Possessiveness

665 18 0
                                    

Chapter 22:

Artemis POV:

Kanina pa kami nandito sa supermarket para daw bumili ng laman ng ref ko. Kanina pa din ako kuha ng kuha ng mga process food at nilalagay sa cart. Tapos kukunin ni Dave yung process food at ibabalik niya sa pinagkuhaan ko. Ang galing diba. Tumingin ako sa cart namin na may lamang mga gulay. Hindi naman sa hindi ko gustong kumain ng gulay. Pero kasi hello, lagi akong nagmamadali sa pagpasok sa trabho. Medyo busy ako kaya okay na yung process food na meron ako sa ref ko. Kinuha ko yung sausage at inilagay sa cart.

"ilang ulit ko bang sasabihin na di tayo bibili ng process food love.." sabi ni Dave sa akin at muling ibinalik yung sausage.

"eh? Dali na. Yun lang naman kasi yung madaling lutuin. Alam mo naman na wala akong oras na magluto eh." pangangatwiran ko sa kanya

"hindi. Yung healthy food lang yung bibilhin natin." sabi niya at tumingin don sa nakadisplay na mga chicken parts.

Eh? Tumingin tingin ako sa paligid nang makita ko ang pinakagusto ko sa lahat ng process food. Kinuha ko yung isang pack ng fries at nilagay sa cart. Tumingin si Dave sa cart bago sa akin.

" love.. Kahit yan lang dali na." sabi ko

Bago siya magsalita ay tumunog ang Cellphone niya. He mouthed "wait" and answer the phone call.

Habang ako, tumitingin lang sa mga pagkain na nakapaligid sa amin. Ano pa kayang bibilhin ko? Maya maya lang ay natapos na si Dave na makipag-usap at tumingin sa akin..

Ngumiti ako sa kanya habang tumitig din sa kanya.

"Love.. You know how much I love you right?" tanong niya

"kung pagmamahal na maituturing yung bigla mo kong hinala papunta sa munisipyo para magpakasal na agad, oo." sabi ko habang nakangiti padin

"sorry na nga diba.. Anyways, Nalaman ko lang to kagabi kaya di ko pa nasasabi sayo. Pero sasabihin ko na... Art, may Reunion ang batch natin nung high school." sabi niya sa akin

"oh? Diba nakakatuwa yun kasi makikita natin yung mga kaklase nating pugo nung high school hahaha. Eh bakit ganyan mukha mo?" tanong ko sa kanya

"Love, pupunta din daw kasi Jastin. Your ex." sabi niya.

Sandali akong hindi sumagot. Nakatingin ito sa akin na tila inoobserbahan ang mga magiging reaksyon ko.

Ngumiti ako sa kanya at nagsalita.

"eh? Haha. Alam ko na. Tsaka don't worry, first love ko nga yun pero ikaw naman yung true love ko. Talo kaya ng true love yung first love." sabi ko sa kanya

Nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko. May sinabi ba kong mali?

"a-alam mo na? K-kanino?" naguguluhan niyang tanong

"malamang, secretary ako ng section natin dati kaya alam ko lahat." sabi ko

"so, alam mo na din na nagpapatawag sila ng meeting para sa mga dating officers para ayusin yung venue." sabi  niya sa akin

"yeah. Ako nga nag-arrange eh. Haha. Ano sasabay ka ba sakin Mr. Escort?" tanong ko sa kanya

"sympre naman. Bakit hindi ako sasabay sa asawa ko? Right Ms. Secretary?" panunukso niya sa akin

"Dami mong alam love. Lika na bayaran na natin yan para makauwi na tayo." sabi ko para matigil siya

DAVE POV:

Nang matapos kaming maggrocery ay kumain nalang kami sa labas dahil sa tinatamad kaming magluto parehas pagtapos nun ay umuwi nadin kami para iayos yung pinamili namin at para makapagready na sa meeting namin about sa Reunion.

Around 4pm nang makarating kami kung saan kami magmemeeting. Pagpasok namin ay agad naming nakita yung dati naming mga kaklase. Tumungo kami sa pwesto nila at nakipagkamustahan.

"long time no see." saad ni Meg ang auditor namin

"yeah! Huling kita natin noong high school graduation pa." sabi ni Dylan ang Vice president namin na pasimuno ng ingay.

"so, ainong single padin ngayon haha." Sabi ni Veron, ang treasurer namin

"hahaha. Grabe naukha na kayong tao." Si Prime ang PRO

"At ikaw mukha paring hayop haha." at si Denisse ang muse.

"maybe we should take our seats."

Isang pamilyar na boses ang nagpatahimik sa aming lahat. Its our President. Si Jastin.

"wow. First time mong nakipag get together ulit sa amin for so long. Kamusta ang buhay sa US?" tanong ni Jessie ang srgt at arms.

"Fine. But more fine here." sabi niya at tumingin kay Art.

Aba bwiset to ah. Inakbayan ko si Art sa harap nilang lahat.

"hoy De Vera. Wag mo sabihing mag bestfriend parin kayo ni Santillian?" tanong ni Denisse

"mag bestfriend parin naman kami. Pero malapit na pala kaming ikasal." sabi ko at ngumiti kay Art. Ngumiti din ito sa akin at hinawakan ang nakaabay kong kamay sa kanya.

"so, kailan ang date?"  tanong ni Jastin

"di pa namin napaplano eh. Pero bago yung kasal namin ito munang reunion natin okay?" sabi ni Art na siyang nagpaupo sa amin.

Umorder kami sandali at nag-umpisa nang mag-usap tungkol sa reunion nga na magaganap. Halos inabot din kami ng dalawang oras sa pagpaplano at paghahati hati ng mga gawain.

" so settled na. Yung muse at escort natin ang bahala sa mga dapat imbitahin. Tapos yung treasurer at auditor ang bahal sa gastos. Yung vice pres at PRO at yung srgt. At arms naman ang bahala sa pagkain. At lastly, yung president at secretary ang bahala sa venue. Okay ba yon? "tanong ni Denisse

Aapela na sana ako kaso biglang sumagot si Jastin.

"oo okay na yon. Settled na to. Anyway, Ms. De Vera kukunin ko yung number mo para macontact kita." sabi niya at ibinigay ang phone niya kay Art. Kukunin na sana ni Art kaso bigla kong kinuha yung phone.

"number ko nalang tutal, lagi naman kaming magkasama ni Art eh." sabi ko at itinype ang cellphone number ko.

"thank you." saad niya at umalis na.

Umalis na din yung iba hanggang sa kami nalang ni Art yung natira. Agad akong siniko ni Art.

"bakit?" tanong ko habang hawak hawak yung tiyan kong siniko niya

"napaka possesive mo. Ano yung number mo yung binigay mo dun kay Jastin?" tanong niya sa akin

"hindi posessive ang tawag don. Binabakuran ko lang ang akin." sabi ko sa kanya.

"oo na. Umalis na tayo. Napapagod na ko eh." sabi ni Art kaya umalis na din kami sa restaurant na yon para umuwi na.

A Wedding Planner Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon