Pengeng idea para mas humaba 'to. Parang gusto ko na kasing magfastforward sa party tapos tapos... secret. HAHAHAA. Kaya kang kapag ginawa ko yun, mayayari na agad. Okay lang ba sa inyo? I need answerssssss~
--
Masaya bang maglaro ng feelings ng ibang tao? Bakit napakaraming ang hilig maglaro ngunit kapag nahulog ay hindi naman sasaluhin?
Wanna know why our society sucks?
I sighed as I gripped my hold at Desert Eagle I'm holding. I'm inside a Gun Tournament and pistols are the only weapon allowed to use here— because it's level is still low. At oo, baguhan palang ako dito dahil ngayon palang talaga ako sumali sa tournament na ito.
At ang dahilan ko? Hindi ko rin alam.
Pinaputukan ko ang dummies na kalalabas lang hindi kalayuan sa akin. Dumagdag ito sa puntos ko at ang puntos na iyon ay ang magiging daan upang makabili ako ng mas malaking baril dito. The gun I'm currently using is just a pistol, a low-level kind of gun which is why I need to improve. More. And more.
Nang matapos ko ang level one tournament kung saan ako ang nagrepresenta ay lumabas rin agad ako doon. Ngunit bago ako makalayo, nakita ko sa bulletin board— or lemme call it, hologram board, kung saan nakalagay ang ranking ng bawat level— which is I've beat the current number one who finished 20.4 seconds— who is now number two because of my 13.6 seconds.
The currently fastest among all.
Mas malalaki at nakabold ang pagkakasulat ng overall ranking, kung saan si Alpha ang nangunguna at pumapangalawa si Red. I know Red plays game like this but I don't expect Alpha to play this tournament, or maybe I really don't know even a bit from him aside from his username which is Alpha.
I sighed. Nagtuloy-tuloy ako sa paglalakad at binalak makipagmeet-up kay Yvonne sa isang coffee shop dito. We're still at our town, which Dustine planned to stay for a while. Until he knows where are those scrolls are hidden.
Perks of being one of the top three guild, may mga koneksyon kami na dahilan upang mapadali sa amin ang iba, pero hindi namin iyon gaanong inaabuso. I mean, kaunti lang, at kapag sobrang kailangan lang. Dito kasi sa pagkakataong ito'y kailangang-kailangan naming makuha ang mga scrolls na sasakto sa aming walo. Of course, one for all and all for one.
“Hey, bakit pala?” Pagkaupo ko ay iyan ang bumungad sa akin. Mas nauna ito sa meeting place namin kung kaya't may order na agad sya at ang nakakatuwa kay Yvonne ay inorderan nya rin ako ng aking paborito.
Huminga ako ng malalim bago inilibot ang paningin sa paligid. Nang makitang walang nakatingim sa amin ay mas lumapit ako kay Yvonne at pabulong na nagtanong.
“I want to ask you something but it'll be our secret.” Muli ay tumingin ako sa aking kaliwa't kanan, dahil pakiramdam ko talaga'y may nakikinig kahit wala naman. I sighed. “It's about the officials.” Bulong ko.
Napaawang ang labi nito at tuluyan kong nakuha ang atensyon nya. Dumukwang rin ito at bumulong na tanging kami lamang ang nakakarinig. “What about them?”
I'm still having second thoughts about this but I need her. I need them. I need my guild. Muli ay huminga ako ng malalim. “May nabalitaan kabang may mga taong mainit sa mata nila? Like, laging sinusundan, inaalam ang gawain o ano.” Because knowing Yvonne, malakas ito kung makasagap ng balita.
Bumakas ang pagtataka sa mukha nito. “No, haven't heard that kind of news. But I know that officials are dangerous. Why are you asking that?” Sabi nya at napainom ng kanyang frappe sa kaba. I saw fear when she whispered officials and I know she's one of those who are scared of them.
“Because that's what they're doing to me.” Napasinghap ito at nabitawan ang frappe na kanyang hawak nang marinig ang aking sinabi. I saw her dress, soaking in strawberry chip cream frappe she just had.
I was about to stand up and give her my handkerchief when she hold her hand up, “Stop, don't mind me.” Huminga sya ng malalim at pilit pinakalma ang kanyang sarili. This time, bakas na bakas na ang kaba sa kanyang mukha. “What do you mean… did you do something?” Bulong nya sa mas mahinang paraan, mas mahina kaysa sa klase ng pagkakabulong nya kanina. Ngayo'y sya naman ang pabaling-baling sa paligid. “You knoe what, we shouldn't talking about that here.” Which I agreed, pero saan?
It was like she read my mind when she smiles at me, and asked me to follow her. Tumayo ako at sinundan syang palabas ng coffee shop, not minding her white dress soaking and those weird stares from people around us. Mabilis naman itong nag equip ng damit at ngayo'y may suot itong brown croptop jacket, leather short and black knee-length boots. Her tummy was showing but she didn't even care about it.
Tahimik lang kaming naglalakad— sya na naglelead ng aming daan at ako habang nakabuntot sa kanya. At doon ko narealize na pabalik kami sa bahay na binili namin dahil na rin sa daang aming tinatahak.
Things here were changed. Kung dati ay simpleng paaralan lang ito, ngayo'y mistulang bayan na ito na napapanood ko sa anime. The houses are made of medieval style— houses made of woods and no paints, which I find it cool. Ang town hall lamang ang may napakaganda at napakaelegante rito pati na rin ang fountain na biglaan nalang sumulpot dito. I don't know but somehow, it was hard to recognize this place that was once our school.
Muli ay nagbalik ang aking atensyon nang lumiko si Yvonne papunta sa aming bahay. Oh, tama nga ako. Dito lang kami mag uusap— I stopped my thought because I'm wrong.
Dahil imbis na pumasok kami sa bahay ay nagdere-deretso kami sa likod nito. Sa likod ng bahay kung saan mayroong malaking puno ng akasya ay tumingala sya. Madaming sanga at dahon ang itaas nito kaya't hindi ko makita kung anong tinitignan nito sa itaas. Then, she extended her arms, and drew something in the air in which, in a span of time, a ladder suddenly fall from the top of the tree which made me jump in shock.
Napahawak ako sa aking dibdib, sa tapat ng aking puso. “What the heck?” I asked Yvonne but she just laughed at me.
“Tara sa itaas.” Sabi nito at naunang umakyat. Sumunod rin ako sa kanya at nang mapunta kami sa itaas ay may binuksan itong pinto. Nang pumasok ako doon ay halos mapanganga ako.
Hindi ko alam kung paano nagkasya ang napakagandang— nevermind. I forgot that we are now living in a fantasy world. Lahat ng impossible ay possible rito.
In front of me is a luxury unit in which we can stay and hide today and tomorrow, or maybe forever. Kapag nasa labas ay hindi mapapansing may treehouse dahil sa punong iyon na parang normal lang, ngunit ngayong nasa loob na kami ay mas maluwang pa 'to sa tent na nakuha namin, iyong may napakagandang kwarto sa loob! And oh, mas maluwang rin 'to sa bahay namin na katabi nito, promise!
She laughed when she saw my expression. “Stan and I got this prize when we entered the dancing tournament. Imbis na ibenta namin, naisipan naming gamitin nalang 'to dito sa punong akasya na 'to na hindi naman namin pinagsisihan. Ang ganda, 'di ba?” Tumango ako habang nililibot ang aking paningin.
The place is color gold because of the light around us. There are four rooms around the corner and the living room is so wide. There's a big brown couch and in front of it is a super big television. May nakapalibot ding mini-couch (or was it called single couch?) sa malaking couch na 'yon at sa ibaba ay may mattress na ma-furr at kulay brown din. And I think, dito na ako titira. Echos lang.
Pero… “Kailan kayo sumali?” Nanliit ang mata ko habang nakatingin sa kanya. Hindi ko talaga alam, eh!
She chuckled. “Last week, and we only got this prize yesterday. Ikaw kasi ayaw mong lumabas ng kwarto mo.” Natatawa nitong sabi. Ngumuso ako at naupo sa pinakamalaking couch. When I say naupo, tinanggal ko rin ang sapatos ko at inangat ang paa ko sa upuan.
“Alam na ba nila 'to?” I'm talking about the boys. Yvonne shook her head.
“Si Stan na raw ang magsasabi, at alam mo kung nasaan sila.” Right. They are on hunt. Humahanap kasi sila ng rare na klase ng meat dito at gusto daw nilang iluto iyon gamit ang recipes na nasa special cookbook na napanalunan ni Kayne. Hindi ko rin alam kung bakit ang dami na nilang nalalaman ngayon. Ito ba ang parusa ko sa hindi ko paglabas ng mahigit ilang linggo?
“So, spill.” Sabi ni Yvonne nang makaupo sya sa aking gilid at nakaharap sa akin. Humarap din agad ako sa kanya.
“Maririnig ba tayo ng iba sa pag uusapan natin?” Tanong ko sa kanya habang sya nama'y umiling lang. I sighed and starts telling her my observations.
“It started when I was on Alpha. You know, the special quest with bandits.” Tumango-tango sya at matiim na nakikinig sa akin. “I felt their stares when I finished the boss. At hindi ko alam kung bakit, pero simula n'on, pakiramdam ko'y lagi nang may nakasunod sa akin. I can tell that it's not a normal NPC because its aura is different. Much terrifying. And it feels like it's so powerful.” Tumingin ako sa kanya at nakitang seryoso ito habang nakikinig sa akin.
“That's why you distanced yourself to Alpha?” I nodded. Nanliit ang mata nito. “Sino-sino ang nakakaalam nito?”
“Dustine, he also felt them. You and… Alpha? I don't know.”
“The boys?” I shook my head.
“Baka mamaya ko nalang sasabihin.” Sagot ko sa kanya.
Naiwan ito sa malalim na pag iisip. “But… how sure are you that you're the one being followed?” Kumunot ang noo ko at mabilis na umiling.
“I mean, no. Si Alpha siguro? Kaya nga't humiwalay ako sa kanya 'di ba?” Humina ang boses ko sa mga huling salitang aking binanggit.
Pero napaisip ako.
“Si Alpha nga ba ang sinusundan, o ikaw?” Yvonne asked. Parehong-pareho sa aking iniisip.
Natigilan ako at hindi kaagad nakasagot. “I… I don't know.” I whispered. Bigla akong kinabahan sa ideyang pumapasok sa aking isipan.
Sino nga ba ang talagang sinusundan?