in Another Lifetime

By imPaulsterz

1.8K 34 8

"People don't have the ability to manipulate or control the laws of time. But time has the ability to control... More

Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 4

77 2 0
By imPaulsterz

Alas singko ng umaga ng maalimpungatan ako dahil parang may naaamoy akong masarap. Paglabas ko ng kwarto ko, nakita ko rin ang nanay ko na nagising dahil naamoy nya rin ang masarap na amoy, syempre napasilip kami sa kusina dahil parang dun nanggaling yung amoy. Nagulat na lang ako nang makita namin ni inay si Liza na nagluluto ng pang almusal. Hindi na muna namin sya sinita sa ginagawa nya. Pinagmasdan na lang muna namin kung paano sya magluto. Abay magaling ah. Organized ang paghahanda nya ng mga pagkain na niluluto nya at dahil HRM student ako, na impress ako sa gawa nya.

"Ay magandang umaga po sa inyo. Magandang umaga Paulo. Ito pinagluluto ko na kayo ng almusal bago magsimba. Pasensya na po kayo at nangialam po ako sa kusina. Nakakahiya naman po kasi na wala pa kong gagawin para po sa pagtuloy ko dito." Sabi ni Liza.

"Ay iha wala kang dapat ipagpasensya. Kami pa nga nahihiya at pinagluto mo kami ng almusal. Pasensya ka na rin ah. At salamat na rin. Sige na iha ako na bahala at magtutuloy nyan. Pumwesto na kayo ni Paulo sa mesa. Ikaw Paulo gisingin mo na mga kapatid mo pati tatay mo at magsisimba tayo ng alas sais. Dali." sabi ni inay.

Nahihiya ako kay Liza. Dapat ako gagawa nun dahil ako lang magaling magluto rito sa pamilya bukod sa nanay ko.

"Ah eh Liza, ayos yang mga hinanda mo ah. Hehe mukang masarap."

Sabi ko na lang ng nahihiya ng konte.

"Hehe sa tingin mo ba kahit ganto lang ako eh hindi ako marunong sa mga ganyan. Mahilig din ako magluto. Lahat ng sangay ng sining hilig ko eh." Sabi ni Liza.

Lalo akong namangha sa kanya. She loves every kind of art too. Muntik na kong ma infatuate sa kanya. Mga ganung babae kasi ang tipo ko. Simple, maganda, mabait, masipag, mahilig sa art. Pero hindi ako nagpadala sa naramdaman ko. Inalala ko na lang na may sapak tong babaeng to para safe. Mahirap na pag nahulog ng tuluyan loob ko rito. Hindi ko pa sya lubos na kilala.

"Ah ganun ba? Ah eh.. ayos yan ayos yan. Maganda yan. Keep up the good work Liz. Sige gigisingin ko lang mga kapatid ko ah pati si tatay." Ayun na lang ang nasabi ko sa kanya sabay lakad ako pabalik ng kwarto para gisingin mga kapatid ko at si erpat.

Pritong tuyo, sunny side up na itlog, hotdog, bacon, sinangag na may itlog, lettuce at bacon bits. Di ko napansin na tumulo na laway ko pagtingin ko sa mga pagkain sa mesa. Classy pa pagkaka pwesto ng mga kubyertos sa mesa. Parang mayaman ang kakain. Namangha talaga ako. Napabilib ako ni Liza. Pero sa sobrang bilib ko naman, hindi ko na napansin na naunahan na ko ng mga kapatid ko pati magulang ko na lumantak. Parang mahihiya ako sa mga pinag gagagawa nitong nga to. May ibang tao sa bahay eh. Ok lang sana kung kami kami lang. Sabagay hindi ko rin naman sila masisi. Bihira lang din kasi kami mag almusal ng ganito. Di na rin ako nagpahuli, naki join the party na ko. Buti nasandukan ni inay ng pagkain si Liza, akala ko aalalahanin ko pa sya eh. Kapal lang ng mukha ko. Wala eh gutom ako eh. Pagkain ang first priority ko. Haha. Pagkatapos namin kumain lahat, nag ayos na kami ng katawan para sa paghahanda sa pagsisimba. Pero si Liza, yung damit nya simula pa kahapon yung muling susuotin nya.

"Hala? Anu ka ba iha? Wala ka bang ibang susuotin ha? Ang dumi ng damit mo oh." Sabi ng nanay ko.

"Ah eh. Wala ho eh. Ahm nakalimutan ko ho magdala. Ayos na ho ako sa ganito." Sabi ni Liza.

"Anu ka ba Liza. Hindi pwedeng ganyan. Ke ganda mong babae tapos ang dugyot ng suot mo. Halika papahiramin na lang kita. Anna halika samahan mo ko, ayusan natin si Liza." Sabi ni Ate Belinda.

No comment na lang ako. Sabagay sang ayon din naman ako sa opinyon ni ate. Di rin naman kasi maganda na parang pang iskwater lang ang suot nya tapos kami nakapormal na pupunta sa simbahan.

"Oh dalian nyo na, mahuhuli na tayo sa misa. Belinda, Anna, Liza bilisan nyo." Sigaw ni tatay.

Mga babae talaga. Mag ayos lang ng sarili, parang dekada na ang aabutin sa sobrang tagal. Hindi nila alam mas maganda sila pag simple lang ayos. Yung tipong wala nang make up o chinchansu sa mukha. Mas attractive ang simpleng babae. Paglabas nila ng kwarto. Parang makakalas ang panga ko nung nakita ko si Liza. Hindi ko masabi yung perfect word na bagay sa kanyang mae describe. Basta masasabi ko na lang. Napakaganda nya.

"Kuya panga mo, nasa sahig na. Hahaha." Sabi ng kapatid kong si Clark.

Napalunok na lang ako ng malalim sabay iwas ng tingin kay Liza at nagyaya na kong umalis.

"Maraming salamat ate Belinda sa pagpapahiram mo sakin ng damit. Isosoli ko na lang sa oras na matapos tayong magsimba." Sabi ni Liza.

"Hehe wag na Liz. Bigay ko na yan sayo. Kanina pa kasi kita pinagmamasdan simula nung sinuot mo yang damit na yan. Bagay na bagay sayo. Natotomboy na nga ata ako eh. Hehe basta sayo na yan. Magaan loob ko sayo. Ang bait bait mo kasi. Pag pinagtripan ka nitong kapatid ko, sabihan mo lang ako ah. Gugulpihin natin yan" sabi ng ate ko kay Liza.

"Talaga ate? maraming salamat po. Hehe hindi naman po siguro. Mabait po sakin si Paulo. Maraming beses na nya po akong tinulungan. Hindi na po ako magtataka kung bakit sya mabait. dahil galing po sya sa masaya at mabait na pamilya. Maraming salamat po sa inyong lahat. Napakabait nyo po." Sabi ni Liza.

Natuwa ako sa narinig kong papuri nya sa pamilya namin lalo na syempre sakin. Pero ayokong ipahalata na kinilig ako sa papuri nya kaya sumegwey na ko.

" ehem..o sige na sige na. Tama na drama. Malelate na tayo sa simbahan oh. Lets go homies"

Masigla naming binisita ang simbahan. Taimtim din kami lahat na nagdasal. Humingi rin ako ng sapat na lakas ng loob para sa kahaharapin kong mga pagsubok sa mga dadaan na araw. Alam ko hindi kasi magiging madali ang lahat. Graduating student ako. Kailangan ko ng sapat na tatag ng isip at pangangatawan para magampanan ko yung nga kailangan kong gawin sa eskwela. And at the same time, may dalawa akong taong aalalahanin. Si Arianna na anak ng mayaman na si mrs. Diaz. Kelangan ko syang bantayan sa loob ng tatlong buwan. at si Liza, biglaan man pero kailangan ko rin syang bigyan ng atensyon para matulungan kung paano sya makakauwi sa totoo nyang tirahan. Hindi naman na pwedeng i abandona ko na lang sya bigla. Nandito na eh. Pagsisikapan ko na lang ang lahat. Alam ko di ako bibiguin ng diyos sa simpleng dasal ko. At alam ko hindi nya rin ako pababayaan dahil alam ko mahal nya ko. Kaya taos puso akong nagpapasalamat sa kanya sa mga natatamo kung biyaya. Bilang ganti, sinusubukan ko na magpakatino palagi. Buti naman napagtatagumpayan ko yun. Pagkatapos namin magsimba at pag uwi namin sa bahay, nagsimula na kong mag ayos ng mga gamit ko na dadalhin sa rerentahan kong paupahan sa maynila. Hindi ko na rin balak magtagal samin dahil paghahandaan ko na rin ang mga gagawin ko bukas para kay Arianna. Kailangan ko na rin agad makahanap ng murang paupahan kaya nagmadali na ko at nagpaalam kay inay at itay pati sa mga kapatid ko. Pero bago nila ako paalisin, may inihabol si inay saking pera na limang daan.

"Belated happy birthday nga pala anak. Pasensya ka na hindi na kami nakapaghanda sayo nung biyernes. Dala kasi na maraming gastusin sa bahay eh. At hindi ka rin naman umuwi. Eto anak tanggapin mo na lang. Regalo na namin sayo ng tatay mo." Sabi sakin ng nanay ko.

"Naku nay. Wag na po. Sapat na po sakin na naalala nyo na birthday ko at binati nyo ko. Ok na po sakin na regalo yun. Tsaka may sapat naman po akong pera eh. Wala po kayong dapat ipag alala. Malaki na ang anak nyong lalake. Kaya ko na pong dumiskarte sa buhay. Ngayon ako naman po ang magsusumikap para makaraos tayo. Kami na pong magkakapatid ang bahala sa inyo. Salamat po uli nay." Sabi ko sa nanay ko.

Napaluha na lang si inay at niyakap nya ko. Niyakap ko na rin si itay pati ang mga kapatid ko at nagsimula na kaming magpaalam.

"Kuya, dalhin mo uli dito si Liza pag may time kayo ah. Ingat sa byahe." Pahabol na sigaw ni Anna.

Ni hindi nila alam na ito ang una't huling punta ni Liza dito samin. Gagawin ko na talaga lahat ng makakaya ko mai uwi ko lang sya sa kanila. Nagpaalam na rin si Liza habang papalayo kami. Kita sa mukha nya ang tuwa nung nakilala nya ang mga magulang ko at syempre lungkot din dahil alam nya rin sigurong wala nang pagkakataon pang maibalik ko sya rito.

"Hindi ko makakalimutan ang pamilya mo Paulo. Kahit isang araw ko lang sila nakasama. Pakiramdam ko matagal ko na silang kilala at ang gaan ng loob ko sa kanila. Sana may pagkakataon pang makabalik ako rito." Sabi sakin ni Liza.

And then nag flashback uli sakin yung mga sinabi ni mrs. Diaz. Siguro nga tama si mrs. Diaz sa mga panata nya. Minsan talaga may makikilala ka na lang na ibang tao na sa hindi maipalawanag na dahilan eh bigla nalang magiging magaan ang loob mo sa kanila at bigla mo silang pagkakatiwalaan. Nagtiwala sakin yung anak ni mrs. Diaz na si Arianna at naging magaan din ang loob sakin ni mrs. Diaz at pagkatapos nun naging magaan naman ang loob ko kay Liza, at si Liza naman naging magaan ang loob sa pamilya ko. Parang dugtong dugtong ang nangyari. Ang galing lang. Sana lang yung pamilya ko, pag may nakilala silang ibang tao, sana yung tipong mapagkakatiwalaan din. Wag lang sa Bumbay na nagpa 5-6.

Bumiyahe na kami ni Liza pa maynila. Pagsapit namin sa bayan malapit sa unibersidad na pinag aaralan ko, nagsimula na kaming maghanap ng paupahang bahay. Ayoko ng dorm. Ang alam ko kasi mas mahal ang renta pag nag dorm at mga certified students lang ang pwedeng magstay dun. Eh san tutuloy si Liza pag nagka ganun? Kaya nagpursigi kaming maghanap ng paupahang bahay na mura. Pagkatapos ng medyo matagal tagal na paghahanap, sa wakas nakahanap rin kami. Kinausap ko agad yung may ari ng bahay at tinanong kung magkano ang renta pag buwanan. 2,500!? Hindi na masama. Mura na para sa disenteng paupahan na gaya nito. Malinis, medyo malaki. Magiging komportable ako dito pati si Liza. Kinumpleto ko na ang bayad ko sa renta para sa tatlong buwan na upa ko sa bahay. Bali yung pera na natira eh pagkakasyahin ko na lang sa loob ng isang buwan bago ako uli mabayaran ni mrs. Diaz. Sure naman kasya yun. Mag isa lang ako at hindi naman ako gastador kaya hindi problema. Marami pang perang matitira sakin sigurado. Kaya kung may extra akong kakailanganin, hindi ako magkakaroon ng abala pero syempre tancha tancha din. Nagsimula na kong mag ayos ng mga gamit ko sa bahay. Malapit na rin mag alas singko ng hapon. Kailangan ko na ring dumiskarte ng pagkain namin ni Liza kaya pagtapos ko mag ayos ay sinabihan ko agad sya.

"Ah eh Liza. Ayos na yung mga gamit ko. Ahm bibili lang ako ng makakain natin ah. Kung napapagod ka ay magpahinga ka muna."

"Ah sige ayos lang ako. Sige ako nang bahala sa bahay." Sabi sakin ni Liza.

Habang kinakausap nya ko, Pinagmasdan ko sya at bigla kong naalala eh wala pala syang pambahay na isusuot ngayon. Suot nya pa rin kasi yung pormal na damit na binigay sa kanya ni ate. Syempre naaawa rin ako na buong araw na iisang klase ng damit na naman ang suot nya. Kaya niyaya ko na lang din syang sumama sakin. Tutal alas kwatro pa lang naman ng hapon, maaga pa para bumili ng pagkain. Kaya sabi ko sa kanya na sasaglit kami sa divisoria para bilhan sya ng damit. Syempre madiskarte rin ako. Alam ko kung saan bibili ng magandang klase ng damit pero mura. Bumyahe kami pa divisoria. Pagdating namin dun. Manghang mangha na naman ang reaksyon ni Liza sa lugar. Parang 1st time nya lang sigurong pumunta dito. Sinimulan ko na rin syang yayain para maghanap ng mga simpleng damit na pambahay na pambabae. Nahihiya pa sya nung sinabi ko na bibilhan ko sya. Dinahilan ko na lang na hindi naman pwede na kahit nasa bahay lang kami eh naka pormal pa rin sya. Hindi na lang sya umimik at nagsimula nang pumili ng damit. Halatang halata talaga sa kanya ang pagiging simple pero classy na babae. Magaganda pero simpleng pambahay na damit ang mga napipili nya. Wala akong reklamo kasi mga mura rin naman yung nga napipili nya. Pagkatapos naming bumili ng damit nya, hindi ko napansin na inabot na pala kami ng alas sais. Na lost track of time kami kakapili nya ng damit. Na engganyo rin kasi ako sa pagtitingin ng mga damit eh. Ang sarap lang kasi talaga bumili sa divisoria. Bukod sa magaganda mga kalidad nung mga damit nila rito, eh mura pa. Kaso hindi ko naman kailangan ng bagong damit sa ngayon dahil kailangan ko rin magtipid. Inabot na kami ng alas sais ng hapon. Dahil aabutin pa kami ng halos 30 mins. Ng byahe pauwi dun sa nirentahang bahay namin, eh hindi na ko nakatiis at niyaya ko na lang si Liza na kumain sa Fastfood chain. Pagpasok namin dun. Napatulala na naman sya sa itsura ng paligid. Pinipigilan ko na lang tawa ko pag nakikita ko ang mga reaksyon nya sa paligid. Parang tagabundok lang na napadpad sa syudad eh. Pagkatapos namin kumain, dali dali na kaming umuwi para magpahinga. Maaga pa ko bukas sa eskwela at dadaan pa ko sa bahay nila mrs. Diaz para kay Arianna. Pagdating namin sa bahay, nagpalipas muna ako ng oras sa terrace para magpa antok. Susulitin ko lang yung lamig ng hangin. Bihira na lang ngayon sa maynila ang malamig na simoy ng hangin eh. Habang nakatambay ako, lumapit uli si Liza sakin at nakipag usap.

"Natutuwa ako sa mga ginawa natin kanina. Salamat nga pala sa mga damit ah. Pero hindi ko rin talaga maiwasang magtaka. Sa loob ng maikling panahon eh ang laki na ng pinagbago ng maynila. Parang nung isang araw lang bago mo ko matagpuan eh hindi pa ganto ang itsura ng maynila. Pero nung pag gising ko nung kasama na kita, parang nagbago na ang lahat. Kaya biglang hindi ko alam kung anung gagawin ko at pinilit kong bumuntot sayo" sabi ni Liza.

"Hehe ganto na talaga ang mundo ngayon. Modern technology na kasi kaya napakabilis umunlad. Naiisip mo tuloy na parang kahapon lang eh ang luma luma ng isang lugar tapos kinabukasan eh moderno na. Ganun talaga. Masanay ka na Liz. Ganto na ngayon ang buhay, mabilis nagbabago." Sabi ko sa kanya.

"Siguro nga tama ka. Nakakamangha. Napakabilis ng panahon. Parang kailan lang din eh ordinaryong dalaga lang ako. Ngayon sikat na sikat na kong artista sa theatro" sabi ni Liza.

"Oh talaga? Nagpeperform ka rin sa theater? Ayos ah. Pareho pala tayo ng hilig eh." sabi ko.

"Oo nagtatanghal ako. At sa susunod na linggo nga eh magsisimula na ang pangarap ko. Pag napansin ako ng mga amerikanong kritiko, magkakaroon ako ng chansa para makapagtanghal sa broadway sa amerika. Kaya kailangan ko na talagang umuwi...... KAILANGAN KO NA MAKAUWI.!!! Naku po nakalimot na ko. Ilang araw na kong wala sa bahay. Sigurado akong hinahanap na ko ng magulang ko." Sabi ni Liza.

Bigla bigla na lang syang nataranta. Naalala nya bigla na kailangan na nyang umuwi. Nag e enjoy na ko sa kwento nya eh. Bigla namang nahulog yung turnilyo nya sa utak.

"Teka Liza kalma lang. San ka ba talaga kasi nakatira para maihatid na kita" sabi ko sa kanya.

"Dun nga sa pinuntahan natin nung nakaraang araw. Sigurado yun ang bahay ko" sabi nya sakin.

Pinagtalunan na namin to nung nakaraang araw eh. Ayoko nang lumala ulit kaya nagdahilan na lang ako ng ika kakalma nya.

"O sige Liza ganito na lang. Ako na lang muna ang pupunta run sa bahay na yun pag may oras ako para matanong ko kung anu ang problema at maayos ko. Mahirap na pag sinama kita dun. Baka magka eskandalo na naman eh. Ako nang bahala. Sasabihin ko agad sayo kung ano ang problema dun sa bahay nyo pag uwi ko rito." Sabi ko sa kanya.

"Pakiusap Paulo gawin mo ang magagawa mo. Kailangan ko na makauwi. Baka nag aalala na sakin si mama at papa." Sabi ni Liza.

"Eh sabi nung matanda dun sa bahay eh wala naman dun ang nanay at tatay mo kaya hindi talaga magandang paraan na susugod ka dun. Pag nakakuha ako ng balita tungkol kung nasaan ang magulang mo. Sasabihin ko lahat sayo ang kailangan mong malaman. Gagawin ko agad lahat ng makakaya ko para makauwi ka na at matupad mo na yung pangarap mo. Sa susunod na linggo pa naman yun kaya marami pa tayong oras. Wag ka na mag alala ha. Magpahinga ka na. Keep calm and rest." Sabi ko sa kanya.

"Salamat talaga ng maraming marami sayo Paulo. Nahihiya na ko sa mga tulong na ginawa mo para sakin. Pangako ko sa oras na makauwi ako, babawi ako sayo." Dahilan ni Liza.

Nginitian ko na lang sya at pinagpahinga ko na. Di ko na lang sinabi sa kanya na willing akong gawin ang lahat matapos lang tong kalbaryo na to. Baka ma offend eh. Kailangan kong paghandaan ang mga gagawin ko sa mga susunod na araw. Hindi magiging simple ang lahat pero kakayanin ko. Alam ko kakayanin ko kaya no worries. I know God is with me kaya confident akong makipagsapalaran.

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 19.6K 42
Dice and Madisson
133K 1.8K 52
Avyanna Marlowe acted as a mother to her siblings when their parents died. She's known for her sassy and dignified aura, which made her reputation ir...
370K 17.8K 53
[ Iskwala Series #1 ]
36.6K 724 27
Clay Verdera is an actor while Isla Aurora Randal is just a typical person. Makabagong panahon ngunit makalumang paniniwala pa rin ang nananalaytay...