Grieving Soul [#Wattys2019 Wi...

By nininininaaa

3.3M 78.7K 8.2K

[ARDENT SERIES #2] Iarra took the biggest risk of her life-and heart-with Silver Melendrez. But when an unexp... More

Grieving Soul
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Epilogue

Chapter 6

59.2K 1.4K 48
By nininininaaa

Chapter 6
Worry

"Learn how to look at your phone, especially when you're not home, Iarra. What if there's an emergency?" Kuya Diego scolded me as soon as I got inside the house.

I saw my mother calmly sipping her coffee while reading some papers. She raised her eyebrows while hearing my brother's lecture.

"I'm sorry, Kuya..." I apologized right away instead of answering back. "It won't happen again. I promise."

Bumuntong hininga si Kuya bago nilahad ang kanyang mga braso at ngumiti sa akin.

Napangiti naman ako't agad na lumapit sa kanya upang mayakap siya. He combed my hair using his fingers and kissed the top of my head.

"I miss you, baby sister..." he whispered.

Mas lalo naman akong napangiti. Isang buwan din ang nakalipas mula nang umalis si Kuya upang bumalik ng Manila. Namiss ko siya ng sobra.

We gathered in the living room while our maids served us some snacks. Kuya Diego showed me the things he brought for me.

"May mga ipinapabigay rin si Ate Ariana sa'yo riyan," sabi niya at lumapit sa isang malaking paper bag na mukhang marami ang laman. "She bought you books to read. Nasabi mo raw kasi sa kanya na wala rito iyong hinahanap mong mga libro kaya ibinili ka niya roon sa Manila."

Agad kong tinakbo ang distansya namin ng paper bag kung nasaan nakalagay ang mga binili ni Ate Ariana para sa akin. Sa pinakataas pa lang ay nakita ko na ang sinabi ko sa kanyang libro na hindi ko makita rito. Ang mga ibang libro na ipinadala ay siya na mismo ang pumili.

Well, I don't mind. Pagdating sa mga librong binabasa ay parehas kami ng nakakahiligan ni Ate kaya sigurado akong magugustuhan ko itong mga ipinadala niya.

"I thought you'll be with your fianceé?" Our mother suddenly broke her silence and stopped from reading the papers she was paying attention to. "Why didn't she come home with you?"

Nilingon ko si Kuya Diego dahil nangako rin siya sa akin na pagbalik niya rito ay isasama niya ulit si Ate Rain. Dalawang beses ko pa lang siya nakikita sa loob ng tatlong taon na naging sila ni Kuya Diego. Ang unang beses ay noong dinala siya rito ni Kuya at ang pangalawa ay nang namanhikan kami sa Maynila.

"She's busy with work, Ma," sabi naman ni Kuya. "May kailangan siyang tapusin sa trabaho para payagan siyang ma-extend ang leave. One week lang kasi ang naipaalam niya no'ng una. If you'd informed us beforehand na may regalo kang honeymoon trip para sa amin sa ibang bansa ay nagawan sana agad ng paraan. Ayaw niya namang mag-absent."

Bumuntong hininga si Mommy. "So, is it my problem, then?" taas-kilay niyang tanong. "Mukhang masama pa ata ang loob ninyo sa munting regalo ko."

"It's not that, Ma..." Hinilot ni Kuya Diego ang kanyang sintido. "Rain actually loves the idea of spending our honeymoon in abroad. Ang problema lang ay hindi agad napaghandaan."

"Well, that is why I suggested to your fianceé na magresign na sa trabaho niya," simpleng sabi ni Mommy. "You two can establish your own business together. I'm sure you can joggle your restaurant and the new business if ever. Lalo na't magaling naman ang mapapangasawa mo."

"She wants to strive on her own, and I want to give her that freedom," Kuya Diego defended her.

Mom just shrugged her shoulders before standing up.

"I'm gonna rest first. Maaga pa akong luluwas patungong Castillo. I'm going to meet a client and hopefully, close another deal."

Napangiti naman si Kuya Diego. "I know you can do it, Ma."

"Well, I have no choice." Hinawi ni Mommy ang kanyang buhok. "Kailangan kong palaguin pa lalo ang negosyo bago ko ipahawak kay Dianarra."

Mariin kong kinagat ang aking ibabang labi at saka pinagpatuloy ang pagsusuri sa mga librong pinadala ni Ate Ariana para sa akin.

Mom was very vocal that she thinks I'm going to fail in handling our business. Among us three, she thinks that I'm the most irresponsible one. Ang gusto niyang humawak ng negosyo ay si Ate Ariana ngunit ayaw niyang manatili rito sa Bela Isla. She has different plans for herself. Pinayagan siya ni Daddy bago ito binawian ng buhay. Si Kuya Diego naman ay hindi hilig ang negosyong mayroon kami. He wants to be a chef and own a restaurant, which he currently has.

At dahil tatlo lang kaming magkakapatid ay ako na lang ang natira. Well, I love the nature of our business and I have no plans of leaving Bela Isla. I don't want a city life. Kaya nga kahit na gusto ng mga kapatid kong doon ako mag-aral ng kolehiyo sa Maynila para makasama sila ay hindi ako pumayag. Dito ko lang gustong manirahan.

Daddy believed that I can handle the business, but Mom thinks otherwise. Kaya naman nagsumikap ako sa pag-aaral ngunit hindi naman iyon napapansin ni Mommy. If only Dad is still here, he can actually make my Mom see that I'm working hard and doing my best.

"Don't mind, Mama..." Kuya Diego squatted down beside me and smiled. "I believe you. You can do it."

Sinuklian ko naman ang ngiting binigay ni Kuya Diego at saka tumango.

Kahit na isa o dalawa lang ang naniniwala sa akin ay ayos na ako roon basta ang mahalaga'y may naniniwala sa kakayahan ko.

Pakiramdam ko'y mayroon akong pasan-pasan buhat kanina kaya naman nang makahiga ako sa aking kama ay tila nakahinga ako ng maluwag.

Hinila ko ang aking bag papalapit sa akin at kinuha ang aking cellphone na nakalagay sa bulsa no'n.

Ang antok ko naman ay parang bula na pumutok at nawala nang makita kong mayroong mensahe para sa akin si Silver na kalahating oras nang nakalipas mula nang ito'y matanggap ko. Napabalikwas ako sa aking higaan bago binasa.

From: Silver Melendrez
Nakauwi ka na ba? Hindi ka pa nagte-text kung nakauwi ka na.

"Shit ka, Iarra!" Halos sampalin ko ang sarili ko nang mabasa ko ang mensahe niya.

I totally forgot earlier that I was supposed to text and inform him that I already got home safe. Masyadong akong naging abala kina Gio at Kuya Diego.

I immediately typed in my reply.

To: Silver Melendrez
I'm sorry, Silver. Ngayon lang ako nakapagtext pero kanina pa ako nakauwi. Nandito kasi ang Kuya Diego ko. Nalibang ako sa pag-uusap namin.

Buong akala ko'y nagpapahinga na siya dahil medyo may kalaliman na rin ang gabi ngunit agad na dumating ang kanyang mensahe nang hindi ko inaasahan.

From: Silver Melendrez
It's okay. Nakausap ko na si Gio. Hindi ka pala nagpaalam na pumunta ka sa amin?

I bit my lower lip. Siguro'y sinabi ni Gio na nag-alala sila ni Kuya Diego sa akin dahil hindi ako nagsabi na nagpunta nga ako sa mga Melendrez. Pero biglaan din naman kasi ang nangyari. I was supposed to only take Silver home. Hindi ko inaasahan na maaabutan namin ang nanay niya sa bakuran at aanyayahan ako papasok sa kanila.

To: Silver Melendrez
Oo... Biglaan din kasi, 'di ba? Pero ayos na! Nakausap ko na si Kuya Diego. Hindi naman siya galit sa akin.

He immediately replied back.

From: Silver Melendrez
Sa susunod na pupunta ka sa amin ay magpaalam at magsabi ka para hindi mag-alala ang pamilya mo kapag ginabi ka.

Lumabi naman ako at nagtipa ng aking isasagot sa kanya.

To: Silver Melendrez
I will do that, I promise. I'm sorry, Silver.

Pagkasend ko ng aking reply ay tiningnan ko ang mga mensahe galing kay Gio. He sent me a total of eight messages asking me my whereabouts. Ramdam na ramdam ko ang kanyang pag-aalala sa mga mensaheng ipinadala niya para sa akin.

Napabuntong hininga ako at saka sinubukan siyang tawagan. I waited for him to answer until the phone stopped ringing. I tried it for three times but he still wouldn't answer.  Muli na naman akong dinalaw ng aking konsensya kaya naman pinadalhan ko na rin siya ng mensahe.

To: Gio
Please reply, Gio. Or call me if ever you read my message.

Hindi pa nagalit si Gio sa akin na hindi kami agad nagkakasundo lalo na't madalas ay siya ang unang susuyo sa akin kahit na ako pa ang may kasalanan. But this time, he's being indifferent. He wouldn't answer my call and won't even reply to my message. Siguro ay talagang nagtatampo siya sa akin.

Pagkatapos ng klase bukas ay pupuntahan ko siya sa kanila. Kahit na binalak ko no'ng una na muling bumisita kila Silver ay ipagpapaliban ko muna upang puntahan si Gio. I will spend the rest of my day with him to make up for my mistake.

"Do you want me to pick you up after class?" Kuya Diego asked me when he halted our car in front of the campus' main gate.

I shook my head and smiled at my brother. "I'm gonna visit Gio later. Ipasundo mo na lang ako sa driver."

"Fine... But make sure to be home by dinner, okay?" sabi ni Kuya Diego. "Kahit isama mo na si Gio sa atin at doon na kumain kung gusto mong matagal kayong magkasama."

"I'll tell him that, Kuya," I told him.

"Okay. You may go now."

Kuya Diego leaned forward and kissed me on my forehead before I finally went out of the car.

Halos mapatigil naman ako sa paglalakad kasabay nang pagsilay ng aking ngiti nang mamataan ko si Silver. He was leaning on the wall beside the school gate. May mga iilang estudyante na pumapasok at bumabati sa kanya na nginingitian niya lamang. Most of the students entering this gate were from our department. Ibig sabihin ay hanggang sa amin ay kilalang-kilala siya.

Nawala ang ngiti sa aking labi. Paniguradong hindi lang ako ang nagkakagusto sa kanya at maraming nagnanais na makuha ang kanyang atensyon.

I know I have a lot of disadvantages, especially because I don't know how to express my feelings. This is the first I'm feeling something this complicated to someone and I don't know how to handle it.

I wondered how my older sister handled her feelings when she first fell in love with someone. Maybe I should call her sometime and ask her about it. Sigurado akong matutulungan ako ni Ate Ariana na mapakalma ang sarili ko at mas lalong maintindihan ang nararamdaman ko.

"Iarra."

Halos mapatalon naman ako nang mapansing nasa harapan ko na pala si Silver. Sobrang lapit namin sa isa't isa na halos pigilan ko na ang aking paghinga.

"Kanina pa kita hinihintay..."

Pinigilan ko ang paglaglag ng aking panga at pinilit na pakalmahin ang sarili upang umaktong normal.

Even though I strived so hard to act normal, the smile that I showed him was so awkward.

"Bakit mo naman ako hinihintay?" tanong ko sa kanya.

He looked like he wasn't expecting the question that I just shot him. He seemed so lost inside his mind while trying to find the answer why.

"Uhm... Siguro dahil gusto ko lang," nag-aalangan niyang sagot. "I don't really know why. Naisipan ko lang kanina na maagang pumasok para hintayin ka. Hindi ko alam kung bakit ko 'yon naisip."

Tiningnan ko naman siya na tila parang naguguluhan sa kanyang sarili. He slightly chuckled and scratched his nape before looking at me with worries in his eyes.

"Ayaw mo ba?" tanong niya sa akin.

I swallowed the lump in my throat and shook my head. "It's okay. I like it..."

He mirrored the smile on my face and released a deep exhale.

"Ihahatid na kita sa klase mo," bigla niyang pagp-prisinta at saka hinablot ang aking bag mula sa akin.

"Huwag na! Baka mahuli ka sa klase mo," nahihiya kong pagtanggi at akmang kukuhanin sa kanya ang aking bag ngunit agad niya itong iniwas.

"Mamayang alas-diez pa ang pasok ko," paliwanag niya. "Naisipan ko lang talaga na hintayin ka kaya ako pumasok ng maaga."

"Kung ganoon, e 'di... sige," sabi ko na lang.

I refused to look up ahead while we were walking side by side inside our campus. I was just staring at our feet moving in sync instead of trying to take a peek of the people staring at us. Kahit hindi ako mag-angat ng tingin ay nararamdaman ko ang intensidad ng paninitig ng mga kapwa naming estudyante.

Sinilip ko naman si Silver na mukhang walang pakialam sa atensyon na ibinibigay sa amin ng iba. May multong ngiti siya sa kanyang labi habang bitbit niya ang aking bag na naging sentro ng atraksyon ng mga tao sa paligid.

I bet they were all wondering why Silver was the one carrying my bag when I clearly have a complete set of hands and arms to hold my own belonging.

Kapag binibigyan nila ako ng atensyon noon ay baliwala lamang ito sa akin, ngunit ngayon na kasama ko si Silver ay naiilang ako at hindi mapakali.

Iniisip ko kung ano ang kanilang opinyon habang nakikita nila kaming magkasama at magkasabay ang mga paa sa paglalakad.

Do we look together or not?

Mababaliw na ata talaga ako.

"Gio!"

I almost tripped while walking when I heard Silver voiced out Gio's name. Nag-angat ako ng tingin at nakitang nakapamulsa si Gio habang nakatayo sa aming harapan. Hindi nalalayo ang distansya namin sa isa't isa.

He's my best friend but the aura he's showing wasn't familiar to me at all. It's like he was a total stranger, and the only thing I knew about him was his name.

"Ayos ka na ba?"

Agad na lumapit sa kanya si Silver na bitbit pa rin ang aking bag habang ako'y nanatili kung saan ako napahinto nang masilayan ko ang aking matalik na kaibigan.

"I'm fine now," he answered Silver with a smile. "The doctor told me that I can walk already. Basta huwag lang daw akong magtatatalon at magtatatakbo. I'm not allowed to strain my lower muscles yet."

Hindi ko naman na napigilan ang sarili na tumahimik lang nang marinig ko ang lagay ng kanyang kondisyon.

"You should've just stayed at home and rest until you're fully healed," I told him and took a step closer. "Paano kung mapatid ka o matalisod?"

When he turned to look at me and give his attention, I was relieved.

"Don't worry. I'll walk carefully..." he assured me.

Nang ngumiti siya sa akin ay mas lalong gumaang ang aking pakiramdam. Lumapit ako sa kanya lalo at saka yumakap sa kanyang braso bago inihilig ang ulo sa kanyang balikat.

"Aalagaan na lang kita at babantayan para makasigurado ako," sabi ko naman at ngumiti sa kanya. "I'll be your personal beautiful nurse."

He slightly snorted and playfully shook his arm to remove my hand. "Beautiful nurse..." he said with a teaseful voice.

"Bakit may reklamo ka?" Humalukipkip ako't nagtaas ng kilay sa kanya.

"Inulit ko lang..." sabi niya na lang at magsasalita pa sana ako nang talikuran niya na ako upang pumasok sa loob ng aming silid aralan.

Lumabi ako ngunit agad ding napalitan ng ngiti nang maisip na wala na kaming problema ni Gio. I thought he was still mad at me for making him worry, but I'm glad he wasn't.

Nilingon ko naman ulit si Silver. Nakangiting inilahad niya sa akin ang bag ko.

"Pumasok ka na," sabi niya.

Tumango naman ako at saka kinuha ang aking bag. "Salamat sa paghatid at sa pagbubuhat ng bag ko."

"Walang anuman," malambing niyang sabi. "Text-text na lang?"

"Sure!" I immediately agreed to his idea.

Muling sumilay ang kanyang dimple dahil sa pagngiti niya bago tumalikod upang maglakad paalis.

Continue Reading

You'll Also Like

7.5M 184K 45
"A woman who knows what she wants gets what she wants."
21.1K 1.1K 11
Weeks before her wedding day, Sydney found out the ultimate horror any bride to be would be afraid to face. Seeing her fiancé Jack in bed with someon...
365K 9.6K 43
| C O M P L E T E D | 21 JANUARY 2020 - 31 AUGUST 2020 | Stonehearts Series #7 | Ruby Carianne Barrameda isn't your typical girl. Fiery and captivat...
11M 227K 57
Si Adrianna Grace Montgomery, isang modernong Maria Clara. A no boyfriend since birth, no first kiss and first love. Having a jaw dropping surname, s...