The Prince Who Pricked His Fi...

By VentreCanard

9.2M 452K 120K

In fairy tale, the spinning wheel made the princess fall into her deep sleep, a sleep like death from which s... More

-
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Epilogue

Chapter 20

124K 6.8K 2.5K
By VentreCanard

Chapter 20

Mabilis kong hinawakan ang braso ni Triton nang magtangka itong humabang papalapit kay Arellano.

"Asshole, do you think Autumn will like you? Papaano kung ligawan ko? She likes me. Sinong basted ngayon? Gago." Nagulat ako sa sinabi ni Triton.

Arellano's face darkened.

My eyes widened when he's about to reach and hurt Triton. Agad akong yumakap kay Triton para hindi siya tamaan.

"No! Don't hurt him! You bad Arellano!"

"Damn it, umalis ka dyan. Away lalaki ito Euphie," iritadong sabi ni Arellano. Pilit tinatanggal ni Triton ang braso ko sa kanya.

"Fat cheeks," halos napapadyak ako at ayaw kong kumawala kay Triton.

"No!"

"Hey, what's going on?" nanlamig ang mga braso kong nakayakap kay Triton nang makilala ko ang boses ni Ahmed.

Nanghihina kong ibinaba ang yakap ko mula kay Triton nang makitang nakatitig sa amin si Ahmed.

"I heard you screaming, anong ginagawa mo rito Arellano?" he turned his eyes to White.

"None of your business," humakbang na si Ahmed papalapit sa akin at inagaw niya ako mula kay Triton.

"Kung mag-aaway kayo ni Arellano, Triton. Huwag dito, ofcourse Euphie will take your side."

"Ang girlfriend mo ang yumakap kay Montgomery and he's taking advantage. Baka mamaya magising ka na lang Al-Muzaini, naagaw na siya sa'yo." Arellano grinned at me.

Humigpit ang hawak sa akin ni Ahmed. Gusto ko nang kalmutin ang mukha ni White Arellano! He's the most evil guy I've ever met!

He's a liar! At gusto niya lagi ng away!

"It was not like that, Triton saved me from him Ahmed! He's threatening me!"

"Hindi ako nagbabanta sa mga bata. I was just asking you a favor, sinuntok ako bigla ni Montgomery. Nagyakapan pa kayo and voila! Nahuli ng boyfriend."

"Fuck off!" muli itong nasuntok ni Triton.

Pero sa pagkakataong ito ay gumanti na si Arellano.

"Ahmed, awatin mo sila!" tumango sa akin si Ahmed.

Pero ang huli, naging tatlo na silang nagsusuntukan. I cried and shouted for help.

Hanggang lumabas na si mommy, daddy at ang daddy ni Arellano. Hindi rin nagtagal ay lumabas na rin ang parents ni Triton at Ahmed.

Natigil lamang sa suntukan ang tatlo nang nagpaputok na ng baril ang daddy ni Triton.

Mabilis nakalapit si Tita Taliya kay Triton at hinila ito papalayo kay Ahmed at White. Ngayon ko lang napansin ang naka-jogging pants na Troy Ferell sa likuran ni Tita na parang naabala sa pagtulog.

"Are you okay honey Triton?" nag-aalalang tanong ni Tita Taliya. 

Troy Ferell's eyes narrowed, like he was blaming everything to me.

"I'm all good mom," hinawi ni Triton ang kanyang mommy.

Nakalapit na rin sila Tita at Tito kay Ahmed at pinagagalitan ito. Ganito rin si White sa kanyang Daddy.

Lumapit na rin sa akin si mommy.

"What happened here, Euphie?"

"Nothing," sabay na sagot nilang tatlo.

The parents wanted to settle the issue and talk about it inside, but the boys refused. Naunang umalis si Triton na hinabol ni Troy Ferell.

Arellano keeps grinning, lumapit na ako kay Ahmed. Nagtangkang magtanong sa akin ang mommy ni Ahmed, but he brushed the question away.

"Let's just talk tomorrow, Euphie." Bahagyang may putok sa gilid ng kanyang labi si Ahmed.

Si Triton kanina ay pansin ko sa kanyang kilay, habang si Arellano ay may pasa na sa kanyang mukha.

Hindi na nagtagal sila Arellano sa bahay dahil inuwi na rin ito ng kanyang Daddy.

"What happened there Euphie? Bakit biglang nagkaroon ng suntukan?" tanong ni mommy.

"Because of that Arellano! Hindi ko sila iboboto!"

"Why?"

I explained everything. Bumuntong hininga lamang sa akin si Mommy at Daddy.

"Tomorrow, we'll apologize to Ahmed and Triton's parents. Magpahinga ka na Euphie, napakaganda mong babae anak. Noong kabataan ko, hindi ko rin alam kung paano ihahandle ang mga boys."

"Wow," tipid na sabi ni Daddy.

Kinabukasan ay kasama ako ni Mommy sa harap ng bahay ni Ahmed, may dala kaming macaroni para sa mga ito.

Si Ahmed ang sumalubong sa amin.

"Hi Ahmed, we're sorry about yesterday. Nandyan ba ang mommy at daddy mo?" humalik si mommy sa pisngi niya.

Hindi ako iniimikan ni Ahmed nang makarating kami sa kusina. Nahuhuli na ako sa paglalakad nang hawakan ko ang laylayan ng damit ni Ahmed.

"A-Are you mad at me, Ahmed? I'm sorry."

Nauna na si mommy sa kusina, hinuli ni Ahmed ang kamay ko at dinala niya ako sa sala ng kanilang bahay.

"Gamutin mo ako, look what happened to my lips." Agad akong humawak sa magkabilang balikat niya at hinalikan ko ang gilid ng labi niyang may sugat.

"I'm sorry Ahmed, huwag ka nang makikipag-away ulit." Akala ko ay hindi na siya ngingiti sa akin pero nakahinga ako nang maluwag nang gumanti siya ng halik sa aking noo.

"Forgiven,"

Matapos mag-usap ng mga mommy namin ay nagpaalam na kami. We're going to Triton's house.

Si Tita Taliya ang sumalubong sa amin, I heard Triton and Troy's voice cursing each other. Naglalaro ang dalawa ng xbox.

"Boys, may merienda."

Nawala ang ngisi ni Triton nang makita niya ako, nang mapansin ni Troy Ferell na malayo na si mommy. He mouthed me few words, why are you here?

Hindi na kami kumain ni mommy, si Triton at Troy na lamang ang kumakain sa lamesa. Nagsimula nang magsalita si mommy.

"Sorry about what happened, are you fine now Triton?" natigil sa ere ang pagsubo ni Triton.

"I am always fine Tita," Triton meaningfully looked at his mother.

"May ampon ka yata Taliya, who is this handsome boy?" gusto kong pumikit nang biglang kumislap ang diamond earring ni Troy Ferell.

"Anak po ng katulong namin Tita." Sagot ni Triton.

"What?" ngiwing sabi ni Troy.

"He's Don Ferell's youngest grandson, Troy. I asked him to stay here for a while, kasi bakasyon naman sa school nila."

"Walang pagkain sa kanilang mansion. That's why he's here." Segunda ni Triton.

"Hi Tita, I'm hearing a lot of things about you from Triton. Totoo nga ang sabi ni Triton, maganda rin daw ang mommy ni Euphie." Kita ko kung papaano ngumiwi si Triton.

I bet Troy Ferell is lying, bakit naman nila pag-uusap kung maganda ang mommy ko o hindi?

"I like him, hindi lang siya gwapo, matapat pang bata." Sinungaling siya!

Hindi naman masama ang loob ng mommy ni Triton, she always nice and kind. Lumabas na sa kusina si Triton at Troy, bumalik na sila sa paglalaro. Nag-uusap pa sila mommy nang may tumawag sa telepono niya.

"Wait lang Taliya,"

"Okay,"

Naiwan kami ni Tita. And from the very first time, I felt awkwardness with her, hindi na ito masyadong lumalapit sa akin nang naging kami ni Ahmed.

"How are you Euphie? Hindi ka na dumadalaw rito, nagtatampo na ako."

"Sorry po,"

"It's okay, I can understand." Nagsimula na siyang kunin ang mga plato sa lamesa.

Nakatalikod na ito at binuksan na niya ang gripo.

"Pero sana si Triton na lang Euphie, mahal na mahal ka ng anak ko."

That was the last words I heard from Tita Taliya before we went home. Nagkaroon pa sila ng usapan ni mommy pero hindi na ako sumali.

Sumapit na ang foundation week namin. My parents are so supportive taking shots of my pictures.

Walang tigil sa pagtuturo sa akin si mommy ng aking pose para mas maging maganda ang anggulo ko.

"Ang ganda ganda naman ng anak ko. Smile widely Euphie," sumunod ako sa sabi ni mommy.

Panay lang ang kuha nila ng pictures sa akin nang dumating si Ahmed.

"Ang pogi ni Ahmed! Come here, I'll take your pictures." Hindi agad nakalapit si Ahmed sa akin nang makita niya ako.

"That angel is so cute," kumento niya sa akin.

Nang makalapit na siya sa akin ay agad niya akong hinapit.

"You're so pretty, Euphie."

"Ang gwapo mo rin!" ngumisi kami sa isa't-isa nang mag-flash ang camera. Katulad ko ay nabiktima rin si Ahmed sa kagustuhan ni mommy na kumuha ng maraming pictures.

Hindi na bike ang ginamit namin dahil sumakay na kami sa kotse. Nahirapan pa akong pumasok dahil sa malaking pakpak ko.

"Ahmed, my wings can't enter." I pouted.

He laughed and helped me.

"Don't ruin my wings,"

"Kapag hindi ka na makalipad, bubuhatin na lang kita. Okay?" ngumisi ako sa sinabi ni Ahmed.

Hirap na hirap akong sumakay sa kotse habang naiiling siyang pinagmamasdan ako.

Nakarating kami sa school at halos pagtinginan si Ahmed, ang gwapo kasi ni Ahmed. Hinatid niya muna ako sa classroom ko bago siya pumunta sa classroom niya.

"I'll pick you up before lunch."

"Okay," pinisil nito ang tungki ng ilong ko bago niya ako iwan.

"Euphie, ang ganda naman ng wings mo. A for the effort!"

"Ginawa 'yan ni Mommy," naka-fairy naman si Patricia.

"Pat! Nasilip mo na ba ang section nila, Triton? Ang cute ng theme nila." May lumapit sa amin na isa sa mga kaklase naming babae.

"What is their theme?" I asked curiously.

"Demon! Speaking of the devil!"

Lumingon ako sa labas ng classroom, I saw Triton wearing an evil costume. Kung ako ay may halo sa ulo, siya naman ay sungay. Kasunod niya ang alalay niyang si Troy na naka-freestyle lamang.

He's walking proudly, but when his eyes landed on my spot he stiffened. Nabangga sa likuran nito si Troy Ferell na nagte-text.

Itutulak sana nito si Triton nang tingnan niya ang tinititigan ni Triton. Ilang beses umiling si Troy Ferell nang makita ako.

Until he shouted.

"Uwi na Euphie, may pa-sungay pa kami dito. Come on T, don't look at the angel. Siya ang kasalanan. Siya ang bad." 

--

VentreCanard 

Continue Reading

You'll Also Like

1.4M 95.7K 89
There's a secret in his every bite. *Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
3.5M 154K 145
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
2.9M 61.7K 22
Over Series, Book #1 || Breakups are one of the things that Lei dreads, may it be a romantic relationship or friendship. So when her first boyfriend...
303K 21.1K 93
["PLAY THE KING" IS ACT TWO OF THE "PLAY" SERIES. PLEASE READ "PLAY THE QUEEN" FIRST.] It's been four months since Priam Torres, the once unpopular p...