CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (...

By fedejik

53.9M 758K 54.3K

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki ma... More

Synopsis & Author's Note
Beginning
Chapter 1.1.2
Chapter 1.2.2
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.3
Chapter 3.2.3
Chapter 3.3.3
Chapter 4.1.3
Chapter 4.2.3
Chapter 4.3.3
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.2
Chapter 6.2.2
Chapter 7.1.4
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.5
Chapter 8.3.5
Chapter 8.4.5
Chapter 8.5.5
Chapter 9.1.4
Chapter 9.2.4
Chapter 9.3.4
Chapter 9.4.4
Chapter 10.1.4
Chapter 10.2.4
Chapter 10.3.4
Chapter 10.4.4
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4
Chapter 12.1.3
Chapter 12.2.3
Chapter 12.3.3
Chapter 13.1.2
Chapter 13.2.2
Chapter 14.1.4
Chapter 14.2.4
Chapter 14.3.4
Chapter 14.4.4
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Author's Note
Chapter 21.1.2
Chapter 21.2.2
Chapter 22.1.5
Chapter 22.2.5
Chapter 22.3.5
Chapter 22.4.5
Chapter 22.5.5
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Author's Note
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.2
Chapter 24.2.2
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.4
Chapter 26.3.4
Chapter 26.4.4
Chapter 27.1.4
Chapter 27.2.4
Chapter 27.3.4
Chapter 27.4.4
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
JorTy Readers
Epilogue
Special Greene Chapter
Special Announcement
Special Greene Chapter & TV Movie @ TV5

Chapter 8.2.5

703K 9K 254
By fedejik

#JorTyCountdownToLove

 #BitinPaRin  LOL  XD

********

CHAPTER 8.2.5

       

Jordan

Halos dalawang oras din ang naging byahe namin papunta sa airport ng Greene's. Kung tutuusin dapat ay wala pang isang oras ay nasa airport na nila kami, pero dahil sa kabi-kabilang construction ng mga daan ay heavy traffic talaga kahit na anong route pa daanan namin.

Pagpasok pa lang namin sa airport ay nahagip na agad ng mga mata ko ang kabi-kabilang clover leaf sa paligid. Inasikaso rin kami kaagad ng mga tauhan nila. Wala pa akong alam sa kung anu-anong negosyo mayroon ang family ni Ty. Basta't ang alam ko lang ay mayaman talaga ang Daddy niya. Sa huling pagkakaalam ko nga, nasa number one spot na siya na pinakamayaman sa Asia .

Iyong totoo, inaatake ako nang nerbiyos dahil first time kong sasakay sa eroplano. Ang dami ko kasing napapanood sa balita na bumabagsak na eroplano. Parang gusto kong matae nang wala sa oras!

"I am not so prepared for this." Si Dalton na abot-tainga pa ang ngiti habang namimili nang uupuan.

"Me too!" Si Vaughn na gan'un din ang ngiti. "Kaya masarap kasama 'tong sina Tyrone at Chance dahil puro mayayaman ang mga daddy nila!"

"Yeah, right. User friends." Umismid si Chance. Wala akong idea kung gaano kayaman si Chance.

"Dude, naglalabanan sa ranking ang mga Daddy ninyo, 'di ba? For sure, may beach house rin kayo sa Coron, right?" Si Terrence na mataman pang tumitig kay Chance.

"Yeah. We own an island there. Like Ty's Dad own one too," sagot naman ni Chance na para bang wala lang?! Nagmamay-ari ng island?!! Seryoso?!!!

"He's right." Si Tito Sebastian. Tangna, ang gwapo! "Medyo magkalayo lang ang island natin."

"Oo nga, Tito. Tipong North and South tayo," nakangiting sagot din naman ni Chance. Gusto ko yatang ma-out of place sa kanila.

"Enjoy yourselves, okay? We'll be there in less than an hour." Iginala pa niya ang tingin sa amin sabay akbay kay Tita Ady na sobrang ganda rin. At nakakakilig talaga silang tingnan. Parang sobrang in love na in love.

"You'll have a great time there, Jordan." si Tita Ady na pinisil pa ang pisngi ko. Ang bait lang niya. Ngumiti lang naman sa akin si Tito Seb at doon sila naupo malapit sa Pilot's deck.

"Hey, are you okay?" Pinisil din ni Chance ang pisngi ko.

"First time ko sasakay kaya medyo ninenerbiyos ako," pag-amin ko rin naman.

"Ganun ba? Don't worry, akong bahala sa'yo." Kumindat pa siya sa akin at inalalayan na akong maupo sa may bintana.

Nakita kong naupo si Tyrone sa katapat namin. Nagsalubong ang tingin naming dalawa, pero ako rin ang unang nag-iwas. Nasa unahan naman namin sina Kirsten at Johan na panay pa rin ang kuwentuhan. Panaka-nakang nakikita ko si Kirsten na lumilingon kay Chance na umiismid lang sa kanya. Ang weird lang din ng dalawang 'to.

Nang maramdaman kong papaalis na kami ay hindi ko talaga naiwasan ang panlamigan nang husto. Shit. Ganito pala ang feeling. Parang tanga ko lang kasi parang ang cool lang nilang lahat at nag-iisa akong pinagpapawisan at pinanlalamigan at the same time. Nang magtake-off na ang jet ay napakapit lang ako nang husto sa kamay ni Chance.

"You're breaking my hand, Jorge," nakangiwi pang sabi niya.

"S-sorry..."

"God, you're so cold. Are you okay?" Alala pa siyang napatitig sa akin. Sa totoo lang ay parang gusto ko ring maiyak.

"Y-yes I am..." nanginginig na sabi ko. Nakita kong napalingon si Tyrone sa gawi ko at bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata.

"Are you okay, Jordan?" Hindi na rin niya napigil ang magtanong.

"I'm okay, Ty..." Tumango ako sa kanya at nag-iwas nang tingin.

Nang sa pakiwari ko ay stable na ang paglipad namin ay tsaka ako bumitiw sa kamay ni Chance. Mukhang sobrang higpit nga yata nang hawak ko sa kanya at nagmarka nang husto ang mga kuko ko sa kanyang kamay.

"I'll get—" Tatayo sana si Chance, pero agad din siyang natigilan nang biglang sumulpot si Ty sa harap namin na may hawak na tubig.

"Drink this," seryosong utos pa niya habang ang mata ng lahat ay nasa kanya.

"Ohh..." Palihim pang ngumiti sa akin si Chance at wari ay siya ang kumuha ng tubig sa kamay ni Ty na bahagyang napakunot-noo.

"Salamat, dude," nakangiting sabi pa ni Chance at siya pa mismo ang nagtapat ng baso sa bibig ko. "I am so worried, Jorge. Are you sure you're okay?" Acting na acting naman itong si Chance.

"I'm okay. Thanks." Tumango ako at kumalma na dahil kahit paano ay naging smooth naman na ang aming paglipad. Parang nasa bahay na lang.

"Ate Jordan, okay ka lang?" Si Kirsten na tumayo rin sa upuan niya para tingnan ako.

"She's okay, Kirsten. Magaling akong mag-alaga." Si Chance ang sumagot na para bang nanunuplado pa.

"I am not asking you, Chance Daniel," sarcastic siyang ngumiti at muli ay ibinaling ang tingin sa akin.

"Okay lang ako, Kirsten. Thank you." Tipid naman akong ngumiti. Parang gusto ko na lang yatang umidlip saglit.

"Good. Magpahinga ka na lang muna," sabi lang din ni Kirsten at umayos na nang upo. Kung tutuusin, sa pagkakaalam ko ay buwan lang naman ang pagitan ng edad namin ni Kirsten. Medyo matured nga lang siguro ako tingnan kumpara sa kanya at maagang nabatak ang katawan ko sa trabaho.

Naupo na rin si Ty sa tabi ni Tarah at seryosung-seryoso pa rin ang mukha.

Halos 45 minutes nga ang naging byahe namin papunta sa Coron, Palawan. Pagkababa namin sa jet ay sumakay pa ulit kami ng sasakyan na halos 30 to 45 minutes drive rin papunta aplaya. At mula naman doon ay sumakay naman kami sa speed boat na mukhang pag-aari rin nila dahil may clover leaf na namang nakatatak at may nakasulat na Greene sa ibabang parte. Dalawang speed boat kami at kasama ko ulit sina Tito Seb at Tita Ady pati na rin sina Chance, Ty, Tarah, Kirsten at Johan. 'Yung natitirang iba ay sa kabilang speed boat naman.

"Okay ka na?" alalang tanong ni Chance sabay hawi sa buhok kong nililipad nang hangin sa aking mukha.

"Okay lang ako. Don't worry." Tipid akong ngumiti.

"Good." Umakbay siya sa akin as if mag-jowa talaga kaming dalawa. Aalisin ko sana ang kamay niya nang maalala kong kailangan nga pala naming sagarin ang pasensya ni Ty. At nang bumaling nga ako sa gawi niya, pakiramdam ko nakatingin siya sa akin, pero hindi ko masiguro dahil nakasuot ang Aviator niya.

Nang makita ni Tarah na nakatingin ako kay Ty ay agad din siyang lumingkis sa braso nito, pero mabilis namang nag-iwas si Ty. Hindi ko napigilan ang mapangiti sa ginawang pag-iwas na 'yun ni Ty, pero nakita ko ring napataas ang isang kilay niya. Shit. Nahuli pala ako! Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang kilig. At least, hindi na siya nagpahawak pa kay Tarah. At gusto ko 'yun. Mas gusto ko 'yun.

"For sure, mae-enjoy mo ang beach, Ate Jordan. Super ganda!" Si Kirsten na ngiting-ngiti pa sa akin. Buti pa itong si Kirsten, parang walang kaere-ere sa katawan. Samantalang itong si Tarah, puro kaartehan!

"Mukha nga," tipid na sagot ko lang. "Ang sweet ng Mommy at Daddy mo." Inginuso ko ang parents niya na noo'y magkayakap na nagku-kuwentuhan.

"Nauumay ka na ba?" natatawa pang tanong niya sabay baling ulit d'un sa parents niya na ngayon ay panaka-nakang nagki-kiss sa lips.

"Nope. Nakakatuwa nga sila. Sana ganyan din ang maging takbo ng lovelife ko." Napabuntong-hininga ako dahil wish ko lang mangyari 'yun. Wish ko lang.

"Me too," nakangiting sabi rin naman ni Kirsten na pasimple pang tumingin kay Chance. At pagbaling ko nga rin kay Chance ay nakita kong nakatingin rin pala siya kay Kirsten. Sus! Pasimple pa 'tong dalawang 'to! Kinikilig ako para sa kanilang dalawa. Sana lang ay maikuwento ni Kirsten kung ano ba talaga ang mayroon sa pagitan nila ni Chance. Iyon nga lang, hindi kaya niya iniisip na karibal ako? "I hope madami kang dalang bikini, Ate! Sarap mag-pictures dito!"

"B-bikini?" Napalunok ako dahil hindi pa naman ako nakakapagsuot ng bikini sa buong buhay ko. At ngayon, broad daylight pa? Nakakahiya naman yata 'yun!

"Whoa, I'd love to see you on bikini, Jorge," pabiro pang sabi ni Chance.

"Siraulo!" nakasimangot pang sagot ko at pagtingin ko ulit sa gawi ni Ty ay parang napakuyom siya ng palad. Shit. Napipikon na yata sa kaharutan ni Chance.

"Oh, there! Ayun 'yung island namin!" Halata ang excitement ni Kirsten at napatayo pa talaga siya.

"Ang ganda!" manghang sabi ko naman. Jusko! Ganito pala ang perks na makabarkada ang katulad nilang mayayaman. Suwerte ko lang!

Hindi naman nga din nagtagal ay narating na namin ang island nila na super breathtaking ang ganda ng view. White sand beach and crystal clear water. Sa gitnang part n'ung island ay ang beach house nila na tila castle inspired at naka-elevate. Mataas-taas din yata ang hagdan na aakyatin naming, pero super ganda talaga!

Naghiyawan ang mga barkada ni Ty sa kabilang speed boat. Pare-parehas na na-excite sa nakikita rin ng mga mata nila.

Continue Reading

You'll Also Like

21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
922K 23.3K 38
HIS SERIES #3: His Bodyguard
257K 7.7K 68
[BX5 SERIES 2] Everything can be Endless. Endless can be forever. We all promised an Endless love to someone. But then, Reality strucks the both of u...