Grieving Soul [#Wattys2019 Wi...

By nininininaaa

3.4M 79.2K 8.3K

[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexp... More

Grieving Soul
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 26

46.5K 1.2K 123
By nininininaaa

#GrievingSoulWP

Chapter 26
Hope

I was holding Gio's hand while he drove on the way to our mansion. I didn't want to let go of his hand because I was afraid that he might suddenly disappear if I did. Kahit ang aking mga mata ay hindi ko hinayaang malihis ang tingin sa kanya. I wouldn't even let it blink. Baka kasi namamalikmata lang ako. Dahil kung sakaling ganoon man ay susulitin ko na ang kathang-isip na 'to.

Hindi niya ako hinayaang magmaneho pauwi mag-isa. Iniwanan namin doon sa may tabi ng bangin ang aking sasakyan at kinuha niya sa akin ang susi nito bago ako isinakay sa kanya. Ibinalot niya pa ako sa tuwalya na nasa backseat habang siya'y basang-basa pa rin.

Silence reigned between us on the way home. Hindi ako nagsalita dahil ang gusto ko lamang gawin ay titigan siya at hindi niya rin ako kinausap dahil abala siya sa pagmamaneho. Kailangang magdoble ingat dahil malakas ang pagbagsak ng ulan at halos wala na siyang makita sa wind shield.

Mabuti na lamang ay nakauwi rin kaming ligtas. Sa bukana ng aming mansyon ay naroroon ang aking mga kapatid pati na rin si Mommy na pare-parehong nagpapakita ng pag-aalala.

Kahit patay na ang makina ng sasakyan at nakahinto ng maayos ay walang lumabas mula sa sasakyan. Hawak-hawak ko pa rin ang kanyang kamay at iyon siguro ang dahilan kung bakit hindi siya makalabas. Ayokong bitawan ang kanyang kamay. Natatakot ako.

Halos mapatalon ako nang biglang may kumatok sa pintuan. Nilingon ko ito at nakita si Kuya Diego sa labas na may hawak na payong.

Isang buntong hininga ang pinakawalan ni Gio na dahilan kung bakit ako muling napalingon sa kanya na nakatingin na sa akin gamit ang kanyang namumungay na mga mata.

"You have to go out now," he told me. "Your family's waiting."

Ngumuso ako at tiningnan ang aking kamay na nakahawak sa kanya. Pinaglaruan ko ang kanyang mga daliri bago muling nag-angat ng tingin. Nakaawang ang kanyang labi habang nakatingin sa akin at mas lalong pumungay ang kanyang mga mata

"Iiwanan mo ba ako ulit?" tanong ko sa kanya. "Uuwi ka na agad sa inyo?"

He shook his head. "I won't," he answered. "I'll come with you. If you want me to stay, I'll stay."

His words gave me so much assurance that it made me smile as I let go of his hand. Kinuha niya na rin ang susi ng kanyang sasakyan mula sa ignition at umambang bababa habang nakatingin sa akin.

"Mauna ka na. Susunod agad ako," sabi niya sa akin.

Tumango na lamang ako at saka binuksan na ang pintuan sa aking gawi. Agad akong inalalayan pababa ni Kuya Diego at inakbayan upang mas mapalapit sa kanya at hindi kami mabasa ng ulan. Nadinig ko rin ang pagbukas-sara ng pintuan ng sasakyan ngunit hindi ko na malingon si Gio dahil sa pirmi ng pagkakahawak sa akin ng aking kapatid.

Basta ang alam ko lang ay nakasunod siya ngayon sa amin at masaya na ako roon. That's all I needed right now and I thank him for giving into my pleas.

Mabilis na lumapit si Ate Ariana sa akin at sinalubong ako ng yakap. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Si Mommy naman ay nanatiling nakatingin lamang sa akin at mukhang mayroong pumipigil sa kanyang lumapit.

"Bakit bigla-bigla ka na lang umaalis?" tanong niya sa akin. "Nag-alala kami! We don't know where you went and knowing you're still emotionally unstable... Dianarra, don't ever do it again."

"Did you find her at the cliff, Gio?" Kuya Diego asked my best friend.

"Yes, Kuya..." he simply answered.

"Thank you for bringing her home, Gio," Mom sincerely thanked Gio.

"No problem, Tita," he said. "I also don't want anything bad happen to Iarra."

Nilingon ko si Gio at kita kong seryosong-seryoso siya habang nakikipag-usap ni Mommy. Ngayong nakikita ko siya ng mas maayos sa liwanag ay napuna ko na ang pagbabago sa kayang hitsura.

Gio looked even more mature now as his facial features became more define. I can also see his stuble that's almost visible, but it made him more handsome. Hindi ko inakalang mayroon pa pala siyang igu-guwapo dahil guwapo na siya noon pa. Bago pa lang siya umalis, kahit madalas kaming nagbibiruan ay aminado akong napakagandang lalaki niya.

Nang lumapat ang kanyang tingin sa akin ay agad lumambot ang kanyang seryoso at matigas na ekspresyon. Nginitian ko siya at isang tipid na ngiti ang kanyang ibinalik sa akin.

"Halika na sa loob at magpalit na muna kayo ng damit ni Iarra. Baka magkasakit pa kayo parehas," pag-aya ni Ate Ariana at nilingon si Kuya Diego. "Diego, pahiramin mo muna ng damit si Gio."

Tumango naman si Kuya Diego at inaya na si Gio papasok ng mansyon. Agad akong sumunod sa kanila ngunit nang pumasok ang dalawa sa kwarto ni Kuya Diego ay tumungo na ako sa aking kwarto. I took a quick hot bath and wore comfortable clothes. Bahagya ko ring inayos ang aking hitsura bago nagdesisyon na bumaba sa aming sala kung saan nandoon na silang lahat.

"So you really came all the way from England?" Ate Ariana curiously asked Gio. "You didn't stay in Manila for a while? Tito Emman's there with your mother."

Hindi ako tumuloy sa aking paglalakad papunta sa kanila upang tahimik munang makinig ng kanilang usapan. I feel like my presence won't let them talk much about other things since their attention and focus will be all on me.

"I stayed in Manila for about two hours to wait before I board my flight going here," sagot ni Gio.

"Do your parents know your home?" Mommy asked him.

"I already told my Mom about it before I booked my flight home," he said. "They'll come home next week. May kinakailangan lang silang tapusin ni Daddy sa Manila."

"How about your studies, Gio?" Si Kuya Diego naman ngayon ang nagtanong. "Paniguradong hindi ka pa tapos sa Masters mo. Kailan ang balik mo niyan sa England?"

It felt like my heart was being clenched by a fist while thinking of him leaving again. Kung nagawa ko siyang hayaang umalis noon, puwede bang pigilan ko na siya ngayon?

"Summer vacation namin ngayon sa England," sabi niya. "Titingnan ko pa kung kailan ako babalik... I'm not yet sure about it. Siguro ay depende sa kalagayan ni Iarra."

My lips parted when I heard his answer. Mas lalo kong itinago ang sarili ko para hindi nila mapansin ang aking presensya at pakikinig. Gusto kong marinig lahat ng kanyang sasabihin.

"Kalagayan ni Iarra?" Ramdam na ramdam ko ang pagiging kuryoso ni Ate Ariana sa kanyang boses.

"Don't tell me, Gio..." Si Kuya Diego. "Huwag mong sabihin na isa si Iarra sa mga dahilan kung bakit ka biglang umuwi ng Pilipinas?"

I bit my lower lip so hard that I can almost taste the blood from my lips while waiting for him to answer.

"She's the only reason why I came home," he corrected Kuya Diego's assumption that I'm only one of the reasons.

Hindi ko alam kung bakit kahit masaya ako na nandito siya ay labag din ito sa aking loob. A part of me was thankful and happy that he came home for me, but the remaining parts were feeling guilty because of it. Hindi biro ang ginawa niyang pag-uwi nang dahil sa akin lalo na't wala naman talaga siyang plano na ganoon. His plan was to stay there until he finishes his Masters and come home after.

"Gio, you didn't have to do that." I heard my mother told him. "We can take care of Iarra. Nandito ang kanyang mga kapatid para sa kanya."

"I'm very thankful that you're here for Iarra, but Mama's right, Gio..." sabi ni Ate. "Alam namin na marami kang ginagawa roon sa England. Nag-aaral ka pagkatapos ay ikaw rin ang nagpapatakpo ng lupain doon ng mga Valiente. You could have call Iarra instead to check on her."

I can't help but to agree with Ate Ariana. Gusto ko siyang manatili rito ngayon pero hindi rin maalis sa isipan ko ang mga naiwan niyang responsibilidad sa England.

"Alam ko po sa sarili ko na hindi ako mapapakali habang nasa ibang bansa ako at alam kong hindi maganda ang kalagayan niya. Hindi ako mapapanatag ng simpleng pagtawag lang," sabi niya. "I was able to leave her before because I know she's happy. I know Silver will take care of her because he loves her. But now, I know she needs me. At hanggang alam kong kailangan niya ako, hindi ako aalis."

Nanaig ang katahimikan sa kanilang lahat. Nagdesisyon na akong magpakita sa kanila dahil gusto ko na ring makausap at makasama si Gio nang kaming dalawa lang. I wanted us both to catch up on the things we missed about each other. Gusto kong malaman kung paano ang buhay niya sa ibang bansa at alam kong ganoon din naman siya sa akin.

The moment I showed up, I was able to catch all of their attention just like what I expected. Ang tingin kong agad na dumirekta kay Gio ay naputol nang lumapit si Ate Ariana sa akin.

"Gusto mo bang kumain, Iarra?" malambing niyang tanong sa akin. "Hindi ka nakakain kanina. You must be hungry."

Umiling naman ako at ngumiti sa kapatid. "I'm not feeling hungry," sabi ko. "Gusto ko lang sanang makausap si Gio nang kaming dalawa lang. Can we go up in my room?"

"Well, of course, that's no problem. Gio..." Nilingon ni Ate Ariana si Gio na nakatayo na at palapit sa aming dalawa.

Bahagyang tumabi si Ate Ariana nang makalapit na si Gio sa amin. Hindi ko mapigilan ang aking pagngiti tuwing nakikita ko siyang malapit sa akin dahil mas lalo kong napapatunayan na nandito nga siyang talaga.

"Hindi ka pa kumakain?" marahan niyang tanong sa akin at mukhang nadinig ang sinabi ni Ate.

"Wala akong gana..." tipid kong sagot.

"Still, you should eat," he said firmly.

Wala naman akong nagawa. Lumabi ako at saka tumango-tango bilang pagsang-ayon sa kanyang gustong mangyari.

"Ate, can I have my food in my room?" I asked my sister.

Ate Ariana smiled brightly as she nodded her head. "Of course!" she exclaimed. "Ipapasunod ko na kaagad sa katulong ang pagkain mo. May gusto ka rin ba Gio?"

"I'm fine with any juice, Ate Ariana," he answered.

Tumango-tango si Ate. "Oh, sige. Umakyat na kayo at ipapasunod ko na sa kwarto mo, Iarra."

"Thank you, Ate." I leaned forward to kiss her cheek before I averted my gaze to Gio. "Let's go?"

He immediately followed me to my room. His eyes briefly scanned the interior, maybe to check if there were any changes since he left. It's been two years since he last stayed in my room. The feeling of having him here again was so nostalgic.

Umupo siya sa couch sa loob ng aking kwarto at kita kong bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi nang mamataan ang litrato naming dalawa na nakasabit sa pader ng aking kwarto. Hindi nagtagal ay dumating na ang katulong dala ang aking pagkain at ang inumin na hiningi ni Gio.

Bago ko pa maayos ang aking pagkakainan ay inunahan na ako ni Gio. Siya na mismo ang nag-ayos ng pinggan at mga kubyertos na kakailanganin ko sa pagkain.

I can't believe that even if he was gone for two years and we had less communication, his actions towards me still didn't change. Hanggang ngayon ay maalaga pa rin siya sa akin at wala akong nararamdaman na pagkakaiba. Para bang hindi naman talaga kami nahiwalay sa isa't isa sa loob ng dalawang taon. Pero kapag naiisip ko kung gaano ko siya namiss ay doon ko lang nararamdaman ang tagal ng aming 'di pagkikita.

"Ang sweet mo pa rin..." Hindi ko na napigilan ang pagpuna na bahagyang nagpatigil sa kanyang pagkilos. "Ganyan ka rin ba sa girlfriend mo roon?"

He slightly smirked before he shook his head. "I don't have a girlfriend."

Napakunot ang aking noo. "Wala kang girlfriend o wala na?"

"Wala," simpleng sabi niya.

"Ever since you left, you weren't engaged in a relationship?"

I just can't find it in me to believe him. Up to now, he still wasn't able to find a girlfriend, and I just can't find any reason why.

Muli siyang umiling. "I tried..." sabi niya. "But I just really can't find myself interested. Nagfocus ako sa pag-aaral at sa pangangalaga ng lupa."

Kahit na nagpaliwanag na siya kung bakit hindi siya nagkaroon ng relasyon ay hindi pa rin ako makapaniwala. I'm sure that there are a lot of pretty and smart girls in England but none of them caught his interest. I suddenly wondered what kind of standard he has.

"Don't think about it too much," he snapped me from my thoughts and eyed my food. "Kumain ka na. Your brother told me that you're always skipping meals."

Tipid akong ngumiti at saka tingnan ang pagkain na nasa aking harapan. "Wala lang talaga akong gana..."

"That's not enough reason not to eat," he said and took over my spoon and fork.

Parang may humaplos sa aking puso nang ikuha niya ako ng pagkain. Inilapit niya ito sa aking bibig gaya ng kanyang madalas na ginagawa noon kapag may sakit ako.

Instead of eating what he got for me, I found myself staring at his eyes. One glance at those eyes, I can already see that he's concerned and worried about me. Mas lalo ko tuloy naramdaman ang konsensiyang naramdaman ko kanina.

Mukhang napansin niya ang aking pagtitig sa kanya at unti-unti niyang ibinaba ang hawak na kutsara bago nag-iwas ng tingin.

Suminghap naman ako bago nagdesisyon na muling magsalita. "Narinig ko kanina ang usapan ninyo sa baba..." pag-amin ko. "Talaga bang umuwi ka rito nang dahil lang sa akin?"

Ibinalik niya ang kanyang tingin sa akin. Hindi na nawala ang pamumungay ng kanyang mga mata at halos malasing na ako sa kakatitig dito.

"Yes..." he answered without any hesitation.

I slightly bowed my head and smiled to myself. "I'm happy that you're here but at the same time, I'm feeling guilty, Gio..."

"This is what I want to do, Iarra," he told me. "Kapag alam kong kailangan mo ako, uuwi at uuwi ako. Walang makakapigil sa akin. You should know that already."

Muling namuo ang luha sa aking mga mata dahil alam kong kailangan ko nang buksan ang usapan na sensitibo ang aking isipan at puso.

"Paano mo nalaman ang balita?" tahimik kong tanong sa kanya na halos walang lumabas na boses mula sa akin.

"My mama told me," he answered. "Tumawag ang Kuya Diego mo kay Tita Arissa noong gabing 'yon at naikuwento niya kay daddy. Agad na sinabi sa akin ni mama dahil alam niyang gugustuhin kong malaman ang balitang 'yon."

I exhaled a deep sigh as the tears started to flow naturally.

Mahirap mang ikuwento sa iba ang nararamdaman ko patungkol sa nangyari pero alam kong kailangan iyong malaman ni Gio. And besides, when it comes to him, nagiging madali para sa akin ang lahat.

"We were about to start a family together," sabi ko. "Ayaw ni Mommy sa kanya pero magtatanan sana kami sa tulong nina Ate Ariana at Kuya Diego. Just when I was about to tell him the plan, his number suddenly cannot be contacted. Pagkatapos no'n, sobrang bilis ng pangyayari. Tinawagan ako ni Tito Ben at sinabi niya nasa ospital sila. Nang makarating ako, doon ko napag-alaman ang nangyari."

Naramdaman ko ang paghawak ni Gio sa aking kamay at hinayaan niya lamang ako na magkuwento sa kanya.

"I love him so much that I refused to believe he's gone already..." I cried softly. "Ayokong maniwala na patay na siya. I asked the forensic team to identify the body. The results aren't out yet. Ang sabi ay tatagal ng halos dalawang buwan at hanggang ngayon, until it's not yet proven, I will still believe that he's alive."

I tried to look firm and brave even though tears wouldn't stop falling. Humigpit ang pagkakahawak ni Gio sa aking kamay at lumapit siya upang ipalupot ang kanyang braso sa aking bewang.

"I still have hopes, Gio..." I told him. "But knowing that he's nowhere to be found, I can't help but to lose another bit of hope. Malapit nang maubos ang pag-asang mayroon ako na baka sakaling buhay pa siya at hindi niya lang alam kung paano makauwi pabalik sa akin. Naisip ko rin na baka naaksidente siya at nagkaroon ng amnesia. Lahat ng puwedeng dahilan ay naisip ko na para lang mapanindigan kong buhay pa siya. Yet you found me there, with no more hope left in me to believe in until I saw you standing in front of me."

Nilingon ko siya at kahit mahirap ay nagawa kong ngumiti para sa aking pinakamamahal na kaibigan.

"Seeing you brought me hope, Gio," I said. "Because I know that I'm not alone anymore. I know that you'll be with me no matter what. That unlike the others, you'll support me with what I believe in. And that's already enough for me to hold on again."

He smiled even though just like me, I can visibly see the pain in his eyes. He slowly lifted up his hand and wiped away the tears on my face before leaning forward to press a soft kiss on my forehead.

"I promise I'll be here for you," he sincerely whispered. "You don't have to worry anymore. You have me."

Continue Reading

You'll Also Like

2.3K 231 40
As her pen bleeds, the pain in her heart vanished. _ COMPLETED. Cover : @hoexlut Banner : @aavocados Criticized : @thisisnxcxlx #StarAwards18k
9.9K 415 63
|| second installment of "habit series" || Solari Dominguez has a habit of biting her fingernails, especially at the times that she's nervous or guil...
668K 25.2K 29
Ang mga babaeng Salamanca ay para lamang sa mga lalaking Valleroso. Sina Arc at Lass ay ikinasal dahil sa tradisyon ng kanilang mga pamilya. Sa una p...
3.9M 104K 45
Sometimes, you do crazy things for the one you love. No matter how mean or absurd it is, gagawin mo pa rin. Kahit na magmukha kang masama. Kahit na s...