Chapter 28

194 16 1
                                    


CHAPTER 28 — Mananakit


"Why did you pretend that you were sleeping?" I wanted to shout at Rhyna but my parents are already asleep. Baka magising sila kaya naman pagalit na bulong lamang iyon.

Rhyna just grinned. Ngumiwi ako at mas lalong nadismaya. Kinuha ko ang throw pillow at itinakip iyon sa aking mukha. I also wanted to throw this to her but I'm more disappointed to myself. In so many ways possible. Hindi lang dahil sa narinig ni Rhyna lahat ng napag-usapan namin ni Kavan kundi na rin sa mga pinaramdam ko sa lalaki.

"I didn't want to bother you. You were in a serious talk. Galit sa akin si Kavan, eh," aniya.

Gusto ko sanang matawa sa pananagalog niya ngunit hindi ito ang panahon para roon. I think she was trying to say that Kavan would be mad if she interrupted us.

"Kung hindi ka natulog, hindi sana namin napag-usapan iyon. Nakakahiya. Narinig mo pa ang mga pinag-usapan namin. It's not like you don't know anything but it's different if you heard it from the both of us," paliwanag kong mas mahinahon na ngayon.

Hindi siya umimik. Tiningnan ko siya para malaman kung nagsisisi ba siya ngunit puno lamang ng pagtataka ang kaniyang mukha. I realized that she did not understand a thing that I said.

Malakas akong bumuntong hininga. "Nevermind. You can sleep in the guest room. You cannot go home like that. You're drunk," sabi ko na lang sa kaniya at tumayo.

"Wait!" habol ni Rhyna sa akin. "Aren't you gonna tell me what you talked about? You know, I didn't really hear everything."

Binato ko na sa kaniya ang unan na hawak ko at naiinis siyang inirapan. "Halika na nga!" usal ko.

Tatawa tawa siyang sinundan ako sa loob ng aking kwarto.

The next days were harder than the times when I was just studying in college. Akala ko, pinakamahirap na ang pinagdaanan kong pagsubok noong nag-aaral ako.

The first day of job hunting was really difficult. I'm just an average student. I obtained average grades and practiced my skills in an average company. Sa kasamaang palad ay hindi ako kinuha ng kompaya kung saan ako nag-praktis ng aking kurso. Some companies prefer those with high credentials and came from well-known companies. Kadalasan ay hindi rin tumatanggap ng mga bagong graduate lamang.

I am trying to apply in publishing companies. Doon ko sana gustong magsimula. I can be an editor or something. Hindi ko naman gustong magsimula agad sa mataas pero gusto ko ring subukan ang sarili ko.. Kahit na mababa lamang kung saan magagamit ko ang pinag-aralan ko ay ayos na sa akin. Kung ano ang ibigay sa akin ay tatanggapin ko.

"You can start with online jobs," sabi sa akin ni Rhyna nang mapag-usapan namin ang tungkol sa paghahanap ko ng trabaho. We are at the bookstore.

I'm still working here. Hindi nagbago ang posisyon ko kahit na ilang beses na iyong ibinigay sa akin ni Mrs. Jones. Noon kasi ay mas gusto kong ituon ang sarili sa pag-aaral. Ngayon namang nakapagtapos na ako ay gusto kong magkaroon ng trabahong tugma sa tinapos ko.

Ngumuso ako. She's right. I can do online jobs for the mean time. I can teach foreigners the English language ang get money out of it.

Ikinibit ko ang aking balikat. "It depends, Rhyna. I've already forwarded my application form to the three companies that I like. Kung may isang tatanggap sa akin ay maswerte na ako at kukunin ko agad iyon," I told her.

Ngunit kahit na nakapagpasa na ako sa tatlong kumpanyang gusto kong pasukan ay sinubukan ko pa rin ang suhestyon ni Rhyna. And luckily, one of the online jobs that I applied to emailed me that they are intereseted to get me as an online English teacher. The salary wasn't bad. Although, I know I can get more if I get accepted to the companies where I applied. Pero hindi na ito masama sa pagsisimula. Halos isang buwan na rin ang lumipas mula nang magpasa ako sa tatlong kumpanya ngunit wala pang isa sa kanila na tumawag sa akin. That only means that they might not be interested in me. My credentials may not be enough to reach their standards. At wala naman akong masamang iniisip tungkol doon. Perhaps there are other people who deserve this more than I. Ngayon, gusto ko munang palaguin ang kaalaman ko.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Where stories live. Discover now