Could Have Been Better (Crush...

By PollyNomial

16.2K 600 58

Elaine Joy Mendoza was from Los Angeles. Pero kahit ilang taon na mula nang tumira siya roon kasama ang pamil... More

Could Have Been Better
Beginning
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Ending
Lost With A Shattered Heart

Chapter 23

201 7 0
By PollyNomial

CHAPTER 23 — Maikling Kwento

"I'm fine, mom," I answered when mom asked how I'm doing.

Magdadalawang linggo na kasi mula nung huli siyang bumisita sa akin. I miss her too. Hindi ko naman siya mabisita dahil wala rin akong oras. Isa pa, siguradong hindi naman siya libre kung pupuntahan ko siya sa pinagtatrabahuhan niya. Nakakahiya rin sa mga amo niya. Kaya nga siya hindi makabisita sa akin ay dahil abala siya. Kaya hindi rin maaaring ako ang bumisita sa kaniya.

"Ikaw, mommy? Kumusta naman ang trabaho mo?" tanong ko.

Narining ko ang pagngiti niya. "Maayos ako rito, Elaine. Alam mo namang hindi ako nahihirapan dito sa trabaho ko. Kaya nga hindi ko rin ito mabitiwan dahil bukod sa madali lang ay malaki pa ang naitutulong nito sa atin," aniya.

Naintindihan ko si mommy. I know it was a difficult job at first but she learned to love what she's doing. Mahirap dahil kailangan niya kaming iwan ngunit sa likod ng isip niya ay ang paniniwalang ito ang mag-aahon sa amin noon.

I am very proud of my mother. Now, I learned how to appreciate all her efforts. Hindi kagaya noon na nagtatampo pa ako dahil palagi siyang wala at ayaw pang sumama sa aming umuwi sa Pilipinas. I already understood the small things about what she was doing for our family. Dahil nagtatrabaho rin ako ngayon ay naiintindihan kong nakakatulong talaga ito sa amin. Kagaya ngayon na hindi na ako masyadong humihingi kay mommy ng pera dahil may sarili na akong kinikita na tumutulong sa akin sa araw araw.

"Elaine," ani mommy na nagbalik sa akin sa pinag-uusapan.

"Yes, mom?"

"Your dad called me," aniyang sinundan ng buntong hininga.

Pinigil ko ang aking paghinga. Ang pagtawag pa lang ni daddy ang binanggit ni mommy pero kinakabahan na ako. Sumagi sa isip ko ang nangyari noon. Hindi ko iyon kayang pigilan sa tuwing si daddy ang pinag-uusapan. Para bang nakadikit na iyon sa kaniyang pangalan.

"What about him, mom?" hindi ko napigilan ang lamig sa aking tono.

I heard her sigh again. Kahit ako ay napabuntong hininga. Pagod na pagod na ako sa pag-iisip ng mga masasamang bagay tungkol kay dad. But I couldn't just forget what he did. Hindi ko nga alam kung makakalimutan ko pa iyon. I also don't know if I could forgive him. Siguro sa ngayon ay hindi ko pa talaga kaya. May tamang panahon para sa lahat ng bagay at hindi pa iyon ngayon.

"He's asking if you want to come to him in Philippines."

Sa pahayag na iyon ni mommy ay tumigil ang pag-iisip ko. Uuwi ako sa Pilipinas?

"Why?"

"He's coming back here, Elaine. He's just taking care of some things that needs to be done. At ikaw, kailangan mo ring asikasuhin ang mga papers mo sa school," ani mommy.

Habang sinasabi niya iyon ay may mga bagay na tumatakbo sa isip ko. Tama si mommy. Hindi ko nga naasikaso ang mga papeles ko upang makalipat akong muli rito sa States sa susunod na school year. I left the school without prior notice. Ngunit hindi na rin naman iyon kinailangan dahil hindi naman talaga ako nag-enrol.

"You mean, I will fly to the Philippines?" tanong kong hindi makapaniwala sa maaaring mangyari.

Bakit nga ba hindi ko naasikaso ang mga ito noon bago ako umalis? Ngayon lang ito sumagi sa isip ko.

"Yes. And your father will be with you once you come back," sagot ni mommy. May bahid ng pag-aalala sa tono niya pero pinipilit niya iyong huwag ipahalata sa akin.

Dalawang bagay ang nararamdaman ko ngayon. Galak at nerbyos. I am excited because I will be able to come back even just for a short period of time. I am nervous because I will be leaving the people I love behind again. Hindi ko alam kung sa panahong ito ay magagawa ko nang sabihin kay Celine ang lahat. Madali lang kausapin si Conrad dahil naiintindihan niya ang sitwasyon. Ang mahihirapan lang naman ako ay ang makitang muli ang lalaking iyon at iiwan siyang muli sa huli.

Mom and I talked about it. Alam ni mommy ang nararamdaman ko. She knew that I badly wanted to come back and see my friends. Naikwento ko na sa kaniya sila Celine at Conrad. I also told her that I was happy living in the Philippines. Hindi ko iyon itinago sa kaniya. I wanted to be honest and that's my way of doing it. Lahat ng aking nararamdaman ay ipinaalam ko kay mommy.

Kung magkakatotoo ang pag-uwi ko sa Pilipinas ay gusto kong makita sila Celine at Conrad. Gusto kong malaman nila na maaari ulit kaming magkasamasama. Gusto ko na itong ibalita sa kanila.

On the next day, I was busy waiting for Celine's or Conrad's name to pop up on Skype. Hindi ko sila maabutan. Madalas kong kalkulahin ang oras dito sa amin at sa Pilipinas mula nang makarating ako rito. I have memorized it. Ngunit sa mga oras na sa tingin ko ay libre sila ay hindi naman sila online.

Naging abala rin ako sa bookstore na aking pinagtatrabahuhan. My employer commended me for being one of the hardworking employees. Lahat kasi ng trabaho ay nagagawa ako oras na iutos niya.

"Well done, Elaine," Mrs. Jones said.

Kaaalis lang ng mag-asawang customer kasama ng maraming librong kanilang binili. Hinatid namin sila pagkatapos ay bumalik sa loob ng bookstore.

"Thank you, Mrs. Jones," sagot kong malawak ang ngiti.

Ginawa ko lang naman ang aking trabaho. Sa tingin ko ay naging interesado ang mag-asawa sa mga librong ipinakita ko sa kanila. They liked classic books. Iyon ang hiningi nila sa akin nang makita nila ako sa tabi ng hanay ng mga bookshelves. Our bookstore has different editions of classic books. From the oldest to the new ones, name it and we have it. Doon ako hanga sa may ari nitong bookstore dahil nakakahanap pa siya ng mga supplier ng mga librong mahirap nang hanapin.

Luckily, we had Mr. and Mrs. White as one of our most valued buyers. Noong isang araw ay lumapit ang mag-asawa sa akin at naghahanap ng iba't ibang edisyon ng mga librong gusto nila. Ako ang nakausap nila noon. I immediately informed Mrs. Jones about what they wanted because we didn't have it that time. Mrs. Jones ordered it from our supplier and today, the couple went back to buy all of them. Iyon marahil ang nagustuhan ng aking amo.

"I will give you an increase because of that. You deserve a reward," she cheerfully informed me.

Nagbunyi ang aking kalooban. Hindi maramot si Mrs. Jones. Once she noticed that her employees did a good job, she gives rewards to them. Kaya nga masaya kaming lahat na empleyado niya.

Siniko ako ng isa kong katrabaho na si Rhyna. "Galing," slang ang kaniyang pagkakasabi nito.

She is half Filipino and half American. Mas nauna akong makapasok sa kaniya rito bilang empleyado. Ngunit mas matanda sa akin ng isang taon si Rhyna. She's a first year college student.

Nginisihan ko siya. "Ga-ling," I said it uttering each syllable clearer.

Natatawa siyang tumango. "Galing," ulit niya. Mas maayos na ito kaysa kanina.

Tumawa lang ako. "Swerte lang ako ngayon," sagot ko sa pamumuri niya.

Nangunot ang noo niya. "What's suwertee?" aniyang hirap na hirap bigkasin ang salita.

Humalakhak ako. Marahan kong pinalo ang braso niya. "Swerte," ulit ko sa salita. "It means, lucky. I was just lucky today," I said making her understand it.

Tumango siya sa bagong nalamang salita. Marunog umintindi ng Filipino si Rhyna. Minsan lang ay may mga salita siyang hindi agad makuha ang kahulugan. Kaya nga may kasunduan kaming dalawa na mag-uusap lang kami sa Filipino upang mas matuto siya. Kapag hindi na niya talaga kayang intindihin ang sinasabi ko ay saka lang ako magsasalita sa Ingles at ganoon din naman siya.

"I don't think so, El. Mrs. Jones was right. You really did a great job. Magaling na bigay mo mga libro ng mag-asawa," aniyang pinilit matapos ang pangungusap kahit kulang kulang ito at mali ang pagkakabigkas.

Ngumiti ako. I appreciate that she speaks to me in Filipino. It was so pleasing to hear someone talk to me using my own language especially here in L.A.

Noong bata ako ay ang bagay na iyan ang hinanap ko sa mga taong nakakasama ko. Si daddy lamang ang nakakausap ko noon. Wala akong nakilalang kagaya ni Rhyna na kalahating pinoy. Wala rin namang puro. Kaya nga siguro naging outcast ako sa aming school.

"Sigurado ka ba na hindi ka hilig magbasa?" aniya.

Talagang napapangiti ako sa mga sinasabi niya. Umiling ako bilang sagot.

"What?" she asked. "I don't believe you."

Inulit ko ang pag-iling. "I really don't. I love books but... I don't read," I said a little confused with my own statement.

Tinawanan niya ako. "I'm major in English Liteture, El," ulit niya sa bagay na alam ko na. "I'm telling you. I know people who said that they didn't like reading at first but when they tried doing it, they grew to love it. Why don't you try sometime?" she suggested.

"I read books, Rhyna. I did a lot in school." Kahit na sabihin ko iyon ay batid kong hindi iyon ang ibig niyang sabihin.

"Come on!" pamimilit niya. "Just try it. You'll love it! Here."

Hinila niya ako sa mga klasikong libro na araw araw ko nang kasama rito sa bookstore ngunit kahit isang beses ay hindi ko pa sinubukan basahin.

"Choose one," she pushed me to the bookshelves.

Ngumuso ako. Pumili ako ng isa lamang. It was To Kill A Mockingbird by Harper Lee.

"Good choice! Magugustuhan mo iyan!" masigla niyang sabi.

Ngumuwi ako at ngumuso. Matagal na akong pinipilit nitong si Rhyna na magbasa ng libro. She has suggested a ton of books to me. She told me the summary of some of them but I just couldn't get myself to pick one and read. Siguro ay wala lang talaga ito sa mga hilig ko.

But she always forces me to read one. Just like today. Ngayon ay nagtagumpay na siyang papiliin ako.

"I'll ask Mrs. Jones if you can borrow it. Or..." kumindat siya. "Since she was happy with your success today, she might give you that for free!" aniya.

Umalis siya at tumungo kay Mrs. Jones. Umiling na lamang ako. Tiningnan ko ang hawak kong libro. I was tempted to put it back on the shelf but I didn't. Instead, I read the synopsis at the back.

Tumaas ang dalawa kong kilay nang mabasa ang likod nito. It wasn't bad. Kung maganda ang maikling paliwanag tungkol sa nilalaman ng libro, marahil maganda rin ang laman ng loob nito. Sinama ko ang libro sa akin at tumungo na rin kung nasaan si Rhyna.

Nang gabing iyon ay inuwi ko sa bahay ang libro. Mrs. Jones was kind enough to agree with Rhyna's idea. Talagang ibingay ito sa akin ng libre. She said it was her way of saying thank you for a job well done. Sa tingin ko naman ay hindi na kailangan dahil ginawa ko lang naman ang aking trabaho.

Ilang pahina na ang nababasa ko nang maisip kong ituloy na lang ito mamaya. Inilapag ko ang libro sa kama at kinuha ang aking laptop. Gabing gabi na rito kaya ibig sabihin ay umaga sa Pilipinas. Hindi ko maaaring tawagan si Celine dahil nasa school pa siya. Bumuntong hininga ako. Conrad wasn't online as well. Siyempre ay nasa school din ito.

Kaya naman imbes na tutukan sila sa Skype ay nagbukas na lang ako ng internet. I opened Facebook. Matagal na rin nang huli ko itong gamitin. I wasn't really into social media. Napilitan lang akong gumawa ng sarili kong account dito dala ng mga kaibigan namin ni Celine noon. She wasn't into these things either.

My profile picture was taken a year ago. It was the photo I uploaded when I made my account. Wala akong ibang pictures dito. May ilan akong inilagay noon pero kaunti lang iyon. Most of my photos were only tagged to me.

I saw some friend requests as well. Tiningnan ko ang mga iyon isa-isa. I know some of them but there were some foreingers. Nangunot ang noo ko. Hindi ko naman kilala ang mga ito.

When I was already at the middle part of the friend requests, I saw Lorenzo Javier Fajardo. Tinagilid ko ang aking ulo. I cannot clearly see his profile photo because it was too small. Kaya pinindot ko ang kaniyang pangalan upang makita ito ng husto.

His account was public. Nakikita ang lahat ng laman nito. He updated his status nine hours ago. It was a picture of a famous basketball player. I scrolled down on his timeline and saw a group photo of the varsity team of our school. It was posted yesterday. Isang album ito na naglalaman ng mahigit tatlumpung larawan. Sa unang picture na makikita ay napansin kong kasama roon si Conrad.

I leaned on to my laptop. Inilagay ko ang aking daliri sa mukha ni Conrad. He was smiling wildly. It was his infamous smile. Pinindot ko ang litrato at mas lumaki ito. Dito pa lang ay may mga pitik na sa dibdib ko. Lumaki ang katawan ni Conrad. Halos isang buwan pa lang ang nakakalipas ay nag-iba na ang pangangatawan niya. Makikita na talagang lumalaki siya bilang isang matipunong lalaki.

I clicked the arrow for the next photo. Sila sila pa rin ang naroon. Ang buong team ay kasama. Celine's crush was there as well. Nang nasa panglimang litrato na ako ay may mga kasama nang babae ang mga players. The photo was a stolen shot.

I smiled. Nakikilala ko pa ang ilan sa kanila. I always saw them whenever I watched their games. Kahit ang mga bagay na ito ay nami-miss ko na.

Sa pang-anim na picture ay nakatalikod si Conrad. May tao sa harap niya at dahil nahaharangan ito ay hindi ko makita kung sino. At first I assumed it was Celine because they have the same height. Ngunit sa sumunod na litrato ay nakumpirma kong hindi ito ang kaniyang kapatid. She was one of our batchmates. Sa mukha ko lang siya kilala. I forgot her name. Hindi kita ang mukha ni Conrad pero halatang kausap niya ang babae.

On the next photo, I saw him lean on the girl. Masyadong maliit ang babae para kay Conrad. Umabot lang ang babae sa kaniyang balikat. Nawala na ang ngiti sa mga labi ko habang pinipindot ko ang arrow. Para bang nagbabasa ako ng maikling kwento sa nakikita ko.

They were talking. Conrad was leaning on the girl while the she was saying something to him. Mataimtim na nakikinig si Conrad dahil nagawa pa niyang ilapit ang tainga sa bibig ng babae. Sa sumunod na litrato ay nakaharap na sila. Kasama ang ilan pang lalaking players at ang kanilang mga girlfriend ay si Conrad at ang babaeng hindi ko maalala ang pangalan. Nakaakbay si Conrad dito habang nakangiti at nakikita pa ang ngipin. Habang ang babae ay maliit lamang ang ngiti sa labi.

Sa sumunod na larawan ay nakatingin ang dalawa sa isa't isa. Mahinhin na ngiti ang nasa mga labi ng babae habang si Conrad ay mukhang tuwang tuwa.

Sinara ko ang aking laptop at itinabi ito. Kinuha ko ang librong binabasa kanina. I opened it on the page where I left. Nagbasa ako nang nagbasa kahit wala akong maintindihan sa mga pangungusap na naroon. Ang tanging nasa isip ko ay ang mistulang maikling kwentong inihayag ng mga larawang aking nakita. 

Continue Reading

You'll Also Like

29.7K 837 40
MONTEFIERRO SERIES #1 Cyrelle Blessica Escareal, a woman with high hopes and big dream. She used her passion for music to reach her goals in life. Al...
3.4K 142 33
Asturias Series #2 Physique Edifice, last line he said before leaving Blaire Sevaspiana Manalo. But what if the reason of his leaving are finding the...
30.8K 988 52
"You're not the only one who was shackled to her own melancholia. I was trapped too... before." Astra and Axon Filipino Story Contains matured conten...
1.2K 128 47
Gratifying Wretched What if you met a person who caused for you to hold a responsibility even though you're not responsible for it... What if someday...