GEORGINA POV
Ngayong araw na ito ang labas ni Quenito sa Hospital.
Pero mas pinili nyang dito pa rin tumira sa unit kesa sa bahay ng parents nya.
At sobrang saya namin sa desisyon nya dahil mas gusto naming kami mismo ang mag-alaga sa kanya.
Kaya ngayon sobrang busy namin para sa surprise namin para kay Quenito.
Nagpapalobo ako ng mga balloons pang decorate para sa mini party namin mamaya.
Samantalang si Baby at JD ay nagkakabit ng banner at ilan pang decorations.
Oo nagkabati na sila dahil alam nila kailangan naming magkaisa para kay Quenito.
At sobrang saya ko dahil tunay silang mga kaibigan kay Quenito na handang isuko ang pride para lang mapasaya ang kanilang kaibigan.
At si Beshiemon naman ay nagluluto sa kusina.
Oo nandito na si Beshiemon, tama nga ang hinala ko nanglalaki ang bakla kaya nakalimutan nya na ako.
Pero ayun penerahan lang sya ng lalaki pero ok lang daw sabi ni Beshiemon dahil naenjoy naman daw nya ng buong buo ang ex nya.
Naikwento ko na rin sa kanya ang lahat .
Mula ng pagkaaksidente ni Quenito hanggang sa pag-amin ko.
Nagulantang ang mundo nya pero masaya para sa akin.
Dahil tinanggap pa rin daw ako ng apat kong Boss sa kabila ng pagpapanggap ko.
At ngayon daw hindi nalang daw sya ang kakampi ko mayroon pa raw akong apat na Boss na handang lumaban para sa akin.
Hanggang sa gitna ng aking pag-iisip ay bigla nalang napatulo ang luha ko.
Dahil natatakot ako na baka isang araw maglaho nalang lahat ng ito at ayun ay mangyayari sa oras na makita ako ni Marky.
Kaya tama ang bilin ni Beshiemon na mag-ingat pa rin ako dahil maraming mata dyan ang pilit akong hinahanap.
Sabi rin ni Beshiemon wag ko daw sisihin ang sarili ko sa sinapit ni Quenito.
Bagkus ay iparamdam ko na lang daw kay Quenito ang pagaalaga at pagmamahal ko.
At medyo nagtampo la sa akin ang bakla dahil nalaman nya rin bestfriend ko na si Quenito.
Porke daw nawala sya ng ilang araw eh pinagpalit ko na.
Mabuti nalang nauto ko sa pamamagitan ng pagkukuwento ko tungkol sa bulate ni Quenito.
Kinikilig pa nga si Beshiemon habang kinukwento ko yun sabi pa nya takutin ko daw si Quenito para mapasunod ko.
Samantalang si Inigo naman ang kumakaon kay Quenito sa Hospital.
Hanggang sa may kumatok na sa pinto at alam namin sila yun
Dali-dali kaming nagsilapit sa pinto nakasuot ng party hat at tshirt na may caption QUENITO WE LOVE YOU.
"Kapag ka bukas ng pinto isigaw natin We love you Quenito!!!" sabik na sambit ko.
Nagsitango naman sila bilang pagsangayon .
At bumukas na nga ang pinto.
"WE LOVE YOU QUENITO!!!" todo sigaw namin .
Natulala at napanganga na lang kami dahil hindi si Quenito ang dumating.
"Pizza Delivery po," nakangiting sambit ni pizza boy.
Padabog na kinuha ni Beshiemon ang pizza sa boy at inabutan ng bayad at agad rin itong ipinagtabuyan.
"Panira ka eh," sambit ni Beshiemon.
Nang makaalis ang pizza boy nasa likod na pala nya sila Quenito at Inigo.
Naka wheel chair si Quenito na animoy nagtataka.
Samantalang si Inigo ay pilit na nagpipigil ng tawa.
"Quen welcome home," sambit ni Beshiemon sabay beso dito beso doon.
"Kuys," emosyonal na sambit ni JD sabay gulo ng buhok ni Quenito.
"Kuys Quen salamat," medyo naiiyak na sambit ni Baby sabay yakap kay Quen.
"Quenito, tara na sa loob," yaya ko.
Pagkapasok namin sa loob dumiretso kami sa salas.
Doon nakita ni Quenito ang mga inihanda namin para sa kanya.
May mga pictures nya at kung anu ano pa.
Bakas sa mukha nya ang sayang nararadaman nya.
QUENITO POV
Nilibot ko pa ang paningin ko.
Punong puno ito ng mga pictures ko kasama ang mga Kuys.
May inspirational quotes din ang nakalagay.
At hindi ko na nga napigilan ang mga luha.
"Bago tayo kumain maghandog muna tayo ng eulogy para kay Quen," sambit ni Beshiemon.
Awtomatikong nabatukan naman sya ni Hipon.
"Anong eulogy, ano yan patay?" medyo natatawang sambit ni Hipon.
"What I mean is message for Quen kaya magsiupo na muna kayo dahil ako ang mauuna," sambit ni Beshiemon.
Bahagya namang itinulak ni Inigo ang wheelchair ko.
Samantalang sila nakaupo sa sofa at si Beshiemon eh nakatayo sa harap namin.
" Quen gustong gusto kong magpasalamat sayo dahil niligtas mo ang bestfriend ko," nagpipigil na iyak na sambit nya.
" Quen hindi ko kakayanin kung mawawala si Queen G si Georgina sa buhay ko. Kung sya ang naaksidente at natuluyan sya, mamamatay din ako kaya maraming maraming salamat dahil dalawa kaming niligtas mo," umiiyak ng sambit nya.
Napakaswerte ni Hipon dahil ganito sya kamahal ni Beshiemon.
"Salamat dahil tinanggap mo sya bilang Georgina kahit na inagawan mo ako ng pwesto bilang bestfriend nya. Higit sa lahat Quen handa akong magpaalipin sayo pagsilbihan ka bilang kabayaran sa pagliligtas mo kay Queen G na buhay ko," sambit nya na sobra ng umiiyak.
Bumaling ang tingin ko kay Georgina at lumuluha na rin sya.
Nagyakapan sila ng mahigpit at ramdam ko na sobra nilang mahal ang isat isa.
Nang umupo si Beshiemon, si Inigo naman ang tumayo.
"Kuys, Salamat dahil lumaban ka akala namin iiwanan mo na kami," sambit nya.
Si Inigo sya yung pinakamasikreto sa amin.
Bihira lang din syang maglabas ng emosyon tulad ko.
Pero ngayon isang Inigo na nangingiyak ang kaharap ko.
"Kuys, Hindi ko alam kung paano mabuhay ng walang masungit dito sa unit. Hindi ko allam kung ano nalang ang mangyayari kung mawawala ang pinakamatino sa aming tropa," kwento nya sa nanginginig na boses.
Sa totoo lang akala nun mamamatay na talaga ako.
Akala ko nun tapos na ang lahat.
Pero napakalaking himala ang mabuhay pa ako kasama ang mga taong ito na alam kung hindi ako iiwan.
Kaya sino ba naman ako para mang-iwan tama lang na lumaban pa ako.
"Kuys laban lang huh. Walang susuko walang bibitaw nandito kami tutulong sayo. Gagawin namin ang lahat para sayo Kuys," umiiyak na sambit nya.
Lumapit sya sa akin at niyakap ako at anun din ako sa kanya.
"Salamat," bulong ko sa kanya.
Matapos ni Inigo ,si Alas naman ang tumayo.
Sa aming lahat si Alas ang pinakamabait.
At sya rin ang tinuturing naming Bunsoy.
"Quen the moment na nalaman kung naaksidente ka.Yun din yung moment na hiniling ko kay Boss na ako nalang. Kasi Kuys, di mo pa nae-enjoy ang buhay mo bihira ka lang kasi ngumiti," nangingiyak na natatawa na sambit nya.
Oo, totoo bihira lang ako ngumiti.
Pero di nila alam na ang puso ko araw araw ngumingiti nang dahil sa kanila.
"Kasi kuys kapatid na turing ko sayo. At hinding hindi ko hahayaan na mawala nalang sa akin yung kapatid ko na wala lang akong ginagawa," naiiyak na sambit nya.
Si Alas sya yung pinaka-family oriented sa amin.
Kaya alam ko ramdam ko simula nang nagsama sama kami pamilya na ang turing nya sa amin.
"Pero Kuys, nakaligtas ka kaya salamat kay Boss at sayo. Salamat kay Boss dahil niligtas ka nya at salamat sayo dahil niligtas mo si Baby," emosyonal na sambit nya.
Sa totoo lang kung ako ang mamimili kung sinong karapat dapat kay Hipon si Alas yun.
Dahil si Alas hindi yan marunong manakit pero willing syang masaktan kahit paulit-ulit para sa taong mahal nya.
"Handa akong turuan ka para makalakad ka ulit. Kahit minu-minuto aakayin kita basta lang pangako mo na itutuloy mo ang laban na kasama kami," sambit nya.
Lumapit din sya sa akin at sinalubong ako ng isang yakap na mahigpit.
"Pangako Kuys," bulong ko sa kanya.
Matapos ni Alas si Jeydeib naman.
"Kuys, Im sorry dahil dinala kita sa ganitong sitwasyon. Im sorry dahil sa akin kay hindi ka makalalad," nagu-guiltyng sambit nya.
Si Jeydeib, sya lagi yung tinutulungan ko kahit na hindi ko sya manok para kay Hipon
Siya yung tipon ng taong hindi marunong magkontrol ng emosyon.
Lagi syang nagpapadala sa emosyon nya at dahil dun hindi sya aware na may mga tao na syang nasasaktan
"Kuys, sorry is not enough but please hayaan mo akong pagbayaran ang kasalanan ko sa pamamagitan ng actions nalang......." putol na sambit nya.
Sinenyasan ko syang tumigil sa pagsasalita.
"Kuys patatawarin lang kita kung mangangako kang hinding hindi mo na sasaktan si Hipon," sambit ko sa kanya.
Wala na kasi syang ginawa kung hindi paiyakin ang bestfriend ko.
At hindi ko na hahayaan pang mangyari yun, gagawin ko ang lahat para hindi na masaktan si Hipon.
"Yes never I swear but kung dumating sa puntong masaktan ko sya ulit........" putol na sambit nya.
Pinutol ko ulit ang sasabihin nya dahil ako na ang magdudugsong nito.
"Kakalimutan kong kaibigan kita," seryosong sambit ko sa kanya.
Batid kong lahat sila nakabaling ng tingin sa akin.
Ngunit ang atensyon ko ay na kay Jeydeib lang.
"No wag mo lang kalimutan na kaibigan mo ako. But please mga Kuys, kung masasaktan ko ulit si Darling pakiusap ilayo nyo nalang sya sa akin at barilin nyo nalang ang sundalong ito," sambit nya na animoy nakikiusap.
Lumapit sya sa akin at imbes na yumakap ay nagyakap ng mahigpit ang aming mga palad
"Subukan mong saktan ulit sya kahit baldado ako pipilitin kong gumapang para habulin ka at patayin ka," seryosong sambit ko.
Napatango nalang sya habang sinseridad na nakikipagtitigan sa akin.
"Pangako hinding hindi na muli sasaktan ng sundalong ito ang Darling nya," sambit nya.
Matapos ni Jeydeib si Hipon naman ang tumayo at tumungo sa harap namin.
"Quenito sorry sa lahat," umaatungal na sambit nya.
Hindi ko naman maiwasang mapangiti dahil para syang bata.
"Ikaw kasi eh ang tanga tanga tanga mo alam mo namang mababangga ka dumiretso ka pa," naiiyak na kwento nya.
Batid kong lahat na rin kami ay naiiyak habang pinanonood sya.
Si Hipon yung tipon ng taong napakabaliw.
Na handang magpasaya kahit na alam mo na mismong sya ay hindi na masaya.
"Masyado ka naman kasing sabik na pumuntang impyerno," parang baliw na sambit nya.
Baliw talaga sya pero sya yung baliw na mas hihilingin mong makasama sa lahat.
"Pero dahil lumaban ka at gumising ka. Hayaan mong ang Hipon na ito ang maging paa mo sa bawat daang tatahakin mo. Hayaan mong ang hipon na ito na pasanin ka sa hirap man o ginhawa. Hayaan mong ang hipon na ito ang magpatawa sayo kapag nalulungkot ka," sambit nya sa napakainosenteng tono.
Nakangiti lang ako habang pinanonood sya.
"Hayaaan mong ang hipon na ito na mahalin ka at ang ibigay ang lahat para sayo," sambit nya.
Lumapit sya sa akin at yumakap.
"Hayaan mo rin ang Quenitong ito na saluhin ka ng paulit-ulit sa oras na bumabagak ka," pangako ko sa kanya sabay hagod ng buhok nya.
Kailangan kung maging malakas para kay Hipon.
Dahil gusto ko ako mismo ang haharap kay Marky para sa kanya.
Kahit baldado ako pipilitin kong tumayo para maipaglaban sya.
Matapos ni Hipon, bumakas ang TV at lumabas sa screen sila Mama at Papa.
"Son sorry kung napabayaan ka namin.Sorry kung nagkulang kami," sambit ni Mama na naiiyak na.
Hindi sila nagkulang masyado lang talaga akong independent na tao.
"Always remember mahal na mahal ka namin at lagi kaming nandito ang pamilya mo para sayo," umiiyak na sambit ni Papa.
Sa totoo lang may dalawa pa akong dalwang lalaking kapatid.
Nasa ibang bansa dahil may kanya kanya na rin pamilya but still nasa ibang lugar man sila lagi parin nila akong kinakamusta.
Matapos ang video nila Mama at Papa si Athena naman ang lumabas sa screen.
Hindi ko napigilang ang pag-agos ng malalaking patak ng luha ko
"Thank you kasi hinihintay mo pa rin ako. Hon thank you kasi sa kabila ng pagkukulang ko nandyan ka pa rin," naiiyak na sambit nya.
No, Hon hindi ka nagkulang masyado lang talaga kitang mahal kaya't kahit na anong mangyari, kahit na hindi ka pa bumalik maghihintay ako, maghihintay lang ako.
"Sorry Hon kung wala ako dyan pero uuwi na ako. Babalik na ako sayo, aalagaan kita.Ipararamdam ko sayo ang pagmamahal na deserve mo. Hon ban lang at kung pagod ka ng lumaban hayaan mong ako nalang ang lumaban para sayo," sambit nya.
Hon, sabay tayong lalaban.
Magkalayo man tayo alam ko namang magkadugsong lang ang ating mga puso.
"Hon konting tiis nalang magkakasama na tayo.Hon I love you so much," emosyonal na sambit nya.
Sobrang saya ko dahil atleast babalik na sya.
Makakapiling ko na ulit sya, ang taong dahilan kung bakit patuloy akong humihinga.
"Hon,my heart hurt so good and I love you so bad ,so bad," naiusal ko kasabay ng pagkamatay ng video.
"GROUP HUG!!!" sigaw ni Beshiemon.
Nagsilapit sila sa akin at nag-group hug kami.
"Salamat salamat salamat sa pagiging tunay na kaibigan," paulit ulit na naiusal ko.