Dare me Not

由 XutopianX

8.9K 376 20

"You mean NOTHING to him but a DARE!" Paulit-ulit ko tong naririnig sa isip ko. Oo, alam ko yun. Una palang n... 更多

Copyright and Dear Readers :)
Prolouge
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
~Author's Note~
another ~Author's Note~
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
_My Apologies Everyone_
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
EPILOUGE

Chapter 4

361 13 1
由 XutopianX

Chapter 4

June 18, 2014

Ian’s P.O.V.

6:45 A.M.

 

I arrived so early at the university. Si Dad kasi may pupuntahang meeting at sinabay na ko sa kanya. Now I have a couple of hours ofr my friends.

Wala parin gaanong tao sa university at wala din naman akong gagawin kaya dumiretso nalang ako sa library to read. Magandang oras din naman ito para magbasa dahil tahimik. Nakarating na ko sa library and then I saw her.

That new student.

 

“You’ll make that girl fall in love with you, distract her, don’t let her study and all that then after doing so break her poor little heart.” Bigla ko na namang narinig yung boses ni Leila sa ulo ko. Napahinto ako sa may pinto at nakatingin lang sa kanya, nagbabasa siya at mukhang nag-aaral. Is this my chance to start my mission?

Pero hindi ko alam parang may something na nagsasabi sakin na wag kong ituloy pero tuwing napapatingin talaga ako sa kanya may hatred talaga akong nararamdaman.

And all honesty, napaka familiar niya sa akin.

Isang minuto na siguro akong nandun sa may pinto, napa-sigh nalang ako sabay pasok sa library at diretso sa may table niyo.

Kahit may hatred kang nararamdaman sa kanya.

Keep your chill Ian. You have a mission to do.

 

“Good morning transferee” bati ko sa kanya with all my arrogant cool voice at naka-ngiti ako sa kanya with all my pride. Sabi nila intimidating tong smile na to. Napatingin siya sa akin at sobrang shock na may halong kaba yung mukha niya, parang nakakita siya ng multo. Pero after ilang seconds, biglang naging maayos yung expression niya na parang may na-process sa utak niya.

“G-good morning. Ano po yon?” sagot niya.

Ok, I cannot control this for a long time. Her expressions are funny, gusto ko nang tumawa that moment pero salamat naman at kinaya ko pa. Napatingin lang ako sa kanya ng ilang seconds at out of curiousity parang biglang marami akong gustong tanungin sa kanya.

“You look very familiar to me. Nagkita na ba tayo?” tanong ko. My voice in that question was plain curiousity. Walang halong yabang, gusto ko lang talaga malaman.

“Is that a pick-up line Mr. Ian Valdez? Cause I’m not buying it.” Sabi niya.

I felt like someone slapped my face then shouted ‘buuuuuuuuuurn!’ For sure, shocked yung expression ko nun sa kanya pero naka get over naman ako agad at nag smile arrogantly sa kanya.

“Wow, Ms. Maycee Castillo, I’m not expecting such attitude from you.” Sabi ko sa kanya at parang nawalan na siya ng pakialam sakin kasi nagbabasa nalang siya. “Hindi naman ako naghahanap ng away eh. I would like to congratulate you from your performance yesterday. Talino mo ha.”

“Thank you. Yun lang ba talaga? Are you asking me to join your group?” sabi niya habang nakatingin parin sa book na binabasa niya, mukha atang caculus yung pinag-aaralan niya. Pero yung tono at expression niya habang nagsasalita, there’s something in there. Pride and arrogance na hindi ko naman makita sa itsura niya. Hindi bagay sa kanya yung ganoong attitude, is this girl fooling me?

“No, not at all. Sure naman akong nasabihan ka na ni Kishi sa mga pinag-gagagawa namin. I’m impressed nga eh, you’re not intimidated by me.” Sabi ko sa kanya. I’m still keeping my chill, sooner or later mag break down din to.

“Ow,” sagot niya. Sabi ko na eh, nag soft na yung expression niya at tumingin siya sa akin. “dapat pala na-intimated mo ko? Sorry but hindi eh. And isa pa, why woud I be intimidated by you?” sabay sabi niya sa harap ko with all the sarcasm.

 

To be honest, I became speechless. Kahit iniisip kong baka nagmamatigas lang siya, hindi eh. Parang nature niya talaga tong attitude na ito. I admit, she win this time.

“Masyado kang sarcastic ah. Don’t worry nandito lang naman ako para makipagkilala, pero mukha namang kilala mo na siguro ako.” Sabay ngiti sa kanya.

“Oo naman. Ikaw yung top one dito na napaka yabang at gwapo…..sabi nila. Well, siguro ako nalang magpapakilala. Maycee Castillo nga pala, transferee dito. Yes, maybe you can call me a geek or nerd. I love math and I hate history. I like reading. Ano pa gusto mo malaman?” suddenly parang naging malumanay siya magsalita, parang naging sweet boses niya at yung ngiti niya sakin.

This girl……confuses me.

 

“Wow, pareho pala tayo. I like math too. Kaya siguro nasagot mo kahapon gn mabilis yung math problem. And you hate history, interesting.” Nasabi ko nalang sa kanya.

Our conversation went on and on at honestly marami nadin kaming napag-usapan. Basic information pero syempre ako limited lang binigay ko sa kanya. Magkausap lang kami doon sa library and it seems na I’m enjoying myself talking to her.

I like the way she confuses me.

Suddenly she’s all bitchy then she’ll go sweet. I haven’t met a girl like that before. Hindi ko na alam kung ilang oras na kami magkausap pero nalaman ko lang nung tumung na yung bell for morning assembly.

“Una na ko sayo ah, baka hinahanap na ako ni Kishi eh.” Sabi niya sakin habang nag-aayos ng gamit. She’s all normal and sweet again.

“Maybe next time we’ll be able to talk again?” I said to he rarrogantly.

“Sure, kahit saan. Ikaw nalang mag-approach baka kase lumaki ulo mo pag ako nag-approach sayo eh. Bye Ian.” Sagot niya sakin with a super sweet (not in a flirty way) voice sabay nag smile siya sakin na all natural beautiful kind of smile. Pagtapos nun lumabas na siya ng library.

Kakaiba siya, yun lang ang masasabi ko. I can’t really lie saying that I’m not liking her kasi I already like her pero something is up with that girl.

Nabobother talaga ako sa kanya at sa pagiging pamilyar niya sa akin.

June 18, 2014; 12:25 P.M.

 

Nandito na naman kami sa cheap at maingay na cafeteria ng college namin. Pwede naman kaming lumabas ng university at kumain sa isang restaurant pero ewan ko ba dito kay Leila. Parang gustong gusto niyang sinusundan si Maycee.

“So, totoo ba Ian? May nagsabi sakin na nagka-usap na daw kayo ng matagal nung new student dun sa library kaninang umaga ah. Care to tell us what happened?” sabi ni Leila sakin.

“Well. She has a bitchy attitude.” Yun lang ang nasabi na maski si Sky napatingin sakin na hindi madalas mangyari.

“Excuse me? Sa ganung mukha, she seems so innocent. Bitchy attitude?” natanong bigla ni Sky.

“Wow, talagang hindi mo na malalaman ang attitude ng isang tao by just looking at him or her.” Sabi ni Catie.

“Pero ewan, nakakalito siya honestly. Bitchy then normal then sweet---

“Sweet?! Is she flirting?!” biglang bulyaw ni Leila sakin kahit hindi pa ko tapos magsalita.

“Babe, kalma. Hindi ganoon, malalaman mo naman sa tao kung sweet siya or hindi by talking to them diba. Pero sa totoo lang, enjoy siya kausap.” Nasabi ko bigla pero hindi ko alam kung bakit ko sinabi kahit alam kong nandun si Leila.

I shouldn’t have said that. Nung tumingin ako kay Leila I’m thankful na hindi pa siya naging tigre at inatake ako. Pero nakataas yung isang kilay niya sakin.

“Ang ibig kong sabihin dun. Para kasing binibigyan ka niya ng roller coaster ride dahil sa pinapakita niyang attitude. Kakaiba kasi, ngayon lang ako nakameet ng isang babaeng ganun.” Nasabi ko ulit at that triggered Leila.

Bigla nalang siyang tumayo at lumabas ng cafeteria without saying anything.

“Really Ian? Say something like that in front of your girlfriend?” biglang sabi ni Catie.

“Bakit? May sinabi ba kong gusto ko si Maycee? I’m just talking about her attitude. Isa pa, alangang magsinungaling ako tsaka kanino bang idea to?” sabi ko sa kanya na kalmado.

“Tama naman si Ian. Wala naman siyang sinabing dapat ikagalit ni Leila.” nasabi nalang ni Sky.

June 21, 2014; 1:45 P.M.

 

Its been three days magmula nung nagkausap kami ni Maycee at hanggang nagyon hindi parin ako nabigyan ng chance na makausap siya ulit. At si Leila naman, after niyang mag walk out nung lunch noon, bumalik lang siya na parang walang nangyari. Akala ko may ginawa na naman siya para mapahirapan si Maycee but so far wala pa namang nangyayare.

Nasa classroom kami ngayon waiting for out history teacher na tita ni Leila. Medjo matagal na kaming naghihintay. Tumitingin lang ako sa paligid at nakita ko si maycee na kausap si Kishi, napansin kong napatingin din siya sakin. After ilang minutes pa, dumating na yung prof namin.

“Good Afternoon students. Sorry I’m late. Let’s get on with our agenda for this day shall we.” Sabi niya. Bata at maganda yung prof namin at medjo kahawig niya si Leila.

Speaking of Leila, nung tumingin ako sa kanya iba yung ngiti niya. Parang may ina-anticipate siya na mangyayari.

“I’ll assign someone to report tomorrow. And that would be….” Napatigil siya at parang umikot yung paningin niya sa amin. “You.” Tuloy niya sabay turo kay Maycee.

Now I know what Leila plans to do. Papahiyain niya si Maycee tulong nang tita niya. Pero dapat hindi yung ginagawa ng isang professor, pwede siyang matanggalan ng trabaho kung may makaalam nito. Pero nabanggit ko nga pala sa kanila na ayaw ni Maycee ng history, kaya sigurado akong ipagpipilitan ni Leila na gamitin tong subject na to para mapahiya si Maycee. Pero kaya naman niya siguro to, besides matalino siya.

Pero ang pinagtataka ko sa lahat why am I worrying about her?!

Dapat nga natutuwa pa ko sa ginawa ni Leila eh, pero bakit ganun?

“I want you to report the history of civilization tomorrow! From the start to finish of all the civilization period.” Sabi ni Prof Lenny.

My expression was same as Maycee’s. Shocked. Sino ba namang may kayang gawin yun? Pwede sana kung due pa next week, pero bukas?! Agad? No one can do that. Masyadong malaki yung topic nay un.

Come on Maycee, Show them your attitude.

 

Nakatingin lang ako sa kanya but it seems na masyado ata siyang na overwhelm dun sa bigay na task sa kanya at hindi na siya nakapagsalita.

Tatayo na sana ako para magreklamo or kahit i-question lang si Prof Lenny kaso nag dadalawang isip ako. Baka lalong magalit si Leila nito.

“Prof? Hindi po ba imposible yang pinapagawa niyo? Kahit sino pong bigyan niyo ng task na yan hindi po magagawa. Kahit si Ian pa o si Leila, masyadong malaki yang topic na yan para magawa ng isang tao sa loob ng isang araw.” Biglang nagsalita si Kishi. Well, tama naman siya.

“Ikaw ba ang binigyan ko ng task Ms. Ramos? Well, if that’s the case let’s ask Ms. Castillo. Can you do it?” tanong niya kay Maycee.

“I can ma’am. I’ll report about that topic tomorrow.” Sagot ni Maycee na nagpagulat sa klase at kahit kay Prof Lenny.

“Very well. Let’s proceed to our lesson then.” Nasabi nalang ni Prof.

Wow, just wow. Tumingin ako kay Maycee at mukhang kinakabahan siya at nag-iisip na kung anong gagawin niya para matapos at makapagpresent siya bukas.

Sana sinabi niya nalang na hindi niya kaya. Pero kita ko rin sa kanya yung determination na ayaw niyang magpatalo at gusto niyang patunayan ang sarili niya sa lahat pero I think this is too much.

Sure akong mapapahiya siya bukas.

June 21, 2014; 6:07 P.M.

Kakatapos lang nang meeting namin sa theatre club at halos wala naring tao sa loob ng university. Umuwi nadin sila Leila, Catie at Sky. At si Leila at sobrang excited na a kung anong mangyayare bukas sa history class. Tama nga ako, pakana niya yun.

Ewan ko din ba kung anong nangyari sakin. Ngayon lang ako naging ganito sa lahat ng napagtripan namin. Usually masaya ako kapag may mapapahiya kami pero ngayon kinakabahan ako para kay Maycee at parang ayaw kong makitang mapahiya siya.

Naglalakad lang ako palabas ng university ng mapadaan ako sa library at nakita ko Maycee na nasa loob pa at mukhang nakatulog na siya sa harap ng computer at mga libro. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko pero tumingin ako sa paligid at nung nakita kong wala na gaanong tao pumasok ako at lumapit ako sa kanya.

“You’re crazy to accept that challenge.” Nasabi ko habang umiiling at tinignan ko yung progress niya sa powerpoint presentation nan aka-open parin sa computer.

Hindi ko ma-explain yung expression ko, she’s almost done.

 

Halos three-fourth na yung nagagawa niya at onti nalang yung kailangan.

This girl never ceases to amaze me.

 

Ewan ko na naman kung anong pumasok sa isip ko pero binaba ko yung bag ko at ako yung tumapos dun sa presentation niya. Kahit tumulong ako she still did all the work, nakasummarize na lahat ng ilalagay niya sa powerpoint sa isang paper.

After kong tapusin yung powerpoint inayos ko na yung mga libro sa harap niya at sinave ko na yung powerpoint na yon. I’m amazed din sa kung gaano kalalim yung tulog niya kasi hindi man lang siya nagising the whole time na nandon ako.

Tapos kong ayusin lahat ng gamit niya umalis na ko leaving no trace na I’ve been there and making sure din na walang nakakita sakin na ginawa ko yun.

I hope she presents well tomorrow.

继续阅读

You'll Also Like

89.1K 1.4K 75
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
124M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...
5.9M 274K 72
In the near dystopian future where the population has blown up, women and the poor are more oppressed, and those with positions who abuse their power...
126K 3K 52
What will you do if you end up in someone else body?