Grieving Soul [#Wattys2019 Wi...

By nininininaaa

3.3M 78.6K 8.2K

[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexp... More

Grieving Soul
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 32

45.8K 1.2K 107
By nininininaaa

#GrievingSoulWP

Chapter 32
Sister

Nakatulog ako kagabi at nagising sa panibagong umaga nang wala si Gio sa aming kuwarto. Hindi ko alam kung anong oras siya bumalik dahil agad akong hinila ng antok pagkatapos kong maglinis ng katawan. Ngayon naman ay hindi ko alam kung anong oras siya nagising dahil tinanghali ako dala ng matinding pagod.

I glanced at the wall clock to check the exact time and saw that it was almost eleven in the morning. Hindi ako madalas tinatanghali ng gising pero kapag pagod na pagod ay hindi ko maiwasan.

My eyes drifted on the lamp table beside the bed. The sticky note and tulip placed on it caught my attention. Kinuha ko iyon at napangiti dahil sa aking paboritong bulaklak. Inabot ko rin ang sticky note upang mabasa ang maikling mensahe ni Gio para sa akin.

I'm sorry kung umalis na ako agad, but I really need to leave early. I didn't want to wake you up. I'll text you from time to time. See you tomorrow.

—Gio

Napabuntong hininga ako matapos basahin ang mensahe ni Gio. Kinuha ko rin ang aking cellphone na nasa loob ng drawer at nakitang mayroon na siyang text para sa akin.

From: Gio
Nandito na kami ni Mama sa planta. I'll be busy for the whole day. Please take care while I'm away.

Pagkatapos pa ng mensahe na 'yon ay mayroon pa ulit na sumunod. Tiningnan ko ang oras nang pagdating ng dalawang mensahe at wala pa itong tatlong minutong pagitan.

From: Gio
If it isn't too much to ask, please update me about your activites. It will mean a lot to me.

I took a deep breath after reading his message. Nagtatalo ang aking isipan kung magte-text ba ako sa kanya o hindi. But of course, I didn't want to be rude that's why I decided to send him one text message.

To: Gio
I just woke up. Pagkatapos maligo ay pupunta ako sa amin para kuhanin ang natitirang mga gamit ko. I might also spend the whole day there. Mag-ingat kayo ni Tita Yunice riyan.

Inilagay ko na sa buong mensahe na 'yon ang mga plano kong gawin buong araw para hindi niya na kailangang magtanong-tanong pa mamaya.

Bago ako nagpasyang maligo ay binasa ko ulit ang aking pinadalang mensahe sa kanya. Ngumuso ako habang iniisip kung mali ba ang ginawa kong pagtawag kay Tita Yunice. I already married her son, but I still couldn't find it in me to call her Mama Yunice. It felt so awkward and inappropriate for me to call her the way I should address her now. Nasanay ako buong buhay ko na Tita ang tawag ko sa kanya. Pero syempre, dahil alam kong iyon ang tama ay susubukan ko.

I was already done taking a bath and preparing to leave when Gio's reply came. I didn't reply anymore because I thought it wasn't necessary.

From: Gio
Okay. Thank you for texting me. Your car's in the garage by the way. The keys are in the drawer. Take care.

Ibinulsa ko na lang ang aking cellphone nang wala talaga akong maisip na ireply sa kanyang mensahe. Hindi rin naman siya nagtanong. Nasabi ko na rin ang mga nais kong sabihin sa kanya sa nauna kong text. Okay na siguro 'yon.

"Magandang umaga po, Ma'am!"

Halos mahulog ako sa hagdanan nang biglang may bumati sa akin. Gulat na gulat ako habang nakatingin sa dalawang babae sa aking harapan. Napakapit ako sa handrails upang masuportahan ang sarili.

Sa tingin ko ay hindi masyadong nalalayo sa isa't isa ang agwat ng edad naming tatlo dahil may kabataan ang kanilang hitsura. They must be in their early twenties.

"Nagulat po ba namin kayo?" magalang na taong no'ng isang mas matangkad. "Pasensya na po."

Umayos naman ako ng tayo bago umiling-iling. Hilaw akong ngumiti sa kanilang dalawa. Tinapos ko ang aking pagbaba sa hagdanan upang mas makalapit sa kanila.

"Magandang umaga rin sa inyo," tipid kong pagbati. "Ano ang maitutulong ko?"

Napaawang parehas ang kanilang mga labi bago nagkatinginan. Tila para bang nag-uusap silang dalawa gamit ang kanilang mga mata bago muling humarap sa akin nang nakangiti.

"Nako po, Ma'am! Wala po kayong dapat na itulong sa amin," sagot naman no'ng medyo maliit. "Kami nga po dapat ang tumulong sa inyo."

Tumango-tango naman ang may katangkaran. "Kami po ang kinuhang mga katulong ni Kuya Gio. Kaninang madaling araw lang po kami dumating."

"Oh..."

Iyon na lamang ang aking tanging nasabi dahil hindi man lang ako sinabihan ni Gio na kumuha siya ng mga katulong. Sana ay kahit tinext niya na lang din sa akin o sinulat sa note na iniwan niya.

"Ako nga po pala si Mina tapos ang kapatid ko po si Wenna," pakilala niya sa kanilang magkapatid. "Anak po kami ng katiwala ng mga Buenviaje sa San Antonio."

"Kung ganoon ay magpapabalik-balik kayo o dito na kayo titira?" naguguluhan kong tanong.

"Sabi po ni Kuya Gio ay kahit tuwing Sabado at Linggo na lang kami umuwi at dito na kami matutulog sa weekdays," paliwanag ni Mina. "Nandoon na po ang gamit namin sa bakanteng kuwarto."

I can't help but to smile, knowing that I wouldn't be alone with Gio in this mansion. Masaya ako na may makakasama kami at mukhang madaling pakisamahan ang magkapatid na ito dahil sa kanilang masayahing personalidad.

"Maganda 'yon..." nakangiti kong sabi. "Pero... uhm... Kuya Gio ang tawag ninyo kay Gio?"

Muli naman silang nagkatinginan bago muling humarap sa akin.

"Parang Kuya na rin po kasi ang turing namin kay Kuya Gio," sagot ni Wenna. "Pinag-aral po kami ni Ma'am Yunice at malapit po kami kay Kuya Gio. Tuwing nasa San Antonio po siya ay binibisita niya kami ni Ate Mina. Wala raw po kasi siyang kapatid kaya kapatid po ang turing niya sa amin."

Bahagya naman akong napatigil dahil sa sinabi niya nang may maisip.

All my life I treated Gio not just my best friend, but like my brother. Hearing these words from these two girls that he treated like his sisters, I realized that he never looked at me as a sibling. Dahil kung kapatid ang turing niya sa akin noon pa man ay hindi niya mafe-feel na wala siyang kapatid dahil nandoon ako sa tabi niya lagi.

"Ah, eh... Huwag ninyo po sanang mamasamain kung tatanungin ko po kung saan ang tungo ninyo," nag-aalangang sabi ni Mina sa akin. "Mukha po kasi kayong aalis."

Napatingin naman ako sa aking suot. I was just wearing a simple tee and shorts like what I usually wear at home. Siguro ay nang dahil sa dala kong satchel bag ay naisip nilang aalis ako.

"Pupunta kasi ako sa bahay namin para kuhanin ang iba kong gamit. Kakalipat lang kasi namin dito kagabi ni Gio," paliwanag ko sa kanila.

"Sabi nga po ni Kuya Gio kanina sa amin. Kahapon daw po ang kasal ninyong dalawa! Sayang nga po at hindi kami nakadalo," nanghihinayang sa sabi nito. "Paniguradong engrande iyon at napakaganda!"

I smiled while reminiscing our wedding yesterday. Yes, they're right. It was very beautiful and grand like a fairytale wedding. I appreciated it, but I wasn't able to enjoy it that much.

"Gusto ninyo po ba munang kumain bago umalis, Ma'am Dianarra?" Wenna asked me. "Nagluto po kasi kami ni Ate ng tanghalian mo po."

Mas lalong lumapad ang aking ngiti at saka tumango. "Oo naman!" sagot ko. "At huwag ninyo na akong tawagin na Ma'am. Kahit Ate Iarra na lang lalo na't kapatid naman pala ang turing sa inyo ni Gio. Ituring ninyo na lang din akong kapatid."

Hindi ako magkandaugaga sa kakapili ng aking kakainin dahil maraming pagkain ang nakalatag sa hapagkainan. Inaya ko na rin silang sabayan ako sa pagkain para may makasama ako at may katulong umubos ng mga niluto nila.

"Anong oras nga pala umalis ang Kuya Gio ninyo?" tanong ko sa kanila habang nasa gitna ng pagkain.

Uminom naman si Mina ng tubig bago sinagot ang aking tanong. "Alas-singko y media kami dumating dito kanina. Siguro'y mga alas-sais ay nakaalis na siya."

I just nodded and ate my brunch. After eating, I left the siblings in charged with the mansion. Gaya nga ng sinabi ni Gio ay nakita ko ang aking sasakyan sa garahe. Kinuha ko na kanina sa kuwarto ang susi ng sasakyan para may magamit ako. Halos tatlong minuto lang nang lumipas ay nakarating na ako sa aming mansyon.

"Kuya..." I smiled at my brother when I saw him in the living room and kissed him on his cheeks.

Mabilis kong inikot ang paningin ko sa aming tahanan at napansin na masyado itong tahimik ngayon. Simula noong dumating sina Ate Rain at Dhan, pati na rin si Arianne ay naging maingay ang tahanan dahil sa mga makukulit na bata.

"Where are they?" I asked him.

"Pumunta sila ng Tanawan," sagot ni Kuya. "Ate Ariana took the kids out for a stroll with Rain. Mama's working in the plantation."

"How about Kuya Jameson? Nasaan siya?" sunod kong tanong.

"He left for Manila early in the morning. May mga trabaho siyang kailangang balikan. Sina Ate Ariana at Arianne ay susunod na sa makalawa," sabi niya. "Anyway, you're here for your things, right?"

Ngumuso ako at tumango-tango. "Dito na rin sana muna ako ngayong araw."

"Uhuh... Gio told me that that's your plan for today..." Kuya Diego simply said. "Napaayos ko na ang iba mong gamit at nasa kuwarto mo. I don't think your things will fit your car's compartment. Should I get our van ready?"

"Huwag na, Kuya..." pagtanggi ko. "Hindi ko naman balak ilipat ang lahat ng gamit ko. Magtitira ako rito para kapag gusto kong dumito matulog ay hindi ko na kailangan pang magdala ng gamit."

Kuya Diego creased his forehead and crossed his arms. "Don't tell me you're planning to leave your husband at your home and stay here when you feel like it."

I bit my lower lip, slightly guilty because he was actually right.

"Iarra, mag-asawa na kayong dalawa ni Gio," sabi niya sa akin na para bang nakalimutan ko na agad ang bagay na 'yon kahit na kahapon lang kami ikinasal.

"I know, Kuya..." I exhaled a deep breath. "But I know that you're aware of my current relationship with Gio. It's not the same as before."

"As far as I can see it, Iarra, there's not much difference on how Gio treats you. It is you who changed completely," Kuya Diego told me without hesitation like he was accusing me of something very bad.

I felt so guilty and offended at the same time. Para akong binaril ni Kuya Diego sa kanyang sinabi at direkta itong tumama sa aking dibdib. Pakiramdam ko'y mayroong gumuho sa aking loob pero hindi ko lang matukoy kung ano.

For the first time in my life, my older brother didn't side with me. I didn't know how he managed to tell me that without thinking about my feelings. Noon, kapag may ginagawa akong mali ay tinitimbang niya muna ang kanyang sasabihin because he didn't want hurt me. Ngayon, para bang wala siyang pakialam kung masaktan man ako sa kanyang mga salita lalo na nang makita ko ang emosyon sa kanyang mga mata.

"Look, Iarra... I understand that you're forced into marriage with Gio, but is it enough reason to forget everything he has done for you?"

My heart felt like it was being stabbed by a number of daggers. Memories spent with Gio since we were kids barged into my mind without permission that hurt me even more. Hindi ko sinasadyang balikan lahat ng ala-ala. Simula pa noon, katambal niya na si Kuya sa pagtatanggol at pag-aalaga sa akin. Nang umalis naman ang mga kapatid ko, he's all I ever have. Tuwing kailangan ko siya, kahit hindi ko siya tawagin ay kusa siyang lalapit sa akin. Every special event of my life and even ordinary days, he's always there.

"Alam ko ring nasasaktan ka sa nangyayari, Iarra, pero hindi mo ba makitang nasasaktan din si Gio? You're too blinded by your own pain that you can't even see his pain," patuloy si Kuya sa pamumulat sa aking mga mata sa mga bagay na dapat kong maintindihan.

My treacherous tears unwillingly fell and pooled in my eyes that blurred my sight.

"Alam mo, Iarra... Wala namang masamang makaramdam ng sakit pero huwag mo sanang alagaan at hayaang mamuhay kasama mo," walang tigil niyang sabi. "You know how much I love you and I don't want you to get hurt, but I just don't know why you're choosing to live with pain when you can choose to be happy."

Pirmi akong nakatingin kay Kuya at kita kong nahihirapan din siya habang kinakausap ako. Alam kong ayaw niyang nakikitang umiiyak ako pero ngayon ay siya ang dahilan kung bakit ako lumuluha. Ngunit kahit na gano'n ay hindi pa rin siya lumapit sa akin upang aluin ako gaya ng kanyang madalas na ginagawa.

He was trying so hard to stop himself from comforting me just to prove his point that he wasn't going to tolerate my recent actions.

"I understand that losing Silver is too much for you to take... but I'm sorry to say this but he'll never come back even if you keep on shutting down all the possibilities to be happy with the living just to be faithful and wait for him who's already in peace," he told me the most ruthless thing I can hear about Silver's death. "I'm very sorry for saying these things but I really want you to realize something. Kung kailangan kitang saktan para mabuksan ang puso at isipan mo ay gagawin ko dahil unti-unti ka nang nalalayo sa kung sino ka, Iarra."

My lips parted as my heart was completely ripped into pieces by the daggers that were not just stabbing me but were trying to cut through it a multiple times.

"You are my sister but right now, you are nothing like her..."

Continue Reading

You'll Also Like

1M 34.8K 76
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
365K 9.6K 43
| C O M P L E T E D | 21 JANUARY 2020 - 31 AUGUST 2020 | Stonehearts Series #7 | Ruby Carianne Barrameda isn't your typical girl. Fiery and captivat...
83K 2.3K 20
"I just love it when you look at me thinking that I don't notice." Rai's was the country's hottest rock band, and Bee was one of their thousands of f...
21.1K 1.1K 11
Weeks before her wedding day, Sydney found out the ultimate horror any bride to be would be afraid to face. Seeing her fiancé Jack in bed with someon...