Maldita Princess (Completed)

De skycharm24

1.3M 38.9K 8.1K

Alexa Isabelle D. Rosales Story Mai multe

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue

Chapter 41

24.5K 870 392
De skycharm24

Alexa Isabelle

I SMILED as the Plane safely landed meaning nandito na ako sa Cebu. Tita Choleen arrived earlier at alam ko nasa Isabelle Royal na siya sa mga oras na ito. Nagpasundo ako sa driver namin, paglabas ko ng Airport ay nakaabang na siya.

" Welcome back Isabelle." ngumiti ako sa kanya. Kinuha naman niya ang mga gamit ko.

" Maraming salamat po Manong Ruel." matagal na siya sa amin at Pamilya na ang turing namin sa kanya pati narin ng iba pa naming kasama sa bahay.

" Nako' kanina ka pa inaantay ng pamangkin mo, hindi na nga mapakali iyong si Maui.." nakausap ko sila bago ako umalis ng Condo at excited na nga si Zhoe Maureen maging si Mommy.

Dadaan lang muna ako sa bahay bago pumunta ng Resort, darating sina Sam, maging si Michelle at ang kasintahan nito, mga kaibigan ko sila, they need to know. Gumawa narin ako ng paraan para makapunta si Perlita pero darating siya the day after the Party. I want to play with her a little bit, maraming atraso sakin ang hipon na yon, ano ba naman kung pagmukhain ko siyang tanga. Evil grin..

" Tita Isabelle!!" tumatakbong salubong sakin ni Maui ng makapasok na ako ng bahay.

" Hi Love, awwww! Namiss mo ba si Tita ng bongga?" pinanggigilan ko ang pisngi niya.

" Yes Tita, I miss you so so much.." si Zion naman ay nasa likuran nito at namimilog ang mga matang nakatingin sa amin. Pinakawalan ko ang kapatid niya at ibinukas ang mga kamay ko sa kanya.

" Tatata! " lumapit naman ito sa akin. Binuhat ko siya at inikot ikot, medyo may kabigatan si bunso.

" Mom! Ano bang pinapakain ni Ate dito sa anak niya, bato?" tumawa si Mommy habang papalapit sa amin.

" Hindi ka lang sanay buhatin si Zion.." binaba ko si bunso at siya naman ang niyakap." I miss you Mommy ko."

" I miss you too Isabelle. Hindi kayo nagpang abot ng Tita Choleen mo, galing siya dito kanina, nauna na siya sa Resort, she will talk to your Sister about your plan." maang na napatingin ako kay Mommy.

" Wala namang sinabi sa'kin si Tita about that Mom. What if Ate won't agree with it?" hindi pwedeng mauwi sa wala ang mga plano ko, lalo na at bukas na ang party.

" Nagaalala ka masyado, bakit naman hindi papayag ang Ate mo? Nagtataka kasi si Chloe dahil nakita niya ang guest list, she doesn't know this people at isa siya sa inatasan ng Daddy mo about sa Party." I need to be there kung ganon. What if hindi siya pumayag?

Isa sa mga sasakyan ni Dad ang ginamit ko, nagpaalam ako kay Mom at agad na nagdrive papuntang Isabelle Royal.

Panay ang bati sakin ng mga empleyado, agad kong hinanap sina Ate at nasa opisina niya sila ni Tita. Seryoso ang mga mukha nila kaya siguro hindi manlang nila namalayan ang pagpasok ko.

" What's with the face?" nakuha ko naman ang atensiyon nila. " Hey Ate, I miss you." my sister face softened, lumapit siya sakin saka ako niyakap.

" I miss you too Brat!" aniya. I whined, Hindi ako brat..

I was about to approached Tita Choleen nang.,

" Sit down Alexa Isabelle.," nagulat ako sa biglang pagseryoso ni Ate, tinanguan ako ni Tita, na para bang sinasabi niya na sumunod nalang.

" Bakit hindi mo manlang sinabi sakin? Mommy knows and also Mama? How about me? Can't you trust me para itago sakin ang mga nangyari sayo sa Manila." napakagat ako sa labi ko. Nanghingi ako ng back up kay Tita gamit ang mata..

" Anak, it's not like that, si Trisha ang nagsabi sakin at hindi ang kapatid mo and I understand kung bakit hindi niya magawang sabihin ito sa inyo lalo na kay Xander." ayoko ko lang silang bigyan pa ng alalahanin.

" You know Dad Ate, alam mong hindi niya malalagpasin ito, he's strict and stern pero alam mong ayaw na ayaw niyang nasasaktan tayo. Hindi ko din sinabi sayo dahil ayoko ng bigyan ka ng problema at alalahanin, maayos kana, finally masaya kana at ayokong sirain yon. I want to do this fight alone pero one day Tita Choleen came at nagpapasalamat ako dahil tinulungan niya ako. This will be over soon. I'm sorry." ayokong isipin ni Ate na hindi ko siya pinagkakatiwalaan.

" I'll leave you two alone. Wag kayong mag away." lumabas si Tita.

" Just make sure you won't put yourself in danger Isabelle and end up in jail. You could have told Dad about this, ayokong ipinapahamak mo ang sarili mo." alam kong nagaalala lang siya.

" I didn't do anything illegal Ate, I know better, this people need to pay for what they did to me. " I told her about the plan.

" Dapat nereport mo nalang ang mga yon sa Pulis, we have the best Lawyers at sigurado akong maipakukulong sila." mabuti nalang talaga hindi niya agad nalaman ang tungkol dito.

" That's way to easy Ate, bailable ang slander. Wag ka ng magworry, this will be over after the Party." natahimik ito.

" Mama told me about the Company, anong balak mo? Ipapasara mo ba?" umiling ako.

" No Ate, maraming tao ang umaasa sa kompanyang yon at may mga kaibigan akong nagtatrabaho doon. Pagkatapos ng Party, I'll talk to Dad about it, pwede naman nating palitan ang pangalan nito and put under RGC." para bukod sa Advertising, Exports, Real Estates Developing at RGC Hotels and Resorts, may Mall narin.

" Bakit kasi hindi mo nalang sinabi kung sino ka talaga?, in that way malalaman ng iba na mali ang mga naging paratang nila sayo. Wala silang karapatang saktan ka pero dapat hindi mo sila hinayaan." sadyang masama lang talaga ang budhi lalo na ng Dragona.

" Ayoko namang tanggapin nila ako dahil nagkataong mayaman pala ako Ate. I'm planning to tell Lorenzo the truth pero hindi niya ako binigyan ng pagkakataon. Hinusgahan ako ng unang lalaking minahal ko Ate. Hindi niya manlang nagawang pakinggan, ang mga paliwanag ko." bumabalik na naman ang sakit na pilit kong ibinabaon.

I blinked my eyes para iwasang maiyak. Hindi na ulit ako iiyak dahil sa kanya. Pero tuluyan lang pumatak ang mga luha ko ng yakapin ako ni Ate.

" I'm sorry Isabelle, hindi nangyari ang lahat ng ito kung hindi dahil sakin. Umalis noon dahil sakin, ako ang dahilan kung bakit pinili mong lumayo. " umiling ako.

" Wala kang kasalanan Ate, desisyon ko na umalis. Nakatulong din naman sakin ng malaki ang mga nangyari. Kalimutan na natin yon. Wag ka ng magalala, hindi naman ako papatay ng tao." biro ko. Pinahid ko narin ang mga luha ko. She's crying too..

" I can't wait to meet this people lalo na yong Lorenzo, malay mo pagkatapos ng lahat ng ito, magkaayos pa kayo." aniya. I rolled my eyes.

Para siyang si Mommy. Sinabi ko na nga na sinaktan at lahat ako ni Leviste, interesado parin silang makilala siya.

" Hindi mangyayari yang sinasabi mo Ate." hindi naman kasi nila alam ang panglalapastangan sakin ni Lorenzo.
" I'm hungry.." pagiiba ko sa usapan.

" Let's go home, for sure naghanda si Mommy ng tanghalian at umuwi ka." kinuha niya ang bag at hinila ako palabas. " I miss you Isabelle.." pinangigilan ni Ate ang pisngi ko.

" Ewww, laway Ate.." pinahiran ko ang pisngi ko gamit ang palad ko. Pero namiss ko din siya. Minsan mas masarap nalang maging bata gaya ng dati, magkakasama lang kaming naglalaro at walang inaalala sa buhay.

Paguwi namin ay amoy ko na agad ang mga pagkain mula sa sala. Iniwan ko si Ate at mabilis na tinungo ang dinning area.

" Wow Fiesta!" lalo akong ginutom sa mga inihanda ni Mommy na nakaayos na sa lamesa. " OMG Sinigang! Let's eat!" hinagilap ko ang hand sanitizer sa bag ko at naglagay saka mabilis na umupo sa dating pwesto ko.

" Tsk! Tsk! Wala ka paring pinagbago anak, basta pagkain ikaw parin ang nangunguna." hinalikan ako ni Dad sa ulo.

" Hi Dad, nasaan na ba sila?" pinagkiskis ko ang dalawa kong palad.

" Tag gutom ba sa Manila Ate Isang? Gutom na gutom ka ah?" kinurot ko ang pisngi ni Xhan ng lumapit siya sakin para humalik sa pisngi ko.
" Aray! aray! Biro lang.." umupo na siya tabi ko.

Dumating naman si Ian na senenyasan lang ako. Hindi ako namiss ng kakambal ko?

Magkasabay naman si Ate at Mommy.

" Finally! " I said and start the prayer before meal.

" Amen!" sabay sabay na sagot nila pagkatapos ko.

Nilagyan ako ni Mommy ng kanin sa plato ko habang busy ako sa paglagay ng Sinigang ng Pork sa bowl ko.

Nilagyan naman ako ni Dad ng inihaw na talaba at isang stick ng barbecue. Nag umpisa na akong kumain.
" Waahhh, namiss ko to, this is heaven.." nabitin ang kamay ko sa pagsubong muli ng mapansing nasakin lahat ang mata nila. " What? I'm hungry and I miss this.." inabot ko din ang Binagoongang Baboy at kumuha.

Nagtawanan sila lalo na si Xhan.

" Tigilan n'yo si Isha, wag mo ng pansinin ang mga kapatid mo anak, kain lang ng kain." ngumiti ako kay Mommy.

" Ate nasan nga pala sina Maui at Zion? " pati si Kuya Zaide wala.

" Tapos na kumain ang mga bata, nasa kwarto at pinapatulog ni May." si Mommy ang sumagot.

Nagkibit balikat nalang ako saka pinagpatuloy ang pagkain. Halos hindi ako makahinga ng matapos ako.

" I'm so full., I can't walk.." sabay himas ko sa tiyan ko. Napalabi ako ng magtawanan silang lahat.

Bandang alastres ay may nagsidatingan na mga Photographers at Stylists. Kukunan daw nila kami ng Family Pictures. I was about to ask Ate Chloe kung nasan ang asawa niya pero bigla namang dumating si Kuya Zaide.

Gagamitin daw nila ang mga pictures bukas sa Party.

Si Abby ang inutusan kong sumundo kina Sam sa Airport. Pagkatapos ng pictorial ay bumalik ako sa Isabelle Royal. Inantay ko nalang sila sa Lobby, nagtext sakin si Abby na malapit na sila. Nakahanda narin ang mga kwartong gagamitin nila.

" Alex!" tili ni Sam at sinugod ako ng yakap, ganon din si Cindy.

Binigyan sila ng Welcome drinks, isa isa.

" Ang ganda ganda naman dito Alex. Salamat at niyaya mo kaming magbakasyon dito." si Cindy.

Nginitian ko sina Anton at Willy.

" Matagal ko na kayong gustong dalhin dito kaso busy naman ako sa branch nitong Resort sa Manila." ang alam nila nagtatarabaho lang ako sa Zhoe Grand..

Sinamahan ko na muna sila sa magiging kwarto nila. Ang dalawang girls ang magkasama sa iisang kwarto at ganon din sina Willy at Anton. Bahala na sila kung gusto nilang magpalitan.

" Biruin mo, may Paraiso palang itinatago itong si Alex. " naglakad lakad kami sa front beach.

" Excited na kami sa Party bukas Alex. Ayos lang ba talaga na pumunta kami?, sabi mo kasi Anniversary ng kompanyang pinagtatrabahuhan mo yon baka naman exclusive lang sa inyo? "

" Ayos lang Sam, kasama n'yo naman ako." kahit sinabi nila na naniniwala silang nagsasabi ako ng totoo, alam kong may kaunti silang pagdududa at bukas ay malalaman nila na kahit kailan hindi ko ginamit ang kaibigan nila para sa pera.

Bukas ng umaga ang dating nila Mitch at ng mga Leviste. May Island activities akong pinahanda buong umaga para kina Sam kaya walang chance na magkita sila nina Lorenzo, gusto kong sa Party na sila magkita kita.

I can't wait to see the look in their faces lalo na ng Dragona. Ayaw niyang aminin ang totoo sa anak niya pwes ipapakita ko kanya kung gaano siya kasinungaling..

Lorenzo

Kagaya ng bilin ni Mrs. Velasquez ay naka private plane nga kaming lumipad from Manila to Cebu.

" Napakayaman siguro talaga ng kompanyang iyon para ma afford ang lahat ng ito." si Mommy. Hindi ko alam kung manhid ba siya o binabalewaa niya lang ang coldness na pinapakita ko sa kanya.

" RGC is one of the richest company here in Cebu, pagmamayari nila ang tatlong pinakamalaking Resort at dalawang Hotel dito sa South." sagot ni Dad.

Mayaman nga ang mga ito kung ganon, idagdag pa ang pagiging Developer ng mga ito ng Real Estates.

Paglabas ng Airport ay sinundo kami ng Shuttle service na may pangalan Isabelle Royal. Pinili kong pumwesto sa unahan katabi ng driver ng Van.

" Malayo pa po ba tayo?" tanong ko.

" Mabilis lang po ang byahe Sir, wala pang kalahating oras nasa Resort na tayo. " sagot niya, napansin ko na may punto ang tagalog niya.

Pinagmasdan ko nalang ang dinadaanan namin. Sa malayo ay tanaw ko ang malawak na dagat. Sariwa ang hangin kaya hindi gaanong ramdam ang init ng sikat ng araw.

" Nandito na po tayo Sir." sinalubong kami ng magagandang dalaga na may dalang sa tingin ko ay Iced Tea.

" Welcome to Isabelle Royal Ma'am and Sir's. Welcome drinks po. " hindi ako nagkamali magaganda nga ang mga Cebuana. Kahit si Dad ay pinandilatan ni Mom, panay kasi ang sulyap nito sa mga babaeng nasa Frontdesk. Pinaghintay nila kami sandali habang inaayos ang pagcheck in.

Nabaling ang tingin ko sa babaeng ngayon ay papalapit sa kinauupuan namin. Napakaganda niya.
" Good morning, my name is Chloe Alexandria R. Mondejo, the Resort Manager. I would like to personally welcome you all, may you enjoy your stay." agad akong napatayo at nag abot ng kamay sa kanya.

" Lorenzo Leviste.." napansin ko ang bahagyang pagdikit ng kilay niya pero agad namang ngumiti saka tinanggap ang pakikipagkamay ko.

" Napakaganda.." niya..

" I'm sorry.." namalayan ko nalang na hawak ko pa pala ang kamay niya.

" Napakaganda,o-oo dito sa-sa Resort ninyo.." napakamot ako sa batok ko.

Ngumiti lang siya ulit.

May tinawag ito " Hazel, pakisamahan na sila sa magiging kwarto nila. Mr. Leviste, lunch will be ready after 30 minutes. Mrs. Velasquez will join you." yumuko ito saka umalis.

" Ang ganda ng Manager ninyo." kinausap ko yong Hazel.

" Maganda po talaga si Ma'am Chloe' Sir, kaso may asawa na po yon at dalawang anak." narinig kong tumawa si Dad maging ang Bellboy na kasama namin.

" Ganon ba, sayang naman nahuli ako ng dating." namula siya ng kinindatan ko siya.

" Jeezz Lorenzo, will you stop messing with random girls. " saway ni Mommy sakin. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili ko.

Maging si Hazel na kanina ay nakangiti biglang nagseryoso. Magkatapat lang ang mga kwarto namin.

Pagkatapos ng kalahating oras ay bumaba na kami. Naroon na nga at naghihintay samin si Mrs. Velasquez.

Binati niya kami nina Mom at Dad. Napatingin ako sa mga pagkaing nakahanda sa lamesa.

" Ang dami naman yata nito Choleen.." tinawag siya ni Mom sa first name niya.

" Lianne.." saway ni Dad kay Mommy.

" Ipinahanda ko talaga yan para sa inyo Lianne, ayos lang ba kung tawagin din kita sa pangalan mo? Ikaw din Lorenzo, you can call me Tita Choleen." nakangiti niyang sabi.

" Narinig mo Reynaldo, wala naman tayo sa opisina kaya ayos lang na hindi masyadong pormal." si Mommy talaga.

Maraming ibang guest na kasabay naming kumakain, peron kahit maraming tao ay maganda ang temperatura at maaliwalas ang lugar.

" Seven ang start ng Party mamayang Gabi, pwede kayong mamasyal at magikot ikot sa buong Resort, mahaba pa naman ang oras. " kapansin pansin na galing sa may kayang Pamilya si Mrs. Velasquez, hindi ako magtataka kung kamaganak niya ang owner nitong Resort, pino itong kumilos kahit maging sa panguya ng pagkain.

" I'd rather rest and prepare myself for the Party Choleen, may ibang araw pa naman para mamasyal." noong isang araw pa excited si Mom sa magaganap na Party.

Pagkatapos naming naglunch ay bumalik sina Dad sa kwarto. Naglakad lakad ako para matunaw ang kinain ko. Ang swerte ng owner nitong Paraisong ito, kumikita na siya libre pa ang bakasyunan nila ng Pamilya niya. May namataan akong isang Pamilya, naalala ko si Alena. Masaya ako na nagkaayos na kami. Hindi ko parin nakakausap si Mommy about sa ginawa niya. Kahit ano paman ang intensiyon niya, mali parin na pinakialaman niya ang buhay ko. Kakausapin ko siya bago kami bumalik ng Manila.

Bumalik ako sa kwarto at pinaplantsa ang dala kong tux sa Laundry. Nalukot ito sa loob ng Maleta ko.

Naisipan kong maidlip, binulabog naman ako ng katok sa pintuan, tapos na pala plantsahin ang damit ng gagamitin ko sa Party. Mga kalahating oras akong nagbabad sa Jacuzzi saka tuluyang naghanda. Nauna na akong lumabas kina Mommy. Alam kong matatagalan pa sila, knowing Mom.

Party...

Malawak ang Function Hall ng Resort, magarbo at elegante ang ayos ng buong lugar. May malaking Projector sa harap kung saan may nakalagay na Welcome to RGC's Golden Anniversary. May ilan akong namataang Businessman na narito, kilala sila kaya madaling tandaan ang mga mukha nila.

" Enzo?" napalingon ako ng may tumawag sakin..

" Willy? Anong ginagawa mo dito?" lumitaw si Sam, Cindy at Anton sa tabi nito.

" Ikaw? Anong ginagawa mo dito?" si Anton.

" Hi Mr. L.."

" Mitch? Ikaw din? Anong ginagawa mo dito?" kasama pa nito si Leo, isa sa mga empleyado ko. Kaya ba nakaleave si Michelle?

Bago paman sila makasagot ay may lumapit saming usherettes at dinala kami sa mga tables namin.

" Hi Enz.." pati si Hailey ay nandito rin. Kasabay nito sina Mom at Dad. Iisa ang table naming apat. Sina Willy naman ay nasa bandang likod namin.

Biglang nagdilim ang venue, tanging ilaw lang ng Projector at mga bombilya sa stage ang nakasindi.

" Ladies and Gentlemen welcome to Rosales Group of Companies Golden Anniversary." nagsalita ang Host.

Binanggit nito ang History ng kompanya, kung paano ito pinagsumikapang itaguyod ni Mr. Alex Rosales Sr. hanggang ipinasa sa anak nitong si Alex Jr. at ngayon ay nasa pamamahala na ng anak na si Alexander Rosales ang CEO ng kompanya.

I felt weird dahil panay ang banggit nila ng pangalang Alex. Tsk!

Tinawag ng Host si Mr. Rosales.

" A warm welcome and good evening  to all the guests, friends, my family, of course to our dynamic employees I thank all the esteemed personalities who have taken their time out to attend this occasion. It’s is my great pride to see our company growing and achieving more than what we have ever thought of.  Often, I have been asked as to what is the reason behind the success of our  RGC and what’s its biggest strength is and I always have one impromptu reply, My employees.
It doesn't matter where you go in life or what you achieve, or what you do - what matters most is who you have beside you along the way!" Nagpalakpakan ang mga empleyado nilang narito. " Last but not the least, I have to thank my Dad for teaching me everything up to now in running the Company and mom for the immense pillar of support, they have been. To my beautiful and loving wife, Trisha Alexis Rosales, thank you for standing behind me and help me in fighting against all the odds, no words to express my gratitude for your relentless love and support. To my youngest Xhandrei, thank you for bringing joy to our Family. I love you son." lumabas ang isang ang marahi ay asawa kasama ang anak.

Kuno't noong tinitigan ko ang malaking Projector, si Mrs. Velasquez?  Pero bakit iba ang pangalang binanggit kanina?

" To my children, who's been a great additions to the Company, Chloe Alexandria my eldest, the current Vice president of Operations and my other son, Troy Adrian the President of the company, thank you for your extraordinary dedication on bringing this company to greater heights. I take pride to say that the future of RGC is in good hands." anakpala niya ang magandang Manager ng Resort.

" Five months ago, Ian's twin sister also join the company. As we celebrate  the 50 golden years of this Business, I would like to introduce to you your 2nd Vice President for Operation and the current General Manager of Zhoe Grand Hotel, my lovely daughter Alexa Isabelle De Luna Rosales." nagsitayuan ang mga ibang guest ng lumabas siya.

" Oh my Gaaaddd! Is that Alex?" saglit kong tinignan si Hailey na tila naistatwa at muling itinuon ang mata ko sa malaking Projector.

Si Alex nga...She's stunningly smiling to everyone but looks very intimidating. Niyakap ito ng Pamilya.

Anak siya ng CEO ng RGC at Vice President for Operation?

" Impossible! This is not happening! " nagpapanic na sabi ni Mommy.
" Hindi si Alex yan." aniya.

Paano ako magkakamali, si Alex ang nasa stage at ang totoong pangalan niya ay Alexa Isabelle.

Paanong mukhang pera ang isang anak mayamang gaya niya?

Liban nalang kung muli akong napaniwala sa mga kasinungalingan ni Mommy.

Itutuloy...

Hi guy's. Sorry sa mga typos at maling grammar. Wala akong time mag edit. Tell me your thoughts. Thankie..

Skycharm24 ♡♡♡

Continuă lectura

O să-ți placă și

15.4K 823 13
Camille Joy wants to end things with Jovert who she had once flirted with. However, she's still bothered by him. Desperate to get rid of Jovert, she...
2.2M 97.3K 32
(Yours Series # 5) Graciella Rae Arevalo just wants to love and be loved. She feels like she has a lot of love to give and she just wants her own per...
116K 5.3K 39
A woman with the highest degree of honor and pride would not allow a man with no dreams to ruin her wonderful life. Corazon Peters oath to show him w...
1.1M 36.1K 31
(Trope Series # 3) Arielle was contented living her quiet life. She's got a job that pays well, a place to live, eats three times a day, and had frie...