The Playboy Game Changer (REV...

By twightzielike

6.5M 66.5K 5.7K

R-18 SPG She's not the girlfriend. She isn't his dream girl. She's not the damsel in distress playing a typ... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 10

121K 2.7K 184
By twightzielike

Every girl has this male friend
who is a friend
but the whole universe thinks
he is not just a friend
~Nikita Gill~

🍎

"You're late..."

NANG makabawi ako sa gulat, mabilis kong nilagok ang baso na may lamang alak na nasa harap ko. Lumunok pa ako tsaka ako tumayo at naupo sa upuan na nasa tabi ni Yro.

Narinig ko ang pagprotesta niya sa ginawa kong paglayo sa kanya pero pinagwalang bahala ko na lang siya. Shit! Bakit ba kasi itong pusong 'to, nagre-react ng ganun-ganun! Gosh!

"At least nakahabol ako" Sabi ko naman sa kanya bago tinapunan ng tingin sina Caileen at Iya na nasa gilid. Malapit kila Czero at Trace. I glared at them when they threw me a knowing grin.

Tignan niyo ang mga yan. Kadarating ko lang, nagsisimula na naman silang manukso.

"Alam mo fren, kanina pa walang imik yang si Yro at puro pag-inom lang ang ginagawa" Bulong sa akin ni Iya para hindi marinig ni Yro at kumindat. Kumunot naman ang noo ko. "Jino-joke time mo ba ako? Baka ang sabihin mo, nakipaglandian na naman" Irap ko tsaka tinapunan si Yro ng tingin nung biglang pumaikot sa baywang ko ang isang kamay niya. Hindi siya nagsalita at tumungga ulit sa alak niya.

Sinundot ko siya sa tagiliran. "Qazvin, wag kang maglalasing ah. Sasampalin kita gamit ang tsinelas kapag sumobra yang inom mo" Seryoso kong sabi sa kanya dahil apat na walang lamang bote ang nakalapag sa harap niya. Ngayon, may isa pa siyang iniinom.

Tumango lang siya at hinagod konti ang baywang ko tsaka ulit uminom sa bote na hawak niya.

Bumaling ako kay Iya nung natahimik siya at nakitang nakatingin siya sa mga babae na nasa kandungan nina Blue, Gavin, Red at Eux na mga babae. Napatitig na rin ako. Sa huli ay napailing na lang ako. Ewan ko kung anong magandang naidudulot ng pagiging babaero nila sa buhay nila. But well, they are guys so I think that's normal?

Sa 21st century kasi, iilan na lang ang loyal. Iilan lang ang disente. At mabibilang lang ang mga lalaking hindi naghahanap ng pinapasukang kuweba from time to time. Etong mga ito, grabe! Pero hindi ko rin naman sila masisisi dahil pure blooded na playboy ang mga ito. They are all good looking and not to deny the fact that they are bachelors. Women throw themselves to them even if these guys doesn't even show any motive towards them.

I just wonder who would be the right women that could tame up these guys.

Tumingin si Iya sa akin. "Kanina, may tatlong babaeng isa-isang nag-aya at nagpakilala kay Yro pero tumanggi siya. Sabi niya may asawa na daw siya. Briane daw ang pangalan. Akalain mo yon? Grabe nga ang panunukso nina Czero sa kanya kanina" She chuckled.

Napanganga ako. "Ano?"

Lumapit na rin si Caileen sa amin at ngumiti. "Kung di ka maniniwala, bahala ka sa buhay mo. Pero yang si Yro, talagang di namamansin kanina pa. Tipid nga lang sumagot kapag kinakausap"

Mahina akong natawa. "Ganun? Baka may nakaing mali?" Mahinang bulong ko para di marinig ni Yro. They giggled. "Ang sabihin mo, ikaw lang talaga ang hinihintay!"

Napailing na lang ako at napairap. Sus! Maniwala ako, tsk!

Ilang minuto pa kaming nagku-kwentuhan nang mapansin kong wala si Ivo lalo na si Hunter. Medyo light kasi ang mood kapag wala siya. That man is really hot but scary at the same time. "Asan si Hunter?" Tanong ko kay Yro pero natutop ko ang bibig ko nang mapansing dumilim ang mga mata niya.

He glared at me. "Why do you care?" Walang buhay niyang tanong kaya ngumuso ako. Wala sa sariling napangiti naman ako nung walang hirap niyang hinila ang upuan ko palapit sa kanya.

Hinablot ko ang bote na nasa kamay niya at inilapag iyon sa lamesa tsaka ko siya hinarap. "Ang sungit mo ngayon" Kunot noong sabi ko.

He just stared at me. Naninibago talaga ako kapag tahimik siya at ganito umakto. Malayo sa makulit at manyakis na Yro na nakasanayan ko.

Parang sinusumpong ng ka-abnoyan. Yung ganun?

Kaya hindi ko napigilan ang sarili ko at tinanong siya. "Ano bang problema mo?"

Umiwas siya ng tingin. "Yro" Seryosong tawag ko kaya muli siyang tumingin sa akin.

"I just miss you..." Bulong niya at muling umiwas ng tingin. Ako naman ay napaawang ang labi sa gulat.

Anudaw?

I mentally slapped myself. Brie! Umayos ka.

"Talaga?" Tanong ko at tinago sa ngiti ang paghaharumyento ng lintek kong puso. 'Nu ba naman 'to!

"Oo. Hinihintay kong kausapin mo ko pero si Hunter naman ang hinahanap mo" Seryoso niyang sabi kaya napangiti ako. "Selos ka?" Panunukso ko.

"No"

"Talaga? Di ka nagseselos? E bakit mo ko sinungitan kanina lang?"

He glared at me. Natawa ako at isinandal ang left back ko sa kanya. Halos wala kasing space sa pagitan namin dala ng pagdikit niya ng upuan ko sa upuan niya. Tsaka idagdag pa yung kamay niyang nakapulupot sa baywang ko.

"Ikaw ha! Okay lang naman kasing magtapat! Alam ko namang gusto mo ako. Crush mo ko diba?" I teased and laughed louder when his face crumpled. Parang di mabasa ang mukha niya! Gosh!

Tumawa ako.

"Di kita crush. Ayaw mo namang makipag-sex sa akin"

"Yro!"

This time, ako ang namula at siya naman ay ngumisi.

Aba! Ang bastos talaga ng lalaking ito kahit kailan!

Tumingin muna ako sa mga kasama namin at nagpasalamat ako nang makitang abala sila sa kanya-kanyang ginagawa nila. Maliban lang talaga kay Killion sa tabi na may ngisi sa labi niya. I glared ta him and he wriggled his brows like an annoying creature. Inilingan ko lang siya tsaka tumingin kay Yro.

He gave me that innocent look. I glared at him. "What?" Tanong niya at muling kinuha ang alak niya at uminom doon.

Pakiramdam ko, umusok ang ilong ko. "What?! Anong what what ka riyan!" Sinapak ko siya. "Ikaw talagang abnoy ka! Walang ni isang araw na hindi tumatalab yang pagkabastos ng bibig mo! Ayaw paawat yang kalandian ng dila mo!" I hissed but he just smirked like the typical irritating maniac he is.

Inirapan ko lang siya at mas lalo akong nainis nang marinig ang mahinang pagtawa niya sa tabi. Sana ma-utot ka! Kaiinis eh!
.

.

.
"Misis, halikan mo nga 'ko!" Parang batang sabi ni Yro sa akin dulot ng madaming alak na nainom. Sinabi ko naman kasi sa kanya kanina na konti lang ang inumin niya e talagang matigas ang ulo! Sabi niya kasama naman daw niya ako kaya, okay lang. Argh! Porke alam niyang may mag-aalaga at magbabantay sa kanya, matapang ang loob niyang maglasing! Kaya heto at wala sa sarili ang loko.

Inaalalayan ko siya habang paakyat kami sa condo niya. Kanina pa ako nahihirapan at kanina pa siya hindi tumitigil sa pangungulit. At nakatatak na sa magaling kong brain na kapag lasing ang lalaking ito, kung ano-ano ang pinagsasasabi at ginagawang katangahan na hindi mo ine-expect.

I grunted nang muntik na siyang matumba kaya mas minabuti ko ang pag-aalalay. "Malilintikan ka talaga sa akin bukas, Yro. Tandaan mo yan" Ungot ko bago kami tuluyang nakapasok pagkatapos kong i-enter ang passcode niya.

Pasalamat ako at tinulungan ako ni Blue na i-akay si Yro at inihatid kami hanggang sa labas ng hotel. He insisted on helping me get this fucktard up on his unit but I refused. Sa pagkakaalam ko kasi may importanteng hinahabol si Blue. Inihatid niya kami dahil siya lang ang hindi lasing sa kanilang magkakaibigan. Hindi ko rin alam kung papaano mag-drive kaya naman todo pasalamat ako sa kanya kanina.

Mabilis pero maingat kong inihiga si Yro sa kama niya nang tuluyan na kaming nakapasok sa unit niya. "Fuck! Why am I seeing stars?" Mahina akong natawa nang makitang namumungay ang mga mata niya at halatang inaantok na ang loko.

Ilang sandali pa ay nagulat ako nung bigla siyang kumanta ng twinkle twinkle na nursery rhyme. Malakas na talaga ang tama ng mokong.

Pagod akong ngumiti. E pano ba naman e hindi maitatanggi ang katotohanang babae lang ako at mag-isa kong sinuportahan ang malaking taong ito hanggang dito. Sa katunayan, mabigat ang loko para sa medyo payat na babaeng tulad ko. But well, sexy is the right word. Not thin.

"Where's my kiss?" Parang batang tanong niya kaya napailing ako. Delikado na ang isang to'.

"Sabi ko naman kasi sa'yo, huwag iinom ng marami" Pangangaral ko sa kanya at dumukwang para abutin ang polo niya.

He smirked. "Ang sexy mo"

Inirapan ko lang siya at isa-isang tinanggal ang pagkakabutones ng suot niyang polo. Baka kasi naiinitan. Tsaka mahilig din na mag-boxers lang si Yro kapag gabi.

Natigilan ako nung hinawakan ni Yro ang isa kong kamay. Napatingin tuloy ako sa kanya at nakitang seryoso pero inosente ang mga mata niya. "Bakit mo ko hinuhubaran? Magse-sex na ba tayo?" Lasing niyang ani kaya nanlalaki ang mga mata ko at wala sa sariling nabatukan siya.

"Gago! Hinde!"

I heard him groan painfully. Dala na rin siguro ng batok ko. "Kasalanan mo yan! Kung hindi ka ba naman kasi kalahating gago at manyak, di hindi ka mababatukan! Itigil mo nga kasi yang mahalay na tabas ng dila mo! Kung ano-anong kahalayan ang pinuputok ng butsi mo"

Tuluyan ko nang inalis ang polo niya, at isinunod ang pantalon niya tsaka na tumalikod para ilagay iyon sa table. Paglingon ko sa kanya, nadatnan ko siyang nakakunot noo habang nakatingin sa pang-ibabang bahagi ko. "Your butt looks sexy"

"Yro!"

He smirked and lazily closed his eyes.

"Kahit napainom na ng maraming alak, wala! Talagang manyakis ka pa din"

Nang makabalik ako sa tabi niya, hindi niya pa din inaalis ang tingin niya sa akin. Kahit halatang nahihirapan na siya at namumungay ang mga mata. He gave me a cheeky grin. "Totoo naman kasi. Halika dito sa tabi ko" Umiling ako.

"Magsha-shower pa ako. Umidlip ka kahit saglit, gigisingin kita mamaya para mag-toothbrush at makapaghilamos ka"

Isa-isa kong pinulot ang mga nagkalat na damit niya na kung saan-saan na lang nakalagay tsaka iyon nilagay sa hamper. Tumingin ako sa kanya dahil wala akong natanggap na sagot. At ganun na lang ang pagtaas ng isang kilay ko nang makitang sumeryoso ang mukha niya. "Huwag kang aalis"

Ngumiti ako. Seryoso na naman kasi ang loko. Ano bang nangyayari sa isang 'to at nagkaganito. Ilang oras ko lang siyang di nakita, gan'to na siya.

"I won't. Kaya matulog ka na. I'll wake you up later, sleepybird"

Medyo hindi pa intact ang brain cells niya, sure ako. And he needs a short nap to gain so strength kasi medyo lupoy-lupoy ang katawan niya sa dami ng nainom.

Parang bata naman siyang tumango at pumikit na.

Ngingiting napailing na lang ako tsaka na lumapit sa closet niya para kumuha ng damit ko. Nakakamangha lang na meron akong sariling closet-part na puno ng damit ko dito.

It took me almost thirty minutes to finish cleaning myself. Ay! Ang tagal nun ha. Infairness.

Paglabas ko ng banyo, lumapit agad ako kay Yro pero mahinang natawa nang marinig ang munting pag-snore niya. Ang cute ng tunog. Gosh!

Baliw na talaga ako. Natawa ako sa isip ko.

Hindi naman talaga humihilik ang isang 'to pero kapag napadami ang inom niya, hayun. Hindi lang sa nakamulat mata gumagawa ng ingay ang lokong iyan. Pati na sa pagtulog, humihilik na rin.

I chuckled before tapping his cheek. "Oy gising muna saglit..." Agad siyang nagmulat.

Ang hina ng boses ko sa paggising sa kanya pero ayan at agad bumangon. Ako nga kailangan pang yugyugin ni Mama o kailangan pang sigawan para lang makabangon ako.

But well, what can I expect? This guy is a freakin' agent.

Nginitihan ko siya nung parang bata niya akong tinignan. "Tayo na diyan. You still have to wash up and brush. Ayoko ng mabahong katabi" Imporma ko sa kanya. He wrinkled his nose and snorted at me before getting up of his bed.

Sa totoo lang kahit hindi na yan magshower o mag-brush, mabango pa din. But still, it's a need to do thing to keep his health hygiene productive, always. Karapat-dapat lang na laging malinis ang lahat ng parte ng katawan. Mas lalo na ang tulad niya. Malay ko kung anong germs ng mga babae niya ang dumikit sa katawan niya. Urgh! Yaks ha!

He started making his way to the bathroom. "At least I'm sexy" Kibit balikat niya at pumasok na sa banya kaya ngumiwi ako.

Feelingero talaga ever!

"Waheber" Tanging sabi ko tsaka na naupo sa kama at ini-on ang tv para manood ng just for laughs gags.

This show always gets me laughing. Sa totoo lang.

Balak kong tumayo para magluto ng popcorn nang biglang tumunog ang ringtone ko. I grunted. Halos 11 pm na. Sino naman ang tatawag?

Kinunotan ko ng noo ang phone ko na nasa table tsaka naglakad para kunin iyon.

Mas lalo pang lumalim ang pagkakakunot nito nang makita ko ang pangalan ni Hector sa screen.

"Anong naman kaya ang problema nito?" Wala sa sariling tanong ko tsaka naglakad pabalik sa kama. I accepted it.

"Hello?"

"Briane! Uhm I–" Tumikhim siya. The hell? "I'm sorry, did I wake you up?" Parang kinakabahan at nag-aalangan ang boses niya.

Umiling ako kahit di niya nakikita. "Hindi naman. Bakit ka napatawag?" Tanong ko at itinuon ang mga mata ko sa tv.

"Diba may dalawang araw ka pang off?"

"Yup!"

"Can we meet o your last day off? I want to treat your for dinner on Friday night? Is that possible?"

Single ako so no probs! Of course!

He's courting me and I declined him quite a lot of times already. Is one dinner date that bad tho?

Napakagat labi ako. Hindi naman siguro?

Huminga ako ng malalim. "Ye sure. Where and what time?"

"Damn. You said yes?" Rinig kong tanong niya sa di makapaniwalang boses.

"I did"

"I'll come fetch you on your place at around 7"

Nanlalaki ang mga mata ko. Hindi pwedeng ganun! Kasi kapag pumunta siya sa bahay, hindi malabong malaman ni Yro kila Mama. Well, I'm dead if he'll know it. Knowing that guy, ang unfair niya! Siya pwedeng lumabas kasama ang iba, ako? Pinagbabawalan niya! Tatay na tatay ang peg nun kung makabantay e!

Huminga ako ng malalim. "No need, Hector. Just text me the adress. Bahala na akong pumunta don at magkit—" Natigil ako sa pagsasalita nang mag-angat ako ng tingin, dalawang matatalim na mata ang mariing nakatingin sa akin.

I bit my lip and abruptly ended the call. He heard it. Oh fuck... I'm dead.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...