Marked Series 1: Destined To...

By iamyourlovelywriter

3.4M 56.4K 2.9K

"LIFE begins when I met you. DESTINY starts when I saw you in my office wearing a sinful two-piece red bikini... More

Marked Series 1: Destined To Be Yours
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Epilogue
Extra 1: As husband
Extra 2: As Wife

Chapter Twelve

156K 2.7K 207
By iamyourlovelywriter

            "BAKIT ayaw mong magpakasal?" gulat na napatingin siya kay Allyxel ng bigla nalang siya nitong tanungin ng ganoon. They are having their unusual meal in Mcdo, kinuha kasi siya nito sa gallery niya after days of hibernation. SInadya talaga niya iyon because she wanted time for herself. Pero in the end siya lang ang mas lalong nadepressed.

"Change question please."

"Alam mong hindi mo habang-buhay maiiwasan ang tanong na iyan Bee bakit hindi mo nalang ako sagutin?"

She pressed her lips tightly dahil alam naman niyang wala itong alam sa nangyayari sa kanyang buhay. Wala itong alam na ang nanay niya at ang fiancé niya ay nagrunaway sa araw mismo ng kanyang kasal and now they are legally married at may dalawa ng anak. At kinalimutan na sila ng sarili niyang ina. Her mom and Jude, her fiancé were twelve years apart. Mas matanda nga sa kanya si Jude ng sampung taon, he was thirty-one and her mom is forty three then, hindi pa nga niya ineexpect na pwede pa palang magkaanak ang mama niya but they have. They have babies and she has half siblings.

"Allyxel ayokong mag-away tayo." Seryosong ani niya.

"Why won't you open to me Bee? Don't you trust me?"

Iniwas niya ang tingin mula sa binata hindi naman sa hindi niya ito pinagkakatiwalaan, kung may isang tao man na sobra ang tiwala niya ngayon ay si Allyxel iyon. Kaya lang natatakot siya, natatakot siyang kapag malaman nito ang totoo ay iwasan siya nito just like what her old friends did to her. They are laughing at her back being seemingly lovestruck with someone whom everyone thought is a prince and yet it turns out to be someone's prince.

"Hindi naman sa ganoon Xel." Mahinang sabi niya bahagyang nagdilim ang mukha nito. Para bang naiinis sa kanya, bigla siyang nataranta. "Please Allyxel I trust you, I trust you more than anyone in the world na kapag nasira iyong tiwala masasaktan mo ako ng husto. I just don't like topics like marriages." She whimpered trying to pull back the tears which she successfully did.

"I want you to open up with me."

"Ayoko." Maagap niyang sagot. Bigla itong tumayo at naglakad palayo sa table nila. Allyx knew how to play with her emotions, lahat ng gusto nito ay nakukuha nito at kapag may gusto itong malaman na hindi niya sinasabi ay hindi ito tumitigil unlike today. He just stood up and walked away and she felt guilty. Through the glass window of the establishment she followed him walk and her eyes narrowed when she saw the next scene.

Alam naman niyang gwapo si Allyxel pero ang literal na may makitang babae na kung yumapos dito ay nagpapakulo sa dugo niya. She doesn't like the scene lalo na ng halikan ng babaeng iyon si Allyx, nakakaubos ng dugo. Mabilis niyang kinuha ang bag niya at lumabas sa fastfood, she will throw that bitch to the nearest bridge and she will kill Allyxel for letting that woman kiss him.

At mukhang nag-enjoy pa! Isang malakas na tikhim ang pinakawalan niya at sabay na naghiwalay ang dalawang tao na ang sarap itapon sa kanal. Iyong babae ay tiningnan siya mula ulo hanggang paa at mas maganda siya na di hamak sa isang iyan bwisit! Kumapit pa sa braso ng binata, shit! She knew the feeling, nagseselos siya!

At sa halip na komprontahin si Allyxel ay napaatras siya, natatakot siya sa pakiramdam na iyon. She felt like crying realizing that maybe she is falling again... no alam na niya iyon pero here she is... she stepped back.

"Sorry." Ang tanging salitang lumabas sa bibig niya. Hindi niya matingnan ang binata sa mga mata kaya ang ginawa niya ay mabilis siyang pumara ng taxi at sumakay. Tumatakas na naman siya.

Nagseselos siya! Natatakot siyang harapin ang nararamdaman niya para dito.

Nagseselos siya dahil may ibang kahalikan ang lalaking alam niya ay para lang sa kanya. Bakit ba siya nagseselos? Dahil ba sinabi ni Allyx na hindi ito makikipagrelasyon kapag sila ang magkasama? Damn it! Alam niya ang sagot sa lahat ng rason pero bakit ang hirap tanggapin? Sa halip na pumasok sa gallery ay umuwi siya sa condo niya, ilang araw na rin siyang hindi nakaka-uwi doon dahil palagi siya sa bahay ng binata.

It feels really lonely being there parang hindi na siya sanay, mas sanay siya sa presensya ng binata. She is massaging her temples when suddenly her door burst open and a fuming angel turn devil rush in.

"Bakit ka umalis?" galit na tanong ni Allyxel sa kanya.

"Allyxel please I have a headache ayokong makipag-away sa iyo." Nanghihinang usal niya.

"Oh shit Bree stop being a coward at harapin mo ako."

Galit na tiningnan niya ito. "Stop talking like you knew me Allyxel, we just slept together as plan pero wala ng iba iyon. You knew the plan and I knew the reason why you agreed, stop meddling with my life like a nagging husband."

Mas lalong dumilim ang aura nito. "I will meddle with your life sa ayaw at sa gusto mo Beatrice."

"You don't have the right!" sigaw niya.

"Yes, I do. Wala naman tayong pinirmahang kontrata na nagsasabing hindi ko pwedeng pakialaman ang buhay mo."

"Bakit? Pinakialaman ba kita ng makita kong may lintang yumayakap sa iyo at naghahalikan pa kayo sa parking lot ng fastfood na ang daming tao?" galit na napatayo siya at winasiwas ang kamay sa hangin. "Di ba hindi naman? Stop meddling with my fucking life because I am not meddling your own. Go and kiss all the woman in the world." Humahangos siya dahil sa tindi ng galit niya dito.

He snorted. "Yeah, I'll do that and at hindi ko lang sila hahalikan I will also fuck them."

Nagtagis ang mga bagang niya at nagbabantang lumabas sa mga mata niya ang mga luhang kanina pa gustong mag-hello world. Naiiyak na siya, she told him to kiss any woman but that's like ripping her heart out of her chest and imagining that he is doing all the things he did to her to anyone aside from her ay parang sinasaksak ang puso niya.

"Go to hell!" sigaw niya at tumakbo na siya papasok sa silid niya and sob. Her sob turn into cries and right now after many years ay umiyak na naman siya at dahil na naman iyon sa isang lalaki.

"Bee..." narinig niya ang boses ni Allyxel na mas lalong ikinaiyak niya dahil alam niyang umalis na ito. He wouldn't waste his time to her, napakachildish niya iiwanan na siya nito at magiging masaya na ito sa iba samantalang siya ganoon pa rin. "Shit! Stop crying Bee." Naramdaman niyang may humawak sa mga braso niya at mahigpit siyang niyakap. Mas lalo siyang naiyak ng maramdaman ang init ng katawan nito. "Sorry. Hindi kita kukulitin pa, if you aren't ready to share the reason I will wait. Huwag ka nang umiyak." Pinunasan nito ang mga luha na kanina pa naglandas sa kanyang mga pisngi.

"A-ak-kala ko ba maghahanap ka ng babae at hahalikan mo sila tapos ifufuck mo sila?" hindi niya alam kung paano niya nasabi iyon ng sobrang kalmado.

"Nasabi ko lang iyon dahil sa galit you know I won't do that."

"Anong hindi? Nagawa mo na iyon! Nagawa mo na."

"I didn't kiss that woman Bee, she kissed me and I didn't response. Nagulat ako dahil sa ginawa niya kaya hindi agad ako nakaiwas."

"Sinungaling." Kumuha siya ng wet wipes at saka marahas na pinahid iyon sa labi ni Allyxel. She can't bear the thought that the lips she wants to kiss has been kissed by some low life bitch. Namumula na ang mga labi nito sa pagpahid niya and when she satisfied herself ay saka lang niya iyon tinapon sa isang tabi.

"I am not lying." Hinaplos nito ang pisngi niya. "Huwag ka ng magalit sa akin please." His voice is over flowing with sincerity. Bakit ba ang sweet ng lalaking ito samantalang siya na nga itong nagmaldita tapos ito pa ang humingi ng tawad.

"I am sorry din Yxel, I am sorry."

"No, no, no. Don't be okay."

Umiling siya at muli na namang bumukal ang mga luha mula sa kanyang mga mata. "Sorry dahil hindi ko masabi, pero sasabihin ko na-."

"Hindi na kailangan I understand."

"You should know I trust you sana ay huwag mong sirain ang trust na ibinigay ko sa iyo Yxel dahil hindi ako ang taong madaling magtiwala. Huwag mong sirain please dahil masasaktan mo talaga ako."

Hinalikan nito ang noo niya. "Oo Bee."

"I-I met Jude when I was sixteen, twenty eight na siya at that time masyadong matanda para sa akin. Maraming may ayaw sa kanya para sa akin, si daddy at si kuya, pati na rin ang mga kaibigan ko. They don't like him for me pero mabait siya at masayang kasama crush ko siya dahil para siyang iyong hero na nababasa ko sa mga pocketbooks. Linigawan niya ako at sinagot ko siya ng mag-eighteen na ako. Dahil mabait siya naging close siya sa parents ko lalo na sa mama ko, I was busy then with my studies kaya minsan kapag bumibisita siya sa bahay ay si mama ko ang kausap niya. Sobrang close nila, my mama had me when she was eighteen kaya hindi nalalayo ang agwat ng edad nila, magkasundo sila sa maraming bagay."

"Masaya ako dahil nakakasundo ni mama ang ex-fiance ko. Hindi sumagi sa isip ko na may kakaibang pagtitinginan na pala sa pagitan nilang dalawa. Hindi ko pinansin ang closeness nila dahil akala ko normal lang iyon. My parents were not sweet, halos hindi na sila nagkakausap sa bahay. Masyadong busy si daddy sa business at sa ibang bagay at dahil lumaki akong ganoon kaya nasanay na rin ako."

Nagpasalamat siya at hindi nagsalita si Allyxel ng kahit na ano at hinintay na matapos ang kwento niya.

"After I graduated from college ay nagpropose si Jude sa akin. Tinanggap ko iyon, gusto kong magkaroon ng sarili kong pamilya. Sabi ko sa sarili ko kapag nagkapamilya ako gusto ko maging mabuting mommy sa magiging anak ko, at sisiguraduhin kong may oras ang asawa ko sa amin ng mga anak ko. I loved him, I accepted his proposal." Nagsimulang manginig ang boses niya dahil naalala na naman niya ang mga sumunod na pangyayari na nais na niyang kalimutan.

"You don't have to tell me kung hindi mo kaya."

Umiling siya, "I want to tell you, just listen to me please." Pakiusap niya so she continues. "Akala ko ako na ang pinakasaya ng mga panahong iyon. Tapos na ako ng college, I have my dream job and I am going to marry the man of my dreams. P-pero sa mismong araw na iyon nasira ang pangarap ko, I do nalang Allyxel. I do nalang ang kulang, iyong I do nalang niya pero hindi pa natuloy dahil sa halip na I do ay I am sorry ang narinig ko. Hinatak niya ang braso ng mommy ko and they runaway. I was shocked and surprised na wala na pala akong groom." She laugh bitterly.

"Pero mas nasaktan ako dahil nawalan din ako ng mommy, my mother was my bestfriend. Pero mas masakit iyong marerealize mo na ako pala ang dahilan ng lahat. Kung sana ay hindi ko nalang siya sinagot, kung sana ay hindi na siya naging close sa family ko, kung sana may oras ako para sa kanya hindi sana mawawala sa akin ang lahat. Nawalan na ako ng fiancé, napahiya pa sa harap ng mga tao, nawalan ng mommy, nasaktan ko ang kapatid ko na mahal na mahal ang mommy ko at nasaktan ko ang daddy ko. That's why I tried to kill myself, sinira ko ang buhay ko, mabuti nalang at nandiyan ang mga kaibigan ko. They saved me, I resigned and devote myself to painting. I might be saved but I was drowned in my fear na baka maulit ang lahat ayoko na, once is enough another pain isn't good for me."

Habang nagsasalita siya ay hinagod nito ang likod niya. "I know your pain Bee, I may have not experienced it first hand but I know. You don't have to drown yourself with your fear hayaan mo akong tulungan ka. Hayaan mo akong hilahin ka sa pagkakalunod mo Bee."

"Allyx-."

"I don't want to talk about it yet Bee, kahit anong pigil mo ia-ahon kita kahit na ako ang mahulog basta mapasaya lang kita." Makahulugang sambit nito making her speechless.



HINDI niya maintinihan kung ano ang dapat niyang mararamdaman ngayon, nakalimutan kasi niyang sabihin kay Allyxel na hindi na siya nakakainom ng vitamins na prescribed sa kanya. Mag-iisang linggo na rin at dahil sa dami ng mga nangyayari kaya nakalimutan na talaga niya. She doesn't know what to do, kung tatawagan ba niya si Allyxel o kaya naman ay pupunta nalang sa hospital o sa botika at bumili nalang pareho lang naman siguro ang mga gamot hindi ba? Wala namang resita na nakalagay doon and besides vitamins lang naman ito.

After fixing her mind ay nagmamadaling nagbihis siya at lalabas na sana ng pagbukas niya sa pintuan ay tatay niya ang nabungaran niya.

"Dad?" takang tanong niya, seryoso ang mukha nito kaya medyo kinabahan siya. "Pasok po kayo." She opened the door and gulped when the air around her become as thick as a rubber. "Napasyal po kayo?" she asked.

"Alam kong hindi ako perpektong ama Beatrice pero hindi ko inaasahan na ganito ang kahihinatnan mo." Her dad's voice was laced with pure disappointment.

"What do you mean dad?"

"Ventura." By the mere mention of Allyx's last name gives her the chill.

"V-ventura?"

"I may not be around but I knew everything, I am really disappointed in you I trusted you Beatrice. I know you are of age, you can decide whatever you want pero hindi mo man lang ako sinabihan na boyfriend mo na pala si Allyxel Ventura."

Boyfriend?

Humulas ang dugo niya sa katawan dahil sa sinabi nito. As far as she can remember hindi naman niya boyfriend si Allyxel, yes they are in a relationship but not as boyfriend-girlfriend.

"Saan niyo ba narinig iyan dad, hindi ko naman boyfriend si Allyxel."

"Not your boyfriend? Kaya pala nagpunta kang mag-isa sa resthouse nila."

"I was there for work I painted his mother's portrait." She defended herself.

"And they saw you inside his house and some saw him inside your condo." He pointed out making her bit her tongue. Ayaw sana niyang magsinungaling pero ayaw niyang isipin ng tatay niya na may ginagawa silang masama kahit na meron nga.

"Dad, we are friends so we visit each other." Napalunok siya, dahil harap-harapan ang ginawa niyang pagsisinungaling sa ama.

"May magkakaibigan bang halos tumitira na sa bahay ng isa't isa more less na lalaki at babae. As far as I can remember Rayleigh and Nazareth are your bestfriends and now Allyxel too? So they are sleeping on his house too?"

"No!" mabilis niyang sagot. "I mean kami ni Yxel ang magkaibigan."

"Na naghahalikan at nagyayakapan?"

Damn her father for being so smart, nagagawa nitong paikutin siya. "Dad hindi naman."

"I have proofs Beatrice Gem." Kalmado ito pero halata sa boses nito ang galit kaya ang hirap magsinungaling.

"Dad please don't do this hard for me I am begging you." Pakiusap niya.

"No, Bree for the first time I am begging you. Layuan mo na si Ventura." Hindi makapaniwalang napatitig siya dito.

"Dad alam mong hindi pwede ayokong lumayo sa kanya." tumaas ang boses niya.

"Yes you can because you are my daughter and I am your dad. I am telling you stay away from him."

"Hindi niya ako sasaktan dad-."

"I know pero sasaktan mo siya." She can't believe it, her father is more concern to other people's concern that her?

"Paano mo naman nasasabi iyan dad? I am your daughter."

"Kaya nga sinasabi ko sa iyo, you are my daughter and based from what happened to you pinapaasa mo lang ang batang iyon. You are not capable of loving again anak."

Sumikdo ang dibdib niya at balak na kumontra dahil alam niyang mali ang sinasabi ng ama niya. dahil matagal siyang nakasagot kaya naunahan na siya ng kanyang ama.

"Do you even love him?"

The question she has been trying to avoid was slapped directly to her face by her father. Her heart is beating loudly that she can't even hear her own heart beat.

"Wala iyon sa usapan namin dad, we enjoyed each other's company." She replied.

"You are not answering my question. Mahal mo ba ang batang iyon?" matigas na tanong ng daddy niya.

"Hindi niya ako mahal dad." Naibulalas niya.

Umiling ang kanyang ama. "Iniiwasan mo ang tanong ko Beatrice. Mahal mo ba si Allyxel?"

Kung matigas ang ulo niya mas matigas pala ang ulo ng kanyang ama because right now the only thing she wants to do is to runaway from her dad.

"I don't want to talk about that daddy."

"Umiiwas ka dahil alam mong totoo ang sinabi ko. Hindi mo siya mahal dahil isang tao lang ang mahal mo hanggang ngayon."

"Hindi na dad! Hindi ko na mahal si Jude."

"Hindi ako naging mabuting asawa sa mommy mo Beatrice. Masyado kong inabala ang sarili ko sa pagmamanage ng negosyo kaya hindi ko namalayan na lumalayo na pala ang loob niya sa akin. Ang pagsasama namin ay isang napakalaking peke na lamang. Nawala ang pagmamahal namin sa isa't isa, we both know that. Your mom-."

"Huwag na huwag mong mababanggit ang pangalan niya daddy-."

"No! Kailangan mo ng harapin ang katotohanan Bree. Learn to forgive and forget."

"I can't forget that, maybe I can forgive but I will never forget what they did to me. What they did to you ang sakit-sakit dad, ang fiancé ko pa at ang mommy ko pa. And guess what may anak pa silang dalawa, isn't it great?" she laugh sarcastically.

She is waiting for her dad's reaction akala niya ay masasaktan ito sa sinabi niya pero wala siyang nabasa na kahit ano sa mukha nito maliban sa understanding. Napamura siya ng malakas.

"You knew. Alam mo na may anak na sila hindi ba?" grabe ang sama ng loob na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. It seems like everyone around her knew and she was left speechless. Bakit ba kasi ang tanga-tanga niya. "Kailan pa dad?"

"Matagal na Bree. Hindi man nagwork ang marriage namin ng mommy mo pero hindi ibig sabihin niyon ay hindi kami magkaibigan. We are still friends anak."

"Damn it! Friends? How can you act so friendly with the person whom hurt you the most or hurt your daughter?"

"Alam namin na masasaktan ka anak, matagal ko ng alam na may pagtitinginan ang mommy mo at si Jude. Noong una ay hindi ko lang pinansin dahil akala ko normal lang pero nararamdaman koi yon. We talked I asked her if she wants a divorce because we both know our marriage isn't working anymore. Umayaw siya dahil alam niyang masasaktan ka, Ericka knows how much you love her and you love Jude. Yes, they fell in love hindi ka pa man nasaktan ay nasasaktan na ang mommy mo. Kasalanan ko ang lahat Beatrice, kasalanan ko kung bakit ka nasaktan I am not the perfect husband and I will never be perfect. The day of your wedding, Jude talked to me he wanted to stop it dahil hindi ka niya kayang saktan. Hindi ka niya kayang lokohin pero natakot kami sa pwedeng mangyari so we decided to pursue the wedding." Humugot ito ng malalim na hininga. "But Jude loved your mom more than I could ever love her he proved to everyone that he is more than willing to risk everything for a chance of love."

She was speechless her tears were streaming from her eyes down to her face. "Your mom had a nervous breakdown when you tried to kill yourself. Nasa hospital ka at nakaconfine and she was there too, she wanted to talk to you and explain but you already closed your door for her Bree. Your mom loves you and it has been six years already, why don't you try to forget and move on?"

Umiling siya sa sinabi nito. "Do not expect me to believe that daddy. Selfish si mommy, kung hindi siya selfish, kung mahal niya ako sana ako ang pinili niya. Isn't it blood thicker than water? Ako ang anak niya pero mas pinili niyang samahan si Jude. Mas maiintindihan ko kung si Jude ang nawala pero hindi si mommy. Mas matatanggap kong wala si Jude keysa kay mommy." She wiped her tears. "It's not that easy dad."

"Walang bagay na madali Beatrice. Lahat ng bagay ay mahirap pero wala kang magagawa kundi harapin ang mga darating na problema sa iyo. Mahirap kung hindi mo susubukan, madali kung pipilitin mo. Hindi kita minamadali but it has been six years since. Subukan mo lang." HInaplos ng ama niya ang kanyang buhok. "If you love that man hindi kita pipigilan na mahalin siya pero kung hindi mo siya kayang mahalin pakawalan mo na siya anak. May ibang babae na mas deserving pa sa kanya."

"Hindi naman niya ako mahal daddy."

"Bakit tinanong mo na ba kung mahal ka niya? Huwag kang magrely sa mga biases mo. Nasaktan ka na at naramdaman mo na rin kung paano mawalan, ano pa ba ang mawawala sa iyo kung susubukan mong klaruhin sa kanya kung may nararamdaman ba siya para sa iyo?"Hindi siya sumagot sa tanong ng ama. "Natatakot ka na mawala siya kapag nalaman mong hindi ka niya mahal dahil ang totoo ikaw ang--." Agad niyang pinigilan ang ama sa sunod na sasabihin nito.

"Hindi mo masasabi iyan hangga't hindi niya sinasabi, ibang mag-isip ang mga lalaki sa mga babae anak."

Umiling siya. "Huwag mo ng ituloy dad." Bumuntong-hininga siya. "If you are telling me to set him free, I am sorry daddy. I'll be selfish this time hindi ko kayang pakawalan si Allyxel hindi ko kaya. Anuman ang rason ko, hindi ko kaya. I am sorry." And with that she retreated and took some steps away from her father.

Maraming bagay pa siyang hindi kayang harapin, balang-araw baka magkaroon siya ng lakas ng loob pero sa ngayon huwag muna. Totoo ang sinabi ng ama niya, nawalan na siya at nasaktan dati kaya ano pa ang mawawala sa kanya kapag tinanong niya si Allyxel. Isa lang ang agad na pumasok sa isip niya.

Ayaw niyang mawala si Allyxel Cash Ventura.


RE-UPLOADED: October 21, 2019

<3 <3 <3

A/N: Naamoy niyo na ba? Sa wakas nalalapit ang ending nito, medyo natagalan itong first series kasi masyadong busy si otor dear niyo peoplessss... last friday hindi ako nakapag-update dahil masyadong mahina si internet connection at hindi ako makapasok sa watty online, then nag-online enrolment pa ako ng mga students ko sa LIS iyong website ng DepEd na ang bagal... as in... kailangan pang gumising ng madaling araw kung gusto naming madali naming matapos ang trabaho namin. Goodness, kung alam niyo lang. Sa haba ng pasensya ko, sabi nga nila I have the longest patience (tama ba?) of all dahil hindi ako mabilis magalit pero dahil sa LIS na iyan kulang nalang ay ibato ko ang pwede kong mabato.

Tapos may three days seminar pa kaming ewan lang, hindi ako makarelate kasi naman hindi naman ako naniniwala dun pero kailangang pumunta kasi mahal ang bayad at required. Nakakaasar na mabuti nalang at ako iyong batang mabilis sa takasan kaya mabilis akong nakakatakas. Last night nakatakas ako after dinner (free), tapos kanina din after lunch (free) ay nakatakas din ako. HIndi na ako pupunta bukas kasi sa dami ng pwede kong magawa eh iyon nalang ang gagawin ko magiging productive pa ang araw ko.

Ayun nga, post ko na ito.

STATUS UPDATE: Kumakain ako ng mango float. Kain tayo.

Continue Reading

You'll Also Like

3.5M 154K 145
Collection of short stories dedicated to my angels. Cover is not mine. Credits to the rightful owner.
3.5M 14.6K 7
Tomboy ako. Yun ang sabi nila. Dahil sa kilos lalake ako, at sa klase ng pananamit ko. Well, their opinions don't matter, really. Komportable ako sa...
475K 2.4K 15
(WARNING: Mature Contents. Some contents may not be suitable for minors. Read at your own risk. TY) Jullian had a bad marriage with Mike Antonnis...
SPG By JaiWrites

Short Story

11.8K 20 14
SPG