CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (...

By fedejik

53.9M 758K 54.3K

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki ma... More

Synopsis & Author's Note
Beginning
Chapter 1.1.2
Chapter 1.2.2
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.3
Chapter 3.2.3
Chapter 3.3.3
Chapter 4.1.3
Chapter 4.2.3
Chapter 4.3.3
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.2
Chapter 6.2.2
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.5
Chapter 8.2.5
Chapter 8.3.5
Chapter 8.4.5
Chapter 8.5.5
Chapter 9.1.4
Chapter 9.3.4
Chapter 9.4.4
Chapter 10.1.4
Chapter 10.2.4
Chapter 10.3.4
Chapter 10.4.4
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4
Chapter 12.1.3
Chapter 12.2.3
Chapter 12.3.3
Chapter 13.1.2
Chapter 13.2.2
Chapter 14.1.4
Chapter 14.2.4
Chapter 14.3.4
Chapter 14.4.4
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Author's Note
Chapter 21.1.2
Chapter 21.2.2
Chapter 22.1.5
Chapter 22.2.5
Chapter 22.3.5
Chapter 22.4.5
Chapter 22.5.5
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Author's Note
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.2
Chapter 24.2.2
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.4
Chapter 26.3.4
Chapter 26.4.4
Chapter 27.1.4
Chapter 27.2.4
Chapter 27.3.4
Chapter 27.4.4
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
JorTy Readers
Epilogue
Special Greene Chapter
Special Announcement
Special Greene Chapter & TV Movie @ TV5

Chapter 9.2.4

706K 9.2K 292
By fedejik

#JorTyHanDinNinaKirsChan

********

CHAPTER 9.2.4

Kirsten

Sheez, para akong baliw! Kanina ko pa 'di mapigilan ang sarili kong ngumiti sa nangyari kanina. Chance is in love with me. After all these years of having this one sided love, parehas lang pala kami nang nararamdaman.

"Uy, iba na 'yan, a." Si Ate Jordan. Noong una ay nakaramdam talaga ako ng selos nang ligawan siya ni Chance Daniel. Pero somehow hindi ko siya magawang kamuhian dahil a part of me really liked her a lot. Nanghinayang lang ako kasi akala ko sila ni Kuya Tyrone. But now that everything was all clear, mukhang magiging best buddies pa nga yata kami.

"Yeah, well..." Nahihiya akong ngumiti sabay kagat sa aking labi. Up to now, parang nararamdaman ko pa rin ang labi ni Chance sa labi ko. Kung sabagay, si Chance pa lang naman talaga ang first kiss ko. At ako pa ang nag-initiate ng kiss na 'yun dahil sa inis ko sa ex-girlfriend niyang two timer.

"Sabi ko na nga ba, may something sa inyong dalawa, e," sabi pa ni Ate Jordan sabay upo sa tabi ko sa bed.

"Paano mo naman nasabi?"

"Naku kung makikita mo lang kung papaano malukot ang mukha ni Chance sa tuwing makikitang naglalambingan kayo ni Johan. Basta may something, pero 'yun nga lang in denial siya noong umpisa."

"Hindi ko naman pansin kasi by nature na yata siyang suplado sa akin."

"The more you hate, the more you love ang peg? Sus!" natatawa pang sabi niya. Sa tingin ko ang pagiging free spirited ni Ate Jordan ang minahal ni Kuya Tyrone sa kanya. Kahit naman ako ay gusto ko ang ugali niyang 'yun. Hindi puro pa-cute lang at paglalandi ang alam.

"Parang gan'un na nga. Iniisip daw kasi niya ang friendship nila ni Kuya."

"Kuwento ka naman, oh. Paano ba nangyari ang love story ninyong dalawa?"

"Naku naman, Ate... nakakahiya..." Pakiramdam ko ay nagba-blush ako.

"Sus! Sige na, kuwento na dali!" Excited pang pagpipilit niya. Oh well, hindi naman na siya iba sa akin, why not?

"Actually, Ate, noon pa man love ko na talaga si Chance Daniel."

"Ohh..." Namilog ang kanyang mga mata at mapanuksong ngumiti..

"Pero hindi alam ni Chance 'yun."

"Ituloy mo lang."

"Mga bata pa lang kami, magkaibigan na ang mga Daddy namin. Not that they started good friends dahil kung tutuusin, rivals pa nga sila dahil magkalaban ang mga negosyo nila. I don't know what happened basta parang sa kuwento ni Dad, naging magkaklase sina Kuya Tyrone at Chance Daniel, tapos 'yun na, basta naging best of friends na lang sila. I think nag-click sila dahil parehas silang malinis sa negosyo. Fair competition ang naganap sa pagitan nila at parang wala lang sa kanilang dalawa kung sino man ang malagay sa number one na pinakamagaling at pinakamayamang business tycoon in Asia.

That's when Chance Daniel became almost part of our family. Naging best buddies din sila ni Kuya Tyrone eversince then.

As we grew up together and I came to know the kind of person he was, slowly, I fell in love with him. Iyon nga lang, parang sister lang talaga ang turing niya sa akin. It has always been one sided love. At least that's what I thought.

Hindi ko na rin alam kung nakailang girlfriend na rin si Chance Daniel. Naaalala ko pa noon kung paano ako nagkukulong sa kwarto at umiiyak dahil nasasaktan at nagseselos ako. Oh well, I never did attempt to tell him how I really felt about him because I'm scared that I might get rejected. Kaya ayun, itinago ko na lang ang lahat.

Until one day, nakita ko ang recent girlfriend niya na si Miley sa mall. I am not stupid para hindi isiping pinagtataksilan niya si Chance Daniel. Mayroon bang friends na nakikipagfrench kiss sa sinehan? Yeah, talagang naging stalker pa ako para lang mapatunayan ko ang nakita ko.

Kaya nang makita ko ulit si Miley na kasama na naman si Chance Daniel, feel ko talaga siyang sabunutan at that time! But I didn't know came over me at sa halip na ipahiya si Miley ay hinalikan ko si Chance Daniel sa harapan niya. I could still remember how stunned he was. Kung alam lang din niya kung papaano ako kinabahan sa ginawa ko. It's my first kiss. It could have been my sweetest, pero dahil din sa kiss na 'yun nabago na ang treatment niya sa akin. Naging cold siya at parang palagi na lang sarcastic kapag kinakausap niya ako. I am hurt of course. Mahal ko siya, e. Tratuhin ka ba naman nang gan'un ng mahal mo, bakit hindi ka masasaktan?

I tried to explain to him my side of story, but he didn't listen. Parang palagi niyang ipinapamukha sa akin na hindi makikipagbreak sa kanya si Miley kung 'di dahil sa ginawa ko. Though he never actually voice it out. Iyon ang naiisip ko sa ginagawa niyang pag-iwas at pagsusungit sa akin everytime na makikita niya ako."

"E, ano 'yung holding hands na nagaganap sa inyong dalawa, huh?" nanunukso pang tanong niya. Hindi ko naman siya masisi dahil matapos naming magkaaminan kanina, ang siraulong si Chance Daniel ay talaga namang palaging nakahawak sa kamay ko. Hindi na nga nahiya kay Kuya Tyrone na hindi rin naman nagtanong, pero nagtataas lang ng kilay sa kanya.

"K-kami na," pag-amin ko na rin sabay kagat sa labi ko. I assumed kami na kasi nag-aminan at naghalikan na kami kanina?

"Really?!" Kulang na lang ay mapasigaw siya. Sus! Mas kinilig pa sa akin!

"E, kayo ni kuya?! Psssh, mas sweet pa nga kayo sa amin," balik tukso ko rin naman sa kanya. Ako nga itong kinikilig para sa kanila. Hindi ko naman kasi nakita ang ganoong side ni Kuya. As in never! With Ate Jordan, he's so possessive at aliw na aliw talaga ako sa kanya. Akala mo ba palaging mawawala si Ate Jordan at panay ang lingkis sa baywang niya.

"Tama bang ibato sa akin?" natatawa pang sabi niya at agad na namula.

"Bad trip tuloy si Tarah!" Hindi ko napigilang humalakhak. I have nothing against the girl, but I didn't like her for my brother.

"Subukan lang niya lumapit sa Kuya mo, kakalbuhin ko talaga siya," natatawa pang sabi niya.

Nang tumunog ang aking cellphone ay saglit kaming natigilan sa pagku-kuwentuhan.

"It's Chance Daniel," pabulong na sabi ko pa at nakakaloko naman siyang ngumiti. "Okay lang ba iwan muna kita rito?" Oh my, ngayon pa lang ay kinakabahan na ako. A time for us to be alone.

"Okay lang, ano ka ba!" nangingiti pa niyang sabi sabay banayad na tinapik ang aking pisngi. "Sige na, go na!"

Noon na ako tumayo at agad na isinuot ang aking robe.

"Sige, Ate Jordan! Laters, okay?" kumakaway na paalam ko pa. God, I couldn't wait to see him. Kahit pa sasandali kaming hindi nagkikita ay miss na miss ko na agad siya. Baduy nga kapag nagmamahal! "Bye, Ate!"

"Enjoy," nanunukso pang sabi niya bago ako tuluyang lumabas ng kwarto.

Tyrone

I was about to open my room door nang marinig kong nagbukas din ang door ni Kirsten. Out of curiousity, I slightly open the door at nakita ko si Kirsten na lumabas galing doon. Why am I not surprise, huh? Bigla ring sumulpot si Chance Daniel out of nowhere at agad na hinapit ang kapatid ko sa baywang at hinalikan sa labi. 'Wag lang magkakamaling saktan ni Chance ang kapatid ko, ibabaon ko siya nang buhay sa lupa!

Nang tuluyan na silang makaalis doon ay tsaka na ako lumabas ng kwarto. Hmm, if Kirsten was out, that only meant that my girl was alone? Wala ako sa sariling napangiti at agad na humakbang palapit sa kanilang kwarto.

At dahil alam kong nag-iisa naman si Jordan ay hindi na ako nag-abalang kumatok. I wanted to see how she would react this time, now, that we're alone again.

Padarag kong binuksan ang pinto at gan'un na lang din ang panlalaki ng aking mga mata. Fuck. Ako pala ang masu-sorpresa dahil pagkabukas na pagkabukas ko ay saktong kakaalis lang niya ng bra niya. Oh, shit!

"Tyrone?!" Namimilog ang mga mata niyang tumitig sa akin at agad na lumipad ang dalawa niyang palad sa kanyang masaganang bundok. Whew! "Hindi ka ba marunong kumatok?!!"

"I-I'm sorry! Shit." Tumalikod ako at bahagyang napailing sa kagaguhan ko. I should have knocked.

"God, Ty! 'Wag kang lilingon!" pasigaw pang sabi niya. Hindi ko man siya direktang nakikita ay alam kong nagmamadali siya sa pagbibihis.

"Jeez, Babe, halos maglakad ka na nga ng hubad sa harap ko," biro ko pa. Gusto ko lang din pagaangin ang tension sa pagitan namin kahit na sa totoo lang, I am tensed myself. She's one freakin' view.

"Noon 'yun dahil akala ko bading ka!" sabi pa niya sabay ismid.

"Aren't you done?!"

"Done!"

Marahan akong bumaling sa kanya at pasimple dinaanan nang tingin ang kanyang harapan. Like she said, mukhang may bra na nga ulit siya. Why the hell am I disappointed, huh? Nakasuot siya ng t-shirt at pajama naman ang kanyang pang-ibaba. Pero kahit gan'un, ang lakas pa rin nang dating. Mahal ko talaga siya.

"Nakakarami ka na, huh." Matalim pa siyang umirap sa akin at hindi ko naman napigilan ang ngumiti.

"Most of them are your fault, Babe." Looks like I am getting used calling her babe, huh?

"Hmp!" Umirap ulit siya at mabilis na naupo na sa bed ni Kirsten.

"So, are they really together?" tanong ko pa sabay walang pag-aalangang nahiga sa bed at umunan sa kanyang hita. Hindi naman siya nag-react pa sa ginawa ko at sa halip ay hinaplus-haplos niya ang aking ulo. Which was kinda relaxing. Hmm...

"Yup," sagot pa niya nang may kasamang marahang tango. Kinagat niya ang kanyang labi at naglaro ang ngiti sa kanyang labi habang patuloy pa rin sa ginagawa niyang paghaplos sa aking ulo. "Sure ka bang wala kang alam sa feelings nila sa isa't-isa."

"I did notice something between them..." Tiningala ko siya at matamang tinitigan. "But Chance did not pursue her, so I thought wala lang 'yun."

"Iniisip kasi ni Chance ang friendship ninyo."

"I know." I nodded and took a deep sighed. Mahigpit kong hinawakan ang kanyang kamay at hinalik-halikan iyon habang ang isang kamay naman niya ay malaya pa ring hinahaplos ang ulo ko.

"Okay lang ba na naging sila ng kapatid mo?"

"Chance is one of the good guys. I have nothing against him. 'Wag lang siyang magkakamaling saktan ang kapatid ko, manghihiram talaga siya ng mukha sa aso."

"Hard..." natatawa pang sabi niya.

Hindi ko rin naiwasan ang mapangiti sa reaksyon niya. But though, I am dead serious about it.




to be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
342 53 8
Started: August 27, 2016 Ended: November 24, 2022 Ksenia just met the saddest eyes on earth. And the guy who owns those is Lander. When she first saw...
32.4M 828K 67
She's cruel. She's cold. She's Beautiful. She's Powerful. And she badly needs a boyfriend! Sabrina Vee Suarez is your typical fierce lady boss with a...