in Another Lifetime

By imPaulsterz

1.8K 34 8

"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 7

77 1 0
By imPaulsterz

Mukang naging maayos ang daloy ng araw na to para sakin. Hindi mawala sa mukha ko ang ngiti habang papauwi ako. Eh magkakaroon ba naman ako ng quality bonding time bukas kay Maan sa tour namin. Parang timang lang tuloy ako. Nakangiti ba naman habang naglalakad. Pero wala akong pake.  Masaya ako eh. Excited na ko kaya nagmadali na kong makauwi para makapaghanda agad ng mga dadalhin para bukas. Pag uwi ko sa bahay, nadatnan ko si Liza na naglilinis pero parang wala sa mukha nya ang mukang masigla. Parang matamlay kasi sya. Hindi kaya dinamdam pa rin nya yung mga nasabi ko nung nakaraang araw? Alam ko kasi naging ok naman kami agad. Para maging maganda mood nya, binati ko na lang sya ng masigla at sakto may dala akong pasalubong. Good way para maging masaya naman sya.

"Gandang gabi Liz. Kumusta? Parang hindi ka ata masaya ngayon ah? Tsaka mukang hindi ka ata nag cross stitch ngayon. May problema ba? Anyway, eto may dala akong pasalalubong oh. Donuts tsaka softdrinks pampa good vibes. Mukang kailangan mo eh. Hehe"sabi ko kay Liza.

"Ah eh wala namang problema Paulo. Di lang kasi ako mapakali kanina pa. Iniisip ko kasi kung ano na ba nangyayari sa bahay at sa pamilya ko. Anu ba ang nabalitaan mo ngayon doon? Diba sabi mo pupunta ka doon ngayon para alamin kung ano problema sa amin. May nakuha ka bang impormasyon?" Sabi ni Liza.

Bigla akong napatahimik at napatulala sa kanya. Naku Patay!!! Kung anu pa yung importanteng gagawin ko ngayong araw, yun pa ang nakalimutan ko. Nawala sa isip ko yun dahil sa natabunan ng sobrang pagkasaya ko. Hindi ko alam kung sa paanong paraan ko ipapaliwanag kay Liza ang dahilang hindi ako nakapunta dun sa bahay na sinasabi nyang sa kanila. Mag gagalit galitan ba ko o magmamaka awa sa kanya na patawarin nya ko dahil di ko natupad yung pangako ko. Dahil sa di ko alam ang gagawin ko, Bigla na lang lumabas sa bibig ko yung salitang "hindi ako nakapunta" habang nakatulala pa rin ako sa kanya. Wala nang lumabas sa bibig ko pagkatapos nun. Napangiti lang sakin si Liza at sinabi nya na naiintindihan nya raw pero pansin na pansin sa mukha nya ang pagkalungkot. Pagkatapos nun eh nagpaalam na sya sakin na magpapahinga na lang daw sya dahil pagod na raw sya. Wag na daw akong mag alala dahil nakakain na rin naman na daw sya. Wala akong ka rea reaksyon sa mga nangyari. Pagka pasok nya sa kwarto, nakatayo pa rin ako sa sala hawak hawak yung pasalubong ko. Sobrang nakonsensya kasi ako pero wala naman ako magawa. Wala man lang akong nagawa sa pinangako ko. Nagsimula na rin ako magpahinga. Nawala bigla gutom ko. Nagbago kasi bigla yung mood ko. Hindi ko alam kung gagawin ko bang big deal ang nangyari.

Alas singko ng umaga ako nagising. Hindi rin ako nakatulog dala ng sobra kong pag iisip sa nangyari kagabi. Nauna akong nagising at si Liza ay mahimbing pa ang tulog. nakokonsensya pa rin ako. Ang dali ko talagang makonsensya kahit sa simpleng pagkakamaling nagawa ko. Kaya bilang pambawi na lang sa pangako ko sa kanya na pinako ko, naghanda ako ng masarap na almusal para sa kanya. Pagkatapos nagsulat ako sa papel. Sinulat ko dun na sobra talaga akong nagsosorry sa kanya dahil kinalimutan ko yung pangako ko at hindi ko man lang naipaliwanag sa kanya ng maayos. Sinulat ko rin na babawi na lang ako. Pagkatapos ng araw na to, bukas na bukas pagkagaling ko sa pupuntahan ko eh dadaanan ko na yung bahay para sa kanya. Hindi ko masabi sa kanya to ng diretso dahil tulog pa sya at tsaka nahihiya pa rin ako kaya dinaan ko na lang sa sulat. Pagkatapos ko, sinimulan ko nang umalis. Pagdating ko sa harap ng school namin eh nandun na yung bus na exclusive para sa theater group na magtu tour sa CCP ngayong araw. Nandun na rin si Maan at sinalubong nya na rin ako pagdating ko.

"Good Morning Pau. Akala ko hindi ka sasama eh. Malapit pa naman na umalis. Sakto alas syete. Buti nakahabol ka. Ang kupad mo pa rin talaga." Sabi ni Maan.

"Oo nga eh. What's new? Palagi naman akong late. Pag ako naging maagang dumating sa isang event, magulat ka na dahil di ako yun. At tsaka bat ang aga nga pala ng assembly natin? Eh ang alam ko 10 pa ng umaga ang bukas ng CCP ah." Sabi ko kay Maan.

"Eh kasi mukang hindi lang ang theater group sa school natin ang pupunta ngayon sa CCP kaya kailangan maaga para ma control agad yung crowd." Sabi ni Maan.

"Ah ok. Tatlong oras pa tayo mag iintay bago makapasok sa CCP. abay magaling. Tsss" sabi ko.

"Wag ka nga magreklamo. Ikaw late ka na nga dumating pero ang atat atat mo naman. Tara na nga sumakay na tayo sa bus. Baka maiwanan pa tayo eh." Sabi ni Maan.

Sinimulan na naming sumakay at nung nakumpleto na ang grupo, sakto umalis na kami ng alas syete papuntang CCP. habang nasa byahe, hindi mawala sa isip ko yung pangako ko kay Liza na pinako ko lang. Laking impact talaga sakin nun kaya parang wala ako sa mood. habang nakatulala ako sa bintana ng bus, bigla akong kinausap ni Maan.

"Huy!! Bat nakatunganga ka dyan? Sabog ka ba o may problema ka?" Sabi ni Maan.

"Ha? Ah eh kasi ano. Ahm... ano eh." Wala akong masabi kay Maan. Hindi rin kasi ako makaisip ng Alibi dahil wala ako sa Mood at inaantok pa ko.

"Ok naiintindihan ko kung ayaw mo sabihin kung may problema ka. Pero please pwede mo namang i set aside muna yang problema mo at enjoyin natin ang araw na to. Big deal man yang problema mo o hindi, kalimutan mo muna for today. Isa kaya to sa mga dream day natin. Sulitin natin to aba. Cheer up dre. Nakakahawa ang bad vibes mo eh." Sabi ni Maan.

Sabagay, may point si Maan. Hindi ko na dapat iniisip yun. Big deal man o hindi. Tsaka nakaisip naman na ko ng solusyon dun eh at pinangako ko naman na tutuparin ko na yun bukas. Siguro dapat di ko na iniisip at sulitin na lang ang araw na to. Kailangan ko magsaya. Dream day namin to ni Maan eh. At dream date ko naman to hehe.

"Hehe siguro nga tama ka. Pasensya na Maan ah. Salamat na rin sa mini advice" sabi ko kay Maan.

"Hehe ayan nangiti na sya oh. Mukang hindi na sya badtrip. Lakihan mo naman yang ngiti mo. Ayan ok na. Hehe" sabi ni Maan habang hinawakan ang muka ko at pinalaki ang ngiti ko.

Boost up na ang good vibes. Binigyan ba naman ako ng best advice at motivation ng crush ko eh...ah este bestfriend ko pala. Ok im back on being me. Time to enjoy this day. Pagdating namin sa CCP, ang daming taong nakapila sa entrance. Mga taga ibang school din. Yung iba ata magfi field trip. Pagkatapos ng matagal na oras na crowd control, nagsimula nang magbukas ang CCP para sa pagtatanghal na gaganapin dun. Palagi kaming magkadikit ni Maan. Kahit sa upuan. Hindi mawala sa muka nya ang kasiyahan dahil enjoy talaga sya sa panonood ng mga ganito kaysa sa sine. Ewan ko ba, sadyang pareho lang talaga kami ng trip. Madalas nga naiisip ko, bat nga ba talaga hindi naging kami na lang. Maraming bagay na pareho naming gusto, palagi pa kaming magkasundo. Totally compatible talaga eh. Naiisip ko na naman tuloy ang katangahan ko nung nakaraan. Kung bat di ko pa inamin sa kanya na gustong gusto ko talaga sya. Nag iisip na naman ako ng ikaka bad mood ko. Di na nga lang ako mag iisip ng kung anu ano. Susulitin ko na lang ang araw na to.

Napakaganda ng pagtatanghal na ginaganap. Kahit actual sya, may impact pa rin. Iba talaga pag theater. Mas nakikita ang talento ng isang artista sa actual na palabas kaysa sa pelikula. Maganda rin naman ang pelikula kaso kasi dun may mga cut and retake ang mga artista. Pwede nilang i cut ang mga maling scene nila at i retake ulit para itama pero sa theater eh rekta. Dire diretso. Dapat planchado na at bawal magkamali. Kaya nakakabilib ang mga artista sa theater. Saludo ako. Habang namamangha naman ako sa panonood, napansin ko na tulog na si Maan. Langya, kanina lang excited sya at ako yung inaantok pero sya pa ang nakatulog sa palabas. Nakakaloko rin tong babae na to minsan eh. Gigisingin ko sana sya para manood pa kaso biglang nag iba pwesto nya at humiga sya sa balikat ko. Napatigil ako bigla sa plano kong pag gising sa kanya. Syempre ito yung isa sa mga moment na iniintay ko kaya hindi na ko gumalaw at hinayaan ko syang humiga sa balikat ko. Natapos ang palabas at nagpalakpakan ang mga tao pero ako, hindi ako pumalakpak kahit nagustuhan ko yung palabas para lang hindi maistorbo si Maan. O sabihin na nating, para tumagal pa ang pagtulog nya sa balikat ko. Napaka ganid ko Haha. Habang nagtatayuan na ang mga tao para mag si alis, sinimulan ko nang kalabitin si Maan para magising. Nagulat na lang ako ng bigla syang tumayo sa upuan at pumalakpak. Naalimpungatan sya. Hindi ko alam kung tatawa ba ko o mahihiya sa ginawa nya. Paglabas namin ng theater, nagsimula na kaming pumunta sa mini museum dun kung saan nakapaskil yung mga sikat na artista sa theater noon. Medyo nagsimula na rin magparamdam yung antok sakin dahil nga hindi ako nakatulog ng maayos kagabi. Ito namang si Maan, full charge na naman dahil nakatulog kanina. Nagsimula na kaming dumikit sa tour guide namin. Ini explain nya samin yung mga sikat na artista noon. Marami rin palang sikat na artista ngayon na nagsimula rin sa theater dati gaya nila Gloria Romero, Bella Flores, Rebecca Del Rio, Rosa Rosal, FPJ, Paquito Diaz pati Dolphy. Pero sa mga in explain nya, si Gloria Romero na lang ata ang kilala kong buhay. Nagsimula silang lahat sa theater tapos nung nabigyan ng break para maging artista sa mga pelikula gaya ng pinilakang tabing, dun na nagtuloy tuloy ang career nila bilang isang artista. Ang laking tulong ng naibigay sa kanila ng pagiging artista sa theater. Kaya mahal na mahal ko na ang pagiging performer sa theater eh. Pinagmamasdan ko ang mga litrato nila noon. Grabe mga itsura nila dati. Ang ganda ganda ni Gloria Romero noon pati ni Bella Flores pero ngayon, di ko na ma explain ang mga itsura nila. Iba talaga nagagawa ng katandaan sa isang tao. Alam ko constant ang pagtanda pero kasi nakakapanghinayang eh. Lalo na pag maganda o gwapo ang isang tao. Buti na lang may mga taong gaya ni Belo at Calayan. Pero yung mga taong may pera lang ang kaya nung mga yun na gawing bata ang itsura kahit matatanda na. Pera pera na kasi ang kalakaran ngayon eh. Habang nagmamasid ako sa mga litrato, hindi ko napansin na sobrang advance ko na pala dun sa tour guide namin. Ini explain nya pa lang yung mga artista na nakita ko na. Sa di kalayuang pwesto, may isang litrato doon na kumuha ng atensyon ko. Nilapitan ko iyon at tinitigan. Isang babae na sobrang ganda. mukhang anghel dahil sa napaka puti nya. pero napansin ko na may malaking balat sa may bandang kanang kamay nya but who cares? hindi hadlang yun sa kagandahan nya. feel ko nga pamilyar yung mukha nya sakin, feel ko nakita ko na sya pero imposible. Ang tanda na nyan ngayon for sure. Baka nga dedbol na yan eh. Habang tinititigan ko yung litrato, Hindi talaga mawala ang pakiramdam ko na nakita ko na yung babae sa totoong buhay. At pagkabasa ko ng pangalan nung babae sa litrato, napatulala ako ng matagal sa nabasa kong pangalan. Parang sinimentuhan ang buo kong katawan dahil hindi ko magalaw. Para akong robot na nag shutdown at nakatunganga lang sa litrato na yun. Nawala ako sa ulirat habang nakatitig dun.

"Eto Guys. Nandito naman tayo ngayon sa harap ng litrato ng isang most controversial actress noon sa theatro. Eto kasing artista na to, sya ang pinakabata at pinakamagandang actress noon. 21 years old lang sya pero napakarami na nyang fans dahil bukod sa napakaganda nya, eh napaka talented pa nya. Napaka galing nyang umarte. Ang pangalan nya ay Liza Flora y Cardinal o mas kilala bilang Liza Cardinal. Galing sya sa maimpluwensyang pamilya kaya hindi naging mahirap para sa kanya na maging artista agad sa theatro. Anak sya ni mr. Fredo and Mrs. Loisa Cardinal. Nagsimula syang magtanggal noong 1964 pero hindi pa nag iisang taon ang career nya, eh dinudumog na sya ng mga manonood dahil nga ang galing galing nya at ang ganda pa. Kaya nga dahil dun, nabigyan sya ng break sa kanyang career. Pinapili sya kung gusto nyang mag advance sa pag aartista sa pinilakang tabing gaya nila Gloria Romero o mag stay sa pagiging artista sa theater. Pinili nyang mag stay bilang artista sa theater. Hindi naman masama ang desisyon nya dahil alam nyang mas malaking break ang makukuha nya sa pag stay nya. Ayon kasi dati sa balita. Magtatanghal sana sya at may mga amerikanong kritiko na manonood. At pag nagustuhan yun nung mga amerikano, maaari syang matanggap bilang performer sa broadway sa ibang bansa. Napakagandang chansa sana para sa isang tulad nya pero sa kasamaang palad, a week before her performance, she suddenly disappear out of nowhere. As in nawala talaga sya. Walang nakaalam kung saan sya napunta. Sabi sabi sa balita na pinatay daw sya dahil sa inggit sa sobrang kasikatan nya at itinago na lang ang bangkay kung saan, meron naman nagsabi na naglayas daw due to family problem kaya di na nagawang magtanghal. Maraming nagluksa sa pagkawala nya. Kahit yung mga modern performers natin ngayon ay nanghihinayang sa storya ng buhay nya. wala ring nakuhang impormasyon sa family nya tungkol sa pagkawala nya and 3 months after ng pagkawala nya, ay wala na ring nakalap na balita about sa family nya. Napaka misteryoso lang dahil na ang isang tulad nya na sobrang sikat eh naglaho na lang bigla at hanggang ngayon, hindi ma trace ang totoong rason ng pagkawala nya. Kahit na ako ay naku curious kung anu bang nangyari sa magandang artista na to. Mukang imposible nang malaman ang rason dahil almost 49 years na rin simula nang mawala sya. Pero good news dahil hindi na naulit ang ganitong trahedya sa mga artista ngayon at sana naman hindi na maulit kanino man ang nangyari kay Liza. Ok guys lets advance to the next phase ng ating tour" ang mahabang explanation ng aming tour guide tungkol dun sa litrato.

Kahit nakatunganga ako ng matagal sa litrato, dinig na dinig ko ang bawat katagang sinabi ng tour guide namin.

" Kawawa naman sya. Sayang sya no Paulo. Minsan talaga bigla bigla na lang dumadating ang kamalasan sa isang tao. Sana hindi mangyari satin yung nangyari sa kanya. Ok tara na. Maiiwan na tayo ng grupo." sabi ni Maan.

Hindi ko pa rin magawang mag respond sa mga nangyayari sa paligid ko dahil hindi ko ma sink in sa sarili ko ang nakikita ko sa harapan ko ngayon. Dahil sa nabalot na ng pagkagulat, pagtataka at pagkakaba ang sarili ko, bigla na lang ako napasigaw ng malakas. Nagtinginan sakin ang lahat ng tao at biglang lumapit sakin ang tour guide namin pati si Maan.

"Mr. Soliveres anung problema? Bakit nangangatog ka? May masakit ba sayo?"

Sabi nung tour guide namin.

"Ha...? Ah eh anu po. Ah eh kasi ..ah...... masakit po ang chan ko. Kailangan ko po atang umuwi." Sabi ko.

"Ha? Eh sa cr ka na lang magparaos Pau. Hindi ka pwede basta bastang umuwi." Sabi ni Maan.

"Pasensya ka na Maan at kailangan ko talaga umuwi. Hindi ko trip mag cr dito. Sige mauna na ko. Pasensya na talaga." Sabi ko kay Maan.

"Ah ganun ba? O sige sasamahan na kita umuwi. Mukang hindi mo ata kaya mag isa." Sabi ni Maan

"Wag!! Hindi na. Ok na ko. Kaya ko makauwi mag isa. At tsaka kung hindi ko man kayanin at di ko napigilan, at least hindi ako mapapahiya sa harap mo. Ok na ko mag isa." Sabi ko kay Maan.

"Anu bang kalokohan nyan? Dito ka na kasi sa cr ng ccp magparaos para wala nang problema." Sabi ni Maan

"Wala na kong oras para magpaliwanag pa Maan. Kailangan ko na talaga umuwi." Sabi ko.

Hindi ko na inintay magsalita pa si Maan. Kailangan ko ng makauwi. Kailangan kong klaruhin ang mga nangyayari. Hindi ko maintindihan ang mga pumapasok sa isip ko. Maniniwala ba talaga ako sa misteryong nangyayari ngayon? Posible bang mangyari na si Liza na kasa kasama ko at yung artistang Liza na nakita ko sa litrato ay iisa? Posible bang dahil nawala yung artistang yun nung 1965 ay dahil sa napunta sya sa hinaharap? Ngayong 2014? At yung Liza na kasama ko ay sya yun? Napakalaking kalokohan at napaka imposible pero dahil sa mga nalaman at nakita ko, nagfa flashback sakin lahat ang mga rason na sinabi sakin ni Liza. Karamihan sa mga sinabi ng tour guide namin eh tugma sa mga rason na sinabi sakin ni Liza na ayaw kong paniwalaan at iniisp ko na kalokohan lang. Posible rin ba talaga na totoo ang sinasabi ni Liza. Na totoo ang mga haka haka ko na galing sya sa nakaraan at sa di maipaliwanag na kadahilanan eh napunta sya sa modernong panahon? Sa panahon ngayon? Hindi ko alam kung anu ang paniniwalaan ko. Hindi ko talaga maintindihan ang mga nangyayari. Maiintindihan ko lang ang lahat sa oras na makausap ko si Liza.

Pag uwi ko sa bahay, dali dali kong hinanap si Liza pero hindi ko sya makita. Wala sya sa bahay. Anu ba talaga nangyayari ngayon? Pinaglalaruan ba ko ng panahon. Hindi magandang biro ang mga nangyayari. Hindi ko alam kung maiinis ba ko o ewan. Patuloy kong hinanap si Liza. Nagsimula akong magtanong sa mga kapitbahay namin. Ang sabi nila nakita raw nila na lumabas daw si Liza pero hindi pa bumabalik. Sinubukan ko syang intayin pero hindi ako mapakali. Habang nag iintay ako, napansin ko na parang hindi nagalaw yung pagkain na inihanda ko para kay Liza at tsaka yung sulat na ginawa ko para sa kanya ay may katabi ring isang sulat.

"Paulo. Lubos akong nagpapasalamat sa lahat ng tulong na ginawa mo para sakin. Binigyang halaga ko lahat yun. Pero hindi ko na rin maiwasang mahiya dahil sobra sobra na ang tulong na ginagawa mo para sakin at hindi ko man lang magawang masuklian lahat yun. Kaya gusto ko rin humingi ng pasensya sayo sa paghingi pa ng tulong para klaruhin ang problema sa tirahan ko na dapat ako mismo ang gumagawa. Masyado na ata akong nakaka istorbo sa buhay mo kaya nag desisyon na lang ako na umalis at harapin ang problema ko. Pasensya ka na at hindi ko na rin nagawang magpaalam sayo pero nagpapasalamat talaga ako at nakilala ko ang isang tulad mo. Hindi bale, pag naayos ko na ang lahat ng mag isa, Makikipag kita ako uli sayo at babawi ako sa lahat ng tulong na binigay mo sakin. Maraming salamat ulit at paalam - LIZA"

Lalo akong hindi napakali ng nabasa ko ang sulat ni Liza. Kailangan nyang malaman ang mga nangyayari ngayon at kailangan ko rin alamin sa sarili ko kung totoo ba ang mga haka haka ko at kay Liza ko lang yun malalaman lahat kung totoo nga talaga. Kailangan ko syang sundan papunta run sa malaking bahay na sinasabi nyang tirahan nya. Alam ko dun lang ang lugar na alam ko na pupuntahan nya at sa tingin ko ay parang totoo nga na dun nga talaga sya nakatira. Sana maunahan ko syang makarating dun bago pa man may mangyaring eskandalo.

Continue Reading

You'll Also Like

503K 5.9K 44
When Royse's parents died, all the responsibilities of his siblings and their business were left to him. He never had a chance to mourn his parents'...
115K 7.3K 33
A Spin-Off of New Classic Series Dawn, an avid fan of the chart-topping band New Classic and an advertising arts major, crosses paths with her med st...
351M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
960K 16.2K 106
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...