The Truth

819 16 0
                                    

Chapter 13: THE TRUTH

ARTEMIS POV

Pagbukas ng pinto ng elevator ay dali dali kong hinanap ang room 430. Nasa room 434 palang ako kaya tunungo ko ang dulong parte ng pasilyo kung saan nakita ko ang isang pinto na may nakalagay na

"ROOM 430."

Huminga muna ako ng malalim at iniisip kung anong mga pwede kong gawin kapag nakita ko na si Dave sa loob kasama yung babae niya walang hiya siya. Handa na akong sipain ang pinro pero bago iyon ay sinubukan kong pihitin ang doorknob and to my surprise, bumukas ito. Walang hiya talaga. Ganun ba siya kahayok dun sa babeng kasama niya para makalimutang isara yung pinto. K*ngina.

Dahan dahan akong pumasok sa loob at isinara ang pinto. Nilock ko na din para kung sakaling mahuli ko sila ay di makakatakas yung babae. K*ngina. Dahan dahan akong nagmasid sa kusina at sala ng kwartong ito. Pang deluxe ang kwartong binayaran ni Dave kaya medyo malaki ito. Nakakita ako ng mga petals na nakakalat sa sahig diretso sa isang pinto. So I assumed na ito ang tulugan ng kwartong ito. T*ngina talaga. Ang lakas niyang mag-effort sa bago niyang babae. Sinundan ko ang petals na nakakalat sa sahig.. Bawat hakbang ko ay parang dala ko ang buong problema ng mundo ang bigat ng mga paa ko. May parte sa utak ko na nagsasabing huwag ko nang ituloy dahil alam ko nang masasaktan ako. Pero sa kabila nito ay gusto ko padin makita siya. Baka kasi nagkamali lang si Jessie. Baka kasi hindi si Dave yung nakita niya. Baka kamukha lang. Halos dalawang hakbang nalang at maabot ko na ang pintuan nang magsilabasan na ang mga luhang matagal ko nang pinipigilang lumabas. Simula nung hindi ko siya macontact ay kung anong mga posibilidad na ang pumasok sa isip ko. Baka kailangan niyang magtagal sa Cebu dahil napakagaling niya, hindi niya nasabi sa akin dahil baka walang signal doon at busy siya. O baka naman nagtatago lang siya, nagpapamiss. Hindi pumasok sa isip ko na mangbabae siya or what. Dahil sa lahat ng taong kilala ko. Siya ang pinakapinagkakatiwalaan ko. Pero bakit ganito.. Sinabi kong bumalik ka. Pero bakit bumalik kang may kasamang iba? Love... Bakit kung kailan mahal na kita, tsaka ka pa naghanap ng iba..

Pinunasan ko ang luhang tumulo sa aking mga mata at pinihit ang door knob sa pagbukas ko ay pumikit ako at huminga ng malalim. Kung ano man ang makita ko.. Kung sino man ang piliin mo.. Sasabihin ko pading mahal kita.. Sa pagmulat ko ay siyang pag-ilaw ng isang projector at pag-uumpisa ng video.

Nanatili akong nakatayo habang pinapanood ang usang video kung saan nagfaflash ang mga pictures naming dalawa ni Dave simula highschool hanggang ngayon.. Hindi ko alam ang nararamdaman ko dahil sa mga nangyayari? Ano ito? Nang matapos ang video ay siyang pagbukas ng ilaw.. Nasa harap ko ang taong mahal na mahal ko. Hawak niya ang isang boquet ng chocolates na favorite ko at sa likod niya ay may nakaset up na tables and chair na good for two. Iginala ko ang tingin ko sa paligid at di na napigilan ang aking sarili na lalong umiyak dahil sa mga color blue and black na balloons na nakalutang sa kisame at nasa sahig. Tumingin ako sa kanya at sumensyas ito na lumapit ako sa kanya..

Sa paglapit ko ay binitawan niya ang hawak niyang boquet at hinawakan ang mukha ko. Pinahid ang si magkamayaw na luha sa aking mata at sandali akong hinalikan. Namiss ko siya. Sobra. Muling bumagsak ang luha sa aking mga mata dahil finally, nasa harap ko na siya. Pero teka. Naalala ko nga pala yung babaeng hinalikan niya. Mabilis na lumapat sa mukha niya ang sampal ko. Medyo nagulat siya at hinawakan ang pisngi niya na sinampal ko.

"bakit?" tanong niya.
Ahhhh! I miss that voice! Huminga ako ng malalim, pinahid ang luha ko bago nagsalita.

"sino yung kahalikan mo ah? Pinakita sa akin ni Jessie." sabi ko sa kanya.

"really? Naniwala ka dun? Ano ba yan, akala ko pa naman ang talino mo na. Nakaphoto shop yon tingnan mo." sabi niya at inilabas ang cellphone niya at ipinakita ang larawan. Izinoom-in niya sa pinakababang part ng picture at nakita ko ang logo ng isang sikat na photo editor company. Pati narin ang flaws sa pagkakaedit. T*ngina bakit naniniwala ako sa picture? Minsan talaga di credible ang pictures eh. Tumingin ako sa kanya habang siya ay nakahawak padin sa pisngi niya na nasampal ko. Yumakap ako sa kanya at tsaka nagsalita..

A Wedding Planner Where stories live. Discover now