Chapter 9

287 9 0
                                    

CHAPTER 9 - Because Of You


Naging normal ang lahat sa pagitan namin ni Conrad. He said he likes me, he's showing it in some ways, but he never asked me for anything in return. Nagkakaintindihan kami sa mga simpleng pahayag niya ng nararamdaman sa akin. It flatters me every time but I am restraining myself from returning what he does to me.

Ibinabalik ko ang lahat sa kaniya sa ibang paraan. At hindi ko siya pinipigilan sa mga gusto niyang gawin. How could I stop him if I like what he is doing?

Dahil nakakuha ng driver si daddy para sa akin ay naging madalang na lang ang paghatid ni Conrad sa akin pauwi. Sometimes, he joins me in our car and I am the one to take him home. Natatawa siya sa ideyang iyon. Ang sabi niya, ang babae dapat ang hinahatid at hindi ang lalaki.

"Grade nine is hell," ani Conrad sa aking tabi. Nakasandal ang ulo niya sa headrest ng upuan ng sasakyan.

Ngumiwi ako. Mula nung grade seven ay hindi ko na naging kaklase si Conrad. I do not know how he does inside the classroom. May ilang mga guro ako na mababait para sa akin. I don't know why he thinks of grade nine that way. Magkakapareho lang naman ang mga teachers namin.

"Hindi naman masyado..." untag ko sa kanya sa alanganing tono. Kahit kasi mababait ang mga guro, mahihirap pa rin ang mga ipinapagawa nila.

Kanina lang ay nasa library ako para sa isang activity namin na gagawin sa Biyernes. Bukas ay may report ako sa Chemistry at sa susunod na linggo ay summative test namin na magsisilbing paghahanda para sa nalalapit na quarterly exam.

"Why do I feel like I'm talking to Celine?" tanong niyang mas banayad ang boses. Nakapikit na ang mga mata niya. Nagkaroon ako ng pagkakataon na titigan ang mukha niya.

Sumulyap muna ako sa driver at siniguradong abala ito sa pagmamaneho. Hindi naman siguro niya ako panonoorin habang tinititigan ko si Conrad. So I turned to face Conrad and stared at his serene face.

"Madalas mong naririnig ito kay Celine kasi matalino siya," sagot ko. It's true. Madali lang kay Celine ang mahirap para sa amin ni Conrad.

It was like Celine can survive high school without studying. Ang alam ko ay ganoon din si Conrad. Hindi ko alam kung ano itong inaarte niya ngayon.

Hindi siya sumagot. Nalaman ko lang na nakatulog na siya dahil sa banayad niyang paghinga.

I sighed. The calmness of his face was so relaxing to watch. Hinding hindi yata ako magsasawang panoorin si Conrad kapag natutulog siya. Hindi rin ako mapapagod titigan siya tuwing gising. Conrad is the apple of my eyes and I'm glad that he is that person. Natutuwa ako dahil nagkagusto ako sa kanya. Nagkagusto ako sa isang mabuting lalaki na kagaya niya.

Celine might scold me if she knew about this. She always tells me that it's too early for our age to be in love. Hindi raw ito ang tamang edad para sa stage na iyon. Attraction comes first and it should stay that way until we reach the appropriate stage for love. Because love is a bigger concept. It is sacred and it should not be taken for granted. Hindi porke tumibok ang puso mo para sa isang tao, pagmamahal na iyon. It must be true. The beating of our hearts is natural. It is what's makes us alive. Hindi ang pag-ibig.

Oo, totoo ang mga iyon. Ang hindi lang ako naniniwala ay ang konseptong hindi pa dapat umiibig ang mga batang katulad ko. Love comes in the most unexpected time of our lives. Iyon ang paniniwala ako. Iba lang siguro ako kay Celine dahil sa edad na ito, sigurado akong umiibig na ako.

Tumunog ang aking phone kaya nawala ang titig ko kay Conrad. Hinanap ko sa bag ang phone at tiningnan kung sino ang nag-text.

"Huh?" natigilan ako nang makitang pangalan iyon ni Conrad.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum