Saving The Beast #Wattys2020

By xxladyariesxx

2.4M 80.6K 4.5K

Fairytale Series #1 COMPLETED #Wattys2020 New Adult Dahil sa kagipitan, naging personal doctor si Belle Anton... More

SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Belle and Adam : Finale
Special Chapter
#Wattys2020 New Adult

CHAPTER 9

54.2K 1.9K 97
By xxladyariesxx

Lima ang tauhan ng mga Zamora ang kasama namin ngayon ni Adam dito sa loob ng kuwarto, kasama na roon si Orly na siyang kanang-kamay nito. Nakasara lahat ng bintana at sa bawat sulok ng silid ay alerto ang lahat. Nakaupo na si Adam sa kama niya samantalang nasa gilid naman niya ako, tahimik at kinakabahan sa maaaring mangyari sa amin, sa akin.

"Orly," tawag pansin ni Adam sa lalaki. "My gun," anito sabay lahad ng kamay. Nanlaki ang mga mata ko sa nais niyang mangyari. He wants a gun. Ano? Makikipagbarilan din ito?

"You can't fight right now, Mr. Zamora," agad na sambit ko noong ibinigay nga ni Orly ang baril na hiningi sa kanya ng young master nito. "Hindi pa kaya ng katawan mo ang magkikilos. Maaaring mapasama ito lalo sa'yo."

"Don't worry. It's just for self-defense," simpleng sambit nito sa akin. Hindi ako nakapagsalitang muli kaya naman ay binalingan niya ako. Napakagat ako ng pang-ibabang labi dahil sa tensyong nararamdam ngayon. Damn it! "Relax, walang mangyayaring masama akin. It's just a gun," dagdag pa niya na siyang lalong nagpakaba sa akin.

"Relax? Nagpapatawa ka ba? Nakikita ko nga lang iyang mga tauhan mo na handa nang makipagpatayan para sa'yo ay gusto ko nang tumakbo palayo sa lugar na ito!" bulalas ko at napahugot na lamang ng isang malalim na hininga. This tension will surely kill me on the spot! Hindi na ako mapirmi sa kinatatayuan ko! Damn!

"Mas ligtas ka sa lugar na ito, doc. Trust me, mas magulo ang mundo sa labas ng bahay na ito," mahinahong sambit niya sa akin sabay kasa sa hawak-hawak na baril. Napalunok ako dahil sa ginawa niya. Shit! Pakiramdam ko ay aatakihin na ako puso!

"Young master." Napatingin kaming lahat sa nagsalitang lalaki. Nakatayo ito sa may pinto ng silid habang may kung anong pinapakinggan sa may tenga nito. An earpiece! Napakunot ang noo ko at hindi inalis ang paningin sa tauhan ni Adam Zamora. "Confirmed. They're on their way," imporma niya sa lalaki.

Mas lalong lumakas ang tensyon sa loob ng silid na kinaroroonan ko. Napahawak ako ng mariin sa gilid ng doctor's gown ko at nanatiling tahimik sa puwesto. I don't even know if I'm still breathing right now! Mas nakatuon kasi ang atensiyon ko sa mga baril na hawak ng mga kasama ko ngayon. Sa itsura pa lang kasi nila, alam kong makikipagpatayan talaga sila kung may kung anong gawing masama ang mga taong parating ngayon sa mansyon na ito!

Mayamaya lang ay hindi ko na nakayanan pa ang tensiyong mayroon kami ngayon. Tiningnan ko si Adam at humugot ng isang malalim na hininga bago magsalita. "Mr. Zamora," tawag ko kay Adam. Damn me! Hindi na talaga ako makapag-isip nang maayos ngayon! Mapapahamak kaming lahat kung mananatili kami sa lugar na ito. Kung totoo ngang parating na ang kalaban nitong Adam na ito, we need to escape immediately!

"Orly, call Wilson. Tell him that the bastard is coming," mariing sambit nito na siyang sinunod naman agad ni Orly. Natigilan ako at matamang tiningnan ang mukha ni Adam Zamora. He's calmed and composed! Kabaliktaran sa nararamdaman ko ngayon! What the hell?

"We need to get out of this place, Mr. Zamora. Baka mapasama pa lalo ang lagay mo kapag tuluyan nang dumating iyang mga taong papunta sa mansyong ito!" bulalas ko at hinarap ito nang maayos. "We need to leave... now!"

"You're here with me, Belle Del Monte. Alam kong 'di mo ako pababayaan," walang emosyong sambit nito na siyang napatanga sa akin sa harapana ng lalaki. What? "You're here. I'll be fine," dagdag pa niya na siyang ikinakurap ko na lamang.

"At paano naman kung ako ang mapapahamak sa gulong ito? Mr. Zamora, wala ito sa kasunduang pinirmahan ko! Hindi nakasaad doon na mamamatay ako habang tinutulungan kang mabuhay!" hestirikal na sambit ko sa kanya. Now, I'm losing it!

"Exactly," agad na wika niya na siyang nagpatigil muli sa akin. "Wala ito sa napag-usapan kaya naman ay kumalma ka. Walang mangyayaring masama sa'yo." Napaawang muli ang mga labi ko sa narinig mula sa kanya. Kumalma? Ako? Sa ganitong sitwasyon? Kakalma ako? Nababaliw na ba siya? "They're just here for a small talk. That's all."

Napakurap ako at hindi makapaniwalang napatitig muli sa pasiyente ko. Small talk? Really? Galit akong napatingin sa mga kasama ko ngayon sa silid at sa mga armas na hawak-hawak nila. Small talk my ass! They're all armed! Walang pag-uusap na magaganap sa kanila! They're going to have a full bloody war! Damn it! Napailing na lamang ako at hindi makapaniwalang binalingang muli si Adam Zamora.

"Small talk? With your men ready for a battle? Para lang sa isang small talk na iyan!" May inis na sambit ko sa kanya. Ang kaba ko kanina sa dibdib ay napalitan na nang inis at galit. Pinagloloko ba ako ng lalaking ito?

"Relax, Belle," ulit nito na siyang nagpatigil sa akin. Belle. Did he just call me by my name? Belle... he called me Belle, right? "You'll be fine. I promise," pahabol nito sabay tingin sa aking mga mata. In just a second, I felt it. My heart skips a beat for a goddamn second! What the hell?

Hindi na ako nakaimik pang muli. Nanatili akong tahimik sa tabi nito, tulala at malalim ang bawat paghinga. Natauhan na lamang ako noong biglang lumapit si Orly kay Adam at may ibinulong dito. Segundo lang din ang lumipas ay bumukas ang pinto ng silid. Napaayos ako nang pagkakatayo at walang emosyong napatingin doon. Mayamaya lang ay may tatlong lalaki ang pumasok. Lahat sila'y naka-itim na suit at kagaya kay Adam, malakas ang mga awra nito. So damn intimidating!

"So, you're alive," bungad ng lalaking nasa gitna ng tatlo sabay tingin sa kabuuan ng silid. He smirked. "Masyadong seryoso ang mga tauhan mo, Adam. Loosen up, man." He smirked again.

"Paano mo nalamang nandito ako?" seryosong tanong ni Adam sa lalaki.

"I have my ways," simpleng sagot nito sabay baling sa kinatatayuan ko. Bigla akong nanlamig sa puwesto. Damn. I remained my serious face and ignored him. "And who's this beautiful lady we have here? Your personal doctor, Zamora?"

"None of your goddamn business, Perez" malamig na turan ni Adam. Tumawa lang ang lalaki habang hindi inaalis ang tingin sa akin. Humakbang ito ng isang beses na siyang ikinalaki ng mata ko. Agad nagsigalaw ang mga tauhan ni Adam at sabay-sabay na itinutok ang mga baril sa tatlong bagong dumating. Mas dumoble ang tibok ng puso ko dahil sa tensyong bumabalot sa loob ng silid. Biglang nagtaas ang lalaki ng kanyang dalawang kamay habang hindi inaalis ang mapaglarong tingin sa akin.

"Looks like we have a little princess here in this room," anito habang nasa akin pa rin ang atensiyon niya. Damn it! Bakit ako ang napapansin ng lalaking ito? Can't he just focus on Adam Zamora? Bakit mas napansin pa niya ang presensiya ko sa silid na ito? "What's your name, doctor?" tanong niya sa akin.

Napalunok ako at hindi sinagot ang tanong nito. Nanatili akong tahimik at hindi gumalaw sa kinatatayuan ko.

"Leave her alone, Perez," mas malamig na turan ni Adam sa tabi ko. Wala sa sarili akong napatingin sa kanya at nanlaki na lamang ang mga mata ko noong makitang nakatutok na rin pala ang baril nito sa lalaking nasa harapan namin ngayon.

"Okay. Okay. Clam down your asses now," wika nito at umayos nang pagkakatayo. Ibinaba niya ang dalawa kamay at umiling na lamang habang na kay Adam Zamora na ang atensiyon. "I'm just here to deliver you this," wika ng lalaki at may inilahad na isang maliit ng bagay galing sa kanyang bulsa. Napakunot ang noo ko sa nakita. Is that a flash drive? "Nandito lahat ng kailangan mong impormasyon tungkol sa Santiago Clan. Read it."

Si Orly ang lumapit sa lalaki at kumuha ng flash drive sa kamay nito. Nagkibit-balikat ang lalaki at muling tiningnan si Adam. "We're done here, Zamora. Sa susunod, siguraduhin mong hindi ka nila mapupuruhan. Ako dapat ang papatay sa'yo," nakangising sambit pa nito na siyang napaawang ng mga labi ko. Bumaling muli ito sa akin kaya naman ay tinapangan ko ang itsura ko. "Take care of yourself, doctor. You're living with a monster here. Baka isang araw, hindi mo man lang namamalayan, hinakmal ka na pala nito," dagdag pa niya at nginisihan ako.

Gusto ko siyang sagutin sa sinabi niya pero mas minabuti kong manahimik na lamang. This man is dangerous like Adam. Hindi ko na kakayaning makipag-usap pa sa isang katulad niya!

"I'm leaving your premises now, Zamora. Nice seeing you breathing again, buddy," paalam nito at tahimik na lumabas na sa silid. Sumunod din sa kanya ang dalawa nitong kasama at iba pang tauhan ni Adam Zamora.

Napahugot ako ng isang malalim na hininga at wala sa sariling napahawak sa gilid ng kama ni Adam. Bigla akong nanghina. Napaawang ang labi ko at pilit na hinahabol ang sariling hininga! Who the hell is that guy? He's an enemy right? Pero bakit tila kaswal lang itong nakipag-usap kanina kay Adam?

"You know what to do, Orly," rinig kong sambit ni Adam. Napaayos ako nang pagkakatayo noong isa-isang nagsilabasan ang mga tauhan nito sa kuwarto niya. So, tama nga si Adam kanina. A small talk it is. Pero damn, hindi pa rin kumakalma ang sistema ko! "Breathe, Belle." Napakurap-kurap ako sa narinig at napalingon kay Adam. "He's gone," aniya at tiningnan ang hawak-hawak na flash drive. Inabot niya ito sa akin na siyang ikinataka ko naman. Napakunot ang noo ko sa harapan niya. "Do me a favor. Paki-print ang file na nandito."

Wala sa sariling kinuha ko ang inaabot niya habang hindi inaalis ang pagtataka sa aking mukha. "Why me?" wala sa sariling tanong ko rito. Sa sinabi ng lalaki kanina, mukhang importanteng impormasyon ang naka-save sa flash drive na ito kaya naman, bakit ako ang gagawa nito?

"Orly's busy," walang ganang sambit niya at nag-iwas nang tingin sa akin.

I sighed. Napailing na lamang ako at mariing hinawakan ang flash drive. "Fine," pagsuko ko at inilagay na ang flash drive sa bulsa ng suot kong doctor's gown. Muli akong napatingin kay Adam at seryosong tinanong itong mulo. "Are we safe now?"

"For now, yes. Perez is an enemy. I can't let my guards down. Hindi ko siya puwedeng bigyan nang pagkakataong patayin ako habang hindi pa ako nakaka-fully recover sa huling aksidenteng kinasangkutan ko."

"You're talking about death like it's just a normal thing to you," wala sa sariling komento ko na siyang nagpabaling sa akin ng atensiyon niya. Napalunok ako noong magtagpong muli ang mga paningin naming dalawa.

"You already knew who I am, right?" tanong nito na siyang nagpalamig na naman ng buong katawan ko. "Death is next to my name, Belle," mahinang sambit niya habang hindi nilulubayan ang mga mata. "Simula noong isinilang ako, nakabuntot na ang salitang kamatayan sa akin."

Hindi ako nakapagsalita. Nakatingin lamang ako sa mga mata nito. "Scared?" He asked me. Tumango ako sa kanya bilang tugon. Gusto kong magsalita pero walang lumalabas na salita sa bibig ko. Gusto kong gumalaw at umalis na sa silid na ito pero hindi ko magawa dahil sa mga mata nitong matamang nakatingin sa akin. "Lahat ng taong nakapalibot sa akin ay takot, Belle. Takot sa buhay nila. Takot sa magiging buhay nila kapag ako mismo ang mawala at mamatay."

"W-what do you mean by that?" Sa wakas ay nakapagsalita ako. Damn! I can't function well because of his damn intense stares!

"A bigger problem will occur if the young master of the Zamora dies, Belle. So, everyone around me, including that dumbass Perez, are trying to give their best just to protect me."

"But he's your enemy," maingat na wika ko. Tama naman ako, 'di ba? Siya rin naman ang nagsabi sa akin kanina na kalaban niya iyong lalaking kausap nito kanina!

"Everyone's my enemy, Belle," seryosong sambit nito na siyang ikinakagat ko ng pang-ibabang labi ko.

Katahimikan. Alam ko kung ano ang pinupunto nito pero hindi tama na ituring niyang kalaban ang mga taong malapit at tapat sa kanya. Kung malaman nila na ito ang turing niya sa kanila, tiyak na mas lalong magiging kukumplikado ang lahat. But again, he's Adam Zamora. Lahat na tungkol at konektado sa kanya ay tiyak kong magulo at kumplikado.

Napabuntonghininga ako at umayos na lamang nang pagkakatayo. "Gagawin ko na ang inuutos mo sa akin, Mr. Zamora," walang buhay na wika ko at umalis na sa harapan niya. Hindi na ito umimik kaya naman ay deretso na akong lumabas sa silid niya.

Pagkalabas ko ay naabutan kong may kausap si Orly sa telepono niya at noong mamataan ako, napansin ko ang pagkunot ng noo nito. Hindi ko na lamang ito binigyan pansin pa at mabilis na bumaba na at pumasok sa silid ko.

Continue Reading

You'll Also Like

1K 121 12
Shawn wanted a normal life. He never wanted to chase someone. He doesn't have a time for love, for someone. He's too busy for that. Captain siya ng b...
The Mayor By Dany

General Fiction

14M 255K 61
.
107K 4K 22
Magpapatuloy ang labang kanilang sinimulan. Nabunyag na ang mga lihim. Lumabas na ang mga sikreto. At ngayon, maghaharap-harap na ang bawat proyekto...
4.8K 237 41
Giselle Fuentes is an award-winning actress and known as Asia's Star who secretly in love to Kian Samonte an actor who also known as Asia's Cold Prin...