Grieving Soul [#Wattys2019 Wi...

By nininininaaa

3.3M 78.6K 8.2K

[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexp... More

Grieving Soul
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 25

44.2K 1.3K 129
By nininininaaa

#GrievingSoulWP

Chapter 25
Surreal

The cold wind was roughly blowing on me but I didn't mind the cold while I watched the sun set and the sky started to be painted with twilight colors from our veranda. I was tightly holding on to the wrist watch I gave Silver like it was the only thing where I could pull out strength to continue believing that he's not yet dead.

I refused to believe that he's already gone when we were just about to start living a life together under one roof; to exchange vows, promises and rings that will symbolize our eternal love; to create a family we once talked about.

"Iarra..."

I heard my brother called me but I didn't even bother turning to him. I didn't want to hear whatever he had to say.

"Silver's parents want to ask if you want to come with them. Magtitirik sila ng kandila at mag-aalay ng dasal para kay Silver kung saan nangyari ang aksidente," nagbabaka-sakaling sabi ni Kuya sa akin.

"Hindi ako pupunta," agap kong sabi habang diretsong nakatingin sa tanging tanawin na nagpapakalma sa akin ngayon.

I heard Kuya Diego deeply sighed. "You should be with them, Iarra," he encouraged me. "Just like them, you love Silver more than anything. You should be there while they set his soul free by praying for him. I know Silver would love it if you will be there."

"Hindi si Silver 'yon, Kuya..." mariin kong sabi kahit nagsisimula na ako ulit panghihinaan ng loob.

"Iarra..." Dinig ko na ang hirap sa boses ni Kuya upang ipaintidi sa akin ang gusto niyang maintindihan ko.

"Hangga't hindi pa lumalabas ang resulta, I will never believe that he's dead and gone," I firmly said.

"Dianarra, I know it's hard to accept everything that happened, lalo na't sobrang bilis ng mga pangyayari pero kailangan mong tanggapin ang katotohanan na wala na siya," sabi ni Kuya Diego at hindi pa rin sumusuko sa pagpapaintindi sa akin. "All the evidences found on the site leaded to him. His bag, IDs and other cards inside his wallet, the watch that you gave him... And he's missing ever since that night. It's been two days. He's nowhere to be found—"

"Hindi pa siya patay, Kuya! Hindi pa! Hindi!"

I wasn't able to contain my feelings anymore. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak ko sa relos niya nang hinarap si Kuya Diego. Sumabog muli ang aking luha na akala ko'y ubos na.

Agad na lumapit si Kuya Diego sa akin. Binalot niya ako ng mainit na yakap habang nakahalik sa aking ulo.

"I'm sorry..." he apologized and tried to comfort me. "Don't cry anymore please... Ibigay mo na lang kay Kuya ang sakit. Nasasaktan din ako kapag nakikita kitang nasasaktan."

Unti-unti nang sumusuko ang isipan ko at tinatanggap na ang sinasabi nilang wala na ang lalaking pinakamamahal ko ngunit ang puso ko ay lumalaban pa. Ang ginagawang pagtibok nito ay para sa kaunting pag-asa na hindi pa napapatunayang si Silver nga ang nasawi sa trahedyang nangyari. Hindi ko alam kung paano pa ako kakapit sa aking buhay kung sakaling mapatunayang wala na nga siyang talaga—ang lalaking gusto kong makasama habang buhay. Hindi ko talaga alam...

"Iarra, kumain ka na. Lalamig ang pagkain," sabi sa akin ni Ate Ariana.

Tulala lamang ako sa aking pinggan habang nilalaro ko ang pagkain na nilagay ko rito kanina bago muling lumutang at lumipad ang aking pag-iisip.

Nag-angat ako ng tingin sa kanilang dalawa ni Kuya Diego na mukhang kanina pa ako pinapanood na wala sa aking sarili. Napaisip tuloy ako kung kailan nila balak umuwi sa kani-kanilang mga pamilya.

"Hindi pa ba kayo uuwi sa Maynila, Ate, Kuya?" bigla kong tanong sa kanilang dalawa. "I'm sure your family misses you two already, especially my niece and nephew."

Kumunot ang noo ni Ate Ariana. "Why are you suddenly asking that, Iarra?" tanong niya sa akin. "Tingin mo ba'y makakaya naming iwanan ka nang ganyan ang lagay mo?"

"We won't leave until you're fine," Kuya Diego said with conviction. "Your Ate Rain and Dhan will be here on Saturday. They will stay here with me for a week or two."

Muli ko na namang naramdaman ang hiya para sa aking mga kapatid dahil nakukuha ko ang oras nila na dapat ay sa pamilya nila inaalay. I know I'm also their family, but they already have their own to take care of.

"Nandito po sila sa dining room, Señora." Dinig kong sabi ng isa naming kasambahay at para akong nanigas sa aking kinauupuan.

Nang maramdaman kong mayroong dumagdag na presensya sa hapag kainan ay bumigat ang aking pakiramdam. Tumayo sina Ate Ariana at Kuya Diego upang batiin ang aming ina habang ako'y nanatiling nakaupo at hinayaang mamuo ang galit sa aking sistema.

"Is she fine?" I heard her asked my siblings.

I gritted my teeth. Hindi ko kayang sikmurain na kunwari'y nag-aalala siya para sa akin. Paniguradong sa loob niya ay nagdidiwang siya dahil masusunod na ang kanyang gustong mangyari sa buhay ko. Masaya siguro siya na wala ng hadlang sa mga plano niya.

Padarag akong tumayo at napatigil naman sila sa pagsasalita. Alam kong nakuha ko na ang kanilang mga atensyon.

"Hindi na ako kakain," deklara ko. "I lost my appetite. Aakyat na ako at magpapahinga na lang."

Kinailangan kong dumaan sa kanilang harapan bago makalabas ng dining room kaya taas-noo akong naglakad paalis nang hindi nagpapakita ng kahit anong emosyon.

"Iarra..."

Napatigil ako sa paglalakad ng tawagin niya ako. Ang sakit at galit ay nagpamanhid na sa aking puso. Nilingon ko ang aking mahal na ina at diretso siyang tiningnan kahit nanlalabo na ang aking paningin dahil sa mga luhang nagbabadyang tumulo.

"Masaya ka na po ba?" mariing kong tanong sa kanya.

"Iarra, what are you talking about—"

"I bet you're so happy now that there's no more hindrance from your plan," sabi ko. "Siguro ay nagdidiwang ka dahil nawala na ang lalaking pinakamamahal ko. Tama ba? Pero huwag ka po masyadong magpakasaya, Mommy. It's not yet proven that he's dead."

"Ano ba'ng sinasabi mo, Iarra?" Hinawakan ako ni Kuya Diego sa aking braso at bahagyang inalog.

"Totoo naman, Kuya!" Nilingon ko si Kuya Diego kasabay nang pagbagsak ng aking luha. "Masaya na siya ngayon dahil wala ng hadlang sa mga plano niya para sa akin. Masaya siya ngayon dahil wala na si Silver!"

"I maybe cruel, but I never wished for anyone to die!" My mother exclaimed that made me keep quiet. "I'm not a devil who'll be happy because someone died. My only wish is to knock you out of your dreams and made you look at the reality. Wishing someone dead is way beyond me. Look... I'm so sorry for your lost and also his family. Nakikiramay ako, Iarra..."

Mabilis kong pinalis ang luha sa aking mga mata bago siya tiningnan muli ng taas-noo.

"I don't need your condolences, Mom. He's not yet dead," I firmly said before finally walking away.

Tumakbo ako patungo sa aking kwarto para iwanan ang cellphone at saka kinuha ang susi ng aking sasakyan. Kumuha rin ako ng jacket na aking isinuot dahil malamig ang simoy ng hanging ngayong gabi. Nang muli akong bumaba ay naririnig ko ang kanilang pag-uusap sa dining room. Dire-diretso lamang ako palabas ng aming mansyon.

Ang nakasalubong kong kasambahay ay hindi na naglakas-loob pang tanungin kung saan ang aking tungo at yumuko na lamang nang dumaan ako sa kanyang harapan.

I put the key into the car's ignition when I got inside the car and started the engine. I held onto the gearstick and wheel tightly before stepping on the gas to put the car in motion. Without looking back at our mansion, I quickly drove away and went to the place where I should be right now.

I slowed down my speed when I was approaching the cliff. Maingat kong itinabi ang aking sasakyan at pinatay ang makina bago lumabas.

There were no more traces from the accident that happened last, last night. Ang napakatibay na punong Narra ay kakaunti lamang ang pinakitang lamat ngunit may iilang parteng nasunog mula sa aksidenteng nangyari. Ibinaba ko ang aking tingin sa tatlong kandila sa ilalim ng puno na wala nang sindi. Siguro ay napatay na ito ng hangin.

Malamang ay ito ang mga kandilang sinindihan nina Tita Gold at Tito Ben kanina nang alayan nila ng dasal ang kanilang nag-iisang anak.

Slowly, I kneeled down in front of the sturdy tree. I bit my lower lip while trying to stop myself from crying but I failed to do so. Muling bumuhos ang aking luha habang iniisip kung paano nangyari ang aksidente. Gusto ko pa ring maniwala sa pinaniniwalaan ko pero tuwing naiisip kong hindi siya mahanap at wala sa tabi ko ay hindi ko mapigilang mawalan ng pag-asa.

Naalala ko noong unang beses niya akong dinala rito. Sinabi niya sa akin na kapag gusto niyang mapag-isa at makapag-isip-isip ay rito siya pumupunta. Ang isipin na ang lugar kung saan siya nakakaramdaman ng kapayapaan at doon din siya kinuha upang mas lalong malayo sa magulong mundo ay mas lalong nagpamulat sa akin sa katotohanan na wala na nga siya't hindi na kailanmang magbabalik pa.

"Silver, nasaan ka na?" mahina kong tanong sa gitna ng aking paghikbi. "Wala ka na ba talaga? Iniwan mo na ba talaga ako?"

Umihip ang malakas na hangin ngunit hindi ko na ininda ang lamig na bumalot sa akin. Narinig ko ang paglagaslas ng dahon at tangkay mula sa puno pati na rin ang mu-munting alon na humahampas sa bato sa ilalim ng bangin.

"Nasaan ka?!" sigaw ko. "Magpakita ka sa akin! Sabihin mong hindi totoong wala ka na! Sabihin mong hindi mo ako iiwan kahit ano'ng mangyari! Sabihin mong buhay ka pa! Sabihin mong mali lang sila... Silver..."

Tinukod ko ang aking dalawang kamay sa lupa at hinayaan kong tumulo ang bawat patak ng aking luha roon na tila parang ambon na walang tigil sa pagpatak.

"Mahal na mahal kita, Silver..." I sincerely said with all the love I have for him inside my heart.

Ang totoo ay alam ko na sa sarili ko ang katotohanan na talagang wala na siya ngunit pinipilit ko lang ang sarili ko na huwag maniwala at patuloy kong tinatanggi dahil hindi ko kayang tanggapin ang pagkawala niya.

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagtanggap gayong sariwa pa sa akin ang mga pangako sa isa't isa at mga plano para sa haharaping buhay na magkasama. Sobrang bilis din ng kanyang pagkawala at hindi ko man lang nagawang masilayan siya sa huling sandali. Hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya at nasabing mahal na mahal ko siya sa huling pagkakataon.

Wala akong kaalam-alam kung paano ulit sisimulan na mabuhay ng wala siya. Ang aking hinaharap ay naiplano ko nang kasama siya at ngayon ay magsisimula ulit ako sa wala.

I'm back to nothing. I'm back to being alone.

"Do you want me to come with you, Silver?" tanong ko gamit ang aking mahinang tinig. "Gusto mo bang makasama ako kung nasaan ka man ngayon? Kung iyon ang gusto mo ay walang pag-aalinlangan akong susunod at sasama sa'yo..."

The thunder suddenly roared before I felt raindrops suddenly rained on me. Noong una'y mahihina lamang ang pagpatak nito hanggang sa unti-unting lumakas at bumuhos na nang tuluyan ang ulan.

Kasama ng aking luha ay sabay na umagos ang bawat pagpatak ng ulan sa aking pisngi. Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan bago tumingala at sinalo ang tubig ulan na bumabagsak sa akin.

"Ayaw mo ba?" tanong ko kay Silver na para bang nakakausap ko siya ngayon. "Ayaw mo ba akong makasama kung nasaan ka ngayon?"

The thunder roared once again at the same time with the sound of the car's horn. Nadinig ko ang papalapit na pag-ugong ng sasakyan at agad ko itong nillingon. I can't see the car properly because of the lit headlights. Nasilaw ako sa liwanag nito at ginamit ang aking braso upang gawing pang-sanggi sa liwanag na tumatama sa aking mga mata.

Nakita kong bumukas ang pintuan ng sasakyan at nadinig ko rin ang pagsara nito. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makita ng maayos dahil hindi niya pinatay ang ilaw ng sasakyan.

Slowly, I saw a silhouette of a man approaching me with an umbrella. I anticipated every step he made to erase the distance between us.

Hinintay ko ang kanyang paglapit hanggang sa naramdaman ko ang pagtigil nang pagpatak ng ulan ngunit naririnig ko pa rin ang pagtama nito sa payong nang huminto sa aking harapan ang lalaking lumapit. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanyang mukha at napaawang ang aking bibig.

New sets of tears rushed down my cheeks the moment I laid my eyes on him. I was completely speechless while staring at him. It felt like I was dreaming or hallucinating because I couldn't seem to find him real until he offered his hand to me. He seemed so surreal.

"Let's go home, Iarra..." he said with a deep but soft voice.

Nanginginig kong iniabot ang aking kamay sa kanya upang mas lalong mapatunayan na totoo siya. Lumapat ang aking palad sa kanya at agad niya itong hinawakan ng mabuti. Nang naramdaman ko naman ang kanyang init sa gitna ng lamig ay napahagulgol ako bago mabilis na tumayo at itinapon ang sarili sa kanya.

Nabitawan niya ang payong na hawak upang mahawakan ang aking bewang gamit ang kanyang mga kamay at hindi kami mawalan ng balanse. Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at naamoy ang pamilyar na bango. Wala akong tigil sa paghingi ng salamat sa aking isipan dahil nandito siya ngayon sa aking harapan.

"I missed you, Gio..." I told him.

Continue Reading

You'll Also Like

11M 227K 57
Si Adrianna Grace Montgomery, isang modernong Maria Clara. A no boyfriend since birth, no first kiss and first love. Having a jaw dropping surname, s...
4M 88.1K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
7.5M 184K 45
"A woman who knows what she wants gets what she wants."
9.2M 202K 42
Kyle Vincent Villacruz's story.