Yesterday's Dream [Completed]

By _mysterose

16.8K 2K 195

LOVE STRINGS Series I People's heart wish only some simple things. To be happy and be the reason of someone's... More

DREAM
PROLOGUE
DREAM#1
DREAM#3
DREAM#4
DREAM#5
DREAM#6
DREAM#7
DREAM#8
DREAM#9
DREAM#10
DREAM#11
DREAM#12
DREAM#13
DREAM#14
DREAM#15
DREAM#16
DREAM#17
DREAM#18
DREAM#19
DREAM#20
DREAM#21
DREAM#22
DREAM#23
DREAM#24
DREAM#25
DREAM#26
DREAM#27
DREAM#28
FINALE

DREAM#2

624 127 23
By _mysterose

"For her, it's just a friendship but her heart says that 'it's a mistake!'" - Author


Napakamot na lang ako ng batok ko habang pinagmamasdan ang naglalaway kong kaibigan na naglue na yata ang mga mata sa katawan ng mga swimmer.

"Shet! That abs! My God!" paulit-ulit pa nitong usal kaya napatingin na rin ako sa mga swimmers na nagsestrching sa baba. Hindi ko mapigilang hindi maguluhan habang tinignan ang pinaglalawayan ni Eiko na abs.

"Nakakalaway ba talaga? Bakit di ko feel?" naguguluhang tanong ko sa sarili ko kaya nakatikim ako ng malakas na batok mula sa katabi ko.

"Aray! Langya naman! Problema mo?!" singhal ko sa kanya.

"Seryoso, friend? Hindi ka talaga na-aattract sa mga nagsusumigaw na mga abs nila papa Joseph, Carlo and Lance?" Napaisip naman ako bago umiling sa kanya. Eksaherada siyang napasinghap.

"My God! Anong kalaseng tao ka?!"

"Sa pagkakaalam ko, normal akong tao."

"Hindi eh!" bulalas pa niya kaya napaismid ako.

"Nakakaloka ka naman kasi, Mari! Aba! Halos lahat ng babae rito sa campus ay napapatili kapag abs na ang pinag-uusapan! Tapos ikaw, halos na araw-araw napapaligiran ng makikisig na lalaki at halos masampal ka na ng mga nagtitigasan nilang abs, wala ka pa ring paki?! Saan napunta ang kalandian mo sa katawan ha?! Paki-explain?!" napapikit ako dahil sa huling isinigaw niya sa tenga ko. Walanghiya talaga itong bruha na to. Balak pa yatang basagin ang eardrums ko eh.

"Wag ka ng magtanong kasi alam mo namang wala ako nun." Sagot ko sa kanya at tumayo na.

"Ibang klase ka talaga. Minsan napapaisip ako kung babae ka talaga o tomboy." naiiling na sabi niya at tumayo na rin. Sabay kaming lumabas ng pool area at tumungo sa kabilang building kung saan ang classroom ng mga Architecture.

"Babae ako. Alam ko yun sa sarili ko." Sagot ko sa kanya pero muli lang siyang napailing.

"Hindi rin. Ni wala ka ngang crush dito sa campus eh. Hindi rin naman natin masasabing crush mo si Sherson kasi sa tagal ng kasama nating ang lalaking yun ay walang minutong hindi kayo nag-aaway. At ang parating nagsisimula ng away? Ikaw. Bakit nga ba friend? Gwapo rin naman si Sherson ah." Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

"Alam mo rin ba na nakakagago ang pag-iisip at pagpoproblema ng mga bagay-bagay na walang kwenta? Kaya kung ako sayo ay tigilan mo na ang pag-iinsist na may pag-asang magkakakilig bone ako kay Sherson." Paliwanag ko sa kanya pero ngumisi lang siya.

"Okay! Sabi mo eh. Kung sabagay, tulak ng bibig, kabig ng dibdib. Naks!" napairap na lamang ako dahil sa sinabi niya at hindi na lang siya pinansin hanggang makarating kami sa classroom nina Sherson at Yuhan.

Agad akong sumilip sa pinto at ginala ang paningin ko sa loob at napangiti ng makita ang taong hinahanap ko. Nagkakagulo ang iba nilang mga kaklase pero wala siyang pakialam dito. Busy kasi sa cellphone niya. Ni hindi nga nito napansing nasa harapan na niya ako.

Sinenyasan ko na lang si Yuhan na tumahimik at pasimpleng umupo sa tabi niya at nakangiting nangalumbaba habang nakatingin sa kaniya.

"Tingnan mo kung makatingin parang tutunawin si Sherson." kunyari ay hindi ko narinig ang birada ni Eiko at pinagmasdan lang si Sherson. Hindi ko mapigilang mapangiti ng makitang ngumiti ng may kilig ang gago. Akalain mo yun? Kinikilig din pala ang isang to? Hay, ako lang siguro ang hindi nakakaramdam ng ganun.

Pasimple kong sinilip ang cellphone niya para malaman kung sino ang katext niya. Agad na nabura ang ngiti sa labi ko ng makita ang pangalan ng lecheng Lessy dun. Hindi ko napigilang hampasin ang mesa sa harapan ko para makuha ang atensyon niya. Hindi naman ako nabigo. Mabilis na nawala ang ngiti sa labi niya at agad na nagsalubong ang kilay niya ng magtama ang mga mata namin.

"A date? Hmm. Sure. I'm free this afternoon. Pwee! Parang ganyan lang kinilig ka na?" Pang-aalaska ko sa kanya kaya mas lalong sumama ang tingin niya sakin.

"Who the hell are you?" pag sisinuplado niya sakin. Mas lalo akong nainis.

"I'm a shirtnapper. Kaya kung gusto mong makuha ang jacket, tshirt at P.E. T-shirt mo ay tubusin mo ng isang linggong paghahatid sakin." umismid siya at umiling.

"Asa ka. Ibalik mo na lang ang mga damit ko para wala tayong problema. Pag tapos ka na sa sasabihin mo ay lumayas ka na. Panira ka ng araw eh." napakagat ako ng kuko ko dahil sa gigil at inis. Bwiset na lalaking to. Napakasama talaga ng ugali pagdating sakin. Kung tutuusin naman ay siya itong unang umapproach sakin noong baguhan pa lang ako rito sa school. Akala ko mabait siya. Hindi ko akalain na ganito pala kaitim ang budhi ng lalaking to.

Tumayo ako at sinamaan siya ng tingin.

"Friendship over na tayo!" Sigaw ko sa kanya. Bored lang niya akong sinulyapan ng bago muling ibinalik ang tingin sa cellphone niya.

"Sure. Yan lang naman ang hinihintay ko eh. Sige, you're free to go now." napakagat ako ng ibabang labi at mapakurap ng ilang beses dahil sa nangangati ang mga mata ko. Hindi dahil sa naiiyak ako no! Asa pa ang lalaking to na iiyakan ko!

"Break na tayo!" Sigaw ko sa kanya at tumakbo palabas ng classroom nila.

Walanghiyang lalaking yun! Bahala siya sa buhay niya. Ngingiti-ngiti at kikilig-kilig siya ngayon? Hah! Tingnan lang natin sa susunod kung hindi yun tatakbo pabalik sakin.

"Wow! Ang daming pagkain ah. Nagcecelebrate ka ng break-up niyo?" natatawang sabi ni Eiko sakin at umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Ngumuso lang ako sinimulang lantakan ang binili kong french fries.

"Wala ako sa mood ngayon kaya nagke-crave ako ng pagkain." Paliwanag ko sa kanya. Ngumisi naman siya sakin at kumuha na rin ng french fries. Hinayaan ko lang siya. Hindi nama kasi ako madamot. Atsaka, hindi ko rin naman mauubos ang lahat ng binili ko.

"Nakakahiya ka kanina, alam mo ba yun?"

"Hindi." Agad kong sagot sa kanya at binuksan ang burger at kumagat dun. Natawa naman siya at napailing.

"Kung makapagbroadcast ka na break na kayo ay paran may namagitan talaga sa inyo eh kung tutuusin ay parang naglalaro lang naman kayo ng habul-habulan ni Sherson." kumunot ang noo ko sa sinabi niya. Habul-habulan? Hindi naman kami naghabul-habulan ni Sherson kanina ah? Ano ang pinagsasabi ng babaeng to?

"Speaking of that guy, alam mo bang..."

"Hindi." Pagtatapos ko sa sasabihin niya at kakagat na sana ng burger ng may umagaw nun sa kamay ko. Nang nilingon ko kung sino ang salarin ay napakurap ako ng ilang beses. Pabagsak pang umupo ang gago sa tabi ko habang kagat-kagat pa ang burger ko na kinuha niya. Kumunot ang noo kong nilingon si Yuhan na umupo na rin sa tabi ni Eiko. Tinignan ko siya ng nagtatanong.

"Bad mood." Sagot lang niya sakin at nilantakan ang sandwich ko. Napairap ako. Obvious naman kasi ang sinagot niya. Ang gusto kong marinig ay kung bakit!

"Damn that Vernon!" nanggigigil na sambit ni Sherson at paulit-ulit na kinagat ang burger ko na para bang yun ang kaaway niya. Napailing na lamang ako at kinuha ang mineral water at binuksan yun. Akmang iinumin ko na sana nang bigla na naman niya itong inagaw sakin at siya ang uminom kaya naiwan akong nakanganga.

"I was the one who got her but he's pestering us! Damn it!" napailing na lamang ako sa hugot ng tangang katabi ko.

"Magaling kasi siya." Sabi ko kaya agad siyang napalingon sakin at sinamaan ako ng tingin.

"What?!"

"Ang sabi ko, magaling si Vernon." eksaheradong napaismid siya kaya pilit kong pinigilan ang kamay kong sapakin ang tarantado.

"Huh! Mas magaling ako sa lalaking yun no!" pagpapasan pa niya ng sarili niyang bangko kaya napairap ako.

"Alam ko. Magaling ka. Pero kasi, magkaiba kayo ng forte. Kung ikaw, magaling sumalo at magshoot, siya naman mabilis at magaling sumisid." napaangat ako ng tingin at napatingin kina Eiko at Yuhan na biglang nabulunan ng mga kinakain nila. Nang mapatingin ako kay Sherson ay para siyang naestatwa habang nakanganga. Nahulog pa nga ang ilang tinapay mula sa bibig niya. Muntik ko pa yung saluhin kung hindi ko pinigilan ang sarili ko.

"What the hell?!" bulalas niya na may kasamang buga ng tinapay sa mukha ko kaya napapikit ako. Tangnang lalaki! Gwapo sana eh. Ang baboy lang!

"Kadiri ka!" Sigaw ko sa kanya habang pinapahiran ang mukha ko.

"Saan mo naman nakuha ang walang kwentang impormasyon na yan?! Bakit? Nasisid ka na ba ng gagong yun kaya alam mong magaling?!" Mas lalong napaubo ang dalawa sa harapan namin dahil sa sinabi niya. Ako naman ay tumabingi ang ulo.

"Bakit niya ako sisisirin eh hindi naman ako tubig?" naguguluhang tanong ko sa kanya. Nanggigigil siyang uminom ng tubig habang hindi inaalis sakin ang nakakamatay niyang tingin kaya mas lalo akong naguluhan. Lumuwag yata ang turnilyo ng lalaking to sa utak. Hindi siya matinong kausap.

"Sige na naman, She. Hatid mo na 'ko!" Pagpupumilit ko sa kanya. Kulang na nga lang ay lumambitin na ako sa leeg niya pero ang walanghiya, tinutulak lang ako palayo sa kanya. Sa inis ko ay sinipa ko ang bagong biling motor niya. Sinamaan niya ako ng tingin. Hindi naman ako natinag.

"Get lost. I have a date kaya wag kag epal." eksaheradong napaismid ako. Date raw, tangna niya! Parang hindi niya inubos ang pagkain ko kanina ah!

"Ang sama mo, She! Malasin ka sana sa lovelife mo!" sinamaan niya ako ng tingin kaya mabilis kong binawi ang sinabi ko.

"Eto naman. Nagbibiro lang. Ako kaya ang lucky charm mo. Kung wala ang kakulitan ko sa tingin mo ba magiging exciting pa ang lovelife niyo ng lech--Leshy." Pagtatama ko sa pangalan ng lecheng Lessy na yun kahit na naging pabebe pakinggan dahil sa sama ng tingin niya sakin.

"Kung wala ka, paniguradong kami na." this time, mata ko na naman ang naging laser.

"Paano si Vernon?" Pang-iinis ko pa sa kanya.

"Isa na lang talaga Mari at ipapatapon na kita sa ibang planeta." Mas lalong humaba ang nguso ko dahil sa sinabi niya.

"Kahit kailan talaga ang sama mo sakin. Pasalamat ka at hindi ako sadistang kaibigan. Dahil pag nagkataon, bugbog-sarado ka sakin."

"Sige, managinip ka lang. Alis na ko." Sabi niya at pinaandar na ang motor niya at pinasibad. Naiwan akong napaubo dahil sa usok nun na tumama sa mukha ko. Tarantado talaga ang lalaking yun. Pero maya-maya ay napangiti na rin ng may marealize ako.

"Nagpaalam siya sakin? Bago yun ah?"

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
158K 2K 37
A girl who fell in love with a gangster, but she met him first not as a gangster but as an Annoying guy for her. Btw, their name is Cassandra Jenae S...
7.8M 233K 56
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
824K 10.1K 37
Hindi na nga mabibilang sa daliri sa kamay at paa ang mga babaeng niloko at pinaiyak ni Markuz Hernandez. Wala sa bokabolaryo niya ang salitang pagse...