PART 3

0 0 0

PINAGMAMASDAN lang ni Milcah ang kaibigan niyang si Cindy habang pinipili nito ang mga damit na dadalhin niya para sa biyahe niya.

Nasa department store sila noon at namimili ng mga damit na kailangan niya para sa byahe. Sawakas ay pumayag din siyang tanggapin ang premyo ng contest ng The Lost Kid.

Mukhang mas excited pa nga ang kaibigan niya kaysa sa kaniya.

“Let’s take three swimsuits. Two piece para bongga. Siguradong madaming beaches and biyahe mo. Sinabi ba kung anu-anong lugar ang pupuntahan mo?” tanong ni Cindy.

“Ang sabi sa e-mail sakin, Sagada, Batad, Coron at Batanes.”

“Wow, so paano daw ang set up?”

“All-expense paid. May makakasama din ako na magco-cover sa travel ko for the blog and for personal use ko na din daw. Probably a photographer. Anything I would need—allowance, food and accommodation, they will provide.”

“Eh paano si Lost Kid? Hindi ka ba niya sasamahan?” tanong pa ni Cindy habang naglalagay ng kung anu-anong damit sa basket niya.

“Walang nabanggit eh.”

“Sayang naman. Para malaman na din natin kung anong itsura niya. He posts great photos, but photos of him would always be from afar, nakatalikod or natatakpan ng sun light ang mukha. Nakaka-frustrate, friend.”

Tumawa siya. Kahit siya ay naku-curious din sa itsura ng Lost Kid. He is quite famous pero nananatiling private ang personal life nito. All he needed to do was share his travels, and the readers love him.

“So kailan ang alis mo?”

“Two days from now. Makakauwi naman ako for a few days after ng Sagada at Batad trip, tapos sa Coron naman ang next destination.” Namili narin siya ng mga damit na kakailanganin niya sa Sagada at Batad trip niya. Being a reader of the Lost Kid’s blog, alam na niya ang mga dapat dalhin at ihanda. His blog is a really good guide lalo na sa mga first time traveler na tulad niya.

Impit na tumili ang kaibigan. “Excited na talaga ako sa travel mong ito, malay mo dito mo na mahanap ang forever mo!”

Pabirong binato niya ng bikini ang kaibigan. “Tigilan mo nga ‘yang kaka-forever mo, aalis ako to have some peace of mind at mag-soul searching, hindi para maghanap ng sakit ng ulo,” natatawang sagot niya.

“Basta, I have a feeling that this trip will change your life.”

Natatawang pumila siya sa counter. Somehow she does feel that this trip is gonna be a start of her new life.

The Wandering HeartBasahin ang storyang ito ng LIBRE!