That Author is my Boyfriend

By Jeiology

900 96 26

KnightInBlack and your Imagination More

PROLOGUE
Chapter I : His Secret Girlfriend
Chapter II : His Tweet
Chapter III : Throwback 1
Chapter IV : Throwback 2 (Choice)
Chapter V : His Fangirl
Chapter VI : Fan meeting
Chapter VII : Fangirling Gone Wrong
Chapter VIII : Notice by Him
Chapter IX : Misunderstood
Chapter X : Fetch By Him
Chapter XI : Family Gathering
Chapter XII : Bothered
Chapter XIII : His Point Of View
Chapter XIV : So Sudden
Chapter XV : A Friend
Chapter XVI : Sorry
Chapter XVII : Cool Off
Chapter XVIII : Fangirling
Chapter XIX : Back
Chapter XX : Proposal
Chapter XXI : Accident
EPILOGUE
#TAIMB NOTE
#TAIMB
Special Chapter
Special Chapter
Special Chapter
Special Chapter (The End)
Last Note

Chapter XXIII : Back to Reality

24 2 0
By Jeiology


AN : Woohh! Last Chapter is up! Expect the unexpected!

___________________________________

"Anak gumising ka na."

narinig ko na naman ulit ang isang pamilyar na boses.

"Oh my god! Gumalaw yung daliri niya."

"Tumawag kayo ng doctor! Sabihin niyo gising na ang anak ko."
rinig kung sigaw ng mga familiar na boses.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at tanging nakakasilaw lang na liwanag at kulay puting ceiling ang tanging nakikita ko.

God! Patay na ba ako?

Pero ano yung narinig ko?

Hanggang sa unti-unti na akong naka aninag ng mga hugis tao.

"Oh my god! Sa wakas gising ka na."

"Pinag-alala mo kami ng masyado anak."

"Okay naba ang paki ramdam mo? May masakit ba?
sunod-sunod na tanong nila.

Bigla namang may lumapit sakin na lalaking nakaputing gown. He's a doctor obviously.

"Kumusta na pakiramdam mo?" tanong ng doctor. Tumango lang ako
kahit hindi niya naman tinatanong kung okay lang ako.

May chineck muna siya at pag katapos ay umalis na agad dahil okay na daw ako.

Agad naman nag silapitan sa tabi ko ang mga tao sa kwarto.

Nakita ko naman silang lahat na naka tingin sakin.

Mama, Papa, Auntie, at mga pinsan ko.
Hindi ko alam pero parang may kulang, may hinahanap ako sa kanila na hindi ko makita.

"Si k-- Kib. N-nasan siya?" tanong ko.

Nalito naman silang lahat sa sinabi ko.

"Sino anak? Sinong Kib ang hinahanap mo?" malumanay na tanong ni mama.

"Mama si Kib? Yung boyfriend ko? Nasan siya?" medyo naguluhan naman siya.

Bakit wala siya dito? Fresh pa sa isip ko yung time na tumakbo siya palapit sakin. Pero ba't wala siya dito?

"Anak sinong boyfriend ang sinasabi mo? Wala ka namang pinakilalang boyfriend samin ah." sagot ni mama na halatang nalilito.

"Yung nag dala sakin dito? Sinong nag dala sakin dito?" tanong ko na halatang nalilito narin.

"Hindi namin kilala. May nag report lang na may aksidente sa kalsada kaya kayo nadala sa hospital. Bakit anak may problem ba?"

"Anong kami? Hindi ba't mag isa lang akong nasagasaan?" gulat naman nila akong tiningnan.

"Anak ano bang nagyayari sayo? Wala ka naman sigurong amnesia diba? Ba't ka nag kakaganyan?" Nag a-alalang sambit ni mama na halatang namo-mroblema dahil sa pinapakita ko.

"Tawagin mo muna si Doc. Paki sabi may ipapa check lang." utos naman ni papa sa isang pinsan ko.

"Anak okay ka lang ba? Sino ako?" tanong ni papa.

"Tch. Pa!" Sita ko sa kanya dahil feeling ko pinaglalaruan niya ako.

Tsaka anong amnesia pinag sasabi nila?

"Anak wag ka ngang magbiro nang ganyan. Anong nasagasaan ba ang pinag sasabi mo? Hindi ka naman nasagasaan ahh."

At dahil dun mas lalo akong nalito sa sinabi ni mama? Anong hindi nasagasaan?

Peke nalang yung pinulot ko ang papel sa gitna ng kalsada at pagtingin ko may humaharorot na sasakyan papunta sa side ko at bigla akong tumilapon?

"Hays ano ba to!" bulong ko at bigla naman sumakit ang ulo ko.


Ilang sandali lang umalis sina mama at papa at pumunta sa doctor na nasa bandang pintoan.

May sinabi sa kanila yung doctor at parang naka hinga naman sila ng maluwag.

Ilang sandali lang lumapit ulit sila sa akin.

" Magpahinga ka na muna anak. Wag ka daw muna mag isip ng kung ano-ano sabi ng doctor." - bilin ni papa.

Sumunod naman ako kahit labag sa loob ko dahil nalilito ako sa mga pinagsasabi nila at dahil na rin medyo sumakit ang ulo ko.




"Oh my god makikita na natin siya sa personal!"

"Mag la-live ako mamaya. Waahh! I'm so excited."

"Waahh! Can't wait to see my darling."

"Asawa ko. Wait for meee!!!"

"Oh baby baby baby !" ♪♪

Bigla ko namang nakita ang sarili ko na nag da-drive sa loob ng isang sasakyan kasama ang isang grupo na puro naka itim habang may dala-dalang libro , cellphone at DSLR cam.

Kung ano-anong pinagsasabi, nagtitilian, kumakanta at lahat kami ay halatang excited.

"Jeem wag masyadong mabilis. Darating din tayo dun. Masyado kang excited." reklamo ng isa kung kasama.

"Sorry. I can't wait to see my darling.."
at mas pinaharorot ang sasakyan ng biglan---









Naalimpungatan ako at dali-daling napa balikwas ng bangon.

Nagulat naman ako ng makitang puro puti ang paligid. Nasa hospital parin pala ako.

Bigla akong naka ramdam ng kakaibang kaba sa panaginip ko kanina . "Hindi maari...."




♪♪ I was thinkin about you,
Thinkin about me,
Thinkin about us, what we gonna be? ♪♪





Nakita kung nag lakad palapit ang pinsan ko at tinanong ako kung okay lang.

"Si Kib? Hindi ba talaga pumunta si Kib dito?" diritsang tanong ko sa kanya.

"Ano ka ba. Ba't naman pupunta si Kib dito? Anong gagawin niya?"

"Boyfriend ko siya. Hindi pwede, boyfriend ko siya." mahinang bulong ko at medyo sumakit na naman ang ulo ko.

Napa sigaw ako ng biglang sumakit ito at may kung ano-anong ala-ala ang pumasok sa isip ko.

"Aahhhhhh!!!!"



♪♪ Open my eyes, It was only just a dream. ♪




Ilang sandali pa nakita ko namang natatarantang pumasok sina Mama at Papa kasama ang ibang pinsan ko.

"Anak ayos ka lang?" tanong nila.

Nang mahimasmasan ako may inabot na familiar na notebook si Mama.

Isang pinaghalong color green at Beige na notebook with cover, na Zodiac sign na Cancer ang design. Sa upper right side nito ay may naka dikit na sticker na letter J.

Alam kung notebook ko yun.

Binuklat ko ito at bumungad sa akin ang tatlong malalaking letra.
K - I - B at may naka hangul na sulat sa gilid.




♪♪ So I travel back, down that road
Will you come back, no one knows
I realize, it was only just a dream. ♪♪



Unti-unti ko itong binasa. At sa bawat pagbuklat ko nito, unti-unti namang bumabalik sa isip ko ang totoo. Unti-unti na akong nalinawan.


Hindi ako si Im Agination na isang 4th year college, BSBA- MM student na girlfriend ni Kib, na hate ang pagiging fangirl pero Kpoper at mas lalong hindi ako snob dahil ang totoo..

Ako si Jeem Torrenueva, 3rd year BS Psychology Student, Single, dakilang fangirl, masayahin, palakaibigan at napapalibutan ng napakaraming kaibigan.




♪ I was at the top
And I was like I'm at the basement
Number one spot and now you found your a replacement.

I swear now that I can't take it, knowing somebody's got my baby.. ♪♪



Nandito ako ngayon sa hospital hindi dahil nasagasaan ako ng pulutin ko ang papel na bigay ni Tam at lalong hindi ako mag-isa ng maaksidente.

Dahil ang totoo, bumangga ang minamaneho kung sasakyan kasama ang mga kaibigan ko habang papunta kaming book signing.

Dahil dun hindi ko napigilan ang mga luha ko habang binubuklat at binabasa ko ang mga naka sulat sa notebook ko.

Patuloy lang ako sa pagbabasa at kung ano-ano pang mga random words na naka sulat ang nakita ko na mas nagpa sikip sa dibdib ko.

Isa lang akong normal na studyate.
Normal na fangirl. Uhm– no! Isa akong fangirl na obsessed sa kanyang idol na halos lahat ng mga nangyayari sa buhay niya na sinishare niya nakasulat lahat sa notebook na yun.

I'm not a girlfriend. I'm just a fan. I'm just a weird college student who still can't get over the obsession of fangirling.

I know him, but he doesn't know my existence. And thats the real score. And it hurts like hell.



♪♪ now you ain't around,
baby I can't think.
I shoulda put it down
Shoulda got that ring.

Coz I can still feel it in the air.
I see your pretty face run my fingers through your hair ♪♪


"Anak sabi ng doctor natural lang daw na medyo makalimutan mo yung mga nangyari pansamantala dahil sa side effect ng mga gamot at dahil narin tatlong araw kang unconscious." paliwanag ni mama.

What? 3days akong unconscious?

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mama.

So, panaginip lang pala talaga ang lahat. Bunga lang ang lahat ng iyon ng imahinasyon ko.



Si Tam.

Si Kib na Boyfriend ko.


Yung four years in a relationship.


Yung proposal,



Yung engagement ring.



At yung " Let's get married 9 years from now then."



♪♪ My lover, my life
My baby, my wife
You left me. I'm tied. Cause I knew that it just ain't right. ♪♪

Ayaw mag sink in sa utak ko lahat ng iyon dahil lahat ng saya at lungkot na naramdaman ko sa panaginip na yun, parang totoo.

Yung mga moment na magka sama kami, masaya, nagtatawanan para sakin totoo lahat iyon.

♪♪ I was thinkin about you,
Thinkin about me,
Thinkin about us, what we gonna be?
♪♪

At si Tam. Sino si Tam? Hindi siya nag e-exist sa circle of friends namin pero bakit parang totoo siya? Na may kaibigan akong tulad niya?

Bigla naman pumasok sa isip ko ang cellphone ko.

"Ma cellphone ko?"

Agad naman niya itong inabot.

Pag connect ko sa internet agad namang bumungad sa akin ang sandamakmak na notifications.

Wattpad, Facebook, twitter at mga notifications sa IG.

Nag paalam muna si Mama at Papa dahil aasikasuhin daw muna nila ang discharge paper ko kaya naiwan ako at ang pinsan ko sa kwarto.

Inopen ko ang fb acc. ko at inopen agad ang messages.


Em :
Bes... Mag Mi-military na si tandaa!!
Huehue T-T
Sign off narin si Ate A sa Watty T-T
Bes!! Double kill!

Si Em ang best friend/soul sister ko na nakilala ko lang sa internet.
Hindi pa kami nag kikita pero ibang level na yung closeness namin.

At dun bigla ko siyang naalala.


♪♪ Open my eyes, it was only just a dream ♪♪

Siya yun! Siya si Tam sa panaginip ko.
Yung best friend ko sa panaginip.

Napaisip naman ako.

Kaya ba ganon nalang ka ganda ang flow ng relationship namin?

Kaya ba tumagal kami ng four years?

Kaya ba wala man lang third party? Konting selos lang at naayos agad.


[Sigh]

Napa buntong hininga nalang ako sa naisip ko.


♪♪ So I travel back, down that road
Will you come back , no one knows
I realize, it was only just a dream.. ♪♪












Featured song : Just a Dream - Nelly
Cover by : Sam Tsui & Christina Grimmie

Lyrics link: https://youtu.be/a-_7HjvbaTI

Continue Reading

You'll Also Like

16.4K 904 21
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
169M 5.5M 67
A place where everything is mysterious, enchanting, bloody, and shitty. Entering is the other way of suicidal. Just one wrong move and everything wil...
63.3M 2.2M 44
Warning: Do not open if you haven't yet read Hell University. This is just a sequel of that book. Thank you!
125M 2.6M 56
Si Carmelita Montecarlos ay ang bunsong anak ng pinakamayamang angkan sa San Alfonso. Habang si Juanito Alfonso naman ay ang anak ng pinakamaimpluwen...