CAPTIVATED BY TYRONE GREENE (...

By fedejik

53.9M 758K 54.3K

Si Tyrone Greene ay anak ng kilalang business tycoon at multi-billionaire na si Sebastian Greene. Lumaki ma... More

Synopsis & Author's Note
Beginning
Chapter 1.1.2
Chapter 1.2.2
Chapter 2.1.2
Chapter 2.2.2
Chapter 3.1.3
Chapter 3.2.3
Chapter 3.3.3
Chapter 4.1.3
Chapter 4.2.3
Chapter 4.3.3
Chapter 5.1.2
Chapter 5.2.2
Chapter 6.1.2
Chapter 6.2.2
Chapter 7.2.4
Chapter 7.3.4
Chapter 7.4.4
Chapter 8.1.5
Chapter 8.2.5
Chapter 8.3.5
Chapter 8.4.5
Chapter 8.5.5
Chapter 9.1.4
Chapter 9.2.4
Chapter 9.3.4
Chapter 9.4.4
Chapter 10.1.4
Chapter 10.2.4
Chapter 10.3.4
Chapter 10.4.4
Chapter 11.1.4
Chapter 11.2.4
Chapter 11.3.4
Chapter 11.4.4
Chapter 12.1.3
Chapter 12.2.3
Chapter 12.3.3
Chapter 13.1.2
Chapter 13.2.2
Chapter 14.1.4
Chapter 14.2.4
Chapter 14.3.4
Chapter 14.4.4
Chapter 15.1.3
Chapter 15.2.3
Chapter 15.3.3
Chapter 16.1.2
Chapter 17.1.2
Chapter 17.2.2
Chapter 18.1.2
Chapter 18.2.2
Chapter 19.1.2
Chapter 19.2.2
Chapter 20.1.2
Chapter 20.2.2
Author's Note
Chapter 21.1.2
Chapter 21.2.2
Chapter 22.1.5
Chapter 22.2.5
Chapter 22.3.5
Chapter 22.4.5
Chapter 22.5.5
Chapter 23.1.4
Chapter 23.2.4
Chapter 23.3.4
Author's Note
Chapter 23.4.4
Chapter 24.1.2
Chapter 24.2.2
Chapter 25.1.2
Chapter 25.2.2
Chapter 26.2.4
Chapter 26.3.4
Chapter 26.4.4
Chapter 27.1.4
Chapter 27.2.4
Chapter 27.3.4
Chapter 27.4.4
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30.1.2
Chapter 30.2.2
JorTy Readers
Epilogue
Special Greene Chapter
Special Announcement
Special Greene Chapter & TV Movie @ TV5

Chapter 7.1.4

708K 8.5K 305
By fedejik

#MeetBabyGirlKirsten

#JorTyHangChanceAtKirsten

********

CHAPTER 7.1.4

Jordan

May kung ilang araw na rin akong nag-stay sa unit ni Ty. Simula nang sabihin niyang impossible niya akong magustuhan ay ginagawa ko na lang din lahat para iwasan siya. Pinilit ko na ring 'wag matulog sa tabi niya lately. Natatakot na kasi ako sa nararamdaman ko. Feeling ko kasi ay hindi ako makakabangon kapag nasubsob pa ako. Haist... ilusyonada ko lang din para isipin na may something sa aming dalawa. Pero siguro nga, nasosobrahan ako sa pag-iilusyon. The past few days, madalas na din akong hatid-sunduin ni Chance. Mukhang seryoso talaga ang loko. Actually crush ko naman talaga si Chance. Sino ba namang gaga ang hindi magkaka-crush sa kagaya niya? Gwapo, mayaman at mabait pa. Pero alam ko, wala rin namang patutunguhan 'to. Sa tuwing maiisip ko ang layo ng agwat namin sa lipunan, nangliliit ang tingin ko sa sarili ko. Si Chance Daniel Ford ay anak ng isa sa pinakamayamang negosyante sa Asya. Katulad lang din siya ni Tyrone, mahirap siyang abutin. Hindi bagay sa katulad kong wala lang.

"Ate Jordan!" O.m.gee... si Kirsten, 'yung kapatid ni Ty. Ang ganda talaga niya. Mukha siyang Barbie doll sa ganda.

"Hi, Kirsten!" masayang bati ko rin naman. Sa tinagal-tagal nang pagta-trabaho ko rito sa canteen ay ngayon ko lang siya nakita rito. Kung sa bagay, tatlo nga pala ang canteen sa school nila. "Anong ginagawa mo rito?"

"Dito ako nag-aaral," natatawa pang sagot niya.

"Oo nga naman..." Tatangu-tango akong napakamot ng ulo. "Ngayon lang kita nakita rito sa canteen na 'to. Iyon ang ibig kong sabihin."

"Sa kabila kasi ang tambayan ng barkada, Ate. I was looking for Kuya and then I saw you kaya nilapitan kita."

"Ahh, kaya pala."

"Nakita mo ba si Kuya?"

"Oh!" Agad ko pang nilingon ang wallclock sa canteen. "Antayin mo na lang. Padating na 'yun."

"Great! Hihiramin ko kasi ang card nya. Nakalimutan ko bitbitin ang wallet ko."

"Ah, padating na 'yun. Gusto mo mag-merienda ka muna rito? Treat ko!" Actually, nakakatuwa rin naman itong si Kirsten. Kahit na hindi pa naman kami masyadong magkakilala ay sobrang gaan ng loob ko sa kanya. At siguro nga dahil na rin wala siyang kaere-ere sa katawan kahit pa anak mayaman siya.

"No, it's okay, Ate Jordan. Treat ko na lang 'yan," ngiting-ngiti pang sabi niya sabay upo sa bakanteng upuan doon.

"No, treat ko na. Afford ko naman ang food dito. Iyon ay kung kumakain ka sa ganitong lugar?" Iginala ko ang tingin sa paligid sabay mapaklang ngumiti.

"Oo naman, ano ka ba," nakangiting sagot pa niya.

Nang matanawan ko na ang hinihintay niya ay wala ako sa sariling kinagat ang aking labi. Nasalubong ko kaagad ang titig ni Ty, pero agad din niyang ibinaling ang tingin sa kapatid.

"Kuya!" Agad din namang tumayo si Kirsten at sinalubong nang halik sa pisngi ang kapatid.

"What are you doing here?" seryosong tanong pa ni Ty sa kapatid.

Samantalang si Chance ay nakangiting nakatitig lang sa akin habang kagat-kagat ang kanyang labi. Putcha! Ang gwapong nilalang naman talaga nito. Ngiti pa lang ulam na! Pero ang weird... Bakit hindi ko nararamdaman ang pagtalon ng puso ko sa tuwing makikita ko siya? Kay Tyrone ko lang nararamdaman ang gan'un. Pero alam kong kinikilig rin naman ako kay Chance. Ang gulo ko lang! Haist...

"Nakalimutan ko ang wallet ko, Kuya. Can I borrow one of your cards?" Inilahad nito ang kamay sa harap ng kapatid habang iginagala rin ang tingin sa mga barkada nito. "Hi there, Chance Daniel," malambing pang tawag niya kay Chance. Huh? Tama ba ako nang nakikita, nagpapa-cute siya kay Chance?

"It's Kuya Chance for you, Kirsten," sagot lang ni Chance na bahagyang nagseryoso ang mukha.

"Never." Nakangiting umiling si Kirsten at muling ibinaling ang tingin kay Ty matapos na ilagay ang card sa kamay niya. "Thanks, Kuya."

"Go," masungit na sabi ni Ty bago magdiretso sa table na nasa tagiliran ko. Shit. Ang bango niya! Amoy shower gel na gustung-gusto ko!

"Can I just join you, Kuya? Treat ko si Ate Jordan."

Oh no, hindi pa nga pala alam ni Chance na napunta na ako kina Ty. 'Wag naman sana madulas pa 'tong si Kirsten!

"Bahala ka," tamad lang na sagot nito.

Agad namang nagsipag-upuan na ang mga barkada ni Ty sa paboritong table nila. Pare-parehas silang nakamata kay Kirsten, pero tila iwas mga magsalita.

"Ate Jordan, dito ka sa tabi ni Kuya!" Patay! Ito na nga ba ang kinakatakot ko!

"N-naku, hindi na! A-ano kasi ang dami kong g-gagawin?" Oh shit, tama ba ang excuse ko?

"Huh?" Mabilis na iginala ni Kirsten ang tingin sa canteen. "Parang wala naman..." Napahagikhik pa siya at umiling-iling. She's right, tanga! Wala nga palang masyadong tao sa canteen! Pero anytime dadami na 'yun dahil nandito na ang mga crushes ng bayan.

"Hindi na. Okay lang ako."

"Aish! Ang kulit!" Gan'un na lang ang gulat ko nang bigla niya akong itulak paupo sa tabi ni Ty!

"At dito naman ako sa tabi ni Chance Daniel." Kinindatan pa niya si Chance na para bang gustong mairita sa kanyang ginawa.

"Kami na lang ang tabi ni Jorge," sabi pa ni Chance sabay sulyap sa akin.

"Oh no, Chance Daniel. Kuya needs time to be with his girl!" Patay!

"Kirsten!" Kunot-noo pang saway ni Ty. Juskoo, Jordan! Ikaw na ang sobrang haba ng buhok!

"What Kuya? Ikaw na nga itong tinutulungan, umaayaw ka pa! Hmp!" Nakairap pang sabi niya at para bang hindi inintindi ang reaksyon ng kapatid.

"What is it you're not telling us, dude?" Si Terrence na kay Ty nakatingin. Puwede na bang lumubog?!

"I don't have anything to tell you," seryosong na sagot niya at matalim pa ring nakatitig kay Kirsten. "You and your mouth needs to leave. Now."

"Mag-merienda pa ako with Chance Daniel. Matagal na kaming hindi nagkikita,e," sabi pa niya at nilingon si Chance na parang any moment ay sasabog na. Ano bang mayroon?

"Your brother told you to leave, Kirsten." Si Chance na naka-kunot pa rin at diretsong nakatingin kay Kirsten.

"I know you don't want me to leave, Chance Daniel," confident na sabi lang niya at wari ay tumawag nang kasamahan kong waitress.

"A-ako na!" Hindi ko na nakuhang tumayo dahil naramdaman ko ang paghigit ng kamay ni Tyrone sa kamay ko.

"Just stay," sabi lang niya.

"K-kasi-"

"Stay," matigas na ulit niya sabay hinila ako para maupo sa tabi niya. Hindi ko na rin nakuhang makapag-react pa habang lahat ng mga mata ay nasa aming dalawa. Nasalubong ko ang titig ni Chance na parang gustong magtanong, pero nag-iwas ako nang tingin.

Matapos lang na makakuha ng orders ay nanatiling nakakabingi ang katahimikan sa paligid namin. Kahit sina Dalton at Vaughn ay ni hindi magawang mag-react at nakamata lang din sa amin.

"We're going to our beach house this weekend. Maybe, you guys want to join?" Si Kirsten na pinasadahan pa nang tingin ang mga nananahimik na barkada ni Ty.

"That sounds fun." Si Dalton na sa wakas ay nakuha na ring magsalita.

"Of course it's fun," nakangiting sagot ni Kirsten sabay malagkit na tumitig kay Chance na sa akin pala nakatingin. Shit!

Gulat na napatingin din sa akin si Kirsten na para bang nagseselos? Parang lumungkot kasi ang mga mata niya.

"Come with us, Chance Daniel, okay?" malambing pang sabi ni Kirsten kay Chance na para bang walang narinig.

"Jordan, can we talk somewhere private?" seryosong baling pa sa akin ni Chance. Tangna! Ano ba 'tong pinasukan ko?!

Napakunot-noo lang sa akin si Kirsten. Parang gustong magtanong. Nakita ko ring binalingan niya nang tingin si Ty pero agad din namang bumalik ang tingin niya sa akin.

"Please..." sumamo pa niya habang ang lahat ay sa akin nakamata at tila naghihintay nang isasagot ko. Oh God, bakit ba nangyayari 'to?

"Sige na, Ate Jordan. Pagbigyan mo na," mapait pang sabi ni Kirsten at agad na binigyan ng space si Chance para makalabas sa kinauupuan niya.

Tumango ako at alanganing ngumiti. Shemay naman, o! Ano kayang pag-uusapan namin?! Bakit ngayon pa?!

"C'mon..." Wala nang pasubaling hinawakan niya ang aking kamay at banayad akong hinila palayo sa mga tao.

********

Hi Angels,

Okay, we change the Group name to FEDEJIKSTERS.  Baka kasi naco-confused yung ibang bangaw at naliligaw sa group na ayaw naman nilang puntahan.  But then, thanks po sa lahat ng nagkaka-interest na sumali sa group.  Maunti man po kami dun, masaya kami kahit pa puro kalandian kami dun.  Walang basagan!  At kung sino ka man na gustong sirain ang samahan namin dun, think twice.  We love each other and I love each of my angels na may sungay.  At kung ano ako dun, yun na ako, wag nyo na ako hanapan at wala akong itinatago sa pagkatao ko.  So, yun!  Salamat po sa suporta sa CBTG.  Sa hindi maka-appreciate sa gawa ko, hindi ko po kayo pinipilit magbasa!  Babush!

Loves,

Ate Dean

Continue Reading

You'll Also Like

7.8M 200K 47
Rugged Series #4 Kill Legrand has everything. Growing inside a prestigiously rich family, she can have whatever she wants in just a blink of her eye...
18.5M 331K 87
Dalton Ace Samaniego, nag-iisang anak at total Casanova. Kahit na minsan ay 'di siya nagseryoso sa buhay at naging mapaglaro sa mga babae. Malaya n...
15.3M 259K 39
Would you rather chase what you want or follow a future that's already arranged for you? Samantha was just sixteen nang malaman niyang ipapakasal siy...
24.2M 709K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...