The Wandering Heart

By IrisChase

33 1 0

Actually eto talaga yung Love Story ni JM ng WHEN JM SMILES na di ko na talaga natapos. Pero promise tatapusi... More

PART 1
PART 3
PART 4

PART 2 FLASHBACK

7 0 0
By IrisChase

MAPAGLARONG tinakpan ni Milcah ang mga mata ng boyfriend na si Harold. Buong araw niya itong hindi nakita dahil naging abala ito sa pag-aasikaso bagong bukas na branch ng negosyo nito. Labis niyang na-miss ang binata.


"Kamusta naman ang araw ng mahal ko?" nakangiting tanong niya.


Mahigpit siyang niyakap nito. "Pagod, pero okay na ako ulit kasi nakita kita," anito at masuyong hinagkan siya sa noo.


"Napaka-sweet naman talaga ng lalaking pakakasalan ko."


Apat na taon narin silang magboyfriend at alam niyang ito na ang lalaking gusto niyang makasama habang buhay. Napakabuting tao nito at alam niyang mahal na mahal siya nito. Ganoon rin naman siya. Kaya niyang gawin ang kahit ano para dito. Noon lamang nakaraang linggo ay nag-propose na ito sa kaniya na agad din naman niyang sinagot ng "oo". Wala naman nang kailangang pag-isipan pa dahil sigurado na siya kay Harold. Hindi na niya makita pa ang sarili na iba ang kasama.


"Kumain ka na ba? Maghahanda ng espesyal na dinner si Mama, saluhan mo kami. Kumpleto kami mamaya, kailangan mo nang masanay na kasama kami, lalo na at magiging Mrs. Valero ka na," pabirong turan nito.


"Sigurado ka ba? Baka naman makaistorbo lang ako sa family dinner niyo." Okay naman sa kaniya ang pamilya nito. Ngunit hindi niya maintindihan kung bakit tila alangan ang pakiramdam niya tuwing kasama niya ang mga ito. Malamang ay dahil hindi siya sanay na napapalibutan ng mayayaman.


Lumaki kasi siya sa simpleng pamilya samantalang ang kasintahan ay lumaki sa marangyang pamumuhay. Ang alam niya ay hindi naman kailan man naging isyu sa relasyon nila ang estado nila sa buhay, sadyang hindi lamang siya sanay sa pamumuhay ng pamilya nito.


"Paano namang magiging istorbo ka eh malapit ka narin naming maging parte ng pamilya." Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa kaniyang mukha. "At isa pa, may bisita na darating mamaya na gusto kong makilala mo."


"At sino naman 'yan?"


"Ex ko," pabirong sabi nito. Bahagya itong napaigik nang kurutin niya ito sa tagiliran. "Joke lang, ito namang mahal ko hindi na mabiro. Basta, gusto kong makilala mo siya. Kaya sumama ka na sakin sa bahay para doon mag-dinner, okay?" wika nito kasabay ng isang kindat.


Nakangiting tumango siya. How could she resist this very charming man?


Nakatipon na sa hapag-kainan ang pamilya pagdating nila sa bahay ng mga Valero-or more appropriate to be called a mansion. Nalulula parin siya sa laki ng mansyon kahit na maraming beses na siya nakapunta roon. It was just huge!


Magalang na binati niya ang mga naroon bago umupo sa hinilang upuan ni Harold para sa kaniya.


"Wala parin ba si Juan? Kahit kalian talaga, missing in action 'yong lalaking 'yon. Ipapakilala ko pa naman siya kay Milcah," wika ni Harold nang makaupo na ito sa tabi niya.


"Baka nasa Timbuktu pa," pabirong sagot ng nakababata nitong kapatid na babae na si Hariette.


Isa ito sa mga kasundo niya sa pamilya. Pareho kasi ito ng kuya nito na kahit mayaman ay hindi matapobre at napaka-friendly din nito sa kanya.


"Baka nga, sabi ko sa kaniya agahan niya, eh."


"Baka ayaw ka lang talaga niyang makita, Kuya," wika pa ni Harriette. "Alam mo naman na ayaw no'n na nagpapatalo sa'yo. Tapos ngayon ikakasal ka na, malamang bitter 'yon."


"Aba, sadyang swerte lang ako," She heard Harold's older sister Hanna hiss. Alam naman niya noon pa na ayaw nito sa kaniya. "Wala na akong mahihiling pa." Tumingin pa si Harold sa kaniya. Punung puno ng pagmamahal ang mga mata nito.


Kaya niyang tiisin ang kahit ano para dito, pati ang disgusto ng ate nito. She loves this guy so much she is willing to endure anything.


NANGINGITI si Milcah habang pinapanuod ang pagkakabugnot ni Harriette. Pang-anim na beses niya na kasi itong natalo sa larong chess. Hindi pa ito nanalo sa kaniya mula nang magsimula silang maglaro. Mula nang matalo niya ito noon sa Chess ay palagi na siya nitong hinahamon na maglaro, hanggang ngayon ay wala pa itong panalo. She was once a national champion for Chess when she was in high school, people cannot expect less from her. Hindi pa naman siya nangangalawang sa larong iyon.


"Hahanapin ko muna ang kuya mo, Yet ha? Gabi na din kasi, hahanapin na ako sa bahay."


"Sige po, nasa study po ata sila ni Ate."


Tinungo niya ang study room na kung tutuusin ay library na sa laki. Maingat na binuksan niya ang pinto at naabutan na nag-uusap ang magkapatid. Hindi napansin ng mga ito ang pagbukas niya ng pinto. Hindi niya alam kung ano ang nag-udyok sa kaniya na manatili doon at tahimik na makinig sa usapan ng dalawa.


"You're really going crazy, aren't you, Harold? Hinayaan kita na makipagrelasyon sa babaeng 'yan dahil akala ko ay naglalaro ka lang at nag-try ng kakaiba. But now you are planning to marry her? This is insane. Hindi ako papayag, Harold."


"Why? Ano naman ang masama kung pakasalan ko si Milcah? Disente siyang babae at mabuting tao. At isa pa, mahal ko siya," walang gatol na sagot ni Harold.


Pakiramdam niya ay natunaw ang puso niya sa narinig. Talagang mahal siya ng binata.


"Mahal? Wala kang mapapala sa pagmamahal na 'yan. For Pete's sake, ikaw ang tagapagmana ng kompanya, Harold. You cannot let an uneducated woman be the wife of the future CEO of the Valero Empire. Ano na lamang ang sasabihin ng mga business partners natin? Na asawa palang hindi ka na marunong mamili, paano ka pa nila pagtitiwalaan ng negosyo nila. Mag-isip ka nga," mahahalata ang inis ni Hanna sa pagsasalita.


"My personal life has nothing to do with business, Ate. Wala akong pakialam sa iisipin nila. Pakakasalan ko si Milcah."


Naramdaman niya ang pag-iinit ng gilid ng kaniyang mga mata. Dahan-dahan niyang sinara and pinto at tinungo ang banyo.


MADALING araw na ay gising pa si Milcah. Pabalik-balik sa isip niya ang narinig niyang usapan ng magkapatid. Kahit alam niyang ayaw talaga sa kaniya ng ate ni Harold ay naiintindihan niya kung ano ang ibig nitong sabihin. Tama naman ito na ang isang tagapagmanang katulad ni Harold ay hindi karapat-dapat na magkaroon ng asawa na hindi nakatapos ng kolehiyo. Nakadalawang taon lang siya sa kursong Pharmacy ngunit hindi niya napagpatuloy ang pag-aaral dahil nagkaron ng malalang sakit ang nakababata niyang kapatid. Kaya kinailangan niyang magtrabaho para matulungan ang mga magulang niya sa mga gastusin. Marami nga ang nanghinayang nang hindi niya itinuloy ang pag-aaral dahil marami ang naniniwalang malayo ang mararating niya. She was a promising student, a dean's lister. Ngunit mas pinili niyang mag-full time job, mas importante sa kanya ang kaniyang pamilya. Ginawa niyang araw ang gabi, halos wala na siyang pahinga sa pagta-trabaho, kaya hindi na niya inalala pa ang sarili.


Noong nakaraang linggo lang ay may nag-alok sa kanya na mag-sponsor na ituloy ang pag-aaral niya. Ang kapalit nga lang niyon ay kailangan niyang lumipad papuntang America. Hindi pa niya nababanggit iyon kay Harold dahil sigurado siyang hindi rin siya nito papayagan lumayo. Baka magpumilit pa ito na ito na lamang ang sasagot sa pag-aaral niya.


But it now came to the point na kailangan niyang magdesisyon para sa sarili niya. Kailangan may gawin siya upang mapataas ang sarili, hindi lamang para sa sarili niya kundi para narin sa lalaking mahal niya. It's time to fulfill her own dreams. Alam niyang iyon ang makakabuti para sa kanilang dalawa ni Harold.


MILCAH was crying as she was loading her bags in the cab they rented. Paalis na siya papuntang airport. Tinanggap niya ang offer sa kanya na pag-aralin siya sa America. Inayos niya ang lahat ng papeles nang hindi pinapaalam kay Harold. Ayaw niyang magkaron ng rason na hindi niya ituloy ang balak, desidido na siya, gagawin niya ito para sa relasyon nilang dalawa.


She grabbed her phone as she was on her way to the airport. Ilang araw niyang hindi kinausap si Harold. Idinahilan niyang busy siya sa trabaho. Hindi din naman ito nag-usisa pa dahil busy din ito sa mga bagong bukas na branches ng tinayo nitong negosyo. She tried to stop herself from crying as she dialed his number.


"Honey, is everything all right?" bungad na tanong ni Harold. Narinig siguro nito ang bahagya niyang paghikbi. Masyado talaga siyang kilala nito.


"Harold, I'm on my way to the airport. I'm sorry, sinadya kong hindi sabihin sa'yo dahil alam kong hindi ka papayag. I'm going there to finish my studies and be successful. Pagbalik ko, I'm gonna be the right woman for you. Pagbalik ko, magpapakasal tayo." Hindi niya na napigilan ang mapaiyak. Tears were flowing freely on her cheeks.


"No, Milcah, you can't do this. Huwag mo akong iwan."


"I need to do this for us, Harold. Sana mapatawad mo ako, babalik ako."


"No, I won't allow you to leave."


Naputol ang tawag. Patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ni Milcah. Kailangan niyang magpakatatag. Kailangan niyang gawin iyon para sa kanilang dalawa.


After two years...


EXCITED na lumabas ng airport si Milcah. Sinundo siya ng kaniyang kapatid na lalaki at mga magulang. After two years, she is finally back.


"It's so good to be back!" aniya at niyakap ang mga magulang at kapatid. "Hindi siya sumama sa pagsundo sakin?" tanong niya na ang tinutukoy ay si Harold.


Napakatagal ang tiniis niya para sa binata. Those two years was like a decade without him. Sabik na sabik na siyang makita ito muli.


Nagkatinginan ang mga magulang niya. "Galit parin ba siya?" Nakaramdam siya ng lungkot. Mula nang umalis siya ay hindi talaga ito nagparamdam sa kanya. Hindi nito sinagot ang mga tawag niya, maging ang kapatid nitong si Harriette ay hindi na niya ma-contact. Wala rin namang masabi ang mga magulang niya tungkol dito.


Nagdesisyon siyang pumunta sa mansyon ng mga Valero pagkatapos niyang maiayos ang gamit niya sa kanilang bahay. She needed to speak with Harold. Panahon na para ayusin niya na ang mga gusot na naiwan niya.


Isa sa mga kasambahay ang nagbukas ng gate para sa kanya. Nagtaka siya nang tila nahintakutan ito nang makita siya. "Aling Felly, ako ho ito, si Milcah. Gusto ko po sanang makausap si Harold."


"A-ano ho, kasi po," namumutla na ang mukha ng matanda.


"Sino po ang bisita natin, Aling Felly?" boses ni Harriette iyon.


"Yet, si Ate Milcah mo ito." Lalo siyang nagtaka sa naging reaksyon nito. Tila may galit at hinanakit sa mga mata nito habang nakatingin sa kanya.


"Aling Felly, pakisabi kay Mang Roger ilalabas ko ang kotse, ako na po ang magda-drive," sabi nito nang hindi inaalis ang mata sa kanya.


"Gusto ko lang makausap ang kuya mo, Harritte. Alam kong galit kayo dahil sa ginawa ko, pero ginawa ko lang ang lahat ng iyon para sa Kuya mo."


"Dadalhin kita sa kanya." Ilang sandali pa ay nakasakay na sila sa kotse nito. Kumunot ang noo niya nang ipasok nito ang sasakyan sa isang private cemetery.


"Anong ginagawa natin dito, Harriette?"


Sinundan niya ito hanggang sa makarating sila sa tapat ng isang musuleo. They were now standing in front of a tomb. Pakiramdan niya ay hihimatayin siya nang makita kung ano ang pangalan na nakasulat sa lapida.


"This is not a good joke, Harriette. Please, dalhin mo ako sa kuya mo."


"This is not a joke, Ate. Kuya is gone. He died two years ago."


"Two years ago?"


"Nabangga ang kotseng minamaneho niya noong araw na umalis ka papuntang America. He tried to drive to the airport to stop you but he got into an accident. Ang sabi ng mga pulis na nag-imbestiga, nawalan daw ng break ang kotse ni kuya. Ikaw ang sinisisi nina Mama at Papa. Ate Hanna even tried to look for you para sampahan ka ng kaso but there was no legal basis para sampahan ka kaya hinayaan nalang nila. Ate, masama parin ang loob ko sa nangyari, but I know how much kuya loved you, pangalan mo parin ang binabanggit niya hanggang sa huling hininga niya."


Nanatili lamang na nakatulala si Milcah sa puntod ng binata. Hindi siya makapaniwala sa nangyayari. She came home successful, tiniis niya ang lahat ng hirap para lamang maging dapat para dito. Hindi niya alam na wala na siyang babalikan.


"Bumalik ako, Harold. Tinupad ko ang pangako ko, hindi mo man lang ako hinintay."


Lahat ng pinaghirapan niya ay wala nang halaga. Dahil ang tanging dahilan ng pagsisikap niya ay hindi na kailanman niya makakasama.


Continue Reading

You'll Also Like

4.9M 136K 76
[FILIPINO] HIGHEST RANKING| ROMANCE #3 08|18|19 Last year na ni Clay sa isang sikat na University sa Maynila. Napagaral at napagtapos nya ang kanyang...
404K 5.4K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...
7.3M 199K 41
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...