APHRODITE (Greek Myth Series...

By QueenABCDE

113K 3.3K 499

HIGHEST RANK: #26 IN MYSTERY/THRILLER Mcroon Mihen, a living doll who happened to possess such exquisite beau... More

APHRODITE
One
Two
Three
Four
Five
Seven
Eight
Nine
Ten
Eleven
Twelve
Thirteen
Fourteen
Fifteen
Sixteen
Seventeen
Eighteen
Nineteen
Twenty
Twenty-One
Twenty-Two

Six

11.8K 384 204
By QueenABCDE

Chapter Six: Erin

Napadaan kami sa cafeteria at nakaramdam kami ng gutom. Oo nga pala, hindi pa kami kumakain ng dinner magmula nang matapos ang klase namin para sa buong araw.

Nakakapagod ang unang araw namin sa klase dahil tinambakan agad kaming pito ng mga gagawin. Kailangan pa naming gumawa ng thesis pero madali na 'yon dahil naka-ilang gawa na kami ng thesis sa TDHU.

Hindi man halata, pero tutok na tutok kami sa pag-aaral. Once kasi na naka-graduate kami, makalalaya kami mula sa TDHU at 'yun 'yung kalayaang pinanghahawakan naming pito. Kaya ano mang pagsubok ang kaharapin namin dito, hindi kami susuko. Gusto naming lumaya mula sa impyerno.

Hindi namin alam kung saan kami pupwesto sa cafeteria at sobrang nakaka-ilang dahil hindi pa kami nakaaaapak sa mismong cafeteria, natutok na agad sa amin ang mga mata nila at nahinto sila sa kaniya-kaniya nilang gawain.

Yung ibang naglalakad, huminto sa paghakbang. Yung mga kumakain naman huminto rin sa pagsubo. Yung mga bibig na sobrang ingay, tumahimik at para bang napipi. Para bang na-estatwa sila nang makita kami and it's unusual kasi hindi ganito ang ini-expect naming magiging reaksyon nila.

We expect more na hindi nila kami papansinin and they would rather choose na pagtsismisan kami. But these people? Sobrang weird at kakaiba talaga. Parang ngayon lang nakakita ng tao, or let me say new faces, I guess?

"I assume, mali tayo ng lugar na napuntahan." Tumalikod na si Avril kaso nanigas siya sa kinatatayuan. Lumingon kami sa likuran at nakatayo sa harapan ni Avril si Athena.

Binasag niya ang katahimikang bumabalot sa lugar. Sa t'wing nakikita ko siya, nasisira talaga ang araw. Nasira na nga nang dahil kay Prem, mas lalo pa niyang sinira.

"Let me guess, gutom na kayo?" saka siya ngumisi.

Lumapit siya samin at tiningnan nang malagkit si Prem na ginantihan lang naman ni Prem nang matiim na tingin. I can smell something fishy as fishy as her attitude.

"As the school's female vice president, hindi namin hahayaang magutom ang mga exchange students. Syempre." Nariyan nanaman ang nakakairita niyang ngiti. "Sinadya niyo yatang paghintayin ako nang matagal. Kaya intindihin niyo na lang kung iba na ang texture ng pagkaing ihahanda namin sa inyo. Hindi kayo masyadong espesyal para lutuan pa ng bago."

Pinaalis niya yung mga naka-upo sa first row na table. Walang pag-aalinlangan at tumayo agad sila sabay takbo.

"Have a seat, my people." Itinuro niya ang mga bakanteng upuan.

Nagdalawang-isip pa kami bago umupo kasi kawawa naman 'yung nawalan ng mauupuan kaya lang sinamaan niya kami ng tingin, tingin na nakamamatay kaya para bang kusang gumalaw ang mga katawan namin at umupo. Parang kinokontrol niya kami sa matiim niyang tingin.

She gestured something sa mga cook, let me say cheap cook na mga hamak na estudyante lang rin naman ng university. Sa tingin ko, mga low-profile na tao sila sa university kaya ginawa silang cook.

Sa TDHU kasi, may sariling professional cooks ang Hell's Devils kung tawagin na namumuno ruon. Minsan, may mga VIP students na pinagsisilbahan ng mga professional cook na 'yun.

Naglapag ng mga tray na may takip ang mga cook. Magpapasalamat sana ako kaya lang, hindi na nila narinig ang pasasalamat ko dahil pinaalis na sila ni Athena.

Ang sama ng kutob ko kung ano ang meron sa loob ng tray na iyan. Hindi ito mukhang pagkain dahil nangangamoy ito at sobrang baho. Siya na ang kusang nagbukas nito para samin at...at...sabay na idinikit ang mukha ni Mori at Avril sa nabubulok na pagkain. Halu-halo ang meron dito at sa tingin ko parang pagkain ito ng baboy.

"Anong problema mo?!" sigaw ko pero pinanlakihan niya ako ng mata.

Napatayo na lang kami sa kababuyan ng babaeng to. Napupuno na ako sa kaniya! Gusto ko siyang sakalin at idikit o di kaya ilubog na lang ang mukha niya riyan sa bulok na pagkain na 'yan. Sinusubukan akong pigilan nina Prem pero sobra na talaga ang babaeng to!

Naghahabol ng hininga ang dalawa nang tanggalin na ni Athena ang mukha nilang dalawa mula sa pagkakadikit sa bulok na pagkain.

Halos masuka ang dalawa sa sobrang baho at pandidiri. Sino ba namang kakayaning huminga sa ganyang uri ng pagkain kung ilubog kaya yang mukha mo riyan?

"I love it!" tuwang-tuwa sabi niya habang nagpupunas ng kamay matapos siyang abutan ng bimpo, "Hindi niyo ba nagustuhan? That is our welcome surprise!"

Nagpalakpakan ang iba samantalang ang iba naman, takot na takot. Halos magsiksikan na sila sa entrance and exit ng cafeteria para lang makaalis agad. They're scared of her? Sino ba namang hindi kung ang taong to mayroong dalawang nagtataasang sungay.

Pinunasan ni Gil at Ed ang mukha ni Avril at Mori samantalang si Prem at Zed, hawak ako sa magkabilang braso. War freak akong tao lalo na kapag sinaktan nila ang mga kaibigan ko!

I already told them before na hindi dapat kami tumuloy sa university na 'to pero mapilit sila kaya heto ngayon ang mangyayari samin. We're going to suffer inside this university! We should report them to the school principal at dapat gawan nila ito ng aksyon as soon as possible.

Nakakahiya ang ganitong klaseng estudyante.

I can't imagine na ganito kalala ang ugali ng mga tao rito and this is my first time to encounter a person like her lalo na't isa siyang babae. Nakakadismaya ang ugali niya.

Mas Malala pa ang eskwelahan na 'to kesa sa The Devil's Hell University, sa totoo lang.

Dito? Hindi namin magawang ipagtanggol ang mga sarili namin dahil baka pagkaisahan lang kami. Sa TDHU? Lahat, patas.

"Tanginaaa! Hayop na 'yan!" pagmamaktol ni Avril habang nandidiring pinupunasan ang sarili.

Halos maluha na si Mori dahil sa sangsang ng amoy nito, mabuti na lang at nariyan si Ed, ganoon na rin si Gil.

"Shit, baby! You're dirty. Tara, paliliguan kita." Hihilain na sana paalis ni Gil si Avril nang humarang sa daraanan niya si Athena.

Pinanlisikan ng mata ni Athena si Gil at tumiim ang titig sa magkahawak nilang kamay. "Get off her."

"Ano bang problema mo?!" Nanlaki ang mata ko dahil sa pagsigaw ni Gil.

Kahit si Mac at Mori ay natigil sa ginagawa dahil ito ang unang beses para sumigaw siya dahil sa galit, lalo pa't babae ang kaharap niya.

Ni minsan sa buhay niya, hindi niya sinigawan ang mga babae. Kahit pinaglalaruan niya sila, hinding-hindi niya sinasaktan physically o sinisigawan ang mga ito. Siya pa nga ang sinisigawan ng mga babae kapag nag-o-one-night-stand sila sa TDHU.

Hindi rin tuloy alam ni Avril kung anong magiging reaksyon.

Umukit ang ngisi sa labi ni Athena. Nilapitan naman ni Prem si Gil para pakalmahin. Nakakuyom na ang kamao ni Gil at handa na siyang suntukin si Athena.

Ano ba 'tong pinasok namin? Hindi ako nakasisigurong ligtas kaming makaaalis dito.

"What the hell did you do, Athena Navarino?!"

Isang boses ng babae ang narinig namin mula sa likuran. Napatingin kami sa kaniya at hindi ko, namin, ang maiwasang hindi siya tingnan mula ulo hanggang paa.

She's...she's gorgeous as hell.

"Eris. Long time—" Lalapit na sana itong Athena to give Eris a peck on her cheek pero umiwas ito.

"Shut up! Call me President Eris, not just Erin, but President Eris!" nanggagalaiting sambit niya.

Umirap lang si Athena na hindi pinansin ni Eris.

President? Kung siya ang school president, dapat lang na bigyan niya ng parusa ang naturingang school vice president. She's rude. She's cruel at hindi niya bagay ang maging vice president for having a bad attitude.

She focused her eyes at me at nangunot pa ang noo niya nang pagmasdan ako. Bumulong siya kay Athena at halatang pinag-uusapan nila ako dahil parehong nakatingin ang mga mata sa'kin. Hindi ko lang marinig kung anong pinag-uusapan nila.

"How old are you?" tanong niya sa'kin at inilapit ang mukha sa mukha ko. Hinawakan pa niya ang baba ko para tingnan bawat anggulo ng mukha ko.

Inagaw ko ang mukha ko at umiwas ng tingin. Wala akong panahon sa bagay na 'to. Katangahan.

"If I'm not mistaken, ipinakilala ko ang sarili ko. Bakit ang lakas ng loob mong hindi sumagot sa tanong ko? Napakasimpleng tanong at simpleng sagot. Mahirap ba?!" marahas niyang hinila ang baba ko't pinisil ito. Ramdam ko na ang pagbaon ng kuko niya sa balat ko.

"Come on, Eris. They're my pets. You even dared to lay a finger on her," sabi ni Athena at inalis ang kamay ni Eris na nakahawak sa baba ko.

Napahawak ako sa pisngi ko dahil walang likido. Mabuti na lang dahil ang pagbaon lang ng kuko niya ang naramdaman ko at hindi dumating sa puntong dumurugo ito.

"I guess, boys, you already met Apollo, mostly you Mr???" saka tiningnan si Prem.

She takes a seat on one of the empty chairs kung saan nakaupo kami kanina then started eating 'yung pinanggalingan ng mukha ni Mori at Avril. Muntik na kaming masuka sa ginawa niya. Ang ganda niya kaya lang, nakadidiri siya.

Sino ba naman kasing tao ang ma-te-take na kainin ang ganyang uri ng pagkain? Siguro 'yung mga taong patay gutom o 'di kaya pulubi. Pero siya? Hindi siya mukhang pulubi o 'di naman kaya'y patay gutom, but what's up with her at kaya niyang tiising kainin 'yan?

"P...prem," nauutal na sabi ni Prem na may halong pandidiri sa mukha dahil pinanonood niya itong sumubo.

Mukhang nasanay na sila sa ganyang pagkain dahil sarap na sarap ang taong 'to sa kinakain niya. Yuck! Gusto kong magsuka kaya lang bumabalik lang sa sikmura ko.

"Prem. Anong feeling? Masakit ba ang sakalin? At saksakin ni Athena?"

Bigla akong napatingin kay Prem at oo nga, merong marka sa leeg niya na para bang sinakal siya at ganoon din kay Zed.

Pero sino si Apollo? Nagsalubong ang kilay nila, maliban kay Prem, nang banggitin ni Eris ang pangalang Apollo. Mukhang may nangyari na may kaugnayan sa kaniya.

I looked at Eris and Athena. They have different uniforms. Kung ang sa mga normal students, they're wearing a light green long sleeve na pang-itaas at mahabang palda na stripes and then white socks and black shoes, ang kay Athena and Eris, nakasuot sila ng sleeveless na colored mint green sa pang-itaas gano'n rin sa baba pero stripes atsobrang ikli ng palda nila, 'di tulad sa iba.

I guess well known ang mga taong 'to sa university kaya naiiba ang uniform nila and based on their names? Names of Greek Gods and Goddesses. So kapag may na-encounter kaming students having a Greek Gods or Goddesses names, we should avoid them kasi sa tingin ko, they all have bad images at baka may mangyari nanamang masama samin.

Naghihintay ng sagot si Eris at mukhang walang balak sumagot si Prem. Nag-uumpisa nanamang bumilis ang kabog ng dibdib ko dahil nag-iiba ang aura ni Eris. Mula sa kaninang kulay abo, nag-i-start itong mag-dark, and I can feel the tension inside the cafeteria. Ang pagnguya niya ng pagkain ay sobrang bigat at pati na rin ang paghawak niya sa tinidor ay dumiriin.

Parang nag-slow mo ang mundo namin nang isang tinidor ang itinapon niya kay Prem. Sinundan ko lang ng tingin dahil sa bagal ng paggalaw, parang pati utak ko bumagal rin sa pagproseso kaya lang hindi ito tumuloy sa dibdib niya dahil may nakapagpigil sa pagtusok ng tinidor. 

Continue Reading

You'll Also Like

40.8M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...