The Destroyer

By littlemissselle

6.6M 81K 23.1K

Black Series II: I'm Casimir Ramirez. Three words, I DON'T CARE. Shut the hell up or I'll destroy you. More

The Destroyer
TD - 1
TD - 2
TD - 3
TD - 4
TD - 5
TD - 6
TD - 7
TD - 8
TD - 9
TD - 10
TD - 11
TD - 12
TD - 13
TD - 14
TD - 15
TD - 16
TD - 17
TD - 18
TD - 19
TD - 20
TD - 21
TD - 22
TD - 23
TD - 24
TD - 25
TD - 26
TD - 27
TD - 28
TD - 29
TD - 30
TD - 31
TD - 32
TD - 33
TD - 34
TD - 35
TD - 36
TD - 37
TD - 38
TD - 39
TD - 40
TD - 41
TD - 42
TD - 43
TD - 44
TD - 45
TD - 46
TD - 47
TD - 48
TD - 49
TD - 50
TD - 51
TD - 52
TD - 53
Epilogue
Black Note
Special Chapter 1: Geoff & Belle
Special Chapter 2: Henry & Desiree
Special Chapter 4: Jericho
Special Chapter 5: Jhaztine
Last Special Chapter: Casimir & Alex

Special Chapter 3: Jeremy

29.2K 594 58
By littlemissselle

I gave up.

Talaga namang nakaka-putangina 'pag naagawan ka eh. Hindi lang naman basta-basta ang naagaw sa akin, hindi 'yon laruan o lollipop, si Alex 'yon eh. Si Alex ang inagaw sa akin. Si Alex ang nawala sa akin.

Nung mga panahong iniwan siya sa ere ni Casimir gustong-gusto ko lang siyang yakapin para mawala 'yung sakit pero naisip kong hindi niya kailangan ng yakap, hindi niya kailangan ikulong sa bisig ng kung sino dahil ang kailangan niya ay oras at kalayaan para makapag-isip at ayusin ang mga bagay na dapat ayusin.

Nakaka-proud siya dahil nakikita ko ang pagsisikap niya sa pag-aaral at alam kong hindi lang para sa kaniya 'yon kundi para rin sa mahal niya.

Dati, ako 'yon eh. Dati ako 'yung mahal niya. Dati ako 'yung inspirasyon niya. Dati... dati 'yon.

Ngayon, nakikita ko silang masaya. Nakikita kong mahal nila ang isa't isa. Nakikita ko kung paano maging posible ang isang bagay na malabo. 'Yun bang masaya ka para sa kanila pero sa loob-loob mo nasasaktan ka.

Papunta akong cafeteria para bumili ng extrang tubig dahil may training kami mamaya nang makita ko silang nakaupo sa isa sa mga bench at magkatabing nagdo-drawing. Pagkabili ko ng tubig ay andoon pa rin silang dalawa at mukhang nag-e-enjoy.

Lumapit ako at naupo sa tapat nila. "Busy ah?"

Sinamaan agad ako ng tingin ni Casimir. "Go. Away."

I laughed. "Galit na galit? Kakamustahin ko lang naman si Alex eh." Tumingin ako sa kaniya. "So kamusta ka na Alex?" Nagpangalumbaba ako habang nakangiti.

"Ayos lang. Ikaw?" natatawang sagot niya.

"Ito, namimiss ka na. Tara, date tayo? Sa'n mo gusto?"

Bago pa siya makasagot ay binato na ako ng pambura ni Casimir sa mukha. Punyeta napuruhan ilong ko do'n ah, namula kaya? Hinimas-himas ko ito, tangna masakit eh.

"Bakit ka ba namamato?" sigaw ko.

"Kasi tangna ka."

Inungusan ko siya. "Nagseselos ka lang eh!"

"Bakit naman ako magseselos sa'yo? Umalis ka na nga kitang may ginagawa kami eh!"

I mimicked him. "Ang high blood mo." Ipinatong ko ang binili kong tubig sa lamesa. "O ayan, tubig baka sakaling lumamig ulo mo."

"Lalamig lang ang ulo ko kung mawawala ka sa paningin ko nga-..."

I gestured my hand. "Yeah, yeah aalis na, dami mo pang sinasabi eh." Tumayo na ako at sinukbit muli ang gym bag ko sa balikat. "Bye Alex! Date tayo minsan ah!"

Puro mura ang pinagsisisigaw sa akin ni Casimir habang naglalakad ako palayo. Tumawa na lang ako.

This is my only way to see her close, to see her smile, and to see her eyes closely. Kailangan ko silang guluhin o bwisitin para naman kahit papaano ay gumaan ang loob ko. Mahirap magpanggap na hindi ka nasasaktan, mahirap magpanggap na masaya ka para sa kanila, at mahirap makitang may pumalit na sa pwesto ko sa puso niya.

Kung pinagkatiwalaan mo kaya ano noon, tayo pa rin kaya? Kung naniwala ako agad sa iyo noon, tayo pa rin kaya? Kung hindi niya tayo sinira noon, tayo pa rin kaya?

After all the things that happened I am still wondering if there would still be an us if we have different choices, different decisions.

If only I can travel back in time, I would choose to believe you, to trust you and to fight for you.

Madalas akong tuksuhin ng team mates ko na mag-move on na raw ako. Tatawa na lang ako sabay iling. 'Pag wala kaming practice, ang mga kaibigan ko ang kasama ko. Fraternity is not that bad, it was built for brotherhood. Naiiba na lang ang concept or perception ng tao ngayon sa frat dahil sa mga negatibong bagay na lumalabas ngayon.

Sa totoo lang, halos lahat kami ay mainit ang dugo kay Casimir. Eh pucha, hindi namin maintindihan kung paano nagkakagusto ang mga babae sa ka-supladu-han niya. Uso na ba 'yon ngayon? 'Yung mga pinopormahan kasi ng mga kaibigan ko eh naga-gwapuhan diyan kay Casimir. T-S-S. Kahit kaya nung kami pa, nagwapuhan din si Alex sa kaniya?

Sa tuwing may mga contest ng patalinuhan sa school, nabi-bwisit agad kami dahil alam naming kasali do'n si Casimir. Not that I'm not smart pero sabihin nating kung ako matalino, siya naman ay nuknukan ng talino. Ayokong tawagin siyang henyo baka mas lalong bumaba ang self-esteem ko.

Pero sa tuwing kasali siya at nananalo, alam kong masaya at proud si Alex para sa kaniya. Alam ko kung gaano magbigay ng suporta si Alex bilang girlfriend... sana ako na lang 'yon, sana ako pa rin 'yong nasa pwesto niya. Sana ako pa rin 'yong mahal niya.

May practice kami kahit wala si coach, mananagot daw kami kung hindi kami magpa-practice eh. May 15 minutes kaming break ngayon na panigurado mauuwi sa 30 minutes. Umalis ako sa bench namin dahil nainis akong kasama nila ang mga girlfriend o kalandian nila. Leche, edi ako na walang supporter.

Lumipat ako sa bleachers at napansin ko 'yung isang babae, classmate ko sa isang subject, may hawak na libro at nagbabasa. Talaga? Talagang-talaga? Sa court talaga niya naisip magbasa eh maingay dito.

Tinabihan ko siya. "Hey."

Naging uneasy naman siya. Hindi niya ako matignan at biglang nasara ang libro niya, napamura pa nga siya eh. "Shit."

"Yeah, shit talaga." Pansin ko sa kaniya na mukha siyang nerd at mahilig magbasa. "Do you read stories or just plain acad books?"

"I-I read stories."

I smiled. "So pa'no nagmo-move on ang mga characters sa stories?"

Bigla siyang humarap sa akin na parang eager sa pag-kwento. "Madalas sa mga nababasa ko inaalis nila lahat ng magpapaala sa ex nila, even little things." Ang dami pa niyang sinabi tulad ng iwasan ko raw pakikinig sa mga kanta na magpapaalala sa kaniya, 'yung mga gawain na may kinalaman sa aming dalawa, at kung ano-ano pa.

"Have you tried it?" She nodded. "Effective ba?" She shook her head. "Why?"

"Hindi naman kasi naging kami so paano ako magmu-move on?" She laughed.

Natawa na rin ako. "Eh siraulo ka pala eh." Ginulo ko ang buhok niya, "Sige una na 'ko ha. Practice lang. Bye!"

"Sige." We smiled.

Pagkauwi ko, inisip ko ang mga sinabi niya. Alisin lahat ng magpapaalala kay Alex. Ang nakakainis lang naman kasi eh madalas babae ang gumagawa nito 'di ba?

Inumpisahan ko sa cellphone ko. Pinagmasdan ko ang mga selfie niya na halos pumuno sa album, may mga stolen shots din at mga kuha naming magkasama. Napangiti na lang ako bago ko i-delete. Pero nag-iwan ako ng isa, 'yung kuha niya na nanlalaki ang mga mata sa gulat dahil sinurprise ko siya no'ng Valentines, senior year na 'to nung high school kami.

Kinuha ko sa drawer ang maliit na box na naglalaman ng mga letter sa akin ni Alex no'ng high school. May pagka-cheesy kasi siya noon eh. Every monthsary gagawa siya ng letter para sa akin na may kasamang drawing pa, ang artistic niya lang talaga.

Jeremy,

"How are you Patrick?"
"I'm fine Spongebob."

Hi baby! Happy monthsary! Sorry kung na-i-drawing ko si Spongebob at Patrick, nasama ko pa pati convo nila, nanunuod kasi ako ng episode nila habang ginagawa 'to eh. Hihi. Ang cute talaga nila!

So mapunta tayo tungkol sa'tin, alam mo ba kanina may narinig ako sa canteen na nag-uusap sabi nung isa crush ka raw niya? Gusto ko sanang sapukin eh, hindi dahil naiinis ako o binabakuran kita ah, sasapukin ko nang matauhan. Akalain mo 'yon nagkagusto sa'yo? Hahaha, sorry ang funny kasi eh. Basta, akin ka lang okay? Ako lang dapat. Okay baby? I love you!

Alex <3

Pst Jeremy,

Ngayong recollection natin dapat magpaka-bait ka na, 'wag ka na gagawa ng masama kasi hindi maganda 'yon tsaka always remember na maganda ako at gwapo ka so bagay na bagay tayo! Yey!

Bawal tayo mag-PDA during reco ha? You behave. Mag-reflect ka maigi. And pray for us, na sana magtagal tayo hanggang forever hihi. Hindi tayo tabi sa bus, kaiyak, pero pahingi pa rin ng food ah?

Love you so much,
Alex

Naalala ko tuloy no'ng recollection namin, senior year.

Binigyan kami ng oras para libutin ang buong lugar. Nakita ko siya na nakadungaw at pinagmamasdan ang payapa at magandang view.

Pinatungan ko ng jacket ang magkabilang balikat niya para hindi lamigin. "I love you." I kissed her cheek. Napa-atras ako nang sikuhin niya ako. "Wow, ramdam na ramdam ko I love you too mo ha."

Sinamaan niya ako ng tingin. "Baka may makakita sa atin na madre o brother o pari 'no, magtigil ka."

Nginusuan ko siya. "Tss. Maghahanap na lang ako ng ibang mag-a-I love you too." Humakbang ako palayo pero agad niya akong nahila.

"Subukan mo, hindi lang siko makukuha mo sa'kin."

Napangiti ako sa ala-alang 'yon. Mukhang hanggang doon na lang talaga eh... lahat ng mayroon kami ay mananatiling ala-ala na lang. Ala-alang hindi na madudugtungan.

Marami pa akong binasang muli na mga sulat niya. Hindi naman Thursday pero tumo-throwback ako. Ang sarap balikan ng high school.

May mga ilang litrato rin kami na magkasama sa stage, sa classroom, at kung ano-ano pang kalokohan namin noon. Partners in crime kami niyan eh.

I took a very deep breath. Should I really take these things away from me? Is this really the only way to move on?

Sinara ko ang box at ibinalik sa drawer. No. I'll keep those. This is my way to move on, keep the old things, be friends with her, and smile.

I don't have to be hypocrite. Hindi ko kailangan mag-hold ng grudge sa kaniya, hindi ko kailangan itapon lahat, hindi ko kailangan ibaling sa iba ang atensiyon ko, ang kailangan lang eh dahan-dahanin. Moving on is a step-by-step process, hindi 'yan minamadali.

Kinabukasan, nakita ko siyang papasok ng campus at maraming dala.

"Alex!" Nilapitan ko siya at tinulungan.

"Uy salamat Jeremy." She smiled. Damn, I really love her smile.

Nagka-kamustahan kami nang may sumigaw sa 'di kalayuan.

"Hinayupak ka talaga!"

Hindi na ako lumingon dahil alam ko naman kung sino 'yon. "Ayan nanaman siya," bulong ko.

Tumawa naman si Alex. "Ang hilig mo naman kasing bwisitin siya eh."

Naabutan niya kami sa paglalakad at hinila palayo sa akin si Alex. "Casimir, tinulungan niya lang ako sa mga dala ko," depensa ni Alex.

Inagaw niya sa akin ang mga gamit ni Alex na dala ko. "Ako na magdadala kaya makakaalis ka na."

I smirked. "Insecure ka talaga sa akin ano?"

Umamba siya na sasapakin ako pero napigilan siya ng girlfriend niya... tangna, ako talaga nagsabing girlfriend niya si Alex. Pucha.

"Pwede ba, kahit kailan hindi ako ma-i-insecure sa'yo. Umalis ka na nga, aga-aga naaalibadbaran ako sa'yo."

Natawa na lang ako. "Grabe, wala atang araw na nagkasundo tayo. Diyan ka na nga, 'wag ka masiyadong ma-insecure ha?" I winked.

Kumuyom ang kamay niya at aamba nanaman pero humakbang na ako palayo at tumawa.

Nang maramdaman kong malayo na ako sa kanila ay humarap akong muli at sumigaw. "Alex! I love you!"

Nakita ko ang inis sa mukha ni Casimir at tumakbo para habulin ako kaya tumakbo na rin ako palayo.

This is my first step to move on. I'll run from my feelings for her. I'll try to run as fast as I could.

Continue Reading

You'll Also Like

263K 5.6K 31
#1: Stop Second chance to be with you again.. Second chance to sacrifice my heart again.. Mabibigyan ko ba ng second chance ang taong una kong minaha...
341 53 8
Started: August 27, 2016 Ended: November 24, 2022 Ksenia just met the saddest eyes on earth. And the guy who owns those is Lander. When she first saw...
6.4K 550 103
Vera Aleia Lopez A doctor struggles to be a writer. A COVID-19 patient writes about his journey as he fought his battles. A tragedy had come that had...
325M 6.7M 94
[BAD BOY 1] Gusto ko lang naman ng simpleng buhay; tahimik at malayo sa gulo. Kaso isang araw... nagbago ang lahat. Inspired by Boys Over Flowers.