulit ulit ka, maglilinis nga tayo ng bahay mo diba." sabi ko tapos kumagat ng hotdog

"akala ko joke lang yon. Oh sige." sabi niya at kumain ulit

After naming kumain ay nag-umpisa na kaming maglinis ng bahay niya. Habang vinavacuum ko yung sahig ay busy naman siya sa paglilinis ng bintana at mga dingding. After non, ay nilinis namin lahat ng appliances at mga furnitures niya. Tapos yung kwarto niya na ako ang naglinis at yung CR na siya naman ang naglinis. We finished everything almost 1 pm. Nang matapos ay umupo kami sa sofa at omorder nalang ng pagkain. Di na kami makapagluto dahil sa kapaguran. Hayyy.

"anong gagawin natin ngayong hapon?" tanong ko kasi mas maaga kaming natapos kaysa sa iniisip ko.

Sumilay ang malademonyo niyang ngiti at tsaka nagsalita..
"gawa tayo ng baby." sabi niya

"sasapakin kita. Kilabutan ka naman. Tanghaling tapat oh" sabi ko sa kanya

"pwede na yan. Ano halika na?" sabi niya at ipinulupot ang braso niya sa bewang ko..

"dali, sabay tayong maligo.. Paliliguan kita." sabi niya at binasa pa ang labi niya gamit ang dila.

Hinawakan ko ang mukha niya at ngumiti tapos ay nilamutak ko ang mukha niya tsaka nagsalita.

"maligo ka mag-isa." sabi ko

Ngumiti siya at bigla akong itinulak dahilan para mapahiga ako sa sofa. Agad aitang pumatong sa akin at hinawi ang iilang buhok na nasa mukha ko. Dahn dahang lumapit ang mukha niya sa mukha ko. Ghaaad! Ilang beses kong paulit ulit na sinabi sa sarili ko na huwag akong bibigay sa kabaliwan niya pero heto ako nanaman!

Tumingin siya sa akin at hinaplos ang mukha ko hanggang sa ang kamay nuya ay dumaan sa labi ko. Nakaramdam ako ng kung anong kuryente na nagpa-init ng katawan ko.

Punyemas! ARTEMIS! SINASABI KO SAYONG WAG KANG BIBIGAY! KUNDI NAKO BAKA LUMUBO ANG TYAN MO NYAN!

Sigaw ng utak ko sa sarili ko pero walang kwenta ang katawan ko at gumagalaw ito sa sarili niyang kagustuhan. Nakikisabay ang kamay ko sa paghawak sa katawan ni Dave. Hinawakan ko ang leeg niya pababa sa dibdib hanggang makarating sa kanyang matigas na tyan. Waaaaaah. Muscles!

A Wedding Planner Where stories live. Discover now