PART 2

732 12 0
                                    

Chapter 35:

Dave POV

Pagdating namin sa reception ay gandang ganda si Art. Dahil nga natatakpan ng mga dahon ang sinag ng araw ay medyo madilim dito kaya nagpalagay ako ng mga LEDlights  yung parang christmas lights pero di iba iba ng kulay.

"love ang ganda!" sabi niya bago tuluyang pumasok sa musmong reception kung saan nandoon lahat ng mga guests namin.

"I'm glad that you like it." sabi ko

"anong like? Love, I love it." sabi niya

She seems so happy and I am so happy seeing her so happy. She's my queen afterall.

Pagpasok palang namin ay nagpalakpakan na agad lahat ng guest. Umupo kami sa harap nila kasabay noon ay pag-uumpisa sin ng party. Pero nagugutom na ko.. Hinila ko ang kamay ni Dave kaya napatingin sa akin.

"bakit?" tanong niya

"nagugutom na ko love." sabi ko at nagpout pa.

Pinisil siya yung pisngi ko tapos nginitian ako.

"sige. Wait lang." sabi niya at iniwan akong nakaupo dito sa harap. Sinundan ko siya ng tingin. Naglakad siya at pumunta sa gilid kung saan nandun yung caterer kumuha siya ng plato at mga pagkain. Tumingin siya sa akin tapos ipinakita yung pagkain na kinuha niya. Itinuro ko yung chocolate fountain sa dulo at ngumiti sa kanya.

Saglit niyang kinausap yung waiter tapos yung waiter na yung kumuha ng marshmallows at chocolate. Nanv maging okay na ay bumalik siya sa pwesto namin at ibinigay yung mga pagkaing dala niya.

Dave POV

Nasa kalagitnaan na kami ng celebration ng surprise weeding ng asawa ko nang biglang inagaw ni James yung mic sa MC.

"Pare, nakakahiya man pero ang message ko sa inyo pakatatag kayo. Gawa kayo ng madaming anak. Alam kong di ka na pwedenv magclubbing kasi nakatali kana. Bakit mo ko iniwan pare! Kidding aside, magmahalan kayo. Alagaan mo yang si Art. Bobo yan eh ahaha." sabi niya at idrinop ang mic.

Nagtawanan ang mga guest namin sa ginawa niya. Pagkaupo niya ay agad siyang binatukan ni Bea. Lalong nagtawanan ang guests dahil sa inasal ng dalawa. Tss.

Walang kwenta talaga yung lalaking yon.

"So, dahil inumpisahan na ni Mr. James ang pagbibigay ng message ay sundan natin ito. Kung sino man po ang gustong magbigay ng message feel free na lumapit sa harap. Libre po ang mic." sabi ng MC

Halos walang kwenta ang sinabi ng mga bestfriends namin ng asawa ko. Hayy. Ang sarap sabihin na asawa ko na talaga siya. Tapos ang hahaba naman ng message ng mga kamag-anak namin. Tss. Di naman to pahabaan ng message tss. Di ko nalang pinansin yung mga sinasabi nila at humarap sa pinakamamahal kong asawa. Busy kasi siya sa pagkain nung mga pagkaing dinala ko sa kanya.

Tumingin siya sa akin at kumunot ang noo.

"bakit?" tanong niya

"wala. Asawa na talaga kita." sabi ko sa kanya

"oo nga. Parang sa ating dalawa ikaw pa yung nasurprise eh. Hampas ko sayo tong kutsara" biro niya

Ngumiti lang ako at tinitigan padin siya

"tumingin ka don. Nagbibigay sila ng message oh." saway niya sa akin

"ayoko nga. Gusto ko sayo lang ang atensyon ko." sabi ko sa kanya

"sus. Ang sabihin mo ayaw mo lang nang mahahabang mga sinasabi." natatawa niyang saad

Kahit kailan talaga.

A Wedding Planner Where stories live. Discover now