Game of Love 2: Still in Love...

By JeraldineTanL

3.3M 40.4K 4.5K

PUBLISHED BOOK. Copyright: Precious Pages Corporation Game of Love really has come to an end. Of course, ev... More

PROLOGUE
[ 1 ] Comeback
[ 3 ] A New Friend
[ 4 ] Enjoy
[ 5 ] A Friendly Conversation
[ 6 ] The Truth Behind Her Death
[ 7 ] The Other Sides of the Story
[ 8 ] The Reunion
Game of Love Softcopy :)
[ 9 ] Change
[ 10 ] Who's that girl?
[ 11 ] Shane Alvarez
[ 12 ] Desperate
[ 13 ] Unexpected
[ 14 ] It's Her
[ 15 ] Shane and Jin
[ 16 ] Friends
[ 17 ] Confrontation
[ 18 ] Exclusively Dating
[ 19 ] Plan
[ 20 ] Caught in the Act
[ 21 ] The Result
[ 22 ] Truth and Lies
[ 23 ] A Different Person
[ 24 ] Memories of the Past
[ 25 ] Jin is Dead
[ 26.1 ] Letting Go
[ 26.2 ] So In Love
[ 27 ] Game
[ 28 ] Gab and Terrence
[ 29 ] Accident
[ 30 ] Temporary Memory Loss
[ 31 ] Remember
[ 32 ] Mental Hospital
[ 33 ] Batman
[ 34 ] Leave
[ 35 ] Feelings
[ 36 ] Back to Normal
[ 37 ] Hate
[ 38 ] Perfect
[ 39 ] Best friend and Girlfriend
[ 40 ] Hello and Goodbye
[ 41 ] Trap
[ 42 ] A Big Problem
[ 43 ] Solution
[ 44 ] Trials
[ 45 ] Mad
[ 46 ] Minor Accident
[ 47 ] Trust
[ 48 ] Caught
[ 49 ] Tired
[ 50 ] Love
[ 51 ] Good Day
[ 52 ] Obstacle
[ 53 ] Past
[ 54 ] Forgive
[ 55 ] Unexpected
[ 56 ] Brother
[ 57 ] Lose
EPILOGUE + Author's Note
Special Chapter 1: Aine & Steven
Game of Love Book
Special Chapter 2: Honeymoon
Wattpad presents Game of Love (mini tv series on TV5)
Special Chapter 3: Baby

[ 2 ] A Jealous Ex-Girlfriend

68.3K 934 67
By JeraldineTanL

Chapter 2: A Jealous Ex-Girlfriend

Pumunta sina KL, Steven at Aine sa isang resthouse na pagmamay-ari ng pamilya nina Steven. Wala doon si Spencer dahil may pinuntahan ito at susunod na lang sa kanila.

"Steven, gagala muna ako sa paligid ng lugar. Babalik din ako kaagad," pagpapaalam ni KL.

"Sige," tipid na sagot ni Steven.

"Do you want me to come with you, KL?" alok ni Aine.

"Ano ba naman ‘yan, babe?! Iiwan mo na naman ako na mag-isa dito?" reklamo ni Steven.

"Steven, araw-araw na tayong magkasama. Hindi ka pa ba nagsasawa sa mukha ko? Sasamahan ko lang naman si KL sandali. Matagal ko na din siyang hindi nakakabonding oh!" sagot ni Aine.

"Okay lang, Aine. Hindi na kailangan. Magsolo na muna kayong dalawa dyan. Sige, maiwan ko muna kayo."

Lumabas si KL sa bahay na iyon at pumunta sa may dagat sa ‘di kalayuan. Umupo siya sa buhangin at tiningnan ang karagatan. Dahil mag-isa siya ay hindi niya maiwasan ang hindi mag-isip.

‘Namimiss ko na si bessy. Kung buhay pa siya, siguro ay kasama din namin siya dito ngayon. Ano nga kaya ang nangyari sa aming lahat kung sakaling nakaligtas siya sa aksidente na ‘yun?’

Pilit na isinantabi ni KL ang mga iniisip niya dahil naiiyak lang siya sa tuwing naaalala ang bestfriend niya. Para hindi magtuloy-tuloy ang iniisip niya ay naisipan niya na tumayo na doon. Napansin niya ang isang lalaki na may hawak na camera at alam niya na kinukuhanan siya nito ng litrato. Agad din naman siyang nilapitan ng lalaki.

"Sorry, miss. I--"

"Taga dito ka ba?" tanong niya sa lalaki.

"Oo, nagtatagalog ka pala. Akala ko--"

"Ano? Na taga-ibang bansa ako?"

"Oo. Sorry pala sa kanina. Kumukuha kasi ako ng--"

"It's okay. Just forget it. Sige, aalis na ako."

Tinalikuran niya na ang lalaki at naglakad siya pabalik sa bahay nina Steven. Pero natigilan siya nang may kumapit sa braso niya. 

"Miss, anong pangalan mo?" tanong ng lalaki.

"Why are you asking for my name?"

"I.. want to be friends with you," nahihiyang sagot ng lalaki.

"I don't live here so it--"

"I insist on knowing your name."

"KL. KL Gonzales is my name. Aalis na ako. Bye."

Hindi niya na hinintay pa ang sagot ng lalaki at naglakad na siya pabalik sa bahay.

‘Who is he? I haven’t even thought of asking his name. Mukha lang siyang bakasyunista dito kagaya ko. Mukha din siyang disente kaya hindi ako natakot sa kanya. Gwapo siya at nasa 6 feet ang tangkad pero kahit ganun pa man, wala akong plano na makipagkilala.’

Pagbalik niya doon ay nandoon na si Spencer at may kasama itong babae. Lahat sila ay nasa sala nang makabalik siya. Agad niyang nilapitan ang mga ito. 

"KL, nandito ka na pala," seryosong sabi ni Steven.

"Sino siya?" tanong ni KL sa kanila sabay tingin sa babae.

"Spencer, ikaw na ang magpakilala sa kanya," utos ni Aine.

"Siya si Jichelle," tipid na pagpapakilala ni Spencer.

"Hi! You’re KL, right? It's nice to meet you. You’re their friend from Korea, right?" tanong ni Jichelle.

"Right. Nakwento ba ako sayo ni Spencer?" tanong ni KL kay Jichelle.

"No. Actually, I’ve heard about you from Aine."

"Oo nga pala, KL. Siya yung nililigawan ni Spencer," dagdag ni Steven.

"Steven!" sita ni Aine.

"Ano na naman?!" naiinis na tanong ni Steven.

Nakita ni KL ang pagsenyas ni Aine kay Steven. Alam niya na ginagawa ‘yun ni Aine dahil alam niya ang nakaraan nila ni Spencer. Nang tingnan ni KL si Spencer ay agad itong umiwas ng tingin.

‘May nililigawan na pala siya. Hindi na ako ngayon nagtataka kung bakit nakadistansya siya sakin kahapon.’

Umupo si KL sa sofa at tinabihan si Aine.

"May nililigawan ka pala, Spence. Hindi ka man lang nagsasabi sakin," mahinahon na sinabi ni KL.

"Okay, tama na! Mamaya saan pa umabot ‘yan," pag-awat ni Aine.

Naisipan nila na mag-movie marathon na lang doon para may magawa sila. Hindi maiwasan ni KL na mapatingin kina Spencer at Jichelle na malapit lang sa kinauupuan niya.

‘Mukhang hindi lang basta nililigawan ni Spencer si Jichelle. Mukhang girlfriend niya na pero ayaw lang niyang sabihin. Lakad kasi ‘to ng barkada namin pero isinama siya dito ni Spencer. Idagdag pa doon ang pagiging sweet nila sa isa’t isa.’ 

Nang may mag-door bell ay agad na pinagbuksan iyon ni Steven. Wala na kasi silang inaasahan na bisita doon. Nagulat si KL nang makita ang tao na dumating dahil iyon ang lalaki na nakita niya sa beach.

"KL," nakangiting sinabi ng lalaki. 

"You--" sabi ni KL sabay turo sa lalaki.

"Bakit ka nandito?" sabay na tanong nila sa isa’t isa. 

"Magkakilala kayo?" nagtatakang tanong ni Steven.

"Dude, guess what? Kanina ko lang siya nakilala. I haven’t introduced myself to you yet. I'm Dwayne."

"Pinsan ko nga pala, si Dwayne. ‘Yan si Aine, girlfriend ko. Si Spencer, Jichelle at si KL," pagpapakilala ni Steven.

"Magpinsan kayo?" tanong ni KL.

"Oo. Dude, saan ko ba pwedeng ilagay ‘tong mga gamit ko?" 

"Sige, iwan mo lang dyan. Mamaya na lang natin dalhin sa kwarto," sagot ni Steven.

Nagsibalik sila sa pwesto nila at umupo sa tabi ni Steven si Dwayne. Ipinagpatuloy nila ang panonood. Naiilang si KL dahil napapansin niya na tumitingin palagi sa kanya si Dwayne pero hinayaan niya na lang ito sa huli. Pagkatapos nilang manood ay naisipan ng mga lalaki na uminom. Sina KL at Jichelle, pumunta sa kwarto para mag-ayos ng mga gamit nila. May isang kwarto doon na may apat na kama at doon matutulog pagdating ng gabi sina Spencer, Jichelle, KL at Dwayne. 

"Kailan ka pa dumating?" tanong ni Jichelle.

"Kagabi lang."

"Ikaw pala ‘yung pinuntahan ni Spencer. May date kasi dapat kami pero hindi na natuloy. Hindi ko pa naman matanggap pero naiintindihan ko na ngayon. Kaibigan lang naman pala niya ang pupuntahan niya pero ayaw niya pang sabihin sa akin."

"Ganun ba?"

"Kung hindi ka niya barkada, nagselos na talaga ako sa’yo! Ang ganda at ang tangkad mo pa naman kaya hindi ko maiwasan. Joke lang!" half-meant na sinabi ni Jichelle.

"Dahil lang ba doon?" paninigurado ni KL.

"Oo, pero nagbibiro lang naman ako. Napapansin ko nga na lagi ka niyang tinitignan. Namiss ka siguro niya dahil matagal kang nawala. Buti na lang at wala siyang gusto sa’yo. Paano ba naman kita makikilala, e ayaw niya magkwento tungkol sa’yo. Nag-away ba kayo nun?"

"Hindi. Sigurado ka na wala talaga siyang sinabi sa’yo tungkol sa’kin?"

"Wala. May dapat ba akong malaman?"

"Wala naman."

Doon lang nalaman ni KL na walang alam si Jichelle tungkol sa nakaraan nila ni Spencer. Dahil doon ay nakahinga siya ng maluwag. Alam niya kasi na walang magiging ilangan kung hindi pa alam ni Jichelle.

"May dapat pala akong malaman!" sigaw ni Jichelle.

Nagulat si KL dahil doon.

"What kind of boyfriend is he? Sigurado naman ako na kilala mo siya at may alam ka din sa naging girlfriend niya noon. Gusto ko kasing malaman ang ugali niya kapag naging kami na."

"Kailangan mo ba talagang malaman ‘yan?"

"Of course! Magkwento ka naman para alam ko. Kapag boyfriend ko na siya, madalas na tayong magkakasama."

"Hindi ko kasi alam kung paano siya bilang boyfriend," pagsisinungaling niya.

"‘Wag na nga lang. Mukhang ayaw mo din magkwento. Sige, makiki-join na ako sa kanila. Sumunod ka na lang."

Lumabas ng kwarto si Jichelle. Napabuntong hininga na lang si KL at humiga siya. 

‘Namimiss ko na si Spencer lalo na ang kakulitan at pagiging sweet niya. Iba na kasi siya makitungo sa akin ngayon. Siguro kaya siya ganun dahil naiilang siya na nandito ako at sa sitwasyon namin. Hindi ko maiwasan na malungkot at magselos dahil sa iba na siya sweet ngayon. Hindi ko din pwedeng ipahalata sa kanya na naaapektuhan ako. I’m going to act like nothing is wrong.’

Continue Reading

You'll Also Like

41.3M 686K 61
Anong gagawin mo kapag may na-tag kang maling tao sa status mo sa Facebook? Ang masaklap pa nito, nabasa ng buong school yung status mo. Wait, nasabi...
1.8M 125K 45
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
115K 2.7K 52
Isang taon na ang lumipas. Madaming puso ang naiwang nasasaktan pa rin. Mga pusong umaasa. At mga pusong patuloy na nagmamahal sa kabila ng matinding...