The Substitute Date - Publish...

By rieannpeach

87.8K 1.7K 77

Matagal nang walang boyfriend si Trisha. Kaya naisipan ng mga kaibigang i-set siya sa blind dates. Kaso, pala... More

Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve

Chapter Six

6.7K 142 5
By rieannpeach

NAGISING si Trisha sa walang tigil na pagtunog ng kanyang cell phone. Pupungas – pungas na bumangon siya at kinuha ang cell phone na nakapatong sa bedside table. Nakita niya sa screen na si Kate ang tumatawag. 
“Kate, ang aga pa, ah,” reklamo niya na sinundan pa ng paghikab.
“Loka, tanghali na kaya.”
Napatingin siya sa wall clock na nakasabit sa dingding. For an early riser like her, tanghali na nga ang alas- otso. Kahit araw ng Linggo ay maaga pa rin siyang nagigising para mag–jogging. Napuyat kasi siya kagabi dahil halos madaling-araw na nang ihatid siya ni Ken.
Katulad ng mga nakaraang araw, nag-drive lang naman sila ni Ken kung saan – saan.  She never thought that driving with him at night would be fun. Mabuti na lang at hindi nagising ang kanyang mga magulang nang umuwi siya. Kung hindi, lagot siya.
Hindi nakaranas si Trisha ng curfew dahil hindi naman siya naging pasaway na anak pero nagkaroon siya ng driver cum bodyguard bago nagdisiotso. Hindi rin mahigpit ang kanyang mga magulang lalong–lalo na ang daddy niya kahit dati itong sundalo pero  ayaw na ayaw ng mga ito na ginagabi siya ng uwi.
“Gising ka na ba?” tanong ni Kate.
“Kung hindi pa, makakausap mo ba ako? Loka ka talaga. What’s up?” Tuluyan na siyang bumangon at lumapit sa bintana. Hinawi niya ang kurtina para pumasok ang liwanag.
“May gagawin ka ba ngayon? Punta ka naman dito sa bahay. Pupunta rin si Jane.” 
“Sorry, Kate.  Darating kasi dito mamaya sa house ‘yong mga relatives namin.  Parang family reunion sa mother side. Hindi ako puwedeng umalis ng bahay ngayong araw.”
“Sayang naman, magpapaturo sana akong magluto sa ’yo.”
“May plano na ba kayong magpakasal ni Jay–Jay? Bakit lately, parang puro pagluluto ang inaatupag mo?” kunot–noong tanong niya habang nakatanaw sa swimming pool.
“Wala pa naman, hindi pa naman siya nagpo–propose, eh. Gusto ko lang gumaling nang husto sa pagluluto. Lalo na’t celebrity chef pa ang magtuturo sa akin nang libre.”
Natawa si Trisha sa narinig.
“How about next week, busy ka ba?” tanong pa ni Kate.
“Let’s see. Punta na lang kayo rito mamaya nina Jane mamayang hapon.”
“I can’t. May date kami ni Jay–Jay mamayang hapon.”
Sandali pa silang nagkuwentuhan ni Kate bago nagpaalam sa isa’t–isa. Dumeretso siya ng banyo, naghilamos at nag-toothbrush.  Matapos magbihis ng pambahay ay bumaba na siya at dumeretso sa kusina. Nadatnan niya roon ang kanyang mommy kasama ng mga maids na abala sa paghahanda ng mga lulutin. Sa pamilya nila, kapag ganoong maliit na handaan lang, hindi uso ang catering. Parehong magaling magluto ang kanyang mga magulang kahit pareho ring busy. At namana niya ang talentong iyon.
“‘Morning, Mom,” bati ni Trisha at hinalikan sa pisngi ang ina.
“Mabuti naman at bumaba ka na, ipapagising na sana kita. Ano’ng oras ka ba nakauwi kagabi?”
Kagat-labing tumalikod siya para kumuha ng mug sa cupboard. “Late na pero kasama ko naman si Ken, siya ang naghatid sa akin.”
Dahil sa inaanak ng mommy niya si Ken at kilala na mula pa pagkabata, malaki ang tiwala ng mommy niya sa binata. Parehong barkada ng mommy niya ang mga magulang ni Ken noong estudyante pa lang ang mga ito.
“Okay. Mag–almusal ka na at tumulong ka sa amin dito. Nagpunta sa La Loma ang daddy mo para bumili ng lechon kasama si Troy.”
“Okay.” Bitbit ang mug ng kape at dalawang hotdog na nakatusok sa tinidor, nagpunta siya sa teresa. Nadatnan niya roon ang kapatid na si Ethan kasama sina Paolo, Lance, Bernard, Jay–Jay at si Ken. Nagbubuhat ang mga ito ng mga steel chairs na nanggaling sa bodega. Pawang mga nakapang-basketball outfit ang mga ito na may nakasulat na Offsprings 21 na siyang pangalan ng barkada nila.
Nagulat si Trisha nang makitang naroon din si Ken, ilang oras pa lang ang nakakalipas nang maghiwalay sila at tulad niya, napuyat din ito. Base sa hitsura ng binata ay mukhang kanina pa ito naroon. 
“Hi, Trish,” bati ni Ken nang makita siya. Ibinaba nito ang buhat–buhat na mga silya at lumapit sa kanya.  May katagalang halik sa pisngi niya na sinundan pa ng yakap ang iginawad nito. Ewan kung may napansing kakaiba ang mga kasama nila. Sa tingin naman niya ay wala dahil abala ang mga ito sa kanya– kanyang ginagawa.
Nagkasundo sila na ilihim muna sa lahat ang namamagitan sa kanila. Ken objected at first but she insisted. Bukod sa nabibilisan siya sa mga pangyayari, aminado siya sa sarili na hindi pa ganoon kalaki ang tiwala niya sa binata na hindi na ito titingin sa ibang babae.
Ayaw niyang malaman ng lahat ang relasyon nila at sa huli ay magkakahiwalay lang din sila na posibleng maging dahilan ng pagkasira ng magandang samahan ng kanilang mga pamilya. 
“Kanina pa ba kayo rito?” kaswal na tanong ni Trisha. Inialok niya rito ang kinakain niyang hotdog at kumagat naman ito. Palibhasa mestiso, kahit nakasando lang ito at pawisan ay malinis pa rin itong tignan at mabango. Nakadagdag sa appeal nito ang medyo kulot nitong buhok na laging naka–trimmed at manipis na patilya at manipis na stubbles sa mukha.
“Kadarating lang namin pero nag-basketball kami kanina,” sagot ni Ken  habang ngumunguya.
“‘Di ba, napuyat ka rin? Bakit nag-basketball ka pa?” halos pabulong na tanong niya.
Napahawak ito sa batok. “Actually, hindi pa ako umuuwi. Nagkasalubong kasi kami ni Paolo pagkatapos kitang ihatid kanina, niyaya niya akong mag–basketball pagdating ng umaga kaya sa kanila na lang ako nakiidlip.”
Napailing–iling siya sa narinig. “Adik ka talaga sa basketball. Magkakasakit ka sa ginagawa mong ‘yan, eh. Pagkatapos ng ginagawa n’yo, kumain ka ‘tapos umuwi ka na at magpahinga, ha,” pabulong pa ring utos niya rito.
Napakamot ito sa batok. “Okay.”
Iyon ang madalas na nagiging dahilan ng pagtatampuhan nila, ang kaadikan nito sa paglalaro ng basketball na madalas nitong inuuna kaysa kumain o magpahinga. Frustrated basketball player kasi si Ken. He was a former King Tiger during college like Paolo at malaki sana ang potensiyal na maging isang professional basketball player pero noong third year college na, kusa itong tumiwalag sa varsity team para matutukan ang pag–aaral na labis na ikinadismaya ng coach nito. Ikinatuwa naman iyon ng mga magulang ng binata at ng lolo nito sa mother side na si Papa Angelo Yuzon na founder ng Builders.
Bilang panganay na anak at apo, alam ni Ken na ito ang inaasahang papalit sa posisyon ng ama bilang presidente ng kompanya at ang pinsan naman nitong si Gabe, sa posisyon naman ng mommy nito bilang vice presidente. Mas matimbang sa binata na gampanan ang tungkulin sa pamilya kaysa maging professional basketball player. Lalo siyang humanga kay Ken nang malaman niya ang ginawa nito noon.
Ang sabi ni Ken, ginaya lang nito ang ginawa ni Paolo na mas matanda nang isang taon na nauna nang tumiwalag sa team para makapag–focus din sa pag – aaral.
Iniwan na siya ni Ken para ipagpatuloy ang ginagawa. Lumapit ang maid kay Trisha at ibinigay nito ang isang bouquet ng tulips at carnations. Agad siyang natuwa, favorite flowers kasi niya ang tulips at carnations. Kinuha niya ang card na nakaipit doon at binasa. Nalaman niyang galing iyon kay David.
Mabilis na nakalapit si Paolo at inagaw ang card kay Trisha. “Kay David pala galing, Trish. Nanliligaw na ba siya sa ’yo? Sasagutin mo ba siya?” sunod–sunod na tanong nito.
Napatingin siya kay Ken. Nakatingin ito sa kanya habang magkasalubong ang makakapal na kilay. Halatang narinig nito ang tanong ni Paolo at naghihintay ng sagot.
“Basted na siya,” pigil ang ngiting tugon ni Trisha.
“Bakit naman?” tanong ni Paolo na pinakialaman na ang kape niya at ininom.
“He’s not my type,” may kalakasang sagot niya. Sadya niyang ipinarinig iyon sa boyfriend. Nakita niyang napangiti si Ken at itinuloy ang ginagawa.
“Boys, mamaya na ‘yan. Kumain na muna kayo,” deklara ng mommy niya na nanggaling sa loob ng bahay.
Agad na ibinigay ni Trisha ang hawak na bulaklak sa kanyang mommy. “Pakilagay na lang sa vase, Mom, magluluto na ako,” aniya at pumasok na sa loob ng bahay.

NAGHIHIWA ng mga prutas sa kusina si Trisha nang lapitan siya ni Ken. Nandoon pa rin ito sa kanila. Pagkatapos kasing kumain ay nakipaglaro pa ito ng poker kina Paolo. Nakapaligo na rin siya at nakapagbihis. Alas-onse na noon ng tanghali at ano mang oras ay darating na ang mga kamag–anak nila.
“Hindi mo ba ako iimbitahan sa family reunion n’yo?” tanong ni Ken. 
“Pinapapunta naman kayo ni Mommy mamaya, ‘di ba, lalo na ‘yong mga walang girlfriends dahil darating ang magaganda kong pinsan.”
“Oo nga, pero hindi mo man lang ako sinabihan kagabi. Kung hindi pa nagpatulong sa amin si Ethan, hindi ko pa malalaman na may okasyon pala rito sa inyo,” parang nagtatampong sabi nito.
“Nawala sa isip ko, eh.”
“Pero ipapakilala mo naman ako sa mga relatives n’yo, ‘di ba?”  
“As a friend, yes.”
Napabuntong–hininga si Ken. “Kahit special friend, hindi pa rin ba, puwede?”
Namaywang siya. “Tell me, paano kita ipapakilala kung ganyan ang hitsura mo?” Suot pa rin kasi nito ang sando at basketball shorts. “Kung kanina ka pa umuwi at natulog, magagawa mo sigurong bumalik dito mamayang hapon.” “Pauwi na nga kami. Hihingi lang ako ng good-bye kiss kaya kita nilapitan.”
Nabigla si Trisha at hindi nakakilos nang bigla siyang hapitin nito at siilin ng halik sa mga labi.
“Loko ka talaga, mamaya may makakita sa atin,” sita niya habang nag-iinit ang mga pisngi. 
Ngumisi ito. “Bye, Trish,” paalam nito at mabilis nang lumabas ng kusina.
Luminga–linga siya sa paligid kung may nakakita sa kanila. Nakahinga siya nang maluwag. The coast was clear.

ABALA sa pagluluto sa kusina sina Trisha at Kate nang pumasok ang mommy ni Kate dala ang isang bouquet ng tulips at carnations.
It was Sunday. Maaga pa lang ay nasa bahay ng mga Alegre si Trisha dahil napangakuan niya si Kate na tuturuang magluto. Naroon din si Jane at kumakain ng baked macaroni sa kitchen counter.
“Wow!” sambit ni Kate nang makita ang mga bulaklak. Nakasuot ito ng apron dahil ito talaga ang nagluluto. Si Trisha ang nagtuturo sa gagawin at nakikiusyoso lang si Jane habang kumakain.
“Ang sweet talaga ng pinsan ko,” komento ni Jane.
“Sa tingin ko, hindi ito galing kay Jay–Jay dahil para ito kay Trish,” nakangiting sabi ng mama ni Kate. 
“Sa akin?” gulat na bulalas niya saka tinaggap ang bouquet.
“May card diyan. Basahin mo na kung kanino galing,” excited na sabi pa ng ginang.
Sandali niyang sinamyo ang bulaklak bago kinuha ang card at binasa. Agad siyang napangiti nang mabasa ang nakasulat roon.
Trish,
I am thankful for having you in my life. Happy monthsary!
Sweetie
Endearment nila ng boyfriend ang nakasulat sa sender kaya alam niyang kay Ken galing ang mga bulaklak. Mabuti naman at hindi nito nakalimutan na first monthsary nila. Nang mag-angat siya ng tingin, tatlong pares ng mga mata ang nakatunghay sa kanya.
“So, kanino galing?” tila naiinip nang tanong ni Kate.
“Secret!” pilyang sagot ni Trisha.
“In that case, sa akin na muna ‘yang bouquet, itatabi ko muna para hindi kaagad malanta,” sabi ni Mrs. Alegre.
“Thanks, Tita.” Ibinalik niya ang bouquet at pagkatapos ay lumabas na rin ng kusina ang ginang.
Mabilis namang inagaw ni Jane sa kamay niya ang card at binasa. “Sweetie at happy monthsary?” kunot-noong tanong nito at tumingin sa kanya.
Hindi siya kumibo. May ngiti sa mga labing itinuloy niya ang pagma–marinade ng sauce ng roast beef.
“Sinong sweetie?” tanong pa ni Jane.
“Boyfriend ko.”
“May boyfriend ka na? Kailan pa?”
“One month pa lang kami.”
“Akala ko ba ayaw mo kay David, bakit ngayon may boyfriend ka na?” gulat ding na tanong ni Kate.
“Hindi naman si David ang boyfriend ko, ‘no.” Nang magpahayag ng interes si David na ligawan siya ay agad siyang tumanggi at hindi na ito pinaasa. Maginoo naman nitong tinanggap ang kanyang desisyon.
Nagkatinginan sina Jane at Kate. “You mean, you’re dating somebody else pa bukod kay David?”
“Parang ganoon na nga.”
“Then who is he?”
“Secret nga, eh.”
“Anong secret, hindi ka puwedeng maglihim sa amin, Trish.” Kinuha ni Kate ang card sa kamay ni Jane at binasa. Lalo siyang napangiti. Computerized ang pagkakasulat ng message sa card kaya hindi makikilala ni Kate ang penmanship ng kapatid.
“Sino ba si Sweetie?” naiinis nang tanong ni Kate.
“In due time makikilala n’yo rin siya,” nangingiting sagot niya. 
“Siguro kung sino lang ‘yong boyfriend mo kaya ayaw mong sabihin sa amin kung sino siya. Baka hindi naman guwapo,” panghuhula ni Jane.
“Or out of our league,” dugtong ni Kate.
“Parang hindi naman ninyo ako kilala. Of course, handsome at yuppie ang magugustuhan ko.”
“Eh, sino nga?” pangungulit ni Jane. 
“Basta hindi pangit.”
“Sino’ng pangit?” tanong ni Ken habang pumapasok ng kusina, sa kanya nakatingin.
“‘Yong boyfriend ni Trisha,” sagot ni Jane. “May asawa na siguro ‘yon o may criminal case kaya ikinahihiya niyang sabihin kung sino.”
“Of course not!” tutol ni Ken. 
“You mean, Kuya, kilala mo ang boyfriend ni Trish?” tanong ni Kate.
“Oo naman. He has a good job, mabait at higit sa lahat guwapo, ‘di ba, Trish?” tanong ni Ken bago binuksan ang ref at kumuha ng bottled water.
“Oo na,” kunwari ay napipilitang sang–ayon niya kahit ang totoo ay kulang pa ang magagandang sinabi nito tungkol sa sarili.
“Then who is that guy? Kilala ba namin?” tanong pa ni Jane.
“Secret,” nang– aasar na sagot ni Ken.
“Nakakainis ka!” mabilis na kinurot ni Jane ang braso ng binata.
“Aray!” daing ni Ken. “Bahala na nga kayo, diyan.” Binalingan siya nito.   “Trish, sarapan mo ang luto, ha. Roast beef is my favorite,” nakangiting sabi nito at lumabas na ng kusina.
“So, hindi mo talaga sasabihin kung sino ang boyfriend mo?” tanong ni Kate.
“Hindi nga,” napapangiting pagmamatigas ni Trisha. Nakita niyang nagsenyasan sina Kate at Jane. Hindi siya nakaiwas nang pumuwesto ang mga ito sa magkabilang gilid niya at kiniliti siya nang kiniliti. Panay ang iwas niya habang tumatawa. Natigil lang sila sa pagkukulitan nang maamoy ang nasusunog na niluluto ni Kate.

PAGKATAPOS magluto, dala ang cell phone ay nagpunta sa verandah si Trisha para magpahangin. She loved Alegre’s house. Mula pa pagkabata ay at home na at home na siya roon. Dalawang palapag iyon na may maliit na garden, garahe na kasya ang limang sasakyan, in–door swimming pool at rooftop na may half basketball court at mini gym. Wala pa sa kalahati ng bahay nila ang buong solar ng property. Moderno at maganda ang pagkakadesensyo niyon, at lahat ng espasyo ng bahay ay may pinaggagamitan.
Palibhasa tulad ni Ken, parehong licensed civil engineer ang mag-asawang Alegre at may masteral degree sa architectural design. No doubt, his family could afford to have a house in a posh village.
Nagkalat ang mga office buildings at condominium buildings na pag – aari ng pamilya sa buong Metro Manila at kalapit na probinsya pero mas pinili ng mga magulang ng binata na mamuhay ng simple at manirahan sa tahimik na residential area na iyon sa Mandaluyong.
“Did you like the flowers?”
Napakislot si Trisha sa pagkagulat nang biglang may bumulong sa kanyang tainga. Nang lumingon ay nakita niya ang nakangiting guwapong mukha ni Ken. Niyakap pa siya nito mula sa likuran.
“Ano ka ba, Ken, baka may makakita sa atin,” saway niya. Nag-iisa siya noon sa verandah. Kumalas siya rito at naupo sa rattan chair.
“So what? Girlfriend naman kita, ah.” Sumunod ito sa kanya at tinabihan siya sa upuan.
“Oo nga, pero hindi pa nila alam.”
Frustrated na napabuntong–hininga si Ken. “Ito ang mahirap sa relasyon natin, eh. I can’t express my feelings towards you in public. And yet, hindi naman natin kailangang maglihim.”
“Akala ko ba, naiintindihan mo ang gusto kong mangyari?” tanong niya.
Nang muli itong magsabi na ipaalam na nila sa lahat ang relasyon nila ay muli siyang tumanggi siya at nagdesisyon na pagbalik na lang niya mula sa Japan sila magsasabi sa lahat. Iyon ay kung sila pa rin. Being away from each other for a couple of months would be a good test for their relationship. Kung magagawa nitong hindi tumingin sa iba habang nasa malayo siya, doon pa lang niya lubos na maibibigay ang tiwala. Mahahalata naman siguro niya kung mambababae pa rin ito kahit magkalayo sila.
“Yes, I do.” Inakbayan siya nito. Hindi siya tumutol sa ginawa nito. Dati na naman kasi siyang inaakbayan ni Ken in public. “Lahat ng sasabihin mo, susundin ko, mapatunayan ko lang sa ’yo na sincere ako sa’yo.”
Kinilig siya sa sinabi nito. Naglalambing na isiniksik niya ang sarili rito.
“Ang sweet n’yo naman.” Bigla silang kumalas sa isa’t–isa nang marinig ang nanunuksong boses ni Kirsten.
“Kanina ka pa ba d’yan, Ten?” gulat na gulat na tanong ni Ken sa bunsong kapatid. Kirsten was just nineteen but she had finished two courses already. Ito ang genius at isa sa mga bunso sa barkada. Mas matured pa itong mag–isip kaysa kay Kate pero hindi naman nerd. Kasalukuyan nagre–review si Kirsten para CPA board exam at pinag–iisipan pa kung magpapatuloy kumuha ng Law.
“Kadarating ko lang, Kuya. Pero puwede ba’ng tigilan n’yo na ang pagiging sweet sa isa’t–isa? Sige kayo, baka magselos ang boyfriend at girlfriend n’yo kapag nakita kayong ganyan.”
Nakahinga siya nang maluwag sa narinig.
“Sumunod na kayo sa dining area ha. Naka-ready na ang table,” sabi pa ni Kirsten at iniwan na sila.
Akmang tatayo na si Trisha pero pinigilan siya ni Ken. “Teka, hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Nagustuhan mo ba ‘yong pinadala ko?” tanong nito.
“Of course. Thanks.” Kinintalan niya ito ng mabilis na halik sa mga labi.
“Ano’ng gift mo sa akin?” tanong ni Ken. 
“Kanina mo pa naaamoy, ‘di ba?”
“Ang daya, si Kate naman ang nagluto, ah.”
“Correction, ako ang nagluto ng roast beef. I cooked that for you.”
Napangiti naman si Ken sa narinig.
“Let’s go, baka magtaka na sila kung bakit ang tagal natin.” Tumayo na siya at hinila na patayo ang binata.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...
2M 25.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
42.9K 2K 23
THIS IS A BL STORY! Obsession series # 2 "I'm scared to move on because moving on means accepting our fate as strangers. I'd rather heartbroken than...