Chapter 35

207 16 2
                                    

CHAPTER 35 — Constantine


I wanted to just run away and never come back again. But it was what's meant to happen. We were meant to meet again and I needed to face it.

Ito na nga ang pinakahihintay kong harapan naming dalawa. We were in the same room, breathing the same air, and we were only a few meters apart.

Bumuhos sa akin ang lahat ng aming mga alaala. Sa lahat ng iyon ay pinaka malinaw ang pagtalikod ko sa kaniya. Ang hirap hirap palang maging malapit sa taong sobrang tagal mong hindi nakita. I missed him so much and yet being in front of him only brought me pain. Iyon ay dahil hindi naging maganda ang paghihiwalay naming dalawa. At masakit dahil ako ang may kasalanan.

"Conrad!" Celine exclaimed and quickly stood up.

Nahihirapan akong gumalaw kaya naman hindi ko matingnan kung anong reaksyon ni Celine. Did she tell him to come here? Ngunit rinig ko ang katakot-takot na sigaw ni Celine na nagsasabing nagulat din siya.

"Why are you here?" she asked her twin.

Isang tikhim ang nagpatayo sa mga balahibo ko. I just missed everything about him.

"Lorenzo called me. He told me that the fitting would be today," he said in a cold tone.

Mas lalo lamang akong nangilabot sa lamig na dulot ng bawat salita niya. Noon ay hindi ko madalas marinig ang tonong iyan kay Conrad. He's always jolly and playful especially when we're together. Tuwing galit lamang siya o nagtatampo kapag naririnig ko ang lamig ng boses niya. Ngunit sa mga ganoong pagkakataon ay hindi ko nagawang matakot o mabahala dahil alam kong sa huli ay siya rin mana ang manunuyo sa aming dalawa.

But now...

"Meira already left. I texted you, di ba?" ani Celine.

Nagtataka na ako sa mga pangyayari. Nang mag-angat ako ng tingin ay kay Lorenzo tumama ang mga mata ko. He was grinning but when he looked at me, he pouted his lips.

I frowned and he just shrugged.

"Damn, Lorenzo..." I heard Vans cursed.

Tumayo na rin ito at lumapit sa kanila. Dahil doon ay nawala sa paningin ko ang pigura ni Conrad.

They were all standing while I was still sitting and unmoving. Ni hindi na nga yata ako humihinga. Kung hindi ko lang naririnig ang kanilang mga usapan ay iisipin kong nahimatay na ako at wala na talagang malay.

Isa isang nagbalik sa aking isipan ang mga nalaman ko kay Celine. Alam ni Conrad ang mga nangyari sa akin habang nasa ibang bansa ko. Would that mean anything? Ngunit bakit siya huminto? Si Celine na rin mismo ang nagsabi na tumigil si Conrad. Bakit?

Lumapit sa akin si Celine at nilebel ang kaniyang mukha sa mukha ko.

"Elaine," she silently whispered. Wala na nga halos boses iyon.

I smiled weakly. Kahit ito ay napakahirap.

"I didn't know," she mouthed.

Tumango ako dahil naintindihan ko iyon. Hinding hindi ito gagawin sa akin ni Celine lalo pa at alam niya kung gaano ito kahirap para sa akin.

"You can just go to the shop, Con. Lorenzo will accompany you," narinig kong sabi ni Vans.

"Huh? Bakit ako?" apila ni Lorenzo ngunit wala nang iba pang nagsalita.

Hindi ko na siya muling narinig na magsalita.

Sa ilang saglit ay namataan ko ang tatlong lalaki na nakatalikod na at naglalakad palayo. I even saw Conrad stopped walking for a millisecond but I was not sure. Baka namalikmata lang ako.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now