Drunk And Prank

569 15 0
                                    

Chapter 26:

Dave POV

Matapos yung reunion ay agad din kaming umuwi sa condo. Buhat buhat ko si Art dahil sa hindi na ito makapaglakad pa ng matino dahil uminom siya kanina doon sa reunion. Tss. Alam niya namang hindi niya kayang ihandle yung alak tapos iinom inom pa. Pagpasok namin sa condo ay ibinaba ko muna siya sala at kumuha ng tubig na pwede niyang inumin sa kusina naghanda din ako ng kape para mabawasan yung tama ng alak sa kanya. Pabalik na ako ng marinig ko ang pagbagsak ng kung ano sa sahig. Mabilis kong pinuntahn si Art na nasa sahig nakahiga. Iniangat ko siya at inilagay sa sofa. Ipinainom ko sa kanya yung tubig na kinuha ko. Tumingin ito sa akin pati na sa paligid. Ngumiti siya at hinaplos ang pisngi ko. Ito na nga ba sinasabi ko eh.

"Hi pogi.." tawag niya sa akin

Hindi ko siya pinansin at tumayo na. Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko at nagsabing.

"pst pogi... Suplado mo naman." sabi niya

"bitawan mo ko." sabi ko

"pano kung ayaw ko?" pagpapacute niya

"bitawan mo nga ako." sabi kong muli

"siguro type mo ko no. Kaya ka nagpapansin. Tsaka nasan ako? Condo mo ba to? Hoy iuwi mo ko samin." sabi niya

"pinagsasabi mo c----" di ko natapos yung sinasabi ko nang magsalita naman siya

"ahh. Guato mong makipag one night stand sa akin, sige! Hahaha! Payag ako! Pero, di na ko single eh! Magkakaasawa na ko soon! Kaya di pwede." sabi niya

Napangiti ako dahil sa ilang beses ko siyang nakitang uminom ay madalas, maghuhubad yan ng damit niya tapos ako todo pigil sa kanya. Pero ngayon, naiba ata ang ihip ng hangin.

" hoy! Nakikinig ka ba? Kaya iuwu mo na ko. Magagalit yung fiancé ko sayo alam mo ba yon? Napaka possessivepa naman nun. Mapapatay kanun. Ano takot kana? Haha!" sabi niya

Maya maya lang ay binitawan niya narin ang kamay ko kaya lumakad ako pabalik ng kuaina at inihanda ang kape na maaring inumin ni Art. Habang naglalagay ng asukal ay nagulat ako ng biglang yumakap patalikod si Art sa akin.

"love.." sabi niya

May sumunod pa siyang sinabi kaso hindi ko na maintindihan.

Ibinaba ko ang garapon na naglalaman ng asukal at humarap sa kanya. Tss.

"love.." pagtawag ko sa kanya

Hindi siya sumagot. Kaya naman binuhat ko nalang ito papunta sa kwarto at doon siya inihiga. Inayos ko yung pagkakakumot sa kanya at hinalikan siya sa noo.

Tss.

Lumabas ako ng kwarto para ayusin yung kinalat ko sa kusina. Habang naglilipit ay tumunog naman ang cellphone ko. Nagregister ang mukha at number ni James. Anong problema nito? Sinagot ko at iniloudspeaker ang tawag niya.

"oh." saad ko

"pare! Huhuhu!" sabi niya

"oy! K*ngina umiiyak ka ba?" tanong ko sa kanya

"*hik*s-secret! *sniff*sniff*Pare. Nasa labas ako ng bahay mo! Lumabas ka *hik* dyan!" saad niya

Lasing din to.

"wala ako diyan. Nasa condo ako ni Art." sabi ko

"K*NGINA PARE GALINGAN MO! GAMITIN MO YUNG CONDOM NA BINIGAY KO SAYO. BINUTASAN KO NA YUN PARA NAMAN MAKABUO NA KAYO!!" Saad niya

Lasing ba to o trip lang ako?

"Di ako katulad mo." sambit ko sa kanya

"sus. Kaya pala grabe kung makahawak ka kay Art nung sumasayaw kayo. Tss. Teka. Send mo sakin yung address ng condo ni Art, punta ko." sabi niya

A Wedding Planner Where stories live. Discover now