Grieving Soul [#Wattys2019 Wi...

By nininininaaa

3.3M 78.7K 8.2K

[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexp... More

Grieving Soul
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 21

44.9K 1.1K 106
By nininininaaa

#GrievingSoulWP

Chapter 21
Transparent

Pinatakan ako ni Silver ng halik sa aking pisngi nang salubungin ko siya sa pintuan ng aminv mansyon. Ngumiti ako sa kanya bago binalikan ang aking inaayos na gamit sa sofa.

"Akala ko ay nandito ngayon si Gio?" tanong sa akin ni Silver habang inililibot ang tingin sa tanggapan.

Inayos ko ang aking mga importanteng gamit sa loob ng satchel bag. Nandito ngayon si Silver upang sunduin ako dahil pupunta kami ngayon sa kanila. Twenty first anniversary ngayon nina Tita Gold at Tito Ben kaya mayroong handaan sa kanila ngayon.

"He left ten minutes ago," I told him while I was still busy with my things.

"You didn't invite him?" he probed.

"I did..." I said and sighed. "He said his busy this afternoon. Alam mo naman. Unti-unti ng inililipat sa pangalan niya ang business nila kaya mas nagiging abala siya."

Inaamin kong hindi ako sanay na laging abala si Gio para sa business nila pero hindi ko naman siya masisisi. He's the only son of his parents. He'll be the one to inherit his family's legacy that's why he's giving all of his attention as much as possible. Madalas pa rin naman kaming magkasama lalo na sa eskuwelahan pero hindi kasing dalas ng dati. Mabuti na nga lang at nandito na si Silver.

Tumikhim si Silver. "Ang hirap din pala ng sitwasyon niya..."

Lumabi ako at inisip na paano kung maging katulad rin ako ni Gio na halos wala ng oras sa ibang bagay dahil kailangang pagtuunan ng pansin ang trabaho. Maiintindihan kaya ako ni Silver kapag dumating ang panahon na 'yon?

Sa loob ng anim na buwan naming magkarelasyon ay wala pang dumadating na problema sa aming dalawa. I thought my mother would be a huge problem when it comes to our relationship but she had no comment when I properly introduced Silver to him as my boyfriend. Hindi ko alam kung nakatulong ba na kasama namin si Gio nang umamin kami ni Silver kay Mommy o talagang hinayaan niya na lang ako kung saan ako masaya. My siblings are also very happy for the both of us, and they support me as long as I'm happy.

I really couldn't ask for more. This is all I need.

"May naikuwento nga pala sa akin si Gio kanina..."

Nang maalala ko ay muli kong naramdaman ang lungkot na naramdaman ko kanina.

"Ano 'yon?" kuryosong tanong ni Silver at umupo sa aking tabi.

Ang kanyang braso ay pumulupot sa aking bewang. Ipinatong niya ang kanyang baba sa aking balikat at bahagya ko naman siyang nilingon.

"Kilala mo si Orion, 'di ba?" tanong ko sa kanya.

"Yes..." he answered. "Nakakalaro ko siya noon kasama niya si Gio."

"Wala na sila ng girlfriend niya. Iyong si Naiyah na taga-rito rin sa Bela Isla," sabi ko. "Kinailangan kasing mag-aral ni Orion sa England. Umalis siya noong bakasyon. Ngayon, ay hiwalay na silang dalawa. Gio said Orion told him that Naiyah cheated on him."

Napabuntong hininga ako dahil hindi ko mahanap sa sarili ko ang maniwala sa nangyaring iyon. Tuwing binabalikan ko ang pagkakakilala ko kay Naiyah ay hindi ko lubos maisip na kaya niyang manloko at magmahal ng iba habang sila pa ni Orion.

"Bakit parang ayaw mong maniwala?" marahang tanong sa akin ni Silver.

"Dahil hindi ko maisip na kaya 'yong gawin ni Naiyah..." giit ko. "She's such a sweet and shy girl. She loves Orion selflessly. Nakausap ko siya dati at ramdam ko ang pagmamahal na mayroon siya para kay Orion."

"Maraming buwan na ang nagdaan at lumipas, Iarra..." sabi niya. "People change and it's inevitable. Sa loob ng maraming buwan na hindi sila magkasama ni Orion, hindi imposible na mangyari ang nangyari."

Kahit na sinubukan ni Silver na buksan ang aking isipan sa mga posibilidad ay hindi ko pa rin lubos maunawan ang rason ng kanilang paghihiwalay. Naisip ko tuloy na paano kung sa aming dalawa ni Silver nangyari 'yon.

I got goosebumps because I was already scared of the thought that one of us will cheat in the future.

Hinarap ko ng mabuti si Silver at mukhang nagulat siya sa aking ekspresyon na ipinakita. Bahagyang lumuwag ang pagkapulupot ng kanyang braso sa aking bewang dahil sa aking puwesto.

"Promise me, Silver," I told him while looking straight into his eyes. "Don't ever cheat on me."

"Iarra, what are you talking about? Hindi ko gagawin 'yon," agad niyang sabi.

"Just promise me," I insisted. "If ever you fall out of love, tell me and I'll let you go even if it will hurt me. Just don't cheat on me. Hindi ko 'yon kakayanin."

Tumango-tango naman siya at hinila akong muli upang yakapin. "Pangako..." bulong niya. "Kahit na hindi naman na kailangan dahil siguradong-sigurado ako sa nararamdaman ko para sa'yo. Pero para sa ikakapanatag ng loob mo, nangangako ako."

I was already contented with the promise and assurance he gave me. Napanatag na agad ang loob ko dahil sa kanyang mga salita lalo na nang makita ko ang sinseridad sa kanyang mga mata.

Kahit masakit, mas kaya kong tanggapin na magmahal siya ng iba nang wala na kami kaysa ang magmahal siya ng iba habang kami pa. Dahil kapag ganoon ang nangyari, alam kong doble o triple pa ang sakit na mararamdaman ko. Hindi pa kasama roon ang insekyuridad na maaari kong maramdaman dahil mas pinili niya ang iba kaysa sa akin.

I shook my head and tried to shrug the painful thoughts away.

I trust Silver so much. He's a man who always keeps his words. Nagawa niya nang mapatunayan iyon sa akin ng ilang beses sa loob ng anim na buwan ng aming relasyon.

Hindi na kami nagtagal pa sa bahay at tumungo na kami sa kanilang bahay sakay ang kanilang Tamiya. Mayroong malaking tent sa bakuran ng kanilang bahay at may mga nakahandang lamesa at upuan. Medyo marami na ang bisita na nagkakasiyahan habang kumakain. Mayroon ding videoke at nagkakantahan ang ilang mga nakakatanda ng mga makalumang kanta na minsan kong naririnig sa mga radyo.

"Ang dami pa lang bisita..." nahihiya kong sabi kay Silver nang patayin niya ang makina.

"Nasa labas lang naman sila. Doon tayo sa loob ng bahay para hindi ka mahiya..." nakangiti niyang sabi sa akin.

Hinawakan niya ang aking kamay ng mahigpit nang makababa kami sa sasakyan. Naglakad kami papasok at binabati siya ng mga bisita ng kanyang mga magulang. Ang ibang nakakakilala sa akin ay hindi makapaniwala at hindi ako magawang batiin kaya nginingitian ko na lamang sila bilang pag-galang sa kanilang presensya.

"Iyan ang bunso ng mga Montealegre..." Dinig kong bulong ng isang matanda.

I bit my lower lip and just watched my steps. Hindi ko alam kung ano ang iniisip nila patungkol sa akin ngayon pero sana ay hindi na nila ako pag-usapan pa.

Pagkapasok namin ng bahay ay magkahawak kamay na nakaupo sa sofa sina Tita Gold at Tito Ben habang kausap si Mayor Julian Valiente na mayroong dalawang bodyguards sa gilid. I've seen and met him a few times. Siya ang kapatid ng ama ni Orion kung hindi ako nagkakamali.

"Pa..." pagtawag ni Silver sa atensyon ni Tito Ben na agad nag-angat ng tingin sa amin.

Lumingon din sa amin ang mayor at agad nagtama ang tingin namin. Bahagyang naningkit ang kanyang mga mata habang nakatingin sa akin. Siguro ay namumukhaan niya ako.

Mabilis ang paglapit ni Tita Gold sa akin at hinalikan ako sa aking pisngi. Ngumiti ako sa kanya at bumati. Lumapit din si Tito Ben sa amin bago muling hinarap ang mayor.

"Mayor Valiente, siya nga pala, ito ang aming nag-iisang anak. Si Silver Melendrez," pakilala ni Tito Ben sa kanyang anak bago sumulyap sa akin. "Kasama niya ang kanyang kasintahan. Si—"

"Dianarra Montealegre," Mayor Valiente cut him off and smiled at me. "I'm friends with her parents. Madalas ko rin siyang makita sa iilang pagtitipon ng aming pamilya. You're the girl who's always with Emilgio, right?"

Tumango naman ako. "Best friend ko po si Gio."

Mas lalo siyang napangiti. "Sabi na nga ba at tama ako," simpleng sabi niya at hinarap muli sina Tita Gold at Tito Ben. "Well, I better go now. Mayroon pa akong dadaluhan na meeting sa munisipyo. Maraming salamat sa pag-iimbita sa akin, Kapitan."

"Walang anuman, Mayor. Masaya kaming nakadalo kayo," sabi ni Tito Ben at nakipagkamay kay Mayor Valiente.

Nagpaalam din siya sa aming dalawa ni Silver bago tuluyang lumabas. Pinanood ko siyang panandaliang nakihalubilo sa mga tao sa labas bago dumiretso sa kanyang magarang sasakyan at umalis.

Umupo naman kami ni Silver sa kanilang sofa at inihanda ni Tito Ben ang mga pagkain sa coffee table sa aming harapan bago nilabas ang mga bisita kasama ni Tita Gold. Humilig papalapit sa akin si Silver habang kinukuhanan ako ng pagkain sa plato.

"Mukhang kilalang-kilala ka talaga ng mga kamag-anak ni Gio," sabi ni Silver.

"Madalas akong sinasama ni Gio sa family events nila at minsan ay imbitado rin ang pamilya namin," paliwanag ko kay Silver. "I'm familiar with his family but I'm that not close. Ang masasabi ko lang na kaclose ko talaga ay sila ni Tita Yunice pati na rin sina Orion at Emma. The rest, I'm just acquainted with them."

Tumango-tango na lamang si Silver sa akin at nakangiting ibinigay ang plato. I smiled back and started eating the foods he put in there. Wala pa ring kupas ang galing sa pagluluto ni Tita Gold.

Every weekend, Tita Gold will always teach me hwo to cook the dishes she makes. Minsan ay may tinuturo rin ako sa kanyang nalalaman kong recipe lalo na ang mga itinuro sa akin ni Kuya Diego. Sana nga ay makabisita sila sa Maynila at sasama ako sa kanila. Ipapatikim ko sa kanila ang mga putahe sa restaurant ni Kuya Diego.

"Halika! Pasok kayo! Pasok lang..."

Ang nagagalak na boses ni Tito Ben ay nadinig sa buong sala. Nag-angat ako ng tingin at nakitang pumapasok si Kristel kasama ang isang medyo may katandaang babae. It must be her mother.

Nang magtama ang mga mata ni Kristel ay bahagya siyang nag-iwas ng tingin. I also learned that Kristel likes Silver. Iyon ang sinabi sa akin ni Silver dahil matagal nang inamin sa kanya ni Kristel iyon at sinabi niya sa akin dahil ayaw niyang mayroon siyang tinatago.

This is one of reasons why I fell for him even more when we're already together. He's very transparent and he tells me everything about himself. He's not hiding anything from me, especially the things that I should know of.

Hindi ko alam kung bakit ang mga ibang nagtatagal ang relasyon ay unti-unting nagsasawa at nawawalan ng pagmamahal gayong heto ako't mas lalong lumalalim habang patagal nang patagal at alam kong sa ganitong lagay ay imposible nang makaahon pa ako.

Now, I don't envy the actors and actresses who got to experience happy endings in the movies because I got to experience it here in real life with him.

"Ninang Mylene." Tumayo si Silver upang salubungin ang ina ni Kristel na kanyang ninang.

Nagmano siya at humalik sa pisngi nito bago bumalik sa akin. Hinawakan niya ang aking kamay upang maigaya ako sa pagtayo at lumapit na rin sa kanila.

Kristel kept on looking away while her mom's very curious while staring at me. Ngayon ko pa lang siya makikilala dahil tuwing nandito ako kina Silver ay hindi naman siya nabibisita.

"Ninang, siya po 'yong girlfriend ko," pakilala ni Silver sa akin. "Si Dianarra."

I smiled and offered my hand for a handshake. Hindi naman ako nabigo dahil agad siyang nakipagkamay sa akin. Nagtaas siya ng kilay bago nagbitaw ang aming mga kamay.

"Dianarra Montealegre, tama ba?" paninigurado niya.

Nahihiya naman akong tumango dahil kung ako ang tatanungin ay ayokong naririnig masyado ang aking buong pangalan. Ayos na sa akin ang maipakilala bilang Dianarra. Hindi na kailangan pang idagdag ang apilyido ko. Minsan ay nagiging kumplikado kapag nalalaman nila ang pamilyang pinanggalingan ko.

"Hindi ako makapaniwalang nagkaroon ka na pala talaga ng kasintahan, anak..." natatawa niyang sabi at muling lumingon kay Silver.

"Nasa tamang edad naman na si Silver upang makipagrelasyon at mabait na bata itong si Iarra kaya walanh problema," nakangiting sabi naman ni Tita Gold.

Lumingon ako sa kanya at ngumiti siya sa akin. Hindi ko naman mapigilan ang mapangiti. Gusto kong magpasalamat dahil napagaang kahit papaano ang nararamdaman kong bigat na pumapalibot sa amin.

"Alam ko, mare..." natatawa pa rin siya at binalingan ang kumare. "Nakakabigla lang talaga. Hindi ko rin inakala na hindi sila nitong si Kristel ang magkakatuluyan lalo na't magkasama na sila mula pagkabata. Ang akala ko'y nagkakamabutihan na silang dalawa."

Nanuyo ang aking lalamunan at hindi ako makapagsalita. I glanced at Kristel who's trying to keep herself from smiling. Binalik ko na lang kay Silver ang aking tingin na mukhang hindi nagustuhan ang sinabi ng ina ni Kristel dahil sa kanyang pinapakitang madilim na ekspresyon. Naramdaman ko ang pag-gapang ng kanyag kamay sa akin at mahigpit niya itong hinawakan.

"Kaibigan at nakababatang kapatid lang po ang turing ko Kristel at hanggang doon lang po 'yon," mahina ngunit madiin niyang sabi.

Unti-unting nawala ang ngiti sa labi ni Kristel at pati na rin ng kanyang ina. Kristel tightly pursed her lips but her mom still tried to force a smile when she turned to Tita Gold and Tito Ben.

"Nasaan na ba ang mga pagkain, kumare? Ako ay nagugutom na," pabiro niyang sabi kay Tita Gold.

"Oh sige't halika na sa kusina," sabi na lang ni Tita Gold at nauna na sa paglalakad patungo sa kusina na agad sinundan ng kaibigan.

Nakayuko ring sumunod sa kanila si Kristel at hindi na nag-abala pang lingunin kaming ulit ni Silver na ngayon ay hinapit na ako sa bewang upang mas mapalapit sa akin. Hinalikan niya ang aking ulo at napapikit ako sa sobrang rahan no'n.

"I'm sorry about that..." he apologized even when it's not his fault.

I shook my head and just smiled. I'm fine with everything as long as he's beside me.

Continue Reading

You'll Also Like

83K 2.3K 20
"I just love it when you look at me thinking that I don't notice." Rai's was the country's hottest rock band, and Bee was one of their thousands of f...
16.3K 86 12
Recommended Writers & Their Stories This are my favorite authors and I hope you can try to read their stories. Happy reading ♥♡
11M 227K 57
Si Adrianna Grace Montgomery, isang modernong Maria Clara. A no boyfriend since birth, no first kiss and first love. Having a jaw dropping surname, s...
24.9K 2.5K 42
May bagong trabaho si Midnight: ang maging assistant ni Laurence Sequera. At bilang dakilang Marites, handa siyang suungin ang lahat para lang makapa...