Maldita Princess (Completed)

By skycharm24

1.3M 38.9K 8.1K

Alexa Isabelle D. Rosales Story More

Synopsis
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Epilogue

Chapter 33

22.5K 744 287
By skycharm24

Lorenzo

KUNG kailan nasimulan na ang construction ng bagong branch ng  Mall na pagaari namin, saka naman nagpull out ang investor na nakausap ko mula Singapore.

Nagrereklamo na ang mga suppliers ng materyales dahil delayed ang bayad sa kanila. Nagsisialisan na rin ang ibang tenants sa mga dati naming mall dahil wala silang benta, reklamo nila ay ang mahinang airconditoned, kaya wala na halos nagpupunta sa mall namin para mamili.

Sumasakit ang ulo ko sa kaliwa't kanang problema.

Sana ay makahanap agad kami ng panibagong investor na sasalba sa kinakaharap na crisis ng kompanya. May kinakausap na si Dad and hopefully matulungan nila kami, maging ako ay may mga taong kakausapin.

Katatapos lang ng meeting ko ng tumawag si Ate Red.

Lorenzo, hindi kana nakaalalang dumalaw manlang.. bungad niya.

Ate naman, alam mo namang nagkakaproblema sa kompanya. Pasensiya kana. aminado naman ako na hindi na kami nagkikita.

Bakit kasi hindi n'yo edemanda ang lintek na investor na yon, buti sana kung biro biro yang pagpapatayo ng Mall. naisip narin namin na gawin ang sinasabi ni Ate.

We did informed him na ededemanda namin siya at handa siyang harapin ang kaso. Ang sabi ng company lawyer magkano lang ang mahahabol na danyos sa kanya. Mas kailangan namin ngayon ay panibagong investor na magpapasok ng pera sa Liveste Corp. Kung hindi mababankrupt ang kompanyang pinaghirapang itaguyod ni Dad. Hindi ko hahayaang mauwi lang sa wala ang lahat ng pinaghirapan ng Tatay ko.

Nakasalalay dito ang future naming magkakapatid pati narin ang ikinabubuhay ng libo libo naming empleyado.

Sorry at wala akong milyones para ipahiram sayo Enzo. Pero may gusto akong ipakilala sayo, pamangkin siya ng kaibigan ko at wala kang dapat ikabahala dahil sigurado akong hindi pera ang magiging problema ninyo kung sakali , galing siya sa isang mayamang pamilya na owner ng ilang malalaki at kilalang Resorts at Hotel sa Cebu. She's actually the General Manager of Zhoe Grand ang kaunaunahang Hotel nila dito sa Manila. Nakuha pa talaga ni Ate na ilusot ang pangrereto niya sa gitna ng mga problema ko.

Wala akong panahon para makilala kung sino man yan Ate. Marami akong dapat unahing mas mahahalagang bagay. Kung yan lang ang itinawag mo, I have to go, may kakausapin pa akong mga tao. I have a company to save at wala akong oras sa babae.

Bahala ka sa buhay mo. Malay mo siya na ang sagot sa mga problema mo. Bye. Hinilot ko ang sentido ko pagkababa ko ng telepono.

Si Ate talaga kahit kailan, ang hilig akong ereto kung kanikanino.

Kung sino sino ang nilapitan ko para kausapin, pero lahat sila walang matinong sagot sa problema ko. Nasayang ang buong hapon ko sa wala.

Balak ko sanang magovertime kahit Friday ng tumawag si Anton. Niyayaya niya akong lumabas, tinanggihan ko siya pero ayaw nitong paawat, nagulat nalang ako ng sumulpot siya sa loob ng opisina ko.

" Enzo naman, kailangan mo ring huminga. Bigyan mo naman ang sarili mo ng kaunting oras." wala akong nagawa kundi ang sumama sa kanya. Umuwi muna ako ng condo para makapagpalit, bumili naman siya ng dinner ko at nakalimutan ko na namang kumain.

Nagpahinga lang ako saglit pagkakain tapos ay bumyahe na kami papunta sa Bar ni Willy. Medyo matraffic kaya antagal ng byahe namin. Pagdating na sa Waze ay nauna akong bumaba, naghanap naman ng Parking si Anton, byernes kasi kaya punuan ang parking lot.

Nasa may entrance ako ng may mahagip ang mata ko, ang isang taong halos ilang buwan ko ding hindi nakita nasa harap siya ng isang magarang kotse. Si Alex.

May kausap itong lalaki at inalalayan pa ito papasok ng sasakyan. Mukhang nakahanap na naman siya ng bagong biktima.

" Oh, bakit hindi kapa pumasok sa loob?" tanong ni Anton.

" Tara na.." dito galing si Alex? Ang kapal ng mukha niya para magpakita sa mga kaibigan ko, bilib din naman ako sa lakas ng loob niya.

Gulat na mga mukha ang sumalubong sakin ng makalapit kami kina Samantha at Cindy. Alam ko na kung bakit ganyan ang reaksiyon nila.

" Bakit naman parang nakakita kayo ng multo?" tanong ni Anton sa dalawa. Nilapitan nito ang nobya saka hinalikan sa pisngi. " Sabagay nakakagulat nga naman na nandito itong si Enzo."

" Uyy! Nandito ka pala Bro, sayang hindi kayo nagpangabot ng ex mo." biglang sulpot ni Willy.

" Nakita ko siya. " nagtinginan sila. " She's with some guy, what do I expect, mukha siyang pera kaya madali sa kanya na makanap ng kung sino sinong lalaki." napasinghap sila sa sinabi ko.

" Ghaaad Enzo, what happened to you? She's with Abby and Ryan, they are her friends." disappointed na wika ni Sam.

Naniniwala silang inosente si Alex.

" I don't care, for all you know nagsisinungaling lang yon, magaling siya doon. A fucking gold digger will always a gold digger na pumapatol kung kanikaninong lalaki." ibinagsak ni Cindy ang hawak na baso sa table.

" Stop, just stop! Naiintindihan ko na nasaktan ka but Alex is also our friend and besides hindi kami naniniwala sa mga paratang n'yo sa kanya. Let's go Sam, ayokong tuluyang masira ang gabing ito. And one more thing Lorenzo, Alex is still a woman, may kapatid kang babae, anong mararamdaman mo if someone talk to  her that way,  kaya sana magdahan dahan ka sa mga sinasabi mo baka kainin mo ng lahat yan balang araw." akmang susunod sina Anton at Willy.

" Stay!" magkasabay na sabi ng dalawang babae.

" Bro, ginawa tayong aso.." baling ni Anton kay Willy. Natatawang sinundan nalang ng tingin ng mga ito ang dalawa.

" Pasensiya kana sa kanila Enzo." si Willy. " Pero nagsasabi ng totoo si Sam, Ryan is just her friend, ipinakilala niya pa nga ito sa akin." to hell with them.

Wala akong pakialam sa kanila.





Alexa Isabelle

I told Abegail everything pati narin kung paano ko nakilala sina Sam.

" Itong Enzo, gwapo ba?" sinimangutan ko siya. Nakuha niya pa talaga macurious sa itsura ni Leviste!

" Ewan ko sayo Abegail.." itinaas nito ang dalawang kamay.

" Sorry, sinaktan ka nga pala niya. Kaya pangit na siya, pangit, mukhang kulogo kahit pa, baka ubod siya ng gwapo?" pinandilatan ko siya na ikinahagikgik niya.

" Baliw ka talaga.." hindi naman siya ubod ng gwapo, sakto lang...yata? Damn..

" So anong plano? Gaganti ka?" tanong niya.

" More on tuturuan ko lang sila ng lesson kahit  hindi naman ako Teacher." they deserve it.." Magiinvest ako sa Company nila at ikaw ang makikipagmeeting sa kanila on my behalf. Gagamitin mo ang tunay kung pangalan bilang Investor. They knew me as Alex not Isabelle." papasok ako sa Kompanya nila ng hindi nila namamalayan.

" Paano kung paimbistigahan ka nila bilang si Isabelle at makilala ka?" I'm not a Rosales for nothing.

" Don't worry Abby, napaghandaan ko na yan. Bata pa ako sa mga pictures ko sa mga articles sa News about our Family at wala pang recent photos tungkol sakin, si Ian at Ate Chloe lang ang meron dahil pareho na silang nasa kompanya. Sa anniversary ng RGC, Dad will officially tell the public about me joining our Company, by that time naisagawa na natin ang mga plano ko." saka palang nila malalaman kung sino ako.

Pumayag naman si Abby na tulungan ako, sabi niya it's her way of thanking me sa pagtulong ko din sa kanya.

I called Mitch at nagulat ang bruha. I invited her for lunch. Weekend naman kaya alam kong libre siya. Sinabi ko sa kanya ang address ng Condo ko. Nag order ako ng pagkain sa labas para hindi na ako magluto. Mas mabuti ng dito ko kausapin si Michelle, baka may makakita pa sa'min sa labas. Si Abby naman ay makikipagkita sa kamaganak nilang nandito sa Manila.

Inaayos ko ang pagkain sa table ng may nagdoorbell, alam kong siya na yan.

" Aleeexxx!" tili nito ng pinagbuksan ko. Sinugod niya ako ng yakap.

" Michelle, namiss kita." niyakap ko din siya.

Hinila ko siya paupo sa Sofa. Busy ito sa pagtingin sa buong Condo.

" Kamusta kana Alex? Ang gara nitong Condo mo ah, nagasawa kaba ng DOM?" napaawang ang labi ko sa tanong niya.

" Ano??! Grabe ka, hindi, bigay to ng Daddy ko.." nanlaki ang mata nito sabay takip sa bibig.

" Sinong Daddy yan? Nakahanap ka ng Sugar Daddy? OMG Alex!" I rolled my eyes, sasabunutan ko na tong si Michelle.

" Pwede ba Mitch, saktan kita d'yan eh. Unang una hindi ko kailangan ng sugar Daddy o ng DOM. Tama ang hinala mo sakin dati, mayaman ang pamilya ko kaya hindi totoo lahat paratang sakin ng mga Leviste!" siya naman ngayon ang napaawang ang bibig.

" Seryoso?" aniya..

Tumango ako. " Naalala mo yong Hotel kung saan tayo huling nagkita, we owned it. Zhoe Grand Hotel is named after my niece Zhoe Maureen, anak ng Ate ko." laglag ang panga niya sa sinabi ko.

" OMG! Sinasabi ko na nga ba. Kaya ba basta mo nalang iniwan yong mga sahod mo bilang P.A? I told Mr. L about it, na kung kailangang mo ng pera bakit ka hihingi sa pinsan niya, samantalang may sweldo ka naman na pwede mong kunin." nalungkot ang mukha nito. " Pero hindi siya nakinig sakin Alex."

" It's fine Mitch, mahirap paliwanagan ang taong nalason at sarado na ang isip. I don't care about him anymore. He will pay for what he did to me, sila ng ina niyang matapobre at ng pinsan niyang sinungaling!"

" Yes Pak! Gora ako dyan! What can I do?" pinagkiskis pa nito ang mga palad. Baliw talaga itong si Michelle kaya kami magkasundo eh. Hindi siya nalalayo sa mga kaibigan kong lokaloka din.

" Gusto kong makapasok ng Leviste Corp. as a Major Investor at kapag nakuha ko na ang tiwala nila, bibilhin ko ang majority shares sa kompanya nila. Kukunin ko ang pinakamahalagang bagay sa kanila." namutla si Mitch sa sinabi ko.

" Don't tell me, ipapasara mo ang kompanya Alex? Paano naman kaming mga dukhang umaasa sa trabaho namin." with matching lukot face pa ang bruha.

" Adik ka, bakit ko naman kayo idadamay? Wala kayong kasalanan sa akin. It will actually stabilize the Company Mitch. Hindi n'yo na kailangan matakot na anytime pwede kayong magsara. You will be under RGC, ang komapanya ng pamilya ko." lumiwanag ang mukha ni Michelle.

" Okay game. Anong gagawin ko?" I told her what to do.

" Doble ingat lang Mitch and please, stop calling me Alex. Alexa Isabelle De Luna Rosales ang tunay kong pangalan. Isabelle ang itawag mo sakin or Ms. Rosales kapag tatawag ako sayo during office hours." ayokong may mahalata sa mga plano ko.

" Wow! Gara pati pangalan, Isabelle. Di ikaw na!.." sabay ngisi nito. " Libre pala ako kapag pumunta ako sa Hotel ninyo kung ganon? Beshywap ko ang tagapagmana."

" Sureness, yon lang ba? Invite ko kayo ni Leo sa Cebu kapag natapos na ang lahat ng ito." kumunot ang noo niyo.

" Akala ko ba taga Aklan ka?" ngumiwi ako at nagpeace sign..

" Pero sa Aklan naman talaga lumaki ang Mommy ko. Basta mahabang kwento." niyaya ko na siyang kumain.

Nanood kami ng movie maghapon. Naabutan pa siya ni Abby na nakabalik na mula sa pakikipagkita sa  kamaganak. Ipinakilala ko sila sa isa't isa.

" Siya ang makikipagmeeting with the Leviste bilang Assistant ko. Please, wag kayong magpahalata na magkakilala na kayo." marami pa kaming pinagusapang tatlo tungkol sa plano bago nagkasundong ihatid si Mitch. Sumama si Abby para may kasama ako pabalik.

Sumipol si Mitch ng makita ang sasakyan ko.

" Oh di ikaw na talaga Al este Isabelle. Nakakapanibago.." sabay iling nito.

" Sanayin mo na yang sarili mo Mitch dahil kapag nabuking tayo dahil nadulas ka, si Leo ang hihingin kong bayad." ngumuso ito.

" Tse! Wag ang Bibi Leo ko, Beshywap.." sabay irap niya.

Hinatid na namin siya ni Abby.

Araw ng lunes. Kagaya ng plano ay ipinaalam niya kay Lorenzo na tumawag ako at nag iinquire about sa pagiinvest. Nabasa ko kasi ang advertisement nila sa isang kilalang add agency, online.

Si Mitch ang nagsabi ng tungkol sa advertisement.

Humihingi ako ng sample ng proposal nila para pag aralan. Nag email din ako sa kanila para mas kapanipaniwala.

Hindi alam ni Dad ang gagawin kong ito. Galing sa trust fund na binigay niya ang gagamitin kong pera. Lahat kaming magkakapatid ay may trust fund na makukuha lamang namin kapag nakagraduate na kami ng college at yong akin ay kailan lang binigay ni Dad. Siguro kong kagaya ako ng Isabelle noon, I'll spent the money travelling abroad and shopping pero iba na ngayon.

Thursday ng tawagan ako ni Mitch, Leviste is offering me to buy 30% shares in their company, ganoon nalang siguro ang pangangailangan nila kaya ito na ang nagoffer.

Leviste Corp is really not in good shape, para gawin nilang magbenta ng shares.

Mitch also told me na may bumili na ng other 30%. Mabuti nalang nagkasya ang laman ng trust fund ko, may sobra pa actually. Mapipilitan akong humingi ng tulong kay Dad pagnagkataon at malalaman niya ang lahat ng plano ko.

Kailangan ko nalang kilalanin kung sino ang bumili ng other 30%, I'll see kung papayag siyang bilhin ko yon mula sa kanya. It means 40% nalang ang natitira sa mga Leviste, hindi na sa kanila ang kompanya.

Hinihintay nalang namin ang go signal para magpirmahan ng papers. Hinahanda pa nila ang mga documents.

Hindi ko namalayan ang paglipas ng isang linggo na naman. Tinawagan ako ni Mommy kahapon na may surprise siya sakin, hindi nauubusan ng sorpresa ang Parents ko.

Sabado ngayon kaya nandito lang kami ni Abby sa Condo. Nagmomovie si Abegail habang ako naman ay may binabasang libro habang nakikinood sa kanya. Pareho kaming nagulat ng may nagdoorbell.

Tumayo si Abby at binuksan ang pinto.

" Tita Trisha?" dinig kong sambit niya sa pangalan ni Mommy. " Isabelle nandito ang Mommy mo." aniya.

Ito ba ang sinasabing surprise ni Mommy? She's here. Mas nilakhan ni Abby ang bukas ng pinto. Unang kong napansin ang pula at mataas na Stillettos.

Seryoso? Si Mommy nakaheels?

" Hello Isabelle.." nanlaki ang mata ko ng tignan sa mukha ang aking ina??

No way! " Tita Choleen?!"

Itutuloy.....

Hello guys. Excited naba kayo sa mga ganap sa buhay ni Isabelle? 😜😜😜😜
Bakit umuwi si Tita Choleen?

Sorry sa wrong grammars at typo.post agad..

Skycharm24 ♡♡♡

Continue Reading

You'll Also Like

113K 3.4K 26
Girl, Boy, Bakla, Tomboy, Butiki, Baboy. Isang kwento ng isang bakla at isang tomboy, at kung paano sila naging magkaibigan at naging magka-ibigan???
167K 4.6K 80
[ AVAILABLE ON DREAME ] Kareene Adriel Sabramonte is an ordinary and happy-go-lucky secretary of Wallace "Wave" Everette Cortez. The President of Co...
28.5M 853K 79
Every embraces has its own journey. Written in Filipino #1 highest rank Book...
23.7K 626 65
Jean Cloud Romero's story