Saving The Beast #Wattys2020

By xxladyariesxx

2.4M 80.6K 4.5K

Fairytale Series #1 COMPLETED #Wattys2020 New Adult Dahil sa kagipitan, naging personal doctor si Belle Anton... More

SIMULA
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Belle and Adam : Finale
Special Chapter
#Wattys2020 New Adult

CHAPTER 6

55.1K 2.1K 231
By xxladyariesxx

"Blink if you can hear me," utos ko habang matamang nakatingin sa gising na si Adam Zamora.

Kanina habang nakatingin ako sa kanya, hindi ko alam kung saan ako humugot ng lakas para tuluyang malapitan ito. All of the sudden, I felt so weak. His intense and cold stare, I suddenly forgot about the current situation I have right now. My patient is awake. Dapat iyon ang priority ko ngayon! Kung hindi lang natatarantang pumasok ang pinaka-head ng mga guard sa mansyon na ito ay malamang ay mananatili akong nakatitig sa mga mata nito kanina.

Mayamaya lang ay sumunod naman si Adam sa inutos ko at kumurap ng isang beses. I smiled at him. He's responding! "Now, move a finger on your right hand," utos kong muli at tiningnan ang mga daliri niya. I held my breathe while waiting again for his response. At noong naigalaw nito ang index finger niya, nakahinga ako nang maayos.

Umayos ako nang pagkakatayo at tiningnan ang kanina pang tahimik na si Alison. Pinatawag ko kasi ito kanina noong makita kong gising na si Adam Zamora. Mayamaya lang ay pinalabas ko muna ang ibang mga bantay namin sa kuwarto para masuri nang mabuti ang pasiyente. Naiwan naman ang isa sa kanila, iyong lalaking tiyak kong kanang kamay ng young master ng mga Zamora.

"Your vitals are okay, Mr. Zamora," nakangiti kong sambit sa kanya. "Kapag magtuloy-tuloy ito, mas mapapabilis ang paggaling mo."

Nakatingin lamang sa akin si Adam. Nginitian ko itong muli. I'm relieved right now. Ngayong gising na siya, mas mapapadali ang trabaho ko sa mansyong ito! Mas mapapabilis ang pagbabalik ko sa pamilya ko!

"Belle, babalik na ako sa kuwarto ko," mayamaya'y paalam ni Alison na siyang ikinalingon ko sa kanya. Babalik na siya? Napakurap ako at palihim na tumingin sa tulalang si Adam Zamora. Nakatingin lang ito sa kisame ng silid at hindi na muling kumikilos sa puwesto niya. Tinanguhan ko na lamang si Alison at lumabas na siya sa silid. At noong naiwan na kaming dalawa ni Adam Zamora, umayos ako nang pagkakatayo sa tabi ng kama niya.

"Your medical records confused me, Mr. Zamora. Hindi lang muna ako magtatanong ngayon dahil hindi mo naman kayang sagutin ang mga ito. But I want to tell you that you're a hella lucky guy. I'm glad you're still alive," marahang sambit ko at inayos ang kumot nito sa katawan. "Take a rest for now, Mr, Zamora. Kailangan mo ito para mas mapabilis ang paggaling mo. I'll stay here with you, so you don't have to worry."

Tipid akong ngumiti noong ipinikit nitong muli ang mga mata niya. Good. Mukhang masunurin pala ang isang ito.

Kinabukasan, ginawa ko muna ang morning routine ko bago iniwan kay Alison ang pagbabantay kay Adam. Bumalik ako sa silid ko at pabagsak na nahiga sa kama. Antok na antok ako! Ni hindi ko nagawang matulog kagabi dahil sa takot na may mangyaring 'di maganda sa kanya. I was watching him like a hawk. Ni pag-idlip ay hindi ko ginawa! Kahit na maayos naman ang vitals nito, hindi pa rin mawala ang takot sa akin! He's still fragile and needs to be monitored overnight!

Kahit pagod ang buong katawan at inaantok na, pinilit ko muna ang sarili na bumangon at humarap sa computer. Gumawa ako ng report at ipinadala muli sa email address na pinadalhan ko kahapon. Halos gumapang na ako pabalik sa kama. Mariin kong ipinikit ang mga mata at hinayaan ang sarili na hatakin ng antok.

"Bitiwan niyo ako! Ano ba!"

Napamulat ako ng mga mata noong makarinig ng mga sigaw sa labas ng kuwarto ko. What the hell is happening?

"You assholes! Get off of me!" muling sigaw nito na siyang napakunot ng noo ko.

"Alison?" mabilis akong bumangon at nagtungo sa may pinto ng silid. Agad kong binuksan iyon at pagkalabas ko ay agad bumungad sa mga mata ko ang iilang tauhan ng mga Zamora na nakatayo sa labas ng kuwarto ni Alison. "What happened?" tanong ko sa isa ngunit hindi ako nito kinibo. Shit! Wala ba akong makakausap na matino sa bahay na ito? Taka akong bumaling sa nakasaradong silid ni Alison at wala sa sariling napatingala sa pangalawang palapag ng mansyon. Hindi na ako nagdalawang isip pa. Humakbang na ako paakyat at deretsong tinungo ang silid ni Adam.

"What the hell is happening?" inis na tanong ko noong harangin ako ng dalawang bantay. "Let me in," dagdag ko pa at masamang tiningnan ito. Ano ba kasi ang nangyayari sa mga tao sa lugar na ito? Damn it!

Hindi kumibo ang dalawang bantay kaya naman ay nagpumilit na akong pumasok sa loob. Agad naman akong hinawakan ng dalawa sa braso kaya naman ay napasigaw ako dahil sa gulat.

"What the hell is your problem?" galit na tanong ko at pilit na binabawi ang braso ko mula sa pagkakahawak nila sa akin. Natigilan ako sa pagwawala noong biglang bumukas ang pintuan at iniluwa roon ang lalaking nakaaway ko kahapon. "Anong nangyayari? Si Alison? Narinig ko itong sumisigaw kanina! Anong ginawa niyo sa kanya?"

"Lower down your voice, Miss Del Monte. Gising ang young master. Ayaw na ayaw nito nang maingay," anito at humakbang ng isang beses. Segundo lang ay isinarado muli ang pinto sa harapan ko. Napaatras ako noong humakbang itong muli palapit sa akin. "And speaking of that Alison, she'll be punished. She crossed the line."

"What? Ano bang pinagsasabi mo?" takang tanong ko sa kanya. She crossed the line? What fucking line he's talking about?

"You don't have to know the details, Miss Del Monte. Now, calm down. Haharap ka sa young master. Ayusin mo ang sarili mo bago pumasok sa silid niya," anito at binalingan ang isa sa dalawang bantay. Napakunot ang noo ko at nagulat na lamang noong marahan akong hinawakan ng lalaki sa braso at hinila paalis sa kinatatayuan. Hindi na ako nakaangal sa paghila sa akin.

Bumaba kami sa may hagdan at tumigil na lamang noong nasa tapat na kami ng pinto ng silid ko. "Fix yourself," matamang sambit ng lalaki sa akin at pinapasok na ako sa loob.

Wala na akong nagawa pa. Bigla kasi akong kinabahan dahil sa mahigpit na pagbabantay sa labas ng kuwarto ni Alison. Ano ba kasi ang ginawa ng babaeng iyon? Crossed the line? Damn it! Ano ba kasi ang nangyari habang tulog ako? Maayos naman sila noong iniwan ko kanina sa silid ni Adam Zamora, ah!

Mabilis akong naghanap ng damit na masusuot at nagtungo sa banyo. Ilang oras lang ang naging pagtulog ko kanina. Kulang na kulang ito kaya naman ay napailing na lamang ako habang inaayos ang sarili. Kakayanin ko kayang bantayan ang lalaking iyon ng mag-isa! Damn! Akala ko pa naman ay malapit nang matapos ang problema ko sa mansyon na ito! Hindi pa pala!

Pagkatapos kong magbihis, agad akong lumabas muli sa kuwarto ko. Nangangati akong makausap si Adam Zamora! I wanted to talk to him and ask him about Alison. Ako ang kinakabahan sa babaeng iyon!

Dali-dali akong pumanhik sa pangalawang palapag at dumeretso na sa silid ng pasiyente ko. Pagkatapat ko sa silid ni Adam, nangunot ang noo ko na naman noong marahang kumatok ang lalaking nakabantay sa pintuan. Pinihit nito ang doorknob at iminuwestra na ang pagpasok ko. Hindi na ako nagdalawang-isip pa. Pumasok na ako sa silid nito at laking gulat ko noong makitang nakaupo na si Adam Zamora sa kama niya!

"What the hell!" sigaw ko at mabilis na nilapitan ito. Agad naman akong hinarangan ng lalaking kausap ko kanina at pinigilang makalapit sa young master nila. Masama ko itong tiningnan bago balingang muli ang pasiyente kong prenteng nakaupo na ngayon sa kama nito. "Are you crazy? Bakit ka nakaupo? Hindi pa kaya ng katawan mo ang magkikikilos, Mr. Zamora! Mahiga kang muli!"

"You talk a lot, doctor," mahinang sambit ng lalaki habang marahang iniiling ang ulo nito. Namataan ko ang pagbabago ng ekspresiyon nito noong sinubukan niyang kumilos sa puwesto nito. God! For sure he's in a lot of pain right now! Bakit ba kasi nakaupo na ang isang ito?

"Mahiga kang muli," utos kong muli sa kanya at itinuro ang kamang kinauupuan niya. Mayamaya lang ay tumingin ito sa akin at blankong ekspresyon lamang ang ibinigay niya kaya naman ay binalingan kong muli itong lalaking nasa tabi ko. "Kailangan niyang humigang muli. He's not in a good shape para maupo nang ganyan! Please, makinig kayo sa akin!"

"Doctor, please, stop shouting," ani Adam Zamora na siyang lalong ikinainit ng ulo ko.

"Titigil lamang ako kung susundin mo ang nais ko, Mr. Zamora. Hindi ka pa magaling kaya naman ay mahiga kang muli sa kama mo!" mariing sambit ko habang matapang na tiningnan ito. "Now, Mr. Zamora. Please, just listen to me! Mas lalo akong mag-iingay kong ni isa sa inyo ay walang susunod sa akin! This is for your own sake! Mahiga kang muli at magpahinga!"

Nakita ko ang pagngisi nito sa akin at ang marahang pagkibit-balikat niya. Lalong tumalim ang titig ko sa kanya.

"Alright. Help me," mayamaya'y sambit nito. Mabilis kong kinabig ang kamay ng lalaking pumigil sa akin kanina at agad na dinaluhan si Adam Zamora. Dahan-dahan, tinulungan ko itong makahiga nang maayos. Agad kong tiningnan ang monitor nito at napahinga na lamang noong makitang ayos naman ang mga vitals ng lalaki. "Chill, doc. I'm fine," muking wika niya na siyang nagpatingin sa akin sa gawi sa puwesto nito.

"Yes, Mr. Zamora. You looked fine to me either. After a surgery on your head and multiple fracture on the different parts of your body, you really looked just fine," sarkastiko kong sambit at napailing na lamang sa harapan niya. "Next time, don't move unless I told you to do so. Hindi pa tuluyang maayos ang mga natamo mong sugat galing sa aksidenteng nakaharap mo."

"Miss Del Monte," singit ng lalaking kinaiinisan ko kaya naman ay masama ko itong binalingan. Napatigil ito at umayos na lamang nang pagkakatayo niya.

"Don't start, mister! Your young master is my patient. Kargo ko siya. Kung ano man ang mangyari sa kanya, sa akin ang lahat nang sisi. Kaya simula ngayon, I'll rule this room. Kung nais niyong mapabilis ang paggaling ng amo niyo, sundin niyo ang nais ko."

Kita ko ang gulat sa mukha ng lalaki. Hindi ito nakakibo at gulat lang na nakatingin sa akin.

"You can leave now, Orly," rinig kong sambit ni Adam. Napayuko naman ang lalaki na Orly pala ang pangalan at walang imik na lumabas ng silid. Wow. Just wow! Isang utos lang sa kanila mula sa kay Adam ay parang tuta na itong sumunod. Hanep, ah! "Now, doctor, may sasabihin ka pa ba?" nanghihinang tanong ni Adam sa akin. I sighed then bit my lower lip. Sa totoo lang ay wala na akong sapat na lakas para magsalita pa ngayon. Bigla akong na-stress kanina noong makitang nakaupo na ito sa kama niya! God, please help me with this man! Mukhang mahihirapan akong alagaan ang isang ito! Muli akong napabuntonghininga at binalingan ko ng muli ang pasiyente ko.

Tinimbang kong mabuti ang itsura ni Adam. I need to know what happened to Alison pero pakiramdam ko ay hindi ito ang tamang oras para doon. He's not that fine. Nagsisinungaling lang ito kanina sa akin.

Humugot muli ako ng isang malalim na hininga bago magsalita. "I'm Belle Del Monte," pakilala ko at sabay lahad ng kamay sa harapan niya. Hindi ito kumilos sa puwesto niya at nakatingin lang sa kamay na inilahad ko. "Kung hindi mo tatanggapin, sabihin mo na. Nangangalay na ako," wika kong muli sabay irap dito. Hindi pa rin siya kumibo sa akin kaya naman ay ibinaba ko ang kamay ko. "You need to rest well, Mr. Zamora. At kagaya nang sinabi ko kanina, hindi ka gagalaw sa higaan na iyan unless pinag-utos ko."

Kita ko ang pagkunot ng noo nito kaya naman ay wala sa sariling napataas ang isang kilay ko.

"I'm sorry but I meant what I said. It's my rule in this room. Pasiyente kita kaya dapat lang na sundin mo ako," saad ko habang hindi inaalis ang paningin sa kanya.

Ramdam ko na marami itong gustong sabihin sa akin pero hindi niya magawang magsalita. He's weak. I'm sure of that. And he can't even move a finger now! Binigla niya kasi ang katawan niya kanina! Dapat talaga ay nanatili itong nakahiga hanggang sa maging maayos na ang pakiramdam niya! Mas lalo lang itong mapapahamak kong ipagpipilitan niya ang nais niya. Pareho lang kaming mahihirapan dito kung basta-basta na lamang itong makikikilos. Kailangan ko itong bantayan nang maayos.

If I really want to finish this job quickly, I need to be stricter with him. Bahala na ang mga tauhan nito, lalo na iyong Orly na akala mo palaging galit sa mundo! I don't care about them anymore! Kahit na tutukan nila akong muli ng mga baril nila, hindi nila ako mapipigilan sa pagiging istrikto sa young master nila. After all, isa lang naman ang nais namin sa lugar na ito. At iyon ang gumaling at maging maayos na ang kalagayan ni Adam Zamora.

Continue Reading

You'll Also Like

The Mayor By Dany

General Fiction

14M 255K 61
.
2.2M 41.5K 64
Highest Rank Achieved #1 in General Fiction #1 in romance #1 in humor #1 in love #1 in billionaire #1 in kilig #1 in boss #1 in terror #1 in rich #...
225K 16.7K 38
Quirky and bold Maine Mendoza meets the gentle Richard Faulkerson Jr., who just came back after a year from the seminary... or not.
4.3K 71 40
"Everyday is a second chance." Book 2 of MFWH -- Genre: Romance, New Adult Language: Taglish Status: Completed Year Completed: 2014